Chapter 17
Carmella
"Bakit ka nakasakay sa kotse ni Aiden?" Mataray na tanong ni Liza habang nasa isang kubo at gumagawa sya ng report para ipasa mamaya sa HR.
"Hindi ba sinabihan na kita na huwag mong akitin si Aiden, dahil akin si Aiden!" Taas boses na sabi nito. Inikot lang nya ang mata at tinuloy ang pagsusulat.
"Sumagot ka pang kinakausap kita!" Sigaw nito sabay tabig sa mga gamit nya sa mesa.
"Ano bang problema mo!" Inis na sigaw rin nya at tinulak ito.
"Haba! Matapang ka ah!" Sabay tulak din nito sa kanya.
"Huwag ka ngang nagtatapang-tapangan dyan eh lahi naman kayo ng kaladkarin! Kaya ka nga nandito para masilaw mo si Aiden. Mga tulad ni Aiden ang tipo nyong magkakapatid hindi ba? Mayaman para maut-utan, tulad ni Grace peneraan ang Papa ni Aiden!" Sigaw nito na nagpawala sa pagtitimpi nya at malakas na sinampal ito sa pisngi. Tumagilid ang ulo nito at nanlilisik sa galit ang mga mata.
"How dare you! Malandi ka!"hiyaw nito at sinugod sya hinila ang buhok nya. Gumanti sya hindi sya dapat nagpapa agrabyado sa mga tulad nitong mapagmata at nilalait ang pamilya nya.
"Wala kang karapatan pagsabihan ng ganyan ang pamilya ko!" Sigaw nya habang hila-hila nya ang buhok nito ganoon din ito hila-hila rin nito ang buhok nya.
"Malandi naman talaga kayo! Pamilya kayo ng kaladkarin at mga kabit!" Sigaw nito na lalong kinagalit nya at malakas na tinulak ito. Nasadsad ito sa may pinto ng kubo, bago pa ito makatayo mabilis nya itong linapitan at hinawakan ng mahigpit sa mukha.
"Huwag na huwag mong iinsultuhin ang pamilya ko" mariing sabi nya at marahas na binitiwan yon. Humikbi ito at napahangulgol ng iyak pero tinalikuran lang nya ito.
"You'll regret this Mella! You'll regret this!" Sigaw nito habang umiiyak liningon nya ito at tinapunan ng masamang tingin bago tuluyang lumabas ng kubo.
Paglabas nya ng kubo nagbuga sya ng hangin. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naubos ang pasensya nya at wala syang pagsisising nararamdaman, sa tingin nga nya kulang pa ang sampal, at mga sabunot na pinatikim nya kay Liza sa ginawa nitong pag iinsulto sa pamilya nya. Maraming tao sa bayan nila ang humuhusga sa kanila pero walang naglalakas loob na sabihin yon sa harapan nila. Si Aiden oo dahil galit ito sa pamilya nila. Pero si Liza? Ano ba ang tingin ni Liza sa sarili nito, eh katulad lang din naman ito ng mga kapatid nya, mayaman lang ito at may pinag-aralan kaya mataas ang tingin sa sarili, pero kung tutuusin katulad lang din naman ito ng mga sinasabihan nyang malalandi at kaladkarin. Pero gaya nga ng sabi nya mayaman at may pinag-aralan kaya tingin nito sa sarili kakaiba ito.
Naglakad sya sa tabing dagat, wala na sya sa mood gumawa ng report magdadahilan nalang sya na bukas ipapasa yon. Nais muna nyang makalanghap ng hangin, nais muna nyang tumigil ang isip sa pag-aalala, nais nya munang mapaghinga kahit saglit lang.
Naupo sya sa bato at pinanood ang bawat hampas ng alon sa mga malalaking bato, habang linilipad ng malakas na hangin ang buhok nya at bestida. Pinikit nya ang mga mata. Ganito lang gusto nya katahimikan at tanging mga hampas lang ng tubig ang naririnig nya, kahit saglit lang mawala ang ano mang pangambang nararamdaman.
"What are you doing here Carmella?" Tinig na nagpamulagat sa kanya. Nakita nya si Aiden na nakatayo sa di kalayuan nya, naka kunot ang noo habang nakatingin sa kanya. Bumuntong hininga sya at tumingin sa dagat.
"Are you really want to risk yourself?" Tanong nito at lumapit sa kinauupuan nya.
"Malayo ka na sa beach at alam mong pwede kang mapahamak rito tulad kagabi" patuloy nito. Kung nag-aalala ito ay hindi nya alam, basta ang alam nya ang Resorts ang mahalaga rito at iniingatan nitong huwag nyang madungisan ito.
"I'm safe here" sagot nya na hindi man ito linilingon. Nanatili ang mga mata sa tubig.
"Sa tuwing nakikita ko ang mga hampas ng alon alam kong ligtas ako"
"Madalas ka ba rito?" Tanong nito at naupo sa isang bato malapit sa kinauupuan nya at nakaharap din ito sa dagat.
"Maybe yes"
"Bakit rito?"
"Dahil tahimik, pakiramdam ko nawawalan ako ng problema"
"Marami bang problema ang isang Carmella?"
