CHAPTER 11

"Seryoso ako sa sinabi ko kanina na tutulungan kita. At mananatili akong maghihintay sa'yo kahit gaano pa katagal yan."

"Seryoso ako sa sinabi ko kanina na tutulungan kita. At mananatili akong maghihintay sa'yo kahit gaano pa katagal yan."

"Seryoso ako sa sinabi ko kanina na tutulungan kita. At mananatili akong maghihintay sa'yo kahit gaano pa katagal yan."

Nasa kwarto na ako, nakahiga, nakatitig sa kisame. Hanggang ngayon paulit ulit pa rin sa isip ko ang mga katagang sinabi niya sakin. Ngunit ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang 'mananatili akong maghihintay sa'yo kahit gaano pa katagal yan." Siguro ba siya sa sinasabi niya? Kung sinabi lang niya sana ng mas maaga sana... sana..

Narinig kong may kumatok. Napabaling ang tingin ko sa pinto.

"Anak dinner is ready. Baba ka na. We'll wait for you." Sabi ni Mommy sa labas ng kwarto ko. Sa totoo lang wala akong gana. Wala akong gana sa lahat.

"Yes, My. Baba na ako just give me a few minutes. " Hindi ko matanggihan si Mommy. Tsaka baka hindi sila makakain, kakahintay sa akin.

Naghilamos muna ako para maging presentable ang itsura ko bago ako bumaba. Malapit na ako sa dining area ng marinig ko ang usapan nila Mommy at Daddy.

"Hon, yung baby ko... sinaktan niya. Sinaktan niya yung baby ko na never kong ginawa sa kanya." Alam kong si mama 'yon. Nanginginig ang boses niya at parang batang nagsusumbong kay Daddy.

Nasasaktan ako na marinig 'to, even si Mommy nasasaktan dahil sa akin.

" I'll make sure hon na hindi na makakalapit yung Carlo na 'yon sa anak natin. Sana hindi nalang natin siyang pinayagang manligaw kung sasaktan lang din niya pala ang anak natin. Naaawa din ako kay David, antagal na nun nagpaalam sa atin na hihintayin niya ang anak natin. " Sabi ni Dad.

Nagulat ako, sobrang nagulat ako dahil alam ni Dad na may gusto sa akin si David at nagpaalam pa sa kanya. Pero bakit nila ako hinayaan?

"Kita ko nga yung sakit sa mata nung batang yun nang ipakilala ni Aria si Carlo na boyfriend na niya ito." Sabi ni Mom.

"Nasasaktan din ako para sa batang iyon. Pero that time si Carlo ang kasiyahan ng anak natin. Pero ang kasiyahang iyon, ang nakapanakit sa anak natin." Now i know why Dad look hurt that time.

Hindi na kaya ng utak ko ang mga nalaman ko kaya naglakad na ko papunta sa kanila. Mukhang naramdaman nila kaya lumingon ako sila sa akin.

Lumapit ako kay Mommy at niyakap siya. Hindi ako nagsalita pero niyakap ko lang siya. Walang tanong tanong niyakap ako ni Mommy pabalik at naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko.

"Ok ka na baby hmm?" She asked me using her soft voice.

Ok na nga ba ako?

"Yes mom, I'm okay so no need to worry."

But when i said I'm okay that was a lie. Hindi ko alam kung kailan ako magiging okay.

"That's good to know baby. Wag ka mahihiya kay Mommy na magsabi ng mga nararamdaman mo ha. Nandito lang kami, hindi ka namin pababayaan."

Niyakap kami ni Daddy.

"Ang dalawang babae ko sa buhay hindi ako sinasali sa lambingan." Mahilig talaga sa lambing si Dad. He's so clingy but i find it cute.

Nag umpisa silang kumain pero ako hanggang ngayon wala pa ring gana. Parang hindi tatanggapin ng katawan ko ang kakainin ko.

Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako. Nanuot pa rin ang ala alang ginawa ni Carlo. Ang pangangaliwa, ang pananakit niya sa akin, at ang pambabastos niya sa akin.

My parents didn't know that Carlo harassed me. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin, no hindi ko alam kung sasabihin ko ba. Dahil alam kong malaking gulo ang kalalabasan. Natatakot ako.. natatakot ako sa mga mangyayari kung sasabihin ko ito. Lalo na at si Kuya Silas ay isang sundalo.

Hindi ko namalayan na tumulo na ang luha ko at naramdaman kong yakap yakap na pala ako ni Mommy.

"M-mommy." I said while sobbing. "Ansakit sakit na. Ayaw ko nito. Ayaw ko. Please. Please take this pain away from me. Nahihirapan na ako. Nandidiri na ako..."  Mommy I was sexually harassed. Carlo harassed me. I badly want to say that pero hindi ko masabi.

"Shhh... Mommy is here. Hindi kita iiwan, dito lang ako hmm"  She kiss my forehead while dad na nakatitig lang sa akin pero alam kong nasasaktan siya para sa akin. Kitang kita ko sa kanya na gusto niyang manakit. Galit na galit siya.

Mom sent me to my room. Tinabihan niya ako. Niyakap ko siya agad.

"Mom pwede dito ka matulog sa tabi ko. Natatakot ako Mommy. Ayokong mag isa."

"Sure baby. Dito lang ako. " Hinagod niya ang buhok ko while singing lullaby.

She used to sing that to me when i was a kid. Namiss ko ang pagpapatulog niya sa akin. Ninamnam ko ang bawat haplos ng kamay niya sa aking buhok.

Bumukas ang pinto at pumasok si Daddy. Dali dali siyang nagpunta sa pwesto ko at humiga sa bandang likuran ko. Niyakap niya kame ni Mommy.

Mas nakaramdam ako ng kapayapaan dahil meron akong magulang na hindi ako iiwan at my lowest point. Mas naramdaman ko ngayon na sobrang mahal nila ako.

"Mahal na mahal ko kayo." Bulong ni daddy bago makatulog.

Tulog na sila at ako ay dilat na dilat pa rin. Iniisip ko kung gaano ako kaswerte bilang anak ni Mr. at Mrs. Cabrera. Napaka swerte ko rin na may kapatid ako na nariyan para sa akin. Sobrang swerte ko na may bestfriend ako na handang makipag away para sa akin. At meron akong David na handang tumulong sa akin.

Napaka swerte ko na meron akong sila. Wala na akong mahihiling pa dahil napapaligiran ako ng mga taong nagmamahal sa akin.

"I love you Mommy."  I whisper and kiss her cheeks.

"I love you Daddy." I also kiss him on his cheeks.

"I love you Kuya Silas, Kuya Stephen." Sabi ko sa isip ko.

And...

Someday... masusuklian din kita. Masusuklian ko din ang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin David. I want to be a better women for you. I won't settle for less because David you deserve better.