Chapter 11

Nag-iiyak sya habang tinatahak nya ang daan papuntang Del Castillo Resorts alam nyang hindi sya dapat magtunggo roon matapos ang nangyari sa kanila ni Aiden kahapon, pero sa nais nyang kumalma at sa tabing dagat lang sya makakalma nais nyang masamyo ang malamig na hangin doon at marinig ang mga alon na nagmumula sa dagat.

Nang makarating sya doon kaagad nyang itinabi ang bike at bitbit ang sundae na binili umakyat sya sa pader at naupo doon. Humugot sya ng malalim na hininga at tinuloy ang pag-iyak. Hindi naman ito ang unang beses na tila nabastos sya pero ito ang unang beses na andoon si Aiden at ayaw nyang isipin pero tila syang ipinangtanggol ni Aiden. Pinangtanggol nga ba sya ni Aiden kay Jeff kanina? Hindi ba galit ito sa kanya at ang nangyari kanina patunay lang na hindi talaga maganda ang reputasyon ng pamilya nya sa bayan nila.

"Bakit ba lagi kang nandito?" Tinig na nagmula sa likuran nya. Napalingon sya at nakita si Aiden na nakatayo sa tabi ng kotse nito. Sa lalim ng iniisip nya hindi na nya namalayan ang pagdating ng kotse nito. Mabilis nyang tinakpan ang sundae na halos tunaw na at pinunasan ang mga luha.

"Sorry" tanging sagot nya. At sumingot-singot. Bakit pa kasi wala syang alam puntahan kundi dito. Pwedi naman sya sa tabing dagat sa may dulo ng San Miguel, alam nya doon libre ang pagpunta sa tabing dagat, pero ewan ba nya kung bakit lagi syang napupunta sa Del Castillo Resort samantalang alam naman nyang hindi sya dapat nagpupupunta dito dahil galit sa kanya ang mga tao dito lalo na si Aiden.

"Hayaan mo muna ako dito please huwag mo muna akong paalisin, aalis din naman ako promise ito na ang huling beses mo kong makikita dito" pakiusap nya habang umiiyak. Ewan nya kung bakit ganito ang iyak nya sa mga nangyari kanina eh hindi naman na ilang beses ng nangyari sa kanya ang ganoon dapat nga masanay na sya.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong nito at umakyat din sa pader. Nakatingin lang sya rito, nakasunod sa bawat kilos nito, naupo ito sa tabi nya, sinulyapan ang sundae na nakapatong sa pader na syang pumapagitan sa kanilang dalawa.

"Natakot ka ba ni Jeff?" Tanong nito na sa dagat nakatingin habang linilipad ng hangin ang buhok nito.

"Hindi ako natakot sa kanya, ang ginawa ng kaibigan mo hindi na bago sa karanasan ko, marami na ang tulad ni Jeff, halos nasasanay na nga ako" paliwanag nya at ngumiti na may pait.

"Nasasanay?" Tanong nito at nilingon sya.

"Oo" sagot nya at pinunasan ang mga luha.

"Lahat naman ng kabataan dito sa San Miguel masama ang tingin sa akin lalo na sa mga kapatid ko, hindi ko naman sila masisisi doon"

"Pero pati ikaw nadadamay, hindi ka nila katulad hindi ba?" Seryosong tanong nito, nagkatinginan sila, at naramdaman nanaman nya ang kakaibang pintig ng puso nya.

"Ikaw Aiden, sa tingin mo ba iba ako sa kanila?" Balik tanong nya rito. Nag-iwas ito ng paningin.

"Alam ko naman na ganoon rin ang tingin mo akin, wala namang taga San Miguel na nais maniwalang maaaring iba ako sa mga kapatid ko, na maaaring hindi ako maging tulad nila pagdating ng panahon. Kahit ano sigurong gawin ko ganoon parin ang iisipin nila tungkol sa akin" litanya nya habang sa malayo nakatingin ang naramdaman ang pagpatak ng mga luha. Napakasakit naman talagang isipin na nais nyang mapabuti pero tila kahit anong gawin nya masama parin ang tingin sa kanya ng marami.

