Chapter 8: Isla Azulah Verde
"Nasaan ba ang islang 'to? Parang ngayon ko lang naman 'to narinig." Ani ko habang tinitingnan ang brochure na dinala pa ni Tamia mula daw sa isla kung saan siya bumisita noon. Ani niya ay maganda daw sa isla na ito. But I never heard of it before. O baka naman... masyado lang talaga akong busy sa kakabantay sa asawa ko kaya wala na masyado akong vacation stories.
"Sa may Visayas. Ang ganda diyan, promise. Wala nga lang signal, but then it's okay. Mas mabuti ng hindi ka muna gumamit ng cellphone dun. Pero magpa-signal ka naman para makatawag ako minsan. Hindi naman pwedeng hindi," napanguso sa Tammy sa huli kaya naman natawa ako. Naman. Hindi ko makakalimutan ang babaitang 'to. At saka, babalik naman ako. I will stay there for the meantime habang hindi pa bumabalik sa France ang dalawa kong kapatid. I just hope that they won't spell anything to our family about what happened to my marriage here.
Ayaw ko namang mapasugod ang buong angkan ko dito para lang... dito.
"Sige ah. Mag-iingat ka dun. Don't ever forget to text me kapag nakarating ka na," nginitian ko si Tammy. Ang dami dami na niyang bilin sa akin. Kanina pa ay sinimulan na ako nitong sabihan e. Actually, kahapon niya pa sinabi sa akin ang tungkol sa isla, pero ngayon ko lang nakita ang brochure na naglalaman ng kaonting info about the island. The rest, ay kung ano ang mga lugar na dapat puntahan sa Isla Azulah Verde.
Hindi ko talaga sinabi sa dalawang kapatid ko na aalis ako. Siyempre, maglalayas nga ako e kaya dapat hindi nila malaman kung saan ako pupunta.
"Alagaan mo ang sarili mo, girl."
Hindi na ako hinatid pa ni Tammy sa airport dahil may scheduled meeting ngayon sa kompanya. She was somewhat sad about the news pero sinabi ko namang tatawag ako kapag nakarating na ako mismo sa isla.
Kaagad akong pumwesto sa upuang naka-assign sa akin. Grabe naman ang pasasalamat ko nang makitang nasa gilid talaga ako ng bintana nakapwesto.
I smiled.
Mabilis akong naupo doon at ipinuwesto ang sarili. Isinuot ko ang aking seatbelt habang tinititigan ang labas. Ilang minuto lang ay nagsimula ng gumalawa ang eroplano.
It's ready for take off.
I slowly closed my eyes.
I am finally leaving. I don't know yet kung ano ba ang magiging karanasan ko sa isla. Of course, it would be unpredictable. But I do hope, na sana ay makapag-isip isip na ako doon ng maayos. I don't want to disappoint my family. That's the last thing that I would do. Kaya naiintindihan ko kung bakit hindi sila nagpunta sa mismong kasal namin. Nagtampo ako, oo, hindi naman talaga 'yon maiiwasan, but I respect their own view. Sinasabi nilang may mali, noon pa. Even Mami and Papi weren't too happy about my decision of marrying Ansel, but they respect my decision, so I have to respect their final judgement too.
Nakikita ko na. Nakikita ko na ngayon ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw nila sa asawa ko. They were right from the start. At ayaw kong isumbat nila sa akin ang mga naging desisyon ko.
Mali. Mali para sa kanila ang naging pasya ko para pakasalan si Ansel. But why does it still feel right? Parang... may tama pa e. Parang magagawa ko pa ulit na itama. Hindi ko alam. Talaga bang sobrang mahal ko na si Ansel na pati kasiyahan ko ay isasakripisyo ko.
Well, love is a sacrifice. But, should it be hurtful as what I am feeling right now. Should it be full of misery and cries?
I sighed.
Pinahid ko ang mga luha sa pisngi. Sana... Sana sa desisyon kong 'to ay magawa ko ng itama ang lahat.
***
"Sumakay lang po kayo gamit ang bangkang 'yan. Si Tiyo Manuel ang may-ari niyan. Siya talaga ang tagahatid ng mga turistang gaya mo papunta sa isla. Mararating mo na ang Isla Azulah Verde, Ma'am. Mga isang oras lang naman ang biyahe kaya hindi kayo maaabutan ng gabi sa dagat."
"Salamat po," nginitian ko ang lalaking pinagtanungan ko.
Nagtungo ako malapit sa kung saan nakadaong ang mga bangka at nilapitan ang itinuro ng lalaki kanina na si Tiyo Manuel daw na siyang maghahatid sa akin sa isla.
"Kayo po ba si Tiyo Manuel?" magalang kong tanong rito. Kaagad namang napalingon ang matanda na kanina lang ay hinihila ang lubid sa bangka. Mukhang paalis na yata ito.
"Aba'y ako nga 'yon, hija. Balak mo bang magpahatid sa isla Azulah Verde?"
"Opo sana. Kung... hindi ako nakakaabala," nginitian ko ito at bahagyang inayos ang nag sa balikat.
"Aba'y hindi naman, hija. Hahayo na nga sana ako dahil akala ko ay wala akong maihahatid ngayon sa isla e. Mabuti naman at naabutan mo pa ako bago ako makaalis,"
"Ganun nga po. Medyo natagalan po ako e. Galing pa po kasi ako sa airport."
Nagulat ito. "Ay siya ba! O sige sumakay ka na rito para makaalis na tayo. Malapit ng lumubog ang araw. Magmadali na tayo para makapagpahinga ka na rin. Ano ba'y galing ka pa pala sa erport."
Napanguso ako. Tinulungan naman ako ni Tiyo Manuel na makasakay sa bangka. Hindi pa nito naiwasang mapadaing nang buhatin ang itim na maleta ko. Hindi ko naman maipagkakailang may kabigatan nga 'yon.
Malamig ang simoy ng hangin habang bumibiyahe kami patungo sa isla. Hindi naman ako nainip sa biyahe dahil panay ang salita ni Tiyo Manuel tungkol sa isla. Mukha pa ngang hindi ito nauubusan