KITY'S POINT OF VIEW
"Mag-iingat po kasi kayo sa susunod Ma'am," pangaral na naman sa akin ni Margarita habang inaalalayan ang kamay ko na nakababad sa malamig na tubig.
I pouted. Kanina pa niya ako sinesermunan na parang mas matanda siya sa akin.
"I'm sorry okay? I just forgot that I'm not wearing oven gloves sa kakamadali kong matanggal 'yung cupcakes baka kasi mag over heat din," I reasoned.
"Kahit na po."
Tumingin ako kina River at Dave na abala sa pag-babasag ng itlog.
"Tama na 'yan Margarita hindi naman na masakit. I still have a lot to do," sabi ko at tinanggal ang kamay ko na halos 15 minutes nang nakababad sa tubig.
"Sigurado po kayo Ma'am?" nag aalalang sabi ni Margarita.
"Yeah, paso lang naman 'to. Hindi ko ikakamatay 'to," natatawang sabi ko.
Tumango naman siya. Pumunta ako sa isang oven at tiningnan kung umalsa na ba ang nakasalang doon. Agad din naman akong umalis sa harap nun at saka pumunta kina River at Dave.
They both looked at me.
"Hey, okay ka na ba Kity?" tanong ni Dave.
I nodded, "Yeah, nakatulong ang malamig na tubig para mabawasan 'yung sakit ng paso ko."
"That's good."
I smiled, bumaling ako kay River na nakakunot ang noo habang padabog na nagbabasag ng itlog.
I frowned, "Problema mo?" takang tanong ko sa kaniya.
Malapit niya na kasing maging kamuka si angry bird dahil sa sobrang lapit ng dalawang kilay niya sa isa't isa.
"Wala!" pagalit niyang tugon.
I rolled my eyes. Pinaglihi ba siya sa sama ng loob ni Tita Nyssa? Hindi ko na lang siya pinansin. Kumuha ako ng glass bowl at saka minix doon ang mga ingredients para sa gagawin kong chocolate icing para sa cupcake na tapos nang mabake.
*****
Hindi ko na namalayan ang oras. Alas-tres na nang madaling araw pero hindi pa rin kami tapos. Mas naging seryoso kami sa ginagawa namin. Hindi na rin umuwi si River at Dave sa bahay nila. Nagdagdag na rin kami ng kasambahay na tutulong sa paggawa ng cake.
Hindi ko iniexpect na ganito pala kahirap magbake. Mabuti na lang nag-medicine ako.
Sumimsim ako ng tinimpla kong kape bago ko muling tinuloy ang pagdedesign ng pang-13 na cake na ginagawa ko.
Kumunot ang noo ko ng may biglang kumuha ng kape ko na nakapatong sa kitchen countertop. When I looked at whom it was, my eyes widened. It was River!
"That's my coffee, bakit ka umiinom?!" gulat na tanong ko at tinapik ang braso niya.
Hindi niya man lang ako sinagot, nagpatuloy lang siya sa pag-inom sa kape ko na parang walang naririnig.
Napalunok ako ng mag-tama ang paningin naming dalawa. He wiped his lips. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapagawi ang tingin doon. Na pa lunok na naman ako sa pangalawang pagkakataon.
"Stop starting at my lips baby, baka hindi ko mapigilan ang sarili kong halikan ka," pabulong na sabi niya sa kaliwang tenga ko.
Ramdam ko ang dagliang pag init ng pisngi ko. Pakiramdam ko sobrang pula na nito ngayon. I turned my back on him so he wouldn't notice the redness on my face. Nakakahiya!
"A-anong bang sinasabi mo dyan?!" pagalit na tanong ko sa kaniya.
Iminom ako sa kape ko sa sobrang taranta ko, pero huli ko nang na-realize kung ang ginawa ko.
"Nice, indirect-kiss huh," he teased, pabulong niya lang sinasabi ang katagang iyon pero parang kulog 'yun sa tenga ko.
Tumingin ako sa ininuman kong baso at saka kay River na nakangisi akong tinitingnan.
Fuck it! Why do I let this man treat me like this?! I can't take it anymore!
"Wag mo nga akong kausapin," pagalit na sabi ko sa kaniya at saka pumunta sa pwesto nina Margarita na abala pa rin sa ginagawa nila para iwasan siya.
I glared at him but he just laughed. Bumaling ako kina Margarita.
"Aren't you sleepy?" I worriedly asked to them. Kanina pa kasi sila walang tigil sa ginagawa.
"Hindi po Ma'am sanay na po kasi kami sa puyatan," sagot ni Ate Julma, isa sa mga taga-luto dito sa mansion.
"But still you should sleep later. I'll just increase you salary kasi nag over time kayo ngayon, okay?"
Sabay-sabay naman silang tumango at ngumiti sa akin. Bumaling ang paningin ko Dave na tahimik na nag lalagay ng mga cupcakes sa cupcake box. Pumunta ako sa kaniya.
"Hey," tawag ko sa atensyon niya.
Tumingin naman siya sa akin at ngumiti, "Hey."
"Aren't you tired or sleepy?" I asked.
He shook his head, "No, I have insomnia," I answered.