"Stop crying" bulong ni Aiden at naramdaman nya ang mainit na palad nitong humaplos sa pisngi nya. Napatingin sya rito, nakita nya ang lungkot sa mga mata nito, hindi tulad ng nakita nya kahapon may kakaiba syang nakikita sa mga mata nito, pagaalala? Nag-aalala ba sa kanya si Aiden?

Napakislot sya sa naisip at mabilis na iniwas ang mukha rito, nagulat din ito sa ikinilos at mabilis na ibinaba ang kamay.

"Sorry" sabi nito at mabilis na tumayo sa pader at tumalon pababa.

"Gumagabi na umuwi ka na" utos nito bago ito tuluyang sumakay sa kotse nito.

"Aiden" tawag nya, sinulyapan lang sya nito at pinaandar na ang kotse. Nagkibit balikat sya at sinundan ng tingin ang magarang sasakyan nito na papasok sa malaking gate ng Del Castillo Resorts.

"Nag-aalala ba sya a akin?" Tanong nya sa sarili at hinaplos ang pisnging hinawakan ni Aiden.

"Bakit?"

Kinabukasan nagising sya sa mga sigawan mula sa labas ng silid nila. Mabilis syang tumayo at tumakbo palabas ng silid.

"Nay!" Tawag nya at mabilis na tumakbo sa labas ng pinto ng makita ang Nanay at mga kapatid na nakikipagtalo sa labas.

"Wala kayong karapatan paalisin kami rito! Kayo umalis!" Sigaw ng Ate Joan nya sabay bato pa ng lagayan ng basura.

"Ate, Nay anong pong nangyayari?" Tanong nya at nilapitan ang Nanay nya na nakaupo lang sa tabi habang sigaw ng sigaw ang Ate Joan nya at Ate Lanie.

"Ano po bang nangyayari?" Tanong nya ulit at ginala ang paligid, wala ang Kuya Erwin nya at ang Ate Grace nya.

"Umalis na kayo!" Sigaw ng Ate Lanie nya at pinagtulakan ang dalawang lalaki palabas ng gate.

"Pag kayo nadatnan pa ng amo namin mamaya lagot kayo!" Banta ng isa sa dalawang lalaki.

"Kayo na nga binalaan, bahala kayo tiyak kakaladkarin kayo palabas ni Sir mamaya!" Sabi naman ng isa.

"Anong ibig nilang sabihin Nay?" Tanong nya sa ina pero nanatili lang itong tahimik na nakaupo sa isang tabi. Lumapit sya sa dalawang kapatid na pilit pinalalabas ng gate ang dalawang lalake. Napansin nya ang mga kapitbahay nila na pinagpipiestahan nanaman ang eksena sa harap ng bahay nila. Nagbubulungan pa ang mga ito at ang iba nagtatawanan, tila natutuwa pa ang mga ito sa nangyayari sa kanila.

"Ano bang nangyayari Ate?" Tanong nya na kanina pa nya tinatanong pero wala pang sumasagot. Hindi nya kilala ang dalawang lalaking kaaway ng mga kapatid.

"Sabihin mo sa amo nyo harapin nya kame huwag sya duwag!" Sigaw ng Ate Joan nya ng tuluyan ng makalabas ng gate ang dalawa.

"Bahala na nga kayo!" Inis na sabi ng isang lalake at mabilis na naglakad palayo.

"Anong tinitingin-tingin nyo?" Sita ng Ate Lanie nya.

"Tapos na ang shooting magsi uwi na kayo!" Inis na dagdag pa nito at mabilis na sinara ang gate at pumasok sa loob. Sumunod sya sa mga kapatid.

"Ate ano bang nangyayari?" Tanong nya at sinulyapan ang Nanay nila na nasa ganoong pwesto pa rin.

