CHAPTER 28
I continue pursuing my dream. Singing. May concerts ako na magaganap sa ibang bansa. Tumatanggap din ako ng maliliit na gigs.
In just a 2 weeks nag bloom na agad yung singing career ko. Maraming song writer na gusto akong kuhanin para ako ang kumanta.
Hindi ako inistorbo ni David tungkol sa kaso. Kinuha lang niya ang phone ko dahil nandon daw yung evidence na meron ako. It's nit enough. Alam kong naghahanap pa rin siya.
Kapag dumadalaw siya sa akin sa bahay. Sa bahay ng parents ko since doon ako nag stay ngayon dahil yun ang gusto nila Mommy at Daddy. Kapag dumadalaw si David upang ibalita kila Mommy yung tungkol sa case kitang kita ko ang pagod sa kanyang mukha.
Nasa bahay ako ngayon at may pumasok. Si David. Gulo gulo ang buhok at mukhang kulang sa tulog.
"Bakit ganiyan ang itsura mo?" Tanong ko.
"Hi, mahal! Pagod lang sa work." Sabi niya sa akin. Laging mahal pa rin ang tawag niya sa akin.
"I think you should sleep, David. Hindi healthy yan." Sabi ko.
"Nah, kailangan ko pa maghanap ng evidence or witness. No need to worr—" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng hinila ko siya sa kwarto ko.
"What? No! Mommy! Hindi pa ako handa." Maarteng sabi niya kaya hinampas ko siya.
"Hindi ako nakikipagbiruan, David. Baka gusto mong magalit ako—."
"Sabi ko nga magpapahinga na tayo." Hinila niya ako pahiga sa bed ko at niyakap niya ako.
"Hmmm... i miss this feeling." Nakaunan siya sa braso ko at nakasiksik sa leeg ko. Wala pa mang 5 minutes nakatulog na ang loko.
I started caressing his hair. Alam kong ginagawa niya ang lahat. Kitang kita sa katawan niya na gusto na niyang sumuko pero hindi.. hindi siya sumuko.
After an hours. Bumaba ako para ipagluto siya ng pagkain. I just cook for him. Sinigang na hipon since pareho naming favorite ito.
Umakyat ako ulit sa kwarto at nakita ko siyang natutulog. Kaya umupo ako sa gilid.
"Hey, David gising na." Tinapik tapik ko ang dibdib niya. "David gising na." Hindi pa rin kumibo. "Isa—." Bumangon na agad siya.
"Hehe, sorry na mahal." Parang bata niyang sabi.
"I cooked for you. Sinigang na hipon your favorite." Sabi ko.
"Really? You cooked for me?" Hindi makapaniwalang sabi niya.
"Alam kong hindi ako marunong magluto before pero hindi ba pwedeng magbago." Mataray kong sabi.
"No. I just can't believe na pinagluto mo ako." Sabi niya. Hinila ko na siya pababa dahil andami niyang kuda.
"Wow... its looks nice." Sabi niya.
"Masarap din yan." Nag umpisa akong magbalat ng hipon at binigay iyon sa kanya. Nang magbabalat ulit ako napatingin ako sa kanya dahil umiiyak siya.
"Why are you crying? Hindi ba masarap?" Tanong ko.
"No I think you're spoiling me." Sabi niya.
"So? What if I am?" Tanong ko.
"I'm just happy." Sabi niya at nag umpisa na kumain.
Pinanood ko siyang kumain at nagulat ako halos maubos niya ang laman ng rice cooker. Nagulat din akong ubos na ang hipon sa sinigang.
"Are you that hungry?"
"No. Masarap kase luto ng mahal ko kaya napadami ako ng kain. Next time ulit ha?" Napangiti ako sa kanya.
"Yeah sure. Ano gusto mo sa susunod?" Tanong ko sa kanya.
"Buttered shrimp." Ngiti niya. Favorite na favorite talaga namin yung shirmp.
Kumuha ang ice cream sa ref at good thing it's rocky road favorite din namin.
"Oh! Pampatanggal ng lansa." Sabay bigay sa kanya ng ice cream.
At ang David napaka laki ng ngiti. Akala mo bata.
Pagkatapos naming mag ice cream, nag umpisa na akong maghugas ng pinagkainan namin.
Nagulat ako ng may yumakap sa akin mula sa likod.
"I can do that, mahal. Baka pagod ka na. " Sabi niya habang nakasiksik sa leeg ko ang mukha niya.
"No, hindi pa naman ako pagod. May work ka pa?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala na I'll just wait for your Mom and Dad dahil may witness at evidence pa akong nahanap." Sabi niya.
"Really?" May witness? Pero bakit hindi siya humingi ng tulong.
"Yeah so no need to stress yourself. I can do it, mahal. For you and for our little angel. "
Humarap ako sa kanya at hindi napigilan na yakapin siya.
"Thank you. Thank you, David." Umiiyak na saad ko.
"Kulang pa 'to, mahal ko. Kulang pa." Wika niya.
After a weeks nalaman ko nalang nakamit ko na ang hustisya. Nakamit ko na ang hustisya para sa amin ng anak ko.
Makakapamuhay na ako ng hindi natatakot dahil alam kong nakakulong na si Carlo.
Niligawan ulit ako ni David. Hindi na niya kailangan gawin 'yon pero niligawan niya pa rin ako.
"Date tayo?" Ako ang nagyaya ngayon. Lagi niya din akong inaaya mag date.
"Sure. Ikaw nagyaya eh."
Sa bilihan ng street foods ko siya inaya.
"I didn't know na kumakain ka ng ganito, mahal." Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Hindi naman siguro ako Immortal noh? I loved eating street foods. Lalo na yung calamares."
We eat a lot of street foods nagpadamihan pa kame. Siyempre hindi ako nagpatalo.
Naglakad lakad lang kami sa subdivision. Habang kumakain pa rin ako ng favorite ko na calamares.
"Busog na busog ako." Sabi niya habang hawak ang tiyan. "Hindi ka pa ba busog? Andami mo ng nakain dun tapos may hawak ka pang limang sticks ng calamares."
"This is my favorite eh. Tsaka busog? Hindi pa. Bitin pa 'to saken."
Huminto kame sa isang park para maupo sa bench.
"Ganito ang gusto ko, Serenity. Magkasama tayo. Masaya na ako." Sabi niya. "Mahal na mahal kita, Serenity at handa akong tupadin ang pangako ko sa'yo ng bata pa tayo. Ikaw lang pakakasalan ko at sa iyo lang ako bubuo ng pamilya."
"Pero.. madumi na—." He cut he off.
"Hindi ka madumi, mahal. Hindi mo gusto ang nangyari. So i-alis mo sa isip mo yang marumi ka, hindi ka deserving sa akin. Hindi ko gusto yan." Sabi niya. " I love you. I love you even you have a flaws. Mahal na mahal kita."
Hindi ko na napigilan umiyak.
"Mahal din kita David. Mahal na mahal. Hindi ako tumigil na mahalin ka. Nangako ako sa'yong ikaw lang ang lalaking gusto kong makasama sa future. Wala ng iba."
Tumulo ang luha niya. He went closer to me and kiss my lips. Ang tagal na nung huli kong naramdaman ang lambot ng labi niya.
"I love you, mahal ko." Sabi niya.
"Mas mahal kita."
Love is the power of Life, love gives life to life, and love is the very essence of man's existence.