Chapter 12

Kanina pa sya paroo't parito, hindi sya mapakali alas siyete na ng gabi wala parin ang Ate Grace nya at nakakasigurado syang wala rin si Mr. Del Castillo sa bahay ng mga ito. Ano nalang mangyayari pag tinotoo ni Aiden ang banta nitong ito mismo ang magpapalayas sa kanila rito sa bahay. Ano nalang kung kaladkarin sya palabas ni Aiden? Anong mararamdaman nya pag nangyari yon?

"Mella! Tumigil ka nga ng kalalakad dyan!" Sita ng Ate Joan nya. Sinabi nya ang pag babanta ni Aiden sa mga ito, ang mga nangyari sa tapat ng eskwelaan kung saan sinadya talaga syang hintayin ni Aiden sa labas para lang pagbantaan.

"Asaan na ba kasi si Ate Grace?" Tanong nya at sumilip sa relo sa dingding. Mag aalas syete kinse na.

"Gaga din kasi ang babaing yan eh kung bakit kasi sumama-sama tayo tuloy ang nahihirapan!" Maktol ng Ate Lanie nya na tulad nya hindi rin mapakali dahil marahil tulad nya natatakot din sa mga pwedenh mangyari ngayong gabi pag hindi nagpakita ang Ate Grace nya at hindi umuwi si Mr. Del Castillo sa bahay ng mga ito.

"Huwag nyo ng sisihin ang Ate nyo, lahat tayo hindi alam na pwedeng umabot sa ganito ang lahat" sabi ng Nanay nya na nasa TV ang atensyon. Bumuntong hininga lang sya at may narinig na pumarada sa tapat ng gate nila. Mabilis syang tumakbo palabas ng pinto sa pag aakalang ang Ate Grace na nya ang dumating. Pero malakas na sipa ang nagpapitlag sa kanya, sunud-sunod na sipa sa gate ang narinig nya at sa bawat sipa napapatili sya. Nagsilabasan ang mga kapatid nya ang Nanay, wala ang Kuya nya sa pagkakaalam nya nakituloy daw ito sa pinsan nila sa kabilang bayan. Ganoon naman lagi ang Kuya nila sa tuwing alam nitong magkaka aberya umiiwas na ito, ito ang nag-iisang lalake sa pamilya nila pero ni katiting na tulong wala silang maasahan rito.

"Anong ginagawa nyo?!" Sigaw ng Ate Joan nya na nakalapit sa may gate at sa isang malakas na sipa bumukas ang gate, buti nalang nakailag ang Ate Joan nya at hindi ito tinamaan.

Tumambad sa kanila ang dalawang lalaking nakasagutan na ng mga kapatid nya kaninang umaga pero may kasama na ang mga ito si Adien Del Castillo. Galit na pumasok ito sa gate na nasira ng mga tauhan nito. Una itong nagtapon ng tingin sa kanya at kasunod sa dalawang kapatid na naka tanga lang rito. Alam nyang kahit sa galit at nakakatakot na itsura ni Aiden hindi parin maitatago ang kagwapuhan nito, at sa tingin nya ang magulong buhok nito ang magpadagdag sa kagwapuhan nito, napansin nyang ilang beses kumurap ang Ate Lanie nya pasimpleng sinuklay ang buhok nito sa mga daliri. Humugot lang sya ng paghinga at muling binalik kay Aiden ang mga mata.

"Asaan ang kapatid mo?!" Galit na tanong nito na sa kanya nakatingin. Tila nagising naman sya sa pagkakatitig nya rito.

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong ng Ate Joan nya at hinila sa braso si Aiden para iharap rito. Pero hindi man natinag si Aiden nanatili ang mga mata nito sa kanya.

"Asaan ang ate mo?!" Ulit na sigaw nito. Napapitlag sya at napalingon sa dalawang kasamahan nito na pumasok sa loob ng bahay, at isa-isang hinihahagis ang mga gamit nila. Natilihan sya at lalapitan sana ang mga ito pero hinila sya ni Aiden sa mga braso.