"Walanghiyang mga Del Castillo na yan pinapalayas na tayo!" Sagot ng Ate Lanie nya at naupo sa tabi ng Nanay.

"Ano? Bakit?" Gulat na tanong nya.

"Ano pa nga ba? Eh baka nahuli na yang si Mr. Del Castillo ng misis nya!" Ismid na sagot ng Ate Joan nya at pumasok sa loob.

"Totoo ba yon Ate Joan?"

"Ano ka ba Mella! Narinig mo na diba?" Inis na sagot nito at pumasok na rin sa loob ng bahay.

Naupo sya sa tabi ng Nanay at niyakap nya ito, ayaw na nyang magtanong hindi naman na sila bago sa ganitong eksena ilang beses na ba silang napalayas sa bahay na inuupahan nila? Ilang pagpapalayas na ba ang naranasan nila dahil hindi sila malabayad sa upa. Pero tila ito ang unang beses na tumira silang mag-anak sa bahay na pangmamay-ari ng kinakasama ng Ate Grace nya.

"Hindi umuwi ang Ate Grace mo kagabi, at hindi na ko nagtaka kung bakit sumugod ang mga tauhan ng mga Del Castillo rito sa bahay nila. Simula ng Nanay nya.

"Anak alam kong mali ang ginagawa ng mga kapatid mo, pero paano ako tututol eh yun ang bumubuhay sa atin, paano tayo kakain kung hindi sila kikilos, alam mong wala akong alam na trabaho anak kaya hindi ko kayo maitakuyod" patuloy nito. Alam nyang elementarya lang ang natapos ng Nanay nya, at hindi ito sanay sa mabibigat na trabaho dahil noon pa man kahit wala silang sapat na pera hindi daw ito pinagtatrabaho ng unang asawa, kaya ng naging asawa nito ang tatay nya ganoon rin ang nangyari, kaya ng mawala ang tatay nya hindi na nila alam kung paano mabuhay kaya ang mga kapatid ang gumawa ng paraan para mabuhay sila.

"Magkasama po ba si Ate at Mr. Del Castillo?" Tanong nya kahit alam na nya ang sagot.

"Hindi ko alam anak, pero malakas ang loob kong magkasama sila, at dahil magkasama sila marahil hindi rin umuwi si Mr. Del Castillo sa kanila kaya pinasugod ng mga Del Castillo ang tauhan nila"

"Sinubukan nyo po bang tawagan si Ate?"

"Hindi sya sumasagot" tanging sagot nito at napahagod sa batok.

"Magpahinga na muna kayo Nay"

"Ikaw pumasok ka sa eskwela, huwag kang nagpapaliban ng klase"

"Huwag na po Nay, baka po kase bumalik ang mga tauhan ng mga Del Castillo"

"Huwag mo silang isipin, ang pag-aaral mo ang isipin mo, magbihis ka na" utos ng Nanay nya. Wala syang nagawa kaya pumasok nalang sya sa eskwela, sabi naman ng mga kapatid nya hindi daw aalis ang mga ito sasamahan ang Nanay nila at hihintayin ang pagdating ng Ate Grace nila.

Paglabas nya ng gate naroon parin ang mga nagtsitsismisan nilang mga kapitbahay. At gaya ng inaasahan lahat ng mga mata nakasunod sa kanya at nagbubulungan. Humugot sya ng malalim na paghinga at sinimulan ng padyakin ang bisekleta. Hahayaan nalang nya ang mapang husgang mga matang nakasunod sa kanya.

Buong araw nya sa eskwela nasa bahay ang isip nya, inaalala kung ano ang mangyayari kung paaalisin nanaman sila sa tinitirhan nila, at kung nasaan ang Ate Grace nya at si Mr. Del Castillo at kanina pa gumugulo sa isip nya kung ano ang iniisip ni Aiden sa mga oras na ito, alam ba nito na sumugod ang mga tauhan nila sa tinitirhan nila, oh baka naman ito ang may utos sa ginawang pagsugod sa tinitirhan nila.

