CHAPTER 26

"Anak, why didn't you tell us huh? Sa loob ng tatlong taon bakit pinili mong itago?" Sabi ni mommy habang umiiyak. Hindi ako sumagot.

Nandito ako sa higaan ko. Nakatingin sa kawalan. Sabi na, maling desisyon ang magpakalasing ako.

"Anak, kausapin mo 'ko. Sabihin mo lahat kay mommy please.. sabihin mo sa akin, anak." Umiiyak na sabi pa rin ni mommy. Tuluyan na akong napa-iyak ng yakapin ako ni Mommy.

"M-mommy..." My voice cracked.

"Tell it to mommy, baby. Tell us what really happened."

Huminga ako ng malalim.. wala na akong kawala dahil alam na nila. Kita sa itsura ni mommy na nasasaktan siya, nadudurog siya.

Tumingin ako sa paligid ko nakita ko silang lahat except sa asawa at anak ni Kuya Silas. Pati din si Gab.

Nakita ko ring namumula ang mata ni David. I can see na naaawa siya sa akin. Ayoko nito. Ayoko ng awa nila.

Lumapit na din sa akin si Daddy at niyakap ako. Lalo akong napa-iyak.

"Mommy... daddy..." Nanginginig ang boses ko hindi alam kung paano mag uumpisa.

"Please.. tell us what happened." Si Daddy.

"I was on my way sa gig ko. N-nung... nung may kotseng humarang sa sasakyan ko. I tried na tawagan kayong lahat pero walang sumasagot kahit isa." I started to broke down. "Binasag niya yung salamin ng pinto ng kotse ko.. tapos nakita si Carlo.. nakangisi sa akin."

"Anak.."

"Tinakpan niya yung bibig at ilong ko ng panyo and one thing I knew nasa higaan ako nakatali ang dalawa kong kamay sa headboard, pati yung paa ako. Sigaw ako ng sigaw ng tulong. Nagbabasakaling may makarinig sa akin, pero wala. Pumasok si Carlo.. S-sinaktan niya ako. S-inampal. S-sinabunutan. S-sinuntok. Tapos n-nakita ko siya... nakita ko siya gumagalaw sa i-ibabaw ko."  Lalo akong napaiyak ng maalala ang kababuyang ginawa niya sa akin. "Hindi ko alam kung ilang araw ako doon pero nakatakas ako. "

"Fvck." Kita ko kung paano tumulo ang luha ni David.

"Sinubukan ko sabihin sa inyo... sinubukan ko. Nagmakaawa ako na manatili kayo yet no one stay. Kase busy kayong mag-alala kay Kuya Silas, nakalimutan niyo na ako. Nakalimutan niyong may isa pa kayong anak na kailangan ng tulong. Sinubukan kong sabihin kay Kuya Stephen pero mas pinili niyang hanapin si Kuya Silas." Patuloy na sabi ko. Kitang kita ko ang pagsisisi sa kanilang mukha. " I was all alone. Ako lang mag isa..." Iyak ko.

"Anak... I'm sorry." Sabi ni mommy na umiiyak din.

"Nakipaghiwalay ako kay David, hindi dahil hindi ko na siya mahal. Nakipaghiwalay ako kase nandidiri ako sa sarili ko. He deserves better at hindi ako 'yon. " Napatingin ako kay David na naglalakad palapit sa akin. Niyakap niya ako. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"I didn't meant to say that, David. Hindi ko gusto 'yon. Gusto kong manatili ka sa tabi ko pero mas nangingibabaw sa akin yung may ibang nakatikim sa akin. Marumi na ako. God knows na gusto kong isigaw na mahal kita." Iyak ko sa balikat niya.

"No.. don't say that. Hindi ka marumi. Sana sinabi mo sa akin. Lawyer yung boyfriend mo pero hindi man lang kita napagtanggol. Hindi man lang kita napaglaban sa korte. Sana sinabi mo... kase hindi naman kita iiwan. " Umiiyak din na sabi niya.