"Oh, pero 'di ba lagi kang maagang dumadating sa school? Natutulog ka ba?"
"Of course, 3 to 5 hours only," he replied, chuckling.
Tumulong ako sa kaniya sa pag-papack ng cupcakes.
"What are you doing for you to get to asleep?"
"I'm exhausting myself."
"Eh? How?"
"Like cooking and exercising in the middle of the night," natatawang sagot niya.
I chortled, "Weird."
It's weird kasi sino ba naman ang mag luluto o kaya mag e-exercise sa kalagitnaan ng gabi 'di ba?
"Yeah, weird."
*****
Bandang alas-syete na kami natapos sa ginagawa namin. Lahat kami ay walang tulog at pagod. Pakiramdam ko ay nabawasan ang timbang ko dahil sa ginawa namin magdamag.
Inayos ko ang mga box ng cupcakes at cakes na nasa ibabaw ng couch. Mamayang alas nuwebe pa ang opening kaya may oras pa ko para mag ayos.
"Okay na yan Ada. Magpahinga na kayo alam kong pagod kayo at inaantok na. Nakausap ko na si Mamita pumayag siya na wag muna kayong mag trabaho ngayong araw. Maraming salamat. I appreciate all your help," I sincerely said.
"Wala pong anuman 'yun Ma'am. Ikaw din po magpahinga na pati na rin po kayo sir River at sir Dave alam po naming pagod din kayo," sabi ni Maria.
"We will thank you for your help," River said who was next to me.
"Sige po una na po kami," I nodded to them, and then watched them leave.
"Me too, Kity. I'll go ahead. I will take a nap for a while and fix myself before I go to school," Dave said while holding his car key.
"Sige salamat sa pagtulong ah. Na-appreciate ko ang pag punta mo dito."
"You're welcome, I'm happy to help you," Dave smiled, "So, I'll go ahead," bumaling siya kay River, "Una na ako pare."
Tiningnan lang siya ni River na parang walang pakealam kaya lumapit ako sa kaniya at saka patagong kinurot ang bewang niya. Napaiktad naman siya, nakuha niya siguro ang ibig kong sabihin kaya sumagot siya.
"Sige pare ingat ka. Wag ka muna sanang mamamatay."
Pinalo ko ang braso niya, "Ano bang sinasabi mo dyan!"
Muka namang hindi na-offend si Dave dahil tumawa lang siya. Nang makaalis si Dave ay saka ko tiningnan ng masama si River.
"What?"
"Ikaw ah kanina ka pa," sabi ko sa kaniya habang nakahawak sa magkabilang bewang ko.
"What did I do?"
Hindi ko pinansin ang tanong niya.
"Sabihin mo nga sa akin ano talagang ginagawa mo dito sa bahay namin? Imposible namang pumunta ka dito para lang tumulong mag bake?" I asked sarcastically.
Umiwas siya ng tingin, "Nothing, napadaan lang talaga ako dito kagabi, sakto namang may importanteng kayong ginagawa kaya tumulong na ko."
"Sus palusot," pagtataray ko sa kaniya.
Ewan ko ba pero this past few days naiinis talaga ako sa kaniya. Iniiwasan ko pa nga 'di ba? Kung pwede ko nga lang siyang paalisin kagabi ginawa ko na pero ayaw ko namang pahiyain siya sa harap ng mga kasambahay namin, lalo na kay Margarita kaya hindi ko na lang ginawa.
"Why are you mad at me? Kay Dave nga hindi ka nagalit nang pumunta sya dito tapos sa akin, ni salamat wala akong natanggap mula sayo. Can you just be thankful because I helped you?" inis na sabi nya.
"I didn't asked you to help me!"
"Why? Did you asked Dave to help you?" natigilan ako, "See? You didn't even expect him to come to here, right?"
I frowned, "Ano bang pinaglalaban mo?!"
Wala akong pakealam kung nagsisigawan na kami dito sa sala, wala naman halos kasambahay dahil umuwi na, kaya ayos lang.
Naiinis nyang ginulo ang buhok nya, "Just at least be nice to me and say thank you like what you did to your Dave!"
My Dave?! What the fuck? Where did that come from?
"Okay fine, thank you. Happy?" I said sarcastically.
He tsked, "You know what? I'm leaving."
Padabog nyang kinuha ang susi ng sasakyan nya na nasa ibabaw ng center table at saka pagalit na nag marcha palabas ng pinto. All I could do was watch him leave.
Napaisip naman ako sa ginawa ko.
Was I being too harsh on him? Hindi ko ba talaga sya pinasalamatan? Am I too much?
"Nakakainis! Bakit ba kasi inatake na naman ako ng katarayan ko!" pabulong na sermon ko sa sarili ko.
Tumalikod na ako pero halos mahulog ang puso ko dahil sa gulat dahil nakita ko si Mamita na nakatayo sa hagdan habang nakangiting aso.
"M-mamita ano pong ginagawa nyo dyan? Kanina ka pa po ba dyan? Magaling na po ba ang tuhod mo?" sunod sunod na tanong ko.