Paglabas nya ng gate ng eskwela nakita nya si Aiden  na nakatayo sa tabi ng kotse nito. Nanlaki ang mga mata nya at hindi alam ang gagawin kung paano iiwas dahil baka sya ang mapag buntungan nito ng galit. Napansin nyang umaagaw ng pansin si Aiden sa mga papalabas na mga estudyante, sino ba namang hindi mapapatingin sa isang Aiden Del Castillo gwapo na, mayaman pa. Napalunok sya at mabilis na sumakay sa bike, iiwas na sya bago pa sya makita ni Aiden pero nabigo sya dahil hindi pa man nya napapadyak ang bike nakita na nya itong lumingon sa kinatatayuan nya. Nanlilisik na mga mata ni Aiden ang tumama sa mga mata nya, kung nakamamatay lang ang tingin kanina pa sya natumba.

"Carmella!" Matigas na tawag nito. Pakiramdam nya nanigas ang buong katawan nya at hindi sya makakilos. Ibang Aiden ang harapan nya ngayon hindi tulad ng Aiden na nakakita nya kahapon na humaplos sa pisngi nya, na nagparamdam ng pag-aalala sa kanya.  Nais nyang umiwas pero hindi sya makakilos, isama pa ang abnormal na tibok ng puso nya habang nakatingin sa bawat hakbang nito palapit sa kinatatayuan nya.

"Where's your damn sister huh?!" Galit na tanong nitong ng makalapit sa kanya at marahas syang hinila nito sa braso at nabitawan ang bike nya na agad bumagsak sa kalsada.

"Aray"

"Where the hell is she? Saan nya dinala ang Papa ko?!" Mabalasik na tanong nito, walang pakialam kung umaagaw na sila ng atensyon sa mga naroon. Kung sa bagay wala namang taga San Miguel ang hindi nakakaalam ng tungkol sa Ate Grace nya at kay Mr. Del Castillo.

"Hin.. di ko.. alam" takot na sagot nya rito.

"The hell!" Mabalasik na mura nito at lalo syang hinila nito palapit sa kanyan. Nagbubungguan na ang mga dibdib nila sa sobrang lapit nila sa isat-isa. At ayaw man nyang aminin alam nyang may kakaiba talagang pintig ang puso nya sa tuwing nalalapit kay Aiden. At hindi nya ito gusto, dahil alam nyang masasaktan lang sya kung pagpapatuloy nya ang kakaibang pintig ng puso nya para kay Aiden.

"Pag hindi nagpakita ang Papa hanggang mamayang gabi, ako mismo ang magpapalayas sa mga basurang tulad nyo! Ako mismo ang kakaladkad isa-isa sa inyo palabas ng bahay na yon!" Mariing banta nito na halos naglalabasan na ang mga ugat nito sa leeg sa sobrang galit. Naiintindihan nya ang galit ni Aiden pero ano bang magagawa nya? At bakit sya ang pinagbubuntunan nito ng galit at pagkasuklam?

"Aiden.." bulong nya pero marahas sya nitong tinulak at bumagsak sya sa bike nya. Nasaktan sya pero hindi sya umimik. Narinig pa nyang napasigaw ang mga naroong nakatingin sa kanila. Hindi biro ang bumagsak kalsada masakit pero mas masakit ang mga kasuklam-suklam na tingin ni Aiden sa kanya.

"Damn you!" Nanggigigil na mura nito sa kanya bago sya tuluyang iniwang nakaupo sa kalsada at pinagtitinginan mga ka eskwela. Napaiyak sya dahil bakit kailangan magalit sa kanya ng ganoon si Aiden? Bakit kailangan syang kamuihan nito? Bakit kailangan pa nyang makaramdam ng kakaibang dadamin sa isang tulad ni Aiden Del Castillo na ang tingin sa kanya ay isang basura salot sa bayan ng San Miguel.