Chapter 9: Wanna Eat!

I was completely amazed when I saw the Cabin Hotel! Like, amaze! Sobra! Hindi kasi siya one whole building lang tapos may room numbers ang pagsstay-han mo. I was expecting things like that, kasi Hotel e. Pero hindi ko sukat akalain na mukhang malaking subdivision ang tinatawag ni Tiyo Manuel na Cabin Hotel.

"Libri kang nakakapili ng bahay na pagsstay-han mo dito sa Cabin Hotel, hija. Pero bagong dating ka lang at madilim na rin. Doon ka muna magpapalipas ng gabi sa Asul na Mansiyon o blue mansion. Pagkatapos nun, ay magpasama ka sa mga staff ng blue mansion para matulungan ka sa pagpili mo ng kabin kinabukasan."

Wow. Hindi na ako nakapagsalita sa sobrang gulat. I mean, hindi ko lubos inisip na may ganitong... klaseng lugar. It's very unique. I wasn't really expecting all of these, because I was just expecting the typical island vibes. You know, mga bahay na gawa sa bamboo. Maliit pero magaganda, walang malaking building o ano. I wasn't expecting all of these, kaya I was really quite surprised.

Konti lang naman ang nilakad namin ni Tiyo Manuel bago makarating sa sinasabi niyang Blue Mansion. Para nga itong malaking palasyo at sa labas pa lamang ay hangang hanga na ako sa klase at estilo ng mansyon. Mansyon ba 'to o palasyo?

"Pag-aari pa rin ito ng may ari ng isla, hija. Ang pananatili dito ay libri pero pang-isahang araw lang dahil kailangan mo ng lumipat sa kabin kinabukasan. Dito ka rin magbabayad para sa kabin na kukunin mo,"

Inihabilin ako ni Tiyo Manuel sa isang staff ng Blue Mansion bago ito umuwi. Pinapasok nila ako sa isa sa mga kwarto sa first floor. Hinatiran pa ako ng pagkain ng staff para daw makapagpahinga na ako pagkatapos. It was such a warm welcome. Maganda at simple lang ang kwartong kinalalagyan ko. A typical room for one.

Pagkatapos kong kumain ay naligo muna ako. It was to freshen up my body. Pakiramdam ko kasi ay ang lagkit lagkit ko sa di malamang kadahilanan. Hindi naman kasi ako pinawisan pero hindi talaga ako komportable. Nang makapagbihis ay kaagad na akong nahiga sa kama. Napanguso pa ako ng maramdaman kung gaano kalambot 'yon. Sa sobrang lambot, pakiramdam ko ay nababaon na ako sa kama.

Grabe naman 'to. Ayaw na ayaw ko sa sobrang malambot na kama, but it was comfy. Nakatulog kaagad ako dahil siguro sa pagod ko sa araw na 'yon.

It was almost eight ng umaga ng magising ako kaya mabilis ang naging galaw ko. Mabilis pa sa alas-kwatro akong bumangon at naligo kaagad. Ayaw ko namang may masabi sa akin ang mga staff ng Blue Mansion. Baka sabihing masyado ko naman yatang inaabuso ang pag-sstay dito.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ay kaagad ko ng hinila ang maleta palabas ng kwarto. Siyempre, I made sure na maayos ang kwarto bago ako lumabas.

Lumapit ako sa receptionist at ngumiti dito.

"Hello, sorry for waking up late. Magpapatulong sana ako para makakuha ng cabin..."

Ngumiti ang babae sa akin. "No worries, Ma'am. Sakto po. Isang cabin nalang ang bakante ngayon dahil may nagsidatingang mga turista kaninang mga alas sais. Mabuti nalang talaga at nabilinan kami ni Tiyo Manuel kagabi na bakantihan ang isang cabin."

Napanguso ako. Para naman tuloy akong VIP nito. Binilinan pa talaga sila ni Tiyo Manuel. I should really thank him again when I see him.

Two boys from the Blue Mansion accompanied me to my cabin. Habang naglalakad ay malaya ko ng napagmamasdan ang paligid. Kitang kita ko na ngayon kung gaano talaga kaganda ang Cabin Hotel. Para talaga siyang malaking subdivision e. Ang ganda pa ng mga structures ng Cabin. Mahahalataan mong pang-mayaman pero hindi naman pala ganun kamahal ang bayarin.

Ang yaman siguro talaga ng may ari ng islang 'to no?

Pagkatapos akong maihatid ng dalawang lalaki ay kaagad nila akong binigyan ng isang brochure. It was different from what Tammy gave me. Laman ng brochure ang mga info's ng buong isla. As in lahat. May mapa pa sa pinaka-likod nito kaya siguro naman ay hindi na ako maliligaw nito. Sana lang.

Since I have nothing much to do today, at wala rin akong plano na lumabas para magliwaliw, nagdesisyon akong ayusin nalang ang mga gamit sa walk in closet. Ang ganda nga naman ng Cabin na 'to. Simple, but it is very elegant. The style, the decor, everything. Mukha pa yatang mapapahaba ang stay ko dito ah.

Napanguso ako at inabala nalang ang sarili sa mga gamit bago pa ako mag-isip ng kung ano ano na naman.

It was past 11 o'clock when I finished placing and arranging my clothes in the closet. Gutom na gutom ako pagkatapos at pawis na pawis pa dahil may binago lang din kasi ako ng konti sa arrangements ng mga gamit sa Cabin. Ang sabi naman daw ng staff ay free lang ako to move some things na hindi ko gusto ang arrangement, basta ba ay hindi ko daw dalhin sa pag-uwi. Sinabi talaga sa akin 'yon. Like really? Akala siguro nila hindi ko afford 'to. Like, I don't want to brag so I just keep myself quite before agreeing. Oo nalang.

Dahil pawis na pawis ako pagkatapos ng mga ginawa ko ay naisipan kong magbihis. Mainit sa labas kaya isang sleeveless crop top ang isinuot ko at isang denim shorts. I wore my flip flop since ayaw ko namang magsuot ng sneakers no. Baliw lang? I mean, who would wear sneakers in an island? As in, malapit lang naman s baybayin.

Kinuha ko ang aking wallet bago lumabas ng cabin. Kinuha ko na rin ang brochure. And of course, I made sure it was locked before going out. Napangiwi pa ako ng sumalubong sa akin ang init ng araw. I bit my lower lip bago itinapat ang aking kamay sa bandang noo para matabunan ang mukha ko mula sa init ng araw.

Lakad takbo ang ginawa ko bago tuluyang makalabas sa subdivision.. I mean, the Cabin Hotel. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makita ang Blue Mansion. Ito kasi ang nagsisilbing palatandaan na makakalabas ka na sa hilera ng mga kabin.

"Ma'am! Hindi po kayo nagpayong. Mainit po talaga e!" Sigaw ni Alex, isa sa mga lalaking naghatid sa akin kanina sa Cabin. Nasa loob ito at nililinis ang glass wall ng mansyon pero lumabas pa talaga ito sa bukana para lang makausap ako.

"Okay lang naman. Kakain lang ako sa labas!" ngumiti ako rito.

"Sige po!"

Tumalikod na ako at nagpasyang lakarin muli ang restaurant na nakita ko kanina sa brochure. Hindi naman siguro ako maliligaw dahil dala dala ko ang brochure.

Tatlong hakbang pa lamang ang nagagawa ko ng biglang may humarang sa akin.

Naningkit ang mga mata nito habang naka-krus ang mga braso. My lips formed an 'o' shape.

"I wanna eat too!"

Ahh... okay?