"Tinatanong kita Carmella! Nasaan si Grace?" Nasisiklab sa galit na tanong nito.

"Hindi.. hindi ko alam!" Nakuha nyang isagot habang isa-isang nakikitang pinagtatapon ang mga gamit nila at isa-isa namang dinadampot ng Nanay nya ang mga yon. Tulad nya nakatulala at nakatanga lang ang dalawang kapatid nya sa mga nangyayari.

"Nay!" Tili nya at marahas na binawi ang braso kay Aiden pero hindi sya nito pinakawalan.

"Hindi ba't binalaan na kita kanina na ako mismo ang kakaladkad sa inyo dito pag hindi umuwi ang Papa ko" sabi nito pero tila wala syang nauunawahan dahil sa Nanay nyang di alam kung paano dadamputin ang mga gamit ang atensyon nya. Naaawa sya sa Nanay nya dahil nakikita nya itong nahihirapan at nasasaktan.

"Ate tulungan nyo si Nanay!" Tili nya dahil ayaw syang pakawalan ni Aiden. At tila naman nagising ang mga kapatid at mabilis na tinakbo ang Ina.

"Itigil mo na to Aiden! Wala kaming alam kung nasaan ang Papa mo at ang Ate ko!" Galit na paliwanag nya habang pinaglilipat-lipat ng tingin ang mga mata kay Aiden sa mga lumilipad nilang kagamitan. Mumurahin lang naman ang mga yon at alam nyang para kay Aiden mga basura yon at sa ka una-unahang pagkakataon nangyari ang ganito sa kanila. Sa dami na ng mga paupahan na nagpalayas sa kanila walang gumawa ng ganito sa kanila tangin si Aiden Del Castillo lang, at wala syang magawa kundi manood lang piliting huwag umiyak sa sakit na nararamdaman.

"Tama lang yan! Kulang pa nga yan sa mga ginawa ng kapatid mo sa pamilya ko lalo na sa Mama ko!" Galit na sabi nito. Liningon nya ito pero sa mga kapatid at Nanay nya ito nakatingin habang pilit na sinasalba ang mga gamit.

"Tignan mo Carmella!" Galit na sabi nito at hiniharap sya sa mga kapatid at nanay nya, habang mahigpit na hawak nito ang braso sa likod.

"Yan ang ginagawa sa mga salot na tulad nyo! Kung nagkataon na hindi nailigtas si Mama hindi lang yan ang aabutin ng pamilya mo Carmella! Higit pa riyan ang gagawin ko sa inyo, sa mga tulad nyong basura na pilit dinudungisan ang bayan na ito!" Litanya nito habang pinagduduldulan nito ang katawan nyang tignan ang nangyayari sa mga kapatid at nanay nya.

"Bakit?" Tanging natanong nya at hindi napigilan ang mga luha.

"Damn you Carmella for asking a stupid question! And damn you, dahil kapamilya mo sila!" Sagot nito at marahas syang tinulak. Napaandusay sya sa sahig at bago pa sya nakabawi tumama sa braso nya isang upuan na kahoy. Napangiwi sya sa sakit at hinawakan ang brasong natamaan. Sinulyapan nya si Aiden na nanatiling nakatingin sa kanya may nakita syang pag-aalala sa mga mata nito pero saglit lang muli'y pagkasuklam, poot, galit ang nakita nya.

"Ilabas nyo lahat ng basurang yan at kaladkarin sila palabas!" Marahas na utos ni Aiden humakbang ito palapit sa mga tauhan, nilagpasan lang sya nito na nanatiling nalalugmok sa sahig, inihinda ang sakit ng braso na pakiramdam nya napilay sa lakas ng pagtama ng upuan na kahoy.