Nasasaktan ako na makita siyang umiiyak. Mas natatakot ako sabihin na nawalan kami ng anak. Natatakot ako. Durog na siya ngayon. Ayokong mas madurog pa siya.

"Mahal na mahal kita... sana sinabi mo sa akin para mabigyan ko ng hustisya ang ginawa niya sa'yo. Pero bakit sa loob ng tatlong taon hindi mo pa rin sinabi?" Tanong niya sa akin.

"K-kase.. natatakot nanaman akong ma-reject. Natatakot nanaman akong talikuran. Natatakot akong iwanan. Ayoko na masaktan. Kasi ang sakit sakit ng isa-isa nila akong tinalikuran. Walang nandyan para sa akin. I went through a lot. I was all alone. Wala na ring saysay yung buhay ko."

"Oh my god." Si mommy.

Umiiyak silang lahat. Si Kuya Stephen. Si Kuya Silas, kitang kita ko kung paano siya umiling. Si mommy na nakayakap kay Daddy.

"Kuya... mommy... daddy... david . Nakaya ko nakaya kong mag-isa. Kinaya kong harapin mag-isa yung takot ko. Kinaya kong mabuhay. Kinaya kong lumaban. Kinaya ko ang lahat. Kinaya ko na wala kayo. " Sabi ko sa kanila.

Umiyak sila ng umiyak at hingi ng hingi ng tawad.

"May ebidensya ba? May picture or anything?" Inumpisahan ni David.

"I don't know. But i have a picture dahil alam kong darating yung oras na ito. Malalaman niyo at hihingan ako ng ebedensiya. " Hinanap ko ang phone ko. "Where's my phone?"

May kinuha si David sa drawer at binigay sa akin yung cellphone ko. Hindi ko pa ito nabubuksan ng yakapin ako ni Kuya Silas. Nanigas ako sa kinauupuan.

"I'm sorry, Aria. I think it was my fault. It was my fault. You went through that alone. I'm sorry. Kung hindi lang sana ako na hostage, hindi mas less na sakit siguro ang nararamdaman mo. I'm sorry."

Niyakap ko si Kuya Silas.

"No it's not Kuya. Hindi mo ginustong ma hostage ka. Hindi mo ginusto ang nangyari sa akin. Hindi niyo ginusto. It's not your fault. I'm just hurt, Kuya." Sabi ko habang hinahagod ang likod niya.

I didn't mean na isipin niya na it's his fault. It's not their fault. Ang naging kasalanan kasalanan lang nila ay talikuran ako. Nakalimutan nila ako.

Binuksan ko ang phone ko. Hindi pa man din nagtatagal ang hawak ko dito ng agawin ito ni David.

Siya na naghanap sa cellphone ko. Pero narinig ko itong nahulog. Tinignan ko siya ng nag umpisa nanaman siyang umiyak. Kinuha niya ulit ang cellphone at pinakita sa akin. Napaiyak din ako.

"I'm sorry." Sabi ko.

"W-what..." Mukha siyang naguguluhan.

"I'm sorry." Yun lang ang kaya kong sabihin.

"Explain it to me." Hinawakan niya ang balikat ko at mahinang niyugyog. "Tell me please..."

" I lost him. I lost my angel. I lost our angel. I'm sorry." Pag amin ko.

Kita ko kung paano siya napaupo at nanghina.

"No... no way. " Hindi siya makapaniwala. Puro siya iling mukhang hindi niya matanggap.

"I was about to tell you that. I am 2 months pregnant pero busy ka. Tapos nangyari 'yon. Tinalikuran nila ako. Nakipaghiwalay ako sa'yo. Di pa nagtatagal, iniwanan na din ako ng anak ko... ng anak natin."

Kita ko sa mata niya ang sakit, pagsisisi, panghihinayang at galit.