Chapter 14

Aiden

"Ma, I'm sorry, I can't make it, ang dami pang trabaho dito sa Resorts" sagot nya sa ina ng tawagan ito kinagabihan. Nakailang tawag na ito sa kanya sa cellphone nya at sa Secretary nya pero hindi na nakausap dahil sa dami ng inaasikasong mga papeles sa Resorts.

"Hijo, alam mo naman na schedule ng dinner ni Ivy ngayon sa bahay diba?"

"Yes, Ma, but and dami kong paperworks na kailangan tapusin tonight"

"I'll set another dinner date when you are not busy Hijo, just call Ivy tonight and explain everything to her. Baka magtampo sa iyo yon" sagot ng Mama nya sa kabilang linya.

"Yes Ma, don't worry I'll call her tonight. Enjoy the dinner and goodnight Ma" paalam nya sa ina at inilapag sa ibabaw ng mesa ang cellphone. Hinagod nya ang batok na kanina pa sumasakit sa dami ng trabahong kailangan nyang gawin.

"I'm not supposed to be here" bulong nya at binagsak ang katawan sa malaking kama. Dinala nya sa cottage ang trabaho sa opisina dahil wala syang balak magpalipas ng gabi sa opisina nya sa Resorts kaya binitbit nalang nya ang mga papeles na kailangan nyang basahin at pag-aralan para magawan ng solusyon ang problema sa Resorts.

Sapilitan syang binabalik ng bansa ng Papa nya dahil nais nitong sya na ang mag manage sa Resorts. Dahil nasa tamang edad na daw sya at kayang-kaya na nyang patakbuhin mag-isa sa Resorts. Alam nyang isa lang sa maraming dahilan ng Papa nya ang Resorts kung bakit sya nito pinabalik sa San Miguel. Limang taon syang nawala sa San Miguel dahil sa nangyaring eskandalo noon ay sapilitan syang dinala ng Papa nya sa America, para matigil na ang pang-uusisa nya tungkol rito at sa pamilya Perez na nayugnay rito. Wala naman syang nagawa ng mga panahong yan kaya sumunod nalang sya, doon sya nakapag tapos ng pag-aaral at kumuha na rin ng Master degree. Alam naman nyang sya ang mag mamanage sa Del Castillo Resorts pag umuwi sya ng San Miguel, sya lang kasi ang nang-iisang anak na lalaki sa pamilya nila, may dalawa syang kapatid na babae, si Ava na nakagraduate na rin at may sarili ng boutique sa loob ng Tragora Mall, at Aiza naman na nasa 3rd year college palang. Kaya wala ng ibang maaasahan ang Papa nya sa pagpapatakbo ng Resorta kundi sya. At sumasakit ang ulo nya sa dami ng dapat nyang ayusin sa Resorts, dahil pakiramdam nya napabayaan ng Papa nya ang Resorts at kung nagmatigas pa siguro sya at hindi bumalik sa San Miguel eh baka tuluyan ng bumagsak ang Resorts.

Ang Del Castillo Resorts ang nag-iisang Resorts sa bayan ng San Miguel, namana ng Papa nya ang Resorts sa mga magulang, nag-iisang anak lang ang Papa nya kaya rito napunta ang malawak na Resorts, nung una napapalago ng Papa nya ang Resorts, maraming dumadayong turista at mga karatig bayan kaya naman sikat na sikat ang Del Castillo Resorts sa maraming lugar. At nitong mga nakalipas na taon may pakiramdam syang napabayaan ng Papa nya ang Resorts, nakita nyang humina ang kita ng Resorts na kinailangan pang mag bawas ng tauhan sa ilang department at marami ring mga silid sa Hotel ang hindi na maayos at kailangan ipagawa.

Nagbuga sya ng hangin at hinawakang ang nananakit na ulo napapikit sya at mula sa kung saan ay lumitaw ang magandang mukha ni Carmella. Mabilis syang nagmulat ng mga mata at napatitig sa kisame at tila mula roon ay nakikita nya ang maamong mukha ni Carmella na ilang gabi ng gumugulo sa isipan nya, ilang gabi na syang hindi pinapatulog ng kakaisip kay Carmella, nagtataka sya kung bakit at pilit sinasaway ang sarili sa nakikitang dahilan. Hindi sya dapat nababagabang ng isang Perez, hindi nya dapat iniisip si Carmella, at lalong-lalong hindi sya dapat maakit sa maamong mukha at ganda nito at sa katawan nitong mapang akit.

