Chapter 13
Present.
"Mella kumusta naman ang unang araw mo sa Del Castillo Resorts?" Tanong ni May ng makasabay ito sa School Cafeteria.
"Ok lang" tipid na sagot nya. Ayaw sabihin sa kaibigan na unang araw palang nya pinapalayas na sya ni Aiden. Inaasahan naman nyang mangyayari yon, pero hindi sa unang araw.
"So ano, nakita mo ba si Aiden Del Castillo roon?" Excited na tanong nito at siniko pa sya.
"Narinig ko bumalik na raw sya sa San Miguel, at ito na raw ang mag mamanage sa Resorts nila, alam mo bang si Aiden Del Castillo ang topic ng mga guest sa VincElla Hotel" paliwanag nito. Hindi sya sumagot. Tinuon ang pansin sa kinakain na pancit, pero di naman nya nalalasaan na dahil na kay Aiden ang isip nya. Matapos ang nangyaring insedente sa kanila ni Aiden kahapon, tila naulit ang mga nangyari limang taon na ang nakakalipas. Walang nagbago kay Aiden sa loob ng limang taon, mas lalo lang itong naging makisig at gumuwapo pa at pakiramdam nya mas lalo din itong naging mapanganib para sa kanya at sa pamilya nya.
Hindi nya sinabi sa mga kapatid at sa Nanay nya ang tungkol kay Aiden ayaw nyang mabigyan pa ng isipin ang pamilya, lalo na ngayon masaya na ang mga ito, isama pa na excited ang mga ito sa pag aasikaso sa kasal ng Ate Grace nya.
Mula ng nangyari ang gabing pagpapalayas ni Aiden sa kanila ay hindi na muling nag krus ang landas nila ni Aiden, yun na ang huling pagkikita nila nito.
Isang linggo bago nakabalik ang Ate Grace nya noon pero wala ni isang sagot ang nakuha nila sa kapatid, hindi nito sinabi kung ano ang nangyari at kung magkasama nga ito at si Mr. Del Castillo ng mga araw na yon. Nirespeto naman nila ang pananahimik ng Ate Grace nya, magpa hanggang ngayon hindi parin nila napapag-usapan ang tungkol doon. Ilang beses na nyang sinubukan itanong sa kapatid pero agad na umiiwas ito. Kaya hanggang ngayon wala pang linaw kung ano nga ba ang nangyari sa kapatid at kay Mr. Del Castillo.
Halos dalawang buwan silang nanirahan sa kabilang bayan para maiwasan muna ang mga tao sa San Miguel. Pero hindi naging madali sa kanya ang lahat ng yon, lalo na sa pag-aaral nya na sa tuwing papasok sya sa eskwelaan sya lagi ang pinag-uusapan ng mga ka eskwela, ang nasaksihan ng mga ito na ginawa sa kanya ni Aiden at ang kumalat na pagpapalayas sa kanila ni Aiden. Tiniis nya lahat yon hanggang sa makapagtapos sya at makapasok sa SMU, pero tila wala naman nabago dahil ganoon parin sya kung tignan ng mga ka eskwela sa SMU, marahil hindi nga lang sya pinagbubulungan o hindi pinag-uusapan ng mga estudyante ang tungkol sa kanilang pamilya, marahil dahil hindi naman interesado ang mga ito na pag-usapan pa ang buhay nilang mag-anak eh hindi naman sila mayaman tulad ng mga ito, malayo ang estado ng buhay nya sa buhay ng mga ka eskwela kaya nga tanging si May lang ang kaibigan nya at kumakausap sa kanya, isama pa na hindi nya kayang makipag sabayan sa mga ka eskwela dahil lahat magaganda ang mga damit na sinusuot sa araw-araw na pagpasok, samantalang sya mabibilang nya sa mga daliri ang damit na maayos na naisusuot sa pagpasok. Madalas naman syang bigyan ng Ate Grace nya ng perang pambili ng mga gamit pero itinatabi nya ang mga yon, ayaw nyang ipambili lang ng mga luho sa katawan ang perang alam nyang pinaghirapan ng kapatid na kitahin.
Kinabukasan bumalik sya sa Del Castillo Resorts. Gaya ng plano nya aalamin nya ang katotohanan na hindi makuha sa kapatid at alam nyang nasa Del Castillo ang mga sagot sa kung ano nga ba ang nangyari noon.
"Magandang umaga Mella" bati ni Mang Cesar ng matapos ikandado ang bike nya sa poste.
"Magandang umaga din po Mang Cesar" magiliw na bati nya at iniabot ang isang plastik, binilhan nya si Mang Cesar ng pancit sa karinderiang nadaanan nya kanina.
