CHAPTER 27

"A-anak ko... andito na si D-daddy." Rinig ko ang pagkabasag ng boses niya.

Nandito kame sa memorial park. Gusto niya daw dalawin yung anak namin.

"I'm sorry, my angel. I'm sorry. Daddy was sorry 'cause I'm not there for your Mom and for you. I'm sorry, baby." Sabi niya habang umiiyak. Mukha siyang durog na durog.

Ilang oras ang itinigal namin dito. Ilang oras siyang umiyak at eto ako pinapanuod ang kanyang pag iyak.

He look at me. He look at me with tearful eyes.

"Paano nangyari? Paano nangyaring nawala siya?" Tanong niya sa akin.

"The doctor said nung last check up ko is mahina ang kapit ni baby. " Umpisa ko.

I was on my way to an OB Gyene. Hindi ako dinadatnan ng dalaw isang buwan mahigit. At feeling ko buntis ako. Hindi sa America huli naming ginawa iyon. We also did it in my room. In his condo. He can't get over with me daw.

Siguro kapag buntis ako. Magiging masaya siya dahil pangarap niya 'yon. Pangarap niya na magkaroon ng MGA anak sa akin.

"You're right Ms. Cabrera. You're 1 month pregnant. Congratulations."

Napaiyak ako sa sobrang saya. Matutupad na ang isa sa pangarap niya. Makakabuo na kame ng pamilya.

Hindi ko muna sinabi sa kanya because he's busy at gusto ko siyang i-surprise. Naging busy din ako. May gig's pa din ako na tinatanggap. I also handle some stock in our company. Mahirap. Lalo na nagka problema ang kompanya. Masyado ako na-stress.

After a month bumalik ako sa OB ko.

"Tatapatin na kita Ms. Cabrera. Mahina ang kapit ni baby. So re-resetahan kita ng pampakapit and please avoid mo yung stress. It's not good for the baby."

Natakot ako noon. Mahina ang kapit ni baby.

I was about to tell him after ng gig ko. Nang mangyari 'yon.

Hindi ko alam kung ilang suntok, sampal, sabunot ang inabot ko sa kanya. Nararamdaman ko na sobrang sakit ng tiyan ko. Kaya paulit ulit akong nanalangin wag panatilihin siyang matatag at wag niya akong iiwan.

Pinilit kong makatakas kahit namamalipit ang tiyan ko sa sakit. Pagka uwe ko ng condo. Uminom ako ng pampakapit at nagpunta sa banyo.

After a week nagpunta ako sa bahay namin. Tinalikuran nila ako. Nakipaghiwalay ako kay David kahit alam kong may anak kame.

Nagpunta ako sa OB ko at sinabing kailangan na daw alisin si baby sa tiyan ko dahil wala na daw itong heartbeat.

Nagwala ako sa clinic.

"Hindi... hindi pwede... buhay yung anak ko.. hindi nagmamakaawa ako gawin ninyo ang lahat. Nagmamakaawa ako. Siya nalang ang meron ako." Sigaw ko. Naramdaman kong may karayom na itinusok sa akin. " Siya nalang meron ako." Iyon ang naalala ko. Pagkatapos non ay kailangan kong manatili sa ospital.

"Yung anak ko. Bakit niyo siya inalis sa akin. Yung anak ko." Nanghihinang sabi ko. Nagpumilit akong makalabas dahil gusto ko asikasuhin ang paglibing sa anak ko.

Walang oras akong hindi umiiyak kapag naiisip kong wala na sa sinapupunan ko yung anak ko. Yung rason bakit pinili kong mabuhay.

"Anak.. bakit mo naman iniwan agad si Mommy.  Nakita kita, oo nakita kita but ayoko makita ka ng ganung itsura. Ayoko makita ka ng ganun. Ayaw mo ba kay Mommy? Kaya iniwan mo agad ako? Mommy loves you so much, my angel. You will always be my forever angel."

Sabi ng OB lalaki daw ang anak ko. Hindi pa daw ganun ka halata pero lalaki daw ito.

Hindi na ako nagtangkang sabihin ito kay David dahil para saan pa. Para saan pa kung malalaman niya 'to. Wala na yung anak namin. Wala na yung pamilyang pinapangarap namin. Wala na ang taong mahal ko pati ang anak ko iniwanan ako.

Kita ko kung paano siya umiyak habang kinukwento ko ito sa kanya.

"Bakit hindi mo sinabi sa aking buntis ka? Kahit sabihin mong busy ako, it's not an excuse para hindi ito sabihin sa akin."

"I'm sorry. Ayoko ko lang maabala ka at tsaka i wanted to surprise you. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. I should have tell you sooner. " Umiiyak na sabi ko. Niyakap niya ako. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"I'm sorry, mahal. Wala ako sa tabi mo. Wala ako nung... nung binaboy ka ng Carlo na yon. Wala ako nung panahon na nawalan tayo ng anak. Wala ako sa tabi mo nung nagluksa ka. Patawarin mo ako, mahal ko. Kung alam ko lang... kung alam ko lang sana...." Hindi na niya matuloy ang sinasabi dahil sa sobrang paghikbi.

Niyakap ko siya pabalik at hinagod ang likod.

"No. Wala kang kasalanan dito. Wala kang kasalanan so stop blaming yourself. " Pinapatahan ko siya. This is the first time na makita ko siyang umiiiyak ng ganito.

Nakayakap parin siya sa akin naramdaman kong nakatulog siya. Inilipat ko ang ulo niya sa hita ko para hindi siya mahirapan. I started caressing his hair.

" Your daddy look hurt, my angel. He's sorry dahil wala siya nung mga panahong naghirap tayo. Nung naghirap tayo. It's not his fault, right? I hope your dad can forgive his self."

Tinitigan ko lang si David na natutulog. Ilang oras siyang natutulog. Inabot na kame ng hapon dito.

Nagising siya na parang lantang gulay.

"Anak ko.. bibigyan ni Daddy ng hustisya ang ginawa niya kay Mommy mo at sayo. Bibigyan ko ng hustisya. Hindi ako susuko hangga't hindi nabubulok ang Carlo na yan sa bilangguan. Nakukuha niya pang magsaya."

Hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang piniga ito. Hinarap niya ako.

"Justice will serve, mahal. Hindi ako papayag na hindi magkakaroon ng hustisya ang ginawa niya sa inyo ng anak natin." He caress my cheeks.

"Serenity, mahal ko. Hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sa'yo. Mahal na mahal na mahal pa rin kita. " He said softly.

He kiss my forehead and hug me.

"Mahal na mahal kita kaya hindi ako susuko. Hindi ako titigil. Mabibigyan ko ng hustisya ang ginawa niya sa'yo, mahal ko. Mahal na mahal kita." Paulit-ulit niyang bulong

I love you too. Mahal na mahal din kita