Ilang beses na ba nyang minura ang sarili dahil sa tuwing makita si Carmella nais nya itong mahawakan at mahalikan. Mula ng makita nya ito sa Tragora Mall hindi na ito nawala sa isip nya, at sa unang pagkikita nilang yon ay agad nya itong nakilala. Limang taon man ang lumipas walang nagbago sa maamong mukha ni Carmella andoon parin ang kainosentehan sa mga mata nito. At alam nyang takot at galit sa kanya si Carmella, at dapat ganoon rin ang maramdaman nya rito, dapat galit sya kay Carmella at hindi kung anu-anong damdamin ang napupukaw nya rito.

"Damn you Aiden" bulong nya sa sarili at naupo mula sa pagkakahiga nilamukos nya ang mga palad sa mukha nya.

"Stop thinking about her! She's not good for you" bulong nya ulit sa sarili at tumayo, nagtuloy sa ref at kumuha ng alak binuksan yon at mabilis na ininom. Hindi sya mahilig uminom pero mula ng makabalik sya at makita si Carmella tila nasasanay na sya sa pag-inom.

"Aiden! Aiden! Open the door! Aiden please open the door!"

Sigaw mula sa likod ng pinto kasabay ang malalakas na kabog sa pinto at pilit na pag-ikot sa door knob. Mabilis nyang ibinaba ang alak at lumapit sa pinto na pakiramdam nya ano mang oras magigiba sa lakas ng mga kabog.

"Aiden! Aiden!"

"Carmella?" Nagtatakang sabi nya ng makita si Carmella sa labas ng pinto, humihingal at puno ng luha ang mga mata. Kumunot ang noo nya sa nakitang itsura nito.

"Please let me in" pagsusumamo nito at liningon ang pinag galinggan. Sinundan nya ang tinitignan nito. Isang lalaki ang nakita nyang tumatakbo palapit, mabilis nyang hinila si Carmella papasok ng pinto at lumabas ng pinto para tignan ang lalaking sumusunod kay Carmella. Tumigil ito sa pagtakbo ng makita sya at nagtaas pa ng dalawang kamay at tumalikod na naglakad palayo.

"What happened?" Tanong nya kay Carmella at pinaglipat-lipat ang tingin nya kay Carmella sa lalaking naglalakad palayo. Marahil turista ito na nasobraan sa alak dahil pa gewang-gewang ang lakad nito, at marahil mabagal din ang pagtakbo dahil hindi nito naabutan si Carmella.

"Wala na ba sya?" Takot na tanong nito habang tumutulo ang mga luha sa pisngi at nanginginig ang buong katawan, nakayakap ang mga kamay nito sa sarili at nasa mga inosenteng mata ang takot.

"He's gone, what happened?" Muling tanong nya. Napahagulgol naman ng iyak si Carmella at tila nanlalambot ang katawan, inalalayan nya ito at pinaupo sa kama.

"He... he... he.. tried to touch me" sagot nito sa pagitan ng pag-iyak.

"Buti nalang... naka.. takbo ako" patuloy nito at lalong lumakas ang pag-iyak. Naikuyom nya ang mga kamay at nagtatagis ang mga bagang sa galit.

"Tama na.. he's gone and I am here, I won't let anyone hurt you" ewan nya kung bakit nya nasabi ang mga bagay na yon. Pero alam nya sa sarili na totoo lahat yon at yon ang nararamdaman nya ngayon habang nakikita nyang umiiyak si Carmella at takot na takot dahil sa maniac na yon. Bukas na bukas hahanapin nya yon at paaalisin sa Resorts wala syang pakialam kung turista ito o ikakasira man ng Resorts ang gagawin nya ang mahalag walang masamang loob na makapasok sa Resorts nya.

"Uminom ka muna" at iniabot ang baso ng tubig, nagpunas muna ito ng mga luha sa pisngi bago tinaggap ang baso at mabilis na ininom yon.

"Salamat"

"Saan ka ba nakita ng lalaking yon?"

"Sa may tabing dagat, naglalakad-lakad ako ng bigla syang sumulpot kung saan" sagot nito habang pinapahid sa mga kamay ang mga luha at ilang beses nyang napansin ang pag kagat nito sa labi, at di rin ilang beses syang napalunok habang pinagmamasdan ito. Suot parin nito ang bestida nitong kulay dilaw na lalong nagpatingkad sa maputi nitong balat at nagpapakita sa magandang hubong ng katawan nito. Simple pero may kakaibang dating na gumugulo sa kanya.