"Alam mo ang sagot sa tanong na yan" sagot nya at bumuntong hininga at liningon si Aiden na sa mga alon nakatingin habang linilipad ang buhok nito. Napangiti sya saglit dahil ang gwapo nitong tignan.
"Bata palang ako marami na kong problema at pinoproblema, maraming tanong kung bakit ganito ang buhay ko, alam mo na, pakiramdam ko hindi ko pa naranasan ang maging masaya, parang ang damot sa akin ng salitamg masaya ni hindi man nagpaparamdam" napangiti sya sa sinabi dahil ewan nya kung bakit sinasabi nya kay Aiden ang mga bagay na yon. Marahil dahil wala syang kaibigang mapag sabihan, si May kaibigan nya pero hindi nya magawang buksan ang mga problema nya rito. Bakit kay Aiden ang dali nyang nasabi na hindi pa nya narasanasan maging masaya.
"Minsan natatanong ko sarili ko kung naging masama ba ko sa unang buhay ko at pinaparusaan ako ngayon?" Patuloy nya at iniling ang ulo para pigilan ang luhang namumuho. Sinulyapan si Aiden na tahimik lang nakikinig sa kadramahan nya habang sa dagat nakatingin.
"Mabuti pa ang mga batong ito, matatag kahit gaano kalakas ang hampas ng alon sa kanila hindi sila natitinag. Ako, ako" turo nya sa sarili at hindi na napigilan ang pag-iyak na tila ba ang tagal na nyang kinikimkim at ngayon lang binuhos at sa harapan pa ni Aiden, hindi nya mawari kung bakit kailangan sa harap pa ni Aiden.
"Ako... malapit nakong bumigay" impit na usal nya at humagulgol ng iyak.
"It's ok.. just cry it out, hanggang sa maubos na yang luha mo at gumaan ang pakiramdam mo" sabi nito at naramdaman ang kamay nito na humahagod sa likuran nya. Lalo syang napahagulgol dahil tila pakiramdam nya andyan si Aiden para makinig at makiramay sa kanya.
"Minsan we need to be true to ourselves, na we are not that strong, na we need someone to listen and help us"
"But no one wants to listen to me niether help me" bulalas nya at lalong lumakas ang pag-iyak. Tototo naman wala syang kaibigan na talagang mapagsasabihan at makakatulong sa kanya, dahil walang nais makinig at tumulong sa isang tulad nya.
"Isa akong Perez hindi ba? Sinong gustong makinig at tumulong sa isang Perez na kilalang pamilyang kaladkarin, malalandi, mga kabit" sagot nya rito, dahil alam nyang ito mismo ganoon ang tingin sa kanya at hindi nito kinakaila yon.
"Carmella, don't say that"
"Aiden ikaw mismo kaladkarin at malandi ang tingin sa akin hindi ba?" Luhaang tanong nya rito. Napalunok ito at tumitig sa mga mata nyang puno ng luha.
"No, Carmella no. You are different you are-"
"Different? Aiden pilit kong iniiba ang sarili ko, but no one believe me, they all think I will be like them, but I'm not, and I don't want to be like them, ayoko, ayoko" umiiyak na putol nya sa sasabihin sana ni Aiden.
"Ssshh... it's ok" bulong nito at hinila sya palapit rito at niyakap. Sinubsob nya ang luhaang mukha sa dibdib nito at lalong lumakas ang pag-iyak nya dahil pakiramdam nya safe sya kay Aiden na andyan si Aiden para makinig sa kanya at maniwala sa kanya at higit sa lahat tanggapin sya bilang Carmella Perez.
"I'm sorry kung nahusgaan kita, I didn't know, it just binulag lang ako ng galit ko sa pamilya mo, but I know you are different and I believe you Carmella"
"Why Aiden?" Tanong nya at tiningala ito, tumingin ito sa kanya kaya halos kahibla nalang ang layo ng mga labi nila sa isat-isa. At sa kabila ng pag-iyak hindi nakaligtas sa kanya ang abnormal na pagtibok ng puso ngayong yakap yakap sya ni Aiden at nasasamyo nya ang mabangong hininga nitong naghahatid init sa malamig na hanging humahampas sa kanila.
"I want to know why" sagot nito at sa isang iglap nasa mga labi na nya ang mga labi nito. Sa kauna-unahang pagkakataon nahalikan ang mga labi nya ng isang Aiden Del Castillo. Nanlaki ang mga mata nya ng una dahil sa pagkagulat, pero saglit lang yon, pinikit nya ang mata at ninamnam ang mga halik ni Aiden na inakala nyang sa panaginip lang pwedeng mangyari. Nadadala na sya ng mga halik nito ng bigla itong tumigil sa paghalik, pareho pa nilang habol ang paghinga, nagtama ang mga mata nila at anong nakita nya sa mga mata ni Aiden, lust? pagnanasa?, napalunok sya.
"I'm sorry" he breath.
"Aiden" usal nya pero mabilis itong tumayo mula sa pagkakaupo sa bato at naglakad palayo sa kanya. Wala syang nagawa kundi sundan lang ng tingin ang papalayong si Aiden.
"Why?" Tanong nya sa sarili at dinama ang mga labing hinalikan ni Aiden. Alam nyang hindi sya nananaginip hinalikan sya ni Aiden.