"Naku, ikaw talaga Mella baka masanay ako niyan"
"Ok lang po yan Mang Cesar, basta lagi lang akong libri pumasok dito"
"Haba oo naman ikaw pa Mella" sagot nito at mabilis na binuksan ang dala nyang pancit.
"Pasok na po ako, may duty po ako ngayon sa loob eh" paalam nya at naglakad na papasok ng Resorts.
Habang naglalakad papunta sa HR para mag time in napansin nya si Liza na sa may beach naglalakad-lakad na tila ba turista, nakasuot din kasi ito ng two piece tulad ng mga naroong turista at naka hat din. Napapailing na syang sinulyapan ang suot na dilaw na floral dress na hanggang tuhod at puting sapatos. Hindi naman nya kailangan magbihis ng magandang-maganda pa andito sya para sa trabaho, at alam nyang iba ang pakay ni Liza kung bakit sa Del Castillo ito ng OJT, at halatang-halata nya yon. Sinuklay nya sa mga daliri ang mahabang buhok at mabilis na pumasok sa opisina.
"Good morning po" magiliw na bati nya sa secretary na naka upo sa habang nag-aayos ng pulbo sa mukha at naglalagay ng lipstick. Tumango lang ito sa kanya at saglit syang sinulyapan at tinuloy ang ginagawa. Matapos makapag time in lumabas na sya para simulan ang trabaho.
"Liza" tawag nya. Pero hindi sya narinig nito. Tumakbo sya palapit kay Liza at bago pa sya makalapit kay Liza bumunggo sya sa matigas na braso at bumagsak sya paupo sa buhanginan.
"Aray!" Tili nya at dinama ang pangupong nasaktan.
"Ouch"
"Carmella?!" Napatingala sya sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata nya ng makita si Aiden na nakatunghay sa kanya, tumutulo ang pawis nito mula ulo pababa sa malapad nitong katawan na basa rin ng pawis. Nanlalaking mga mata nyang napatitig sa hubad na katawan ni Aiden, napalunok sya ng mapagmasdan ang magandang katawan nito na siguradong alaga sa gym. Wala itong damit pang itaas kaya malaya nyang napagmasdan ang katawan nito.
"Aiden" mahinang usal nya at kinapa ang pang upong nasaktan.
"Carmella, what part of do not come here did you not understand huh? Hindi pa ba malinaw sa iyo na ayokong nakikita kita dito!" Nagtitimpi sa galit na sabi nito, habang nanlilisik ang mga mata sa galit na nakatunghay lang sa kanya. Ni hindi man nga sya nito tinanong kung nasaktan ba sya sa pagkakabungo nito, ni hindi man ito nag o-offer na tulungan syang makatayo dahil nanatili parin syang nakaupo sa buhangin. Ano pa nga ba ang aasahan nya kay Aiden, he hate her so much na tila ba sukdulan na ang pagkasuklam nito at nasisira nya ang araw nito sa tuwing makita sya. Tumayo sya mula sa binagsakang buhangin at pinagpag ang buhangin na dumikit sa bestida nya.
"Bakit ba galit na galit ka?" Inis na tanong nya.
"You are here again after I told you not to be!" Sagot nito at humakbang palapit sa kanya, sinalubong nya ito. Hindi dapat sya magpakita ng kahinaan kay Aiden dahil sasamantalahin nito yon ang magagawa nito ang gusto nito.
"I told you andito ako para sa pag-aaral ko" Inis na sagot nya and raise her chin. Nakipag sukatan sya ng tingin rito at naramdaman nanaman nya ang abnormal na tibok ng puso nya tulad kung paano yon tumibok noon.
"Mella!" Agaw pansin na tawag sa kanya at nakita nya si Liza na papalapit sa kanila. Lumayo sya ng isang hakbang kay Aiden na taas baba ang matipunong dibdib sa galit na tinitimpi nito. Sigurado syang kung nagkataon na sa ibang bahagi sya ng Resorts nakabangga nito ay bubulusok nanaman ang galit nito tulad kahapon.
"Liza" tawag nya at ngumiti. Plastic na ngiti dahil alam nyang inaagaw lang ni Liza ang atensyon ni Aiden mula sa kanya.
"Hi, Sir Aiden" malambing na bati ni Liza kay Aiden ng makalapit na ito sa kanila. Ngumiti pa ito ng matamis at tila binabandera nito ang katawan kay Aiden. Sinulyapan lang ni Aiden si Liza at muling bumalik sa kanya ang mga mata nito at sa mabilis na paraan nito napaglandas nito ang mga mata sa kabuuan nya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagkibot ng manipis na mga labi nito. Pero hindi nya mawari kung para sa saan yon. Alam naman nyang walang espesyal sa suot nya lalo na katabi nya si Liza.