"Out of nowhere he grabbed me sa bewang then ayun nagtitili na ko, but parang may party doon dahil malakas ang music walang nakarinig sa akin, so ayun nagtatakbo nalang ako, and worst hinabol nya ko kaya ako nakarating dito" Patuloy  nito at liningon sya. Mabilis nyang iniwas ang mga mata rito, ayaw man nyang aminin pero may epekto sa kanya si Carmella at hindi nya ito nagugustuhan.

"Then why here? Bakit sa cottage ko?" Tanong nya nagkasalubong ang mga mata nila at muling napakagat labi si Carmella. He groan.

"I don't know, maybe I thought I'm safe in here"

"Safe in here? With me Carmella?"

"Why? Am I not safe in here with you?" Balik tanong nito habang nakatitig sa mga mata nya.

"I know you hate me so much, but you won't let him rape me sa loob ng Resorts mo, dahil alam kong ayaw mo ng eskandalo"

"Definitely, and anong ginagawa mo Resorts ng ganitong oras?" Pang-iiba nya ng usapan dahil alam nyang magbabangayan lang sila at sinulyapan ang relo sa braso, mag a-alas nueve na ng gabi.

"At paano ka nakapasok sa loob tapos na ang duty mo?" Nagyuko ito ng ulo at kagat kagat nanaman nito ang ibabang labi. Naiinis na sya dahil kanina pa sya nito  inaakit ng walang kamalay-malay.

"Pinapasok ako, dahil sabi ko may nakalimutan ako sa loob" nakayukong sagot nito at alam nyang nagsisinungaling ito dahil hindi sya nito matignan ng derecho.

"Well, gabi na ihahatid na kita" prisinta nya at hinila ang jacket na nakasabit sa upuan at iniabot kay Carmella.

"Ah.."

"Isuot mo malamig sa labas pag gabi"

"Huwag na sanay na ko" tanggi nito at tumayo mula sa kama.

"Thank you" nahihiyang sabi nito at humakbang palapit sa pinto.

"Ihahatid na kita"

"Huwag na nasa labas ang bike ko at-"

"Enough" putol nya sa pangangatwiran nito at ipinatong sa magkabilang balikat nito ang jacket at hinila ang susi sa tokador malapit sa kama at giniya na nya ito palabas ng cottage.

"Sanay na kong mag bike ng ganitong oras"

"Matapos ng nangyari sa iyo hindi ka natatakot na umuwi mag-isa?"

"Natatakot pero-"

"Get in"

"Aiden baka kase-"

"Carmella get in the car" utos nya at buti naman sumunod na ito bago pa sya tuluyang mainis.

"Yung bike ko nasa may poste" sabi nito habang papalabas ng gate ang sinasakyan nila.

"Balikan mo nalang bukas, ang importante makauwi ka ng maayos ngayong gabi" sagot nya na sa kalsada ang mga mata.

"Ituro mo kung saan ang daan sa bahay mo" 

"Kahit sa may kanto mo nalang ako ibaba huwag na mismo sa bahay"

"Wala akong atraso sa pamilya mo, kayo ang may atraso sa akin, kaya wala akong dapat ikatakot sa pamilya mo" sabi nya nang mahulaan nyang nag-aalala ito baka makita sya ng mga kapatid. Sinulyapan nya ito pero nanatiling sa labas ng bintana nakatingin at hindi pinansin ang sinabi nya.

Inihinto nya ang kotse sa tapat mismo ng bahay nila, sinilip nya ang bahay na may dalawang palapag at yari sa kahoy at mukha lumang bahay na marahil inuupahan lang ng mga ito, dahil ang alam nya palipat-lipat lang ng mga paupahang bahay ang pamilya ni Carmella.

"Salamat Aiden" pasalamat nito at kinapa ang lock ng pinto.

"See you tomorrow Carmella" sagot nya. Tumango lang si Carmella at bumaba na ng sasakya. Mabilis nyang pinaandar ang sasakyan, hindi na nya hinintay na makapasok sa loob ng bahay si Carmella.

Ayaw muna nyang makita ang mga kapatid nito lalo na si Grace ang babaing muntik ng sumira sa pamilya nila.  Dahil sa mga nangyari noon muntik ng mamatay ang Mama nya, nang gabing palayasin nya si Carmella at pamilya nito ay nagtanggkang magpakamatay ang Mama nya at mabuti nalang kaagad itong naisugod sa ospital at kung sakaling nawala ang Mama nya ng mga oras na yon, hindi nya alam kung ano ang mga kaya nyang gawin kay Carmella at pamilya nito.

"Damn it Aiden! You should hate her!" Mura nya sa sarili at sumiklab muli ang galit nya sa mga ito matapos maalala ang mga pag-hihirap ng Mama nya ng mga panahong yon.