"Tama na! Tama na! Parang awa mu na!" Pagsusumamo ng Ate Joan nya.

"Kulang na kulang pa yan sa mga ginawa ng malandi mong kapatid!" Sagot ni Aiden at isa-isa pang dinampot ang mga gamit nila palabas ng gate.

Nakasunod lang sya ng tingin rito, para syang walang lakas na nakasunod ang mga mata nya sa bawat galaw ni Aiden, sa bawat tapon ng mga gamit nila sa kalsada na kung saan andoon nanaman ang kapitbahay nilang tila nanonood ng sine at enjoy na enjoy sa bawat mabibigat na eksena. Napapikit sya at dinama ang brasong nasaktan. Pagmulat nya nakita nyang nakatingin sa kanya si Aiden. Bakit ba sa gitna ng mga ganitong nangyayari sa kanila hindi parin nya maiwasang humanga kay Aiden. Napaka gwapo nitong tignan sa puting t-shirt at itim na pantalon, ang magulo nitong buhok na mamasa-masa na dahil sa pawis, kahit may kadiliman sq paligid ay lutang na lutang parin ang kagwapuhan ni Aiden at ayaw nya sa sariling iniisip dahil alam nyang hindi makakatulong ang ano mang panghanga nya kay Aiden lalo na sa ganitong sitwasyon nila.

Malakas na binagsak ni Aiden ang bike nya sa kalsada at hindi pa ito nakontento sinipa pa nito yon ng ilang beses, tila sa bike nito nilalabas ang galit sa kanya sa buong pamilya nya.

"Mella! Tumulong ka dito!" Tawag ng Ate Lanie nya. Pero nanatili syang nakamata kay Aiden sa bawat sipa nito sa bike nya naririnig nyang nagkakalasan yon at basag na rin ang mga salamin, hindi nya maialis ang mga mata bike na unti-unting nadudurog sa mga sipa ni Aiden. Ganoon pa ang gustong mangyari sa kanila ni Aiden ang unti-unti silang durugin?

"Sir, wala ng gamit sa loob" narinig nyang sabi ng isa sa mga tauhan ni Aiden. Tumigil si Aiden sa pagsira sa bike nya at sinulyapan sya nito. Nag-aapoy ang mga mata nito sa galit, nakamata lang sya rito walang magawa kundi tignan lang ito.

"Kaladkarin sila palabas!" Marahas na utos nito. Napapitlag sya ng magtitili ang mga kapatid habang hinihila ang mga ito palabas ng gate. Nanlaban ang mga kapatid habang hinihila ang ito pero nagawa din itong maitulak sa labas. Ang Nanay nya na tila wala sa sariling naglakad palabas ng gate bitbit ang isang larawan habang umihikbi.

"Nay" usal nya dahil awang-awa sya sa Nanay nya.

"Hindi ba sinabi kong kakaladkarin ko kayo palaba!" Marahas na sabi nito na hindi man nya namalayang nasa tabi na nya. Napatingala sya at marahas syang hinila nito sa braso. Napangiwi sya dahil yon ang brasong tinamaan ng upuan kanina.

"Aiden huwag" pakiusap nya at naiyak.

"I'm a beast Carmella, cruel beast" sagot nito at hinila sya palabas ng gate habang hindi mapigilan ang pag-iyak. Marahas syang tinulak nito palapit sa mga kapatid ng mailabas sya nito sa gate.

"Aiden" muling bigkas nya sa pangalan nito. Habang kung anu-anong pagbabanta pa ang sinasabi nito sa kanila na hindi na nya maunawahan dahil hindi sya makapanilawalang nagawa ni Aiden sa kanila ang palayasin, bakit ibang Aiden ang nakita nya kahapon lang, hindi ba pinangtanggol sya nito kay Jeff, hindi ba nag-alala ito sa kanya, pero bakit ngayon si Aiden mismo ang nananakit sa kany at sa buong pamilya nya.