Chapter 15
Carmella
"Sino yon Mella?" Nakangusong tanong ng Ate Lanie nya ng salubungin sya nito sa pinto.
"Sinong naghatid sa iyo?" usisa nito habang nagkanda haba-haba ang leeg nito sa pagtanaw sa labas.
"Kaibigan lang" matamlay na sagot nya at nagtuloy na sa pagpasok sa loob.
"Wala ka namang kaibigan ah" nakasunod na sabi nito. Nagkibit balikat lang sya at naramdaman ang jacket na nakasabit sa mga balikat.
"Kanino jacket yan? Mukhang mahal ah" tanong nito at mabilis na hinila ang jacket sa balikat nya.
"Ang bango pa ah" habang inaamoy-amoy ang jacket.
"Mayaman ba yong naghatid sa iyo? Lalaki yon no? Ano jowa mo?" Sunod-sunod na usisa nito habang hawak hawak parin nito ang jacket ni Aiden at inaamoy-amoy.
"Akin na nga yan!" Inis na sabi nya sabay hila sa jacket at naglakad na paakyat sa taas. Pinagpasalamat nyang ang Ate Lanie nalang nya ang nasa sala dahil kung nagkataon na gising pa ang Ate Joan na isa pa yon sa hindi titigil sa kakausisa kung sino ang naghatid sa kanya. At alam nyang magugulat ang mga ito at baka hindi pa maniwala pag sinabi nyang si Aiden Del Castillo ang naghatid sa kanya.
"Hoy Mella! Hindi mo ba ko sasagutin?" Habol nito, pinaikot lang nya ang mata at walang kibong umakyat sa taas.
Pagpasok sa silid, nakita nyang nakahiga na ang Nanay nya sa kama. Naupo sya sa sofa sa may gilid ng tokador, tinaas nya ng mga tuhod roon at niyakap.
Takot na takot sya kanina dahil buong akala nya mapapahamak na sya. Dinala sya ng pag babike sa Del Castillo Resorts at dahil lagi naman syang libri pumasok doon, naisipan na nyang pumasok sa loob kahit gabi na. Ang dami kasing gumugulo sa isip nya at sa dami ng iniisip hindi nya namalayan na napalayo na pala ang paglalakad nya at mula kung saan sumulpot ang isang lasing na lalaki na tila ibang lahi marahil turista lang ito at hindi taga San Miguel agad nyang nahulaan na lasing ang lalake dahil sa kilos nito. Nagtitili sya ng bigla syang yakapin nito sa bewang at pilit inihiga sa buhanginan, nanlaban sya at ginawa ang lahat para matakasan lang ang lasing na lalaki, at pinagpasalamat nyang nagawa nyang mailayo sa kanya ang lalaki at nagtatakbo palayo, pero sinundan sya ng lalaki, binilisan nya ang pagtakbo at dahil narin sa takot at kaba naiyak sya dahil hindi nya alam kung makakaligtas sya. Panay sigaw nya at hingi ng tulong pero dahil malakas ang musika sa isang cottage ay walang nakakarinig sa kanya. Isama pa na gabi na rin kaya halos nasa loob na ng mga cottage ang mga guest ng Resorts. Dinala sya ng pagtakbo sa cottage ni Aiden. Ewan nya kung bakit doon sya dinala ng mga paa, kahit wala namang kasiguraduhan na nasa loob ng cottage si Aiden at kung tutulungan ba sya nito kung sakali. Halos magiba na nya ang pinto sa pag kabog at mawalan na sya ng boses sa kakasigaw kay Aiden. At pinagpapasalamat nya ng bumukas ang pinto at nakita ang gwapong mukha ni Aiden na nakakunot ang noong nakatingin sa kanya, na wari'y nagtataka kung anong nangyayari sa kanya at kung ano ang ginagawa nya sa cottage nito sa ganitong oras. Matapos nyang masabi rito ang lahat, nakitaan nya ng pag-aalala si Aiden sa mga mata nito, tulad ng nakita nya noong iligtas sya sa pambabastos ni Jeff. Nag-aalala ba talaga sa kanya si Aiden? Tanong nya sa sarili at niyakap ang mabangong jacket ni Aiden. Aaminin nyang nakaramdam sya ng relief ng makita si Aiden pakiramdam nya ligtas sya kay Aiden at walang mananakit sa kanya. Sa ikalawang pagkakataon nailigtas sya ni Aiden sa mga nambabastos sa kanya. Una noong highschool sya kay Jeff at ngayon sa isang dayuan na nais syang gawan ng masama.
"Aiden" bulong nya. At tila nakikita nya ang gwapong mukha nito.
Kinabukasan sa almusal sya ang pinag-uusapan pilit syang tinatanong kung sino ang naghatid sa kanya kagabi. Pero hindi nya sinagot ang mga ito, mabilis nyang inubos ang almusal.
"Ang arte mo ah! Sabihin mo na kase!" Pamimilit parin ng Ate Lanie nya.
"Wala nga yon" sagot nya at tumayo mula sa hapag kainan at mabilis ng lumabas ng bahay para iwasan na ang mga ito.
"Tignan nyo Nay wala yung bike nya" narinig pa nyang sumbong ng Ate Lanie nya sa Nanay nila.
Wala syang bike kaya kailangan nyang lakarin ang papunta sa Del Castillo Resorts, ayaw nyang mag tricycle dahil mamahalan sya sa pamasahe, lalo naman sa taxi. Isa pa sanay na sya sa malayo-layong lakaran. Kinuha nya ang ballpen at papel sa bag para isulat ang mga gagawin nya sa Resorts ngayon araw habang naglalakad. Nang may bumusina sa kanya. Napalingon sya at nakita ang pamilyar na kulay abong mamahaling sasakyan. Huminto sya sa paglalakad ng tumigil ang kotse sa harapan nya. Ilang saglit lang bumaba ang driver ng mamahalin kotse. Si Aiden naka kulay asul itong damit magulo ang buhok na tinatangay ng hangin at syempre gwapong-gwapo nanaman ito at tila para sa kanya ito na ang pinakagwapo sa San Miguel. Kumunot ang noo nya matapos itong masuri.
"Good morning" walang ngiting bati nito habang nakatayo sa bukas na pintuan ng kotse.
"Get in isasabay na kita sa Resorts" sabi nito habang nakatingin sa bestida nyang pinapahid ng hangin at ilang beses na nyang pinipigilan sa mga kamay.
"Malayo-layo pa ang Resorts, baka lawit na yang dila mo pagdating mo doon"
"Doon ba ang punta mo?" Tanong nya dahil sa pagkakaalam nya sa Tragora Subdivision ang bahay ng mga Del Castillo at kung galing ito sa bahay hindi dapat ito ang daan nito papunta sa Resorts.
"Sumakay ka na" ulit nito. Sinulyapan nya ang mahabang kalsadang lalakarin pa nya kung sakaling hindi sya sasabay kay Aiden. Isa pa niligtas sya ni Aiden kagabi bilang pasasalamat nalang nya rito ang huwag tanggihan itong isabay sya. Tumango sya at inayos ang bag na nakasabit sa katawan at humakbang palapit sa passenger seat. Ito na ang ikalawang beses nyang pagsakay sa magarang kotse ni Aiden at hindi man sya nito pinagbubuksan ng pinto tulad ng mga napapanood nya. Bakit naman gagawin sa kanya ni Aiden yon eh galit nga ito sa kanya, marahil tumutulong lang ito dahil naaawa ito sa kanya.
"Salamat pala kagabi" basag nya sa katahimikan habang tinatahak nila ang malinis at maaliwalas na kalsada ng San Miguel.
"Don't mention it"
"Yun jacket pala nasa bahay pa, lalabhan ko muna bago ko isoli" patuloy nya habang pasulyap-sulyap sya sa gwapong mukha nito. Nasa kalsada naman ang pansin nito kaya malaya nyang napapagmasdan ang mukha nito. May makapal na kilay pala ito at magagandang pilik mata na bumagay sa mga mata nito hindi naman singkit pero maliit, matangos ang ilong nito at manipis ang mga labi, ang chin nito may mga tila tumutubo ng balbas roon, marahil hindi ito nakapag ahit.
"Enjoying the view?" Tanong nito na di man sya nililingon. Napalunok sya at mabilis na tumingin sa labas ng bintana.
"Yeah... yeah.." tarantang sagot nya.
"Anyway, pinaalis ko na ang lalaking nambastos sa iyo kagabi" sabi nito.
"Oh.." tanging nasabi nya at napakagat sa ibabang labi narinig nyang tumikhim si Aiden at sinulyapan sya.
"Carmella, I don't want anyone to know about what happened last night and-"
"I see, kaya mo ba ko isinabay para sabihin na huwag kong sabihin sa iba ang nangyari sa akin sa Resorts?" Paniniyak nya kahit alam na nya ang isasagot nito.
"Well, Carmella hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat but all I know, you were in danger that night and nagpapasalamat ako dahil napunta ka sa cottage ko"
"Yeah.. dahil kung sa ibang cottage baka kumalat ang nangyari hindi ba? At iniisip mo na malaking kasiraan sa Resorts pag nalaman ng lahat ang nangyari sa akin ganoon ba?" Tanong nya na hindi maitago ang inis, dahil alam na na nya ngayon ang dahilan kung bakit tila bumait ito ng konti sa kanya. May pa hatid-hatid pa ito kagabi at ngayon naman sinabay daw sya, alam naman nyang inabangan talaga sya nito para makausap na huwag sabihin sa iba ang nangyari.
"I'm just saving my Resorts, ayokong madungisan ang pangalan ng Resorts ko, at ayoko ding madikit ang pangalan ng Resorts sa pangalan mo Carmella" mabilis na sagot nito na nagdulot ng konting kirot sa dibdib nya.
"Yeah right, dahil pag nadikit ang pangalan ng Resorts sa pangalan ko malaking kasiraan yon para sa Resorts" tanging sagot nya.
"That's why una palang pinaalis na kita, but of course nagmamatigas ka at ayaw mong umalis!" Madiin na sagot nito at pinasok sa malaking gate ang sasakyan.
"Tatapusin ko ang isang Mr. Del Castillo at sa loob ng isang buwang pananatili ko rito hindi ko dudungisan ang Resorts mo, gaya ng unang pakay ko rito, nais ko lang malaman ang katotohanan kung-"
"Ano pa bang katotohanan ang hinahanap mo dito sa Del Castillo?" Tiim bagang na sagot nito at marahas itong humarap sa kinauupuan nya.
"Marami Mr. Del Castillo, nahihiwagaan ako sa mga pangyayari, at aalamin ko yon, at hindi mo ko mapipigilan"
"Alamin mo kung anong gusto mong alamin dahil para sa akin isang kabit ng Papa ko ang kapatid mo, at kung may mahanap ka mang kasagutan dito sa Del Castillo sinisiguro ko sa iyong lalo ka lang masasaktan at ilulugmok ang kapatid mo sa kasalanan!" Mabangis na litanya nito. Hindi sya umimik saglit syang naghanap ng isasagot pero wala syang nakapa kaya mabilis nalang syang bumaba ng sasakyan nito. walang lingon na naglakad sya papunta sa HR office.
nasasabing iniligtas sya ni Aiden sa pangalawang pagkakataon, at ngayon alam na nya ang dahilan nito.