"Gawin nyo na ang trabaho nyo" walang emosyong utos nito at naglakad na palayo.
"Bye Sir Aiden" habol pa ni Liza.
"Bakit ka kinakausap ni Aiden?" Mataray na tanong ni Liza ng makalayo na si Aiden.
"Marami syang inuutos sa akin" inis na sagot nya at pinaikot ang mga mata.
"Well, this is not a warning Mella, but I want you to stay away from him! Aiden is mine ok?" Taas kilay na sabi nito.
"He is all yours, don't worry" balewalang sagot nya at tinalikuran na ito.
Maghapon nyang hindi nakita si Aiden matapos ang hindi sinasadyang bungguan nila kaninang umaga. At pinagpapasalamat nyang hindi sya nito sinilip sa Hotel. Sa Hotel kasi sya na assign ngayon para i check ang mga rooms at bigyan ng highlights ang mga rooms na kailangan ng maintenance. Hindi nya akalain na marami-rami rin palang silid ang hotel ng Resorts at hindi pa nya natatapos ang 2nd floor tapos na ang duty nya ngayong araw. Marami kasi syang nakitang kailangan ng maintenance at marami rin syang nakitang hindi na maayos ang ilang silid, mukhang hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ng mga nagmamahala dahil karamihan kasi sa mga dayo sa cottage tumutuloy, bihira lang ang nais sa hotel tumuloy. Mas maganda naman kasi sa mga cottage dahil malapit sa dagat at isa pa presko at naghahatid ng peace of mind dahil sa ganda ng matatanaw mula sa bintana.
Paglabas nya ng Hotel building nakita nya si Liza na kausap si Aiden malapit sa HR office, at kitang-kita nya ang malawak na ngiti sa mga labi ni Liza habang hindi alam kung paano ipapansin kay Aiden ang katawan nitong kapirasong tela lang ang suot. Pinaikot nya ang mga mata at naglakad papunta sa HR office para mag out.
Sinulyapan sya ni Aiden ng mapansin ang paglapit nya, liningon din sya ni Liza at mabilis na lumapit kay Aiden para kunwari'y bigyan sya ng daan papasok sa opisina.
"Good afternoon Sir" bati nya kay Aiden dahil baka sabihin nito wala syang galang rito. Sinulyapan lang sya nito. Babatiin sana nya si Liza pero hindi nalang nya ginawa, hindi naman sila magkaibigan nito isa pa alam nyang ayaw sa kanya ni Liza at alam na alam nyang mababa ang tingin sa kanya ni Liza tulad ni Aiden.
Matapos nyang makapag out kaagad na syang lumabas ng gate ng Resorts nakita nya si Aiden sa tabi ng bike nya nakatayo ito roon na tila ba sadya syang hinihintay nito roon. Humugot sya ng malalim na paghinga at lumakad palapit sa bike hindi pinansin si Aiden.
"Hanggang ngayon bike parin pala ang gamit mo" puna nito. Hindi sya kumibo, inalis nya sa pagkakasusi ang bike sa may poste.
"Hindi ko ba talaga mapaaalis ang isang Perez sa loob ng Resorts ko?" Seryosong tanong nito. Humugot sya ng malalim na paghinga at liningon ito.
"Hindi mo ba kayang magtiis ng isang buwan?"
"Anong malay ko kung sa loob ng isang buwan na yon eh may trahedya nanamang mangyari sa pamilya ko"
"Kung yan ang kinatatakot mo bantayan mo ko ng mabuti" kalmadong sagot nya at hinila ang bike. Pero marahas ang ginawang pagpigil ni Aiden roon.
"Huwag mong hintayin na kaladkarin kita palabas ng Resorts ko Carmella, alam mong kayang-kaya kong gawin yon"
"At anong idadahilan mo? Ang mga nangyari noon? Bubuksan mo ang mga nangyari limang taon na ang nakakalipas"
"Limang taon man ang nakalipas hindi parin naghilom ang mga sugat na linikha ng pamilya mo ng kapatid mo sa pamilya ko!"
"Nang mangyari yon isang linggong hindi bumalik ang Ate Grace ko, at pagbalik nya wala syang binabanggit kung ano ang nangyari at kung magkasama nga sila ng Papa mo! At kung matalino ka maiisip mong may ibang nangyari ng mga araw na parehong nawala ang Ate ko at ang Papa mo! Sa maniwala ka o hindi magpa hanggang ngayon wala pa ring binabanggit ang Ate Grace ko" mahabang litanya nya at marahas na binawi inalis ang kamay ni Aiden na pumipigil sa manibela nya.
"Hindi ako aalis ng Del Castillo Resorts hangga't hindi ko nalilinaw ang lahat"