"May narinig kasi akong nag aaway kaya bumaba ako. Akala ko naman kung sino na, kayong dalawa lang pala ni River na nag LLQ," natatawang sabi ni Mamita habang bumababa ng hagdan.
"Mamita we aren't lovers!" I complained.
Tumigil sya sa pagbaba ng hagdan at patay malisya akong tiningnan.
"Ay hindi ba?" I nodded, "Para kasi kayong magkasintahan kung mag sigawan dito sa baba."
"Mamita!"
"What? I'm just telling the truth, Apo," tumalikod sya sa akin pero agad ding humarap, "Sya nga pala, humingi ka ng paumanhin kay River, Apo. I found out that he had something important to go to, last night and he just passed by here. But he canceled his meeting just to help you."
I was stunned because of what Mamita said, I didn't move from where I was standing while watching my grandmother go in the kitchen direction.
Lumingon ako sa pinto kung saan dumaan si River na para bang makikita ko pa siya doon.
KINUSOT ko ang mata ko nang maramdaman kong bumibigat ang talukap ko. Hindi ako maaaring matulog dahil kailangan kong pang tumulong sa booth namin.
Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan ng tumigil ito sa parking lot. Kasunod nito ang tatlong sasakyan pa sa likod na kasama namin.
Bumaba doon ang mga lalaking hindi bababa sa labing lima ang bilang. They are our family butlers. Mamita told them to bring the boxes because she said she wouldn't let me bring those boxes on my own.
Ang ibang dumadaan ay napapatingin na sa gawi ko dahil sa dami ng kasama ko.
"Um, you can leave those boxes here, I'll just bring them inside," sabi ko.
They shook their head in chorus.
"Hindi po maaari Ma'am. Tatanggalan po kami ng trabaho ni Donya Asuncion," sagot ng nasa pinakagitna.
I took a deep breath. This is my third attempt to convince them, but they are not really listening. Edi don't. Hindi naman ako ginto para tratuhin ng parang mamahalin.
"Fine."
Nauna na akong maglakad sa kanila. Sumunod naman sila agad dala ang mga boxes ng cake na pinaghirapan namin. Habang naglalakad kami ay halos lahat ng studyante ay nakatingin sa gawi namin.
I hate attention, fuck this!
Only students are still here inside the campus because the opening for outsiders is mamaya pa.
Natatanaw ko na sina Bella na nagseset up ng mga chairs and table sa harap ng booth namin. Nang matanaw nila ako ay umaliwalas ang muka nila at the same time nagtataka nang magawi ang tingin nila sa likod ko.
"Ang bonga ni Kity may pa men in black na kasama," sabi ni Ruby.
"Sira, inutusan kasi sila ni Mamita na dalahin itong mga boxes ng cakes at cupcakes," sabi ko, "Pakilagay na lang po sa loob ng booth," utos ko agad naman silang tumalima.
"Hala! Natapos nyo po talaga lahat Ate Kity?" napatingin ako sa kaliwa ko ng biglang sumulpot ang freshman nursing student na nakausap namin kahapon.
"Yeah, sa tulong ng mga katulong namin sa bahay at ni River pati na rin kay Dave."
"Huh? Pumunta si Dave sa bahay nyo?" gulat na tanong ni Bella.
I nodded, "Honestly, I didn't expect him last night."
"Wait lang, sinong River, Kity? Si River Piencenaves ba ng Business Department?" singit naman ni Naomi.
Natigilan naman ako. May sinabi ba akong River? Huli ko nang narealize na nabanggit ko pala ang pangalan nya.
"Y-yeah."
"Close kayo? Nakakalapit ka doon?" parang hindi naniniwalang tanong niya.
"We aren't close pero nakakalapit ako sa kanya, why?"
Nagkatinginan sila, "Binabakuran na kasi 'yun ni Yolan, yung anak ni Governor Valbuena, kahit 'yung totoo ayaw naman sa kanya ni River," pabulong na sabi ni Naomi sa akin, nag sitanguan naman silang nakikinig.
"Ayaw sa kanya ni River?" gulat na tanong ko. Parang may biglang sumibol na saya sa dibdib ko dahil sa narinig ko.
"Oo naman. Wala nga atang magtatangkang magkagusto dun kapag nalaman nila ang ugali ng babaeng 'yun. Mayabang lang naman sya kasi Governor ng probinsyang 'to ang tatay nya!" nataray na singit ni Sophie.
"Girls, tama na yan pag chichismisan nyo dyan. Look, mga gwardya ni Kity ang nag-aayos ng mga lamesa," Benjamin interrupted.
"Bakit ikaw may naitulong ka na ba?!" bulyaw ni Bella sa kanya.
"Kakarating ko lang kaya malamang wala pa!"
Wala sa sarili akong umupo sa isa sa mga monoblock chair. Naalala ko na naman 'yung sigawan namin ni River kanina. Bakit ko ba kasi sya inaway? Tsaka bakit ko ba sya iniiwas nitong mga nakaraang araw?
I took a deep breath. Dinukdok ko ang ulo ko sa ibabaw ng monoblock table.
Mamita is right, I really need to apologize to River. Pero bago 'yun saan ko naman mahahanap dito si River?