Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

CHAPTER 8

KITY'S POINT OF VIEW

I yawned for the nth times. Kanina pa ako hikab ng hikab dito, mabuti na lang at nasa pinakahulihang upuan ako kaya hindi ako napapansin ni Professor Arpia. Sa kwento pa naman ni Olivia terror daw 'yan at namamahiya ng students.

"Kity, anong oras ka ba natulog kagabi? Mukang puyat ka ah," pabulong na sabi ni Olivia na katabi ko.

"I think around 2am na ako nakatulog kanina," pabulong din na sagot ko.

"Ano? Bakit ka nagpuyat? Alam mo namang may pasok 'di ba? Tinginan mo ngayon hikab ka ng hikab," sermon niya.

"I can't sleep kasi eh."

Kagabi- I mean kanina, alas-dos na akong dinalaw ng antok. Hanggang alas-dos rin kaming nag-usap ni River through facebook messenger. Marami akong nalaman about sa kaniya sa maikling oras na pag-uusap namin. Except sa nasa kanila ang Mona Lisa original portrait, nalaman ko rin na he's favorite foods are Bicol express and laing.

I'm familiar with those foods pero wala pa akong natitikman. Nalaman ko rin na they owned the PBank, isang malaking bangko sa Pilipinas. Hindi ko alam na ang mga Piencenaves pala ang may-ari nun. I'm not interested din naman kasi dati.

"Class dismissed," Professor Arpia announced, nakahinga naman ako ng maluwag. Ito na kasi ang panghuling subject namin this morning.

I massaged my nape, pakiramdam ko kasi nabanat na lahat ng ugat ko sa batok dahil sa kakayuko ko. Sobrang dami kasi ng pinapasulat ni Professor Arpia ngayon hindi kagaya kahapon na puro lang siya lesson.

"Kity sorry ha, hindi kita masasamahang mag-lunch ngayon may group meeting kasi kami para sa Gen. Physiology," nag-aalalang sabi niya.

Nakangiti akong tumango, "It's okay, go on, ayos lang ako. You should go."

"Sige bawi na lang ako bukas," kumaway siya sa akin, "Una na ko."

I waved back at her, "Bye, take care!"

Nang makaalis na siya ay tsaka naman ako nag ligpit ng mga gamit ko. Ramdam ko talaga na inaantok ako dahil ang bagal kong kumilos. Gusto kong matulog pero hindi ko naman alam kung saan ako pwedeng matutulog sa school na 'to.

In my previous school kasi natutulog kami nina Maya sa club room ni Enzo dahil tahimik doon at hindi masyadong pinupuntahan except sa mga member ng chess club. While here I know nothing, kaya titiisin ko na lang siguro ang antok ko for now.

Sinukbit ko ang hand bag ko sa balikat ko at saka kinuha ang tatlong makakapal na libro ko na nakapatong sa table ko. I looked around, hindi ko napansin na ako na lang pala mag-isa dito.

Nang makalabas ako ng room ay mangilan-ngilan na lang din ang mga students doon. Muli na naman akong humikab pero pag mulat ng mata ko ay halos magitla ako nang makita ko kung sino ang nasa harap ko.

"Sleepy?" River asked, while smiling.

I looked at him from head to toe. Nakasuot siya ng white short sleeve polo na may kulay gray sleeveless na patong, bale ang kulay puting manggas lang ang labas. Meron din siyang pinaghalong kulay red, white and royal blue na necktie. Sa kanang dibdib ay may logo ng SLC. Nakasuot rin siya ng gray pants. So, ganito pala ang uniform ng mga business administration students.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko. Hindi naman nila department building 'to.

He shrugged, "Pumunta ako dito kasi gusto kitang puntahan. Galing na ako sa cafeteria sa baba pero hindi kita nakita so I went here," he explained.

Kumunot ang noo ko, "Ako? Bakit gusto mo kong puntahan?"

"I remember that you don't have enough sleep kaya gusto sana kitang alokin, I know a place that you can sleep peacefully."

Biglang nagliwanag ang muka ko, "Really?"

He nodded, "Yeah, but shall we eat first?" aniya sabay angat ng hawak na paper bag.

"I'm full, ikaw na lang. I'm really sleepy."

