Chapter 16

Aiden

Pagpasok sa opisina hinihagis nya ang susi sa kotse at pabagsak na umupo sa swivel chair at inikot yon paharap sa salamin na bintana, kung saan nakikita nya ang halos kabuuan ng Del Castillo Resorts.

Pagbalik nya kagabi sa Resorts kaagad nyang hinanap ang lalaking nambatos kay Carmella at kaagad pinalabas ng Resorts nya, kasama ang mga kasamaan nito, ayaw nya ng gulo kaya binalik na lang nya ang bayad naman mga ito para hindi na humaba pa ang usapan, basta ang nais nya mawala oras mismo ang taong nambastos kay Carmella. Kung hindi lang malakas ang pagpipigil na ginawa nya baka nabugbog pa nya ang dayuhan pero ginawa nya lahat ang pagpipigil dahil ayaw nyang madala sa eskandalo ang Resorts. At gaya ng sinabi nya kay Carmella ayaw nyang madikit ang pangalan nito sa Resorts nya. Alam nyang gulo ang dala ni Carmella sa Resorts nya kaya una palang pinapaalis na nya ito, pero matigas ang ulo at nagpupumilit na tapusin ang isang buwan, dahil naghahanap din daw ito ng kasagutan sa tanong kung ano nga ba ang katotohanan sa pagitan ng Papa nya at kapatid nito. Ewan nya kung bakit at ano pang katotohanan ang nais nitong malaman eh malinaw pa sa tubig ng San Miguel na kumabit ang kapatid nya sa Papa nya. Niloko ng Papa nya ang Mama nya. Sa isiping yon naikuyom nya ang mga kamay.

Limang taon man ang nakalipas pero hinding-hindi nya makakalimutan ang araw na muntik ng mawala sa kanila ang Mama nya. Isang gabing hindi umuwi ang Papa nya at dahil doon ninais ng Mama nyang tapusin nalang ang buhay nito, kesa daw sa patuloy syang pagtawanan ng mga tao sa San Miguel dahil nagawa itong ipagpalit ng Papa nya sa isang mababang uri na tulad ni Marygrace Perez. Naglaslas ng pulso ang Mama nya at pinagpasalamat nyang natagpuan ito ni Ava bago pa maubusan ng dugo at kaagad na naitakbo sa ospital. Nakaligtas ang Mama nya at ginawa nila ang lahat para manatiling lihim ang nangyari sa Mama nya, ayaw nyang pag piyestaan ang pagtatangka pagpapakamatay ng Mama nya sa buong San Miguel. Tama na ang isang eskandalong kinasasangkutan nila. Wala syang pasisising naramdaman matapos ang ginawa nya sa pamilya ni Carmella, at hanggang ngayon galit at pagkamuhi parin ang nararamdaman nya sa pamilya Perez pero kay Carmella ewan nya kung bakit tila hindi sya sigurado kung galit oh ano nga ba ang nararamdaman nya para rito. Humugot sya ng malalim na paghinga at minasahe ang sintido na tila nananakit sa kaiisip kung anong katotohanan ang nais hanapin ni Carmella sa Del Castillo Resorts? At bakit isang linggong hindi bumalik ang kapatid nito samantalang ang Papa nya bumalik din ng malaman ang nangyari sa Mama nya. Nagtago marahil ito at na guilty kaya umabot ng isang linggo bago bumalik kina Carmella at gaya ng sabi ni Carmella bakit nanatiling tikom ang bibig ng kapatid nya kung ano nga ba ang nangyari ng gabing yon.

"Aiden" tawag na umagaw ng pansin nya at tila nagpabalik sa kanya mula sa malalim na pag-iisip. Liningon nya ang tumawag at nakita si Ivy nakangiti ito habang palapit sa kinauupuan nya.

"Where on earth have you been eh?" Tanong nito ng makalapit at naupo sa mesa nito.

"Kanina pa ko nakatayo rito, pero tila ang lalim ng iniisip mo" patuloy nito.

Si Ivy ang anak ng matalik na kaibigan ng Mama nya, ito ang nakasama nya sa America dahil doon ito nag-aral. At mula ng makabalik sya lagi itong bumubuntot sa kanya, sa America palang nilinaw na nya kay Ivy na wala itong maaasahan, ayaw nya ng commitment, ayaw nya ng karelasyon. Aaminin nyang may mga nakasama syang mga babae pero walang relasyon na nabuo. Lahat ng nakasama nya alam ang hanap nya hindi relasyon kundi tawag lang ng laman, isa si Ivy sa mga yon, pero dahil anak ito ng kaibigan ng Mama nya umaasa ito na may relasyon na pwedeng mabuo sa pagitan nila. Pero alam nya sa sariling imposible yon.

"What are you doing here?"

"Well, you forgot about the dinner last night, and hindi ako naniniwala sa reason mo kay Tita na busy ka sa work" malambing na sagot nito at pinaglandas ang kamay sa balikat nya pababa sa dibdib. Mabilis nyang inalis ang kamay nito at tumayo.

"Hindi ba nasabi ni Mama sa iyo na hindi ako tumatanggap ng bisita sa opisina ko" seryosong tanong nya at kinuha ang isang envelope sa mesa at binuksan yon. Isa sa mga rules nya na huwag gawin motel ang opisina nya. Alam naman nya kung ano ang sadya ni Ivy, sex that's it. Ivy always wants to have sex with him. Kahit noong nasa America pa sila hindi tinatago ni Ivy ang bagay na yon. Ivy is hot, she's really good in bed too. But, tila na sya nagsasawa sa pakikipag laro rito, lalo na't umaasa na ito ng malalim na relasyon sa kanya. And that will never happen, never in his wildest dream na makipag relasyon kay Ivy at seryosohin ito. Ivy wasn't virgin when they had sex at age 17, bakit nya magugustuhang makipag relasyon sa isang babaing kung kani-kanino muna napunta bago naging sa kanya, and he knows, until now Ivy's seeing another guy. Alam nyang hindi lang sya ang lalaki sa buhay ni Ivy hindi lang nya alam kung ilan sila, kaya ngayon palang nais na nyang tapusin ang mga bagay-bagay kay Ivy.

"Well, actually si Tita ang nagpapunta sa akin dito"

"Why?"

"I'm always honest to you Aiden" simula nito at lumapit nanaman sa kanya, niyakap sya nito mula sa likod.

"Stop it Ivy" saway nya at iniwasan ito.

"I'm here not to check on you, Tita asked me to look after this girl Carmella Perez" mabilis syang napalingon ng marinig ang pangalan ni Carmella kay Ivy.

"Tita told me na If I found her here, sabihin ko raw sa iyo and paalisin mo sya immediately. That's why andito ako I already found her here and you need to kick her out of here" seryosong sabi nito at naupo sa swivel chair nya.

"At bakit ko naman sya paalisin?"

"Come on Aiden, she's not supposed to be here, alam mo yan in the first place"

"Estudyante sya, pumasok sya ng legal rito and-"

"And she'a pretty huh, she looks innocent and fragile" taas kilay na dugtong nito sa sasabihin nya. Napalunok sya at binitiwan ang envelope sa mesa.

"That's the reason why you are keeping her here, kahit alam mo kung sino sya right?"

"Ivy marami pa kong trabaho, please mauna ka na" sagot nya dahil nais nyang iwasan ang mga tanong nito, dahil kahit sya wala pa syang malinaw na dahilan kung bakit hindi nya mapaalis si Carmella. Sinubukan naman nya pero mapilit ito nais nitong manatili sa Resorts. Alam nyang magagawa nyang mapaalis si Carmella kung gugustuhin nya pero tila ayaw nyang gawin.

"Yeah, don't worry I'll do it for you, ako ng bahala kay Carmella kung nahihirapan kang paalisin sya sa Resorts" sagot nito at tumayo na, bago pa man sya makapag salita nagtuloy na ito sa paglabas ng opisina nya.

"Damn it!"