"No, sabay tayong kakain doon."

Napangiwi ako, "Fine."

Hindi na lang ako nakipag-argumento dahil alam ko namang hindi ako mananalo sa kaniya. Bumaba kami, paglabas namin ng Health Science department building ay dumaan kami sa west wing na bahagi ng school. Tumigil kami sa isang 4-storey building.

Dere-deretso siyang pumasok doon kaya sumunod na lamang ako. May mangilan-ngilan na faculty member ang mga dumadaan doon.

"Good noon Ma'am," we greeted.

"Good noon."

Tumigil kami sa pinakadulong room. Kumunot ang noo ko nang mabasa ko kung anong nakalagay doon.

"Library?" I asked, confused.

"Yes," he uttered.

"Anong ginagawa natin dito?" pabulong na tanong ko.

"You want to sleep, right? You can sleep here."

"Nagbibiro ka ba? Pano kung pagalitan tayo?"

"They won't, akong bahala sayo," he assured.

As we entered, the library was full of books, quite, clean, and organized. May mangilan-ngilan na students na seryosong nagbabasa ng libro ang iba naman ay abala sa laptop nila habang may katabi ring makakapal na libro.

Nagsisimula na silang mag bulungan nang mapansin nilang pumasok kami sa loob.

"Quiet, students!" umalingaw-ngaw ang matinis na boses na 'yun ng isang middle ages na ginang na may suot na salamin. Maybe, she's the librarian.

Nagtungo kami sa likod ng isang malaking bookshelf meron doong mga lamesa pero bilang lang sa daliri ang nakaupo. Lahat sila ay kumakain habang may tambak na libro sa harap nila.

"This is the eating area of the library," River said.

I'm amazed because this was just my first time seeing a library with an eating area. Nilabas niya ang laman ng paper bag na dala niya. Meron iyong dalawang styrofoam na lalagyan ng foods with disposable spoon and fork and two canned coke.

"Pinaghandaan mo talaga 'to?" natatawang tanong ko.

He chortled, "Not really," inusog niya sa akin ang pagkain, "Eat."

"Thanks."

We started eating. Kumunot ang noo ko nang malasahan ko ang ulam. Nginuya ko ito ng mabuti. Ngayon lang ako nakakain nito and it tastes good.

"What's this?" I curiously asked him, who was just staring at me the whole time.

"Laing."

My eyes widened, "Talaga?" He nodded, "This is one of your favorite, right?"

"Yes, you told me last night that you haven't eaten laing yet, right? So I asked Mom if she could cook me for two," he explained, "How was it?"

"It delicious," I genuinely said.

"Good to hear that you liked it."

Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko siyang magligpit ng pinagkainan naming dalawa. Sumandal ako sa sandalan ng upuan habang pinupunasan ang bibig ko ng tissue. I felt full, masarap nga talaga ang laing.

I burped, "Excuse me."

River chuckled and burped too, "Excuse me too."

Nagkatinginan kami at sabay na natawa.

"Can I sleep now?" I asked and yawned.

"Sure, gigisingin na lang kita kapag class hour na."

"Sige, thanks."

Dinukdok ko ang ulo ko sa mesa at saka pumikit. Hindi ko alam kung dahil busog ba ko o talagang kulang lang ako sa tulog kaya mabilis akong nilamon ng antok.

*****

I opened my eyes, but I didn't move. The first person I saw was River, who's busy reading books. Halos mag dikit na ang dalawang kilay niya sa sobrang seryoso niyang mag basa.

Nang ilipat niya ang pahina ng librong binabasa ay saka naman nagtama ang paningin naming dalawa.

He smiled, "Hey."

Umupo ako ng tuwid at kinusot ang mata ko.

"What time is it?" I asked while massaging my nape.

"It's 3:51," he replied.

Natigilan ako dahil sa sagot niya, "Ano? Bakit hindi mo ako ginising late na ako sa pangalawang subject ko," I was panicking.

Shit, absent na ko sa unang subject ko ngayong hapon. Isa-isa kong nilagay sa loob ng bag ko ang mga gamit ko. Wala akong pakialam kung mag-mukang basurahan ang bag ko.

"Don't worry we don't have class this afternoon," natigilan ako.

"Huh?"

What did he mean?

"A while ago I was about to wake you up pero nag-announced ang faculty na pumunta sa lyceum ngayon dahil may importante silang ia-announce," he said.

"Ngayon? Oh, ano pang ginagawa mo dito? Hindi ka ba pupunta roon?"

"Pupunta, hinihintay lang talaga kita magising."

I tsked, "Pwede mo naman kasi akong gisingin pano kung wala nang upuan doon? Saan tayo uupo? Sa sahig?"

He chuckled, "I won't let that happen," he assured.

"Okay, sabi mo eh," sinukbit ko ang bag ko sa balikat ko, "Tara na! Bilisan mo na diyan baka patapos na 'yun."

"Yes Ma'am!" pang-aasar niya. Inirapan ko lang siya, "Let me help you," aniya sabay kuha ng tatlong makakapal na libro na nasa braso ko.

"Hindi na, I can do it," pagmamatigas ko.

"No," he said.

I grimaced when he turned his back to me. Bakit ba hindi ko nilalabanan ang lalaking 'to?! Kainis!

Nang makalabas kami ng library ay kinuha ko mula sa bag ko ang phone ko. I saw two messages from Olivia 20 minutes ago. I opened her message.

From: Olivia

Where na you? Hihintayin kita dito sa lyceum.

From: Olivia

Uy nagsta-start na. Nasan ka na ba?

I typed a reply.

To: Olivia

On the way na ko.

Pagkatapos kong mag-reply ay sumabay na ako sa paglalakad ni River.

"Bilisan natin hinihintay na ako ni Olivia doon," I said.

Pagkalabas namin ng 4-storey building ay lumiko naman kami sa south wing na bahagi ng school. Meron doong limang malalaking hall. Nagtungo kami sa pinakadulong hall.

"Is this the lyceum?" I asked River.

"Yes, those four halls are the gymnasium, auditorium, natatorium, and the laboratory cafeteria," he said while pointing to the other halls.

Tumango-tango ako bilang tugon.

Pagpasok namin sa loob ng lyceum, nagsisimula na nga ang program. Halos mapuno na ang buong hall dahil sa dami ng students.

"Let's go," alok sa akin ni River at saka hinawakan ang kamay ko't hinila ako.

My breath hitched. I slowly looked at our hands. Naramdaman ko na naman ang pag bilis ng tibok ng puso ko. Normal lang naman ang pag kakahawak niya ng kamay ko pero grabe ang impact nun sa dibdib ko.

I shook my head. No, this is not good.

Huhugutin ko sana ang kamay ko sa kaniya pero mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. All I can do is look at his back and feel his soft hand to mine.

Hindi parin kumakalma ang dibdib ko hanggang sa makahanap kami ng upuan sa bandang itaas. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

"Uhm... River?" He looked at me, "My hand..."

Para naman siyang napaso dahil agad niyang binitawan ang kamay ko.

"I'm sorry... Did I make you feel uncomfortable?"

I shooked my head, "N-not really," I lied.

Hindi na ako makatingin ng deretso sa kaniya dahil ramdam ko pa rin ang pagkabog ng dibdib ko. Alam ko namang wala lang 'yun sa kaniya kaya dapat ganon din sa akin!

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, ngayon ko lang napansin na ang mga kasama ko pala ay mga business department students. Parang ako lang yata ang nag-iisa taga-health science department dito.

"... like what Mr. Gunma have said a while ago this coming weekend is our celebration for our 30th foundation day of St. Laurent College, we want you to cooperate and prepare some booths and other entertainment for our celebration. Each department should've their own presented booth. We will allow the outsiders to enter inside our school campus premises during the celebration. Thank you," Dean stated.

"Thank you, Dean. But those fourth year students, who are busy to their on-the-job training, exempted na kayo dito," Dra. Mendez said.

So, exempt pala sina Kuya Kyrus at Kuya Kendrick. Nag o-OJT na kasi silang dalawa. Si Kuya Kyrus ay sa munisipyo habang si Kuya Kendrick naman ay sa prisinto. Mas late pa nga silang umuwi sa akin kagabi.

Hinanap ng mata ko si Olivia pero dahil sa sobrang dami ng mga students hindi ko man lang siya nahanap.

"Who's you're looking for?" kunot noong tanong ni River.

I looked at him, "Si Olivia."

"You can't find her here, just text her," he suggested.

Sinunod ko naman siya. Alam ko namang mahihirapan lang akong hanapin si Olivia dito pero sinubukan ko pa rin. I took out my phone and texted her.

To: Olivia

Hey, magkita na lang tayo sa entrance mamaya.

She immediately replied.

From: Olivia

Sige, nasan ka ba?

To: Olivia

Nasa business department ako nakaupo. May kasama kasi ako.

From: Olivia

Sino naman?

To: Olivia

Mamaya ipapakilala na lang kita.

Tinago ko na sa bag ko ang phone ko nang tumayo na si River. Nagsisitayuan na rin pala ang ibang studyante.

"Let's go, I'll take you home," River said.

"Naku wag na, sure naman akong ayos na 'yung sasakyan namin tsaka ayokong makaabala," tanggi ko.

"No. I insist," pamimilit niya.

"Per—"

"Noah?" Someone cut me off. I looked behind me.

It's Yolan...

"Yolan..." River muttered.

"What are doing with this... girl?" She looked at me with disgust in her eyes.

"It's none of your business Yolan," walang modong sagot ni River.

"Oh it is my dear Noah," she smiled devilishly and looked at me from head to toe, "Excuse me, can you please stay away out of my sight?"

Biglang nag pintig ang tenga ko dahil sa sinabi niya.

"And who the hell are you to ordered me to stay away out of your sight, huh?" inis na tanong ko sa kaniya pabalik.

Anong karapatan niyang utus-utusan ako?!

She smirked, "I am the daughter of the gover-."

"Yolan, stop it! Ano bang ginagawa mo dito?" bakas ang inis na boses ni River.

Yolan rolled her eyes, "Take me home, Noah. My driver said that he can't fetch me today," maarteng sabi niya at saka pumulupot sa braso ni River.

Pinigilan ko naman ang sarili kong irapan siya.

Tsk, kung makapulupot dinaig pa ang higad.

Nagtama ang paningin naming dalawa ni River pero agad akong umiwas.

"Why me? Marami naman kayong driver sa bahay nyo," bagot na sagot nito.

"Dad said that if my driver can't take me home magpahatid daw ako sayo because he trusts you."

Lumukot ang muka ni River. "Darn it!" He cursed.

"Uhm... River can I have my books now? Mang Mario might waiting for me in the parking," I interrupted. Kanina niya pa kasi hawak ang mga libro ko.

"But Kiely-,"

"Give it to her Noah! Why are carrying her things ba kasi? What are you? A slave?!" Yolan exclaimed, and she looked pissed.

"Shut up!" River emitted.

Kinuha ko iyon mula sa braso ni River, tumigil muna ako sa harapan ni Yolan at saka siya inirapan. Nakita ko naman ang inis sa mata niya. Pagkatapos ay dere-dertso akong umalis doon ng walang paalam.

Hindi na ako muling lumingon sa kanila dahil maiinis lang ako lalo na sa Yolan na 'yun! Anong akala niya sa akin? Hindi ko siya papatulan? Asa hindi ako marunong magpa-api!

Paglabas ko ng entrance ay nakita ko si Olivia na nakatayo malapit doon. Nang makita niya ako ay agad na kumunot ang noo niya.

"Anong nangyare sayo? Bakit para kang galing sa gera? May nangyari ba?" sunod-sunod na tanong niya.

I shook my head. "Wala naman may naka-usap lang kasi akong higad sa loob?"

"Huh? Kumakausap ka ng higad?"

"Not literally. Nevermind."

"Oh, asan na 'yung ipapakilala mo sa akin?" tanong niya at tumingn sa likod ko.

"Wala na sumama na doon sa higad," I whispered, "Tara na nga wag mo nang hanapin 'yun."

"Nakakainis ka naman eh. Na-curious pa naman ako."

"Don't worry makikilala mo rin 'yun wag lang ngayon may pinuntahan siya eh," I lied.

"Sabi mo yan ah. Nacu-curious ako kung sinong kasama mo the whole time eh. Basta naamoy ko lalaki ang kasama mo."

I chortled. "Baliw!"

Chương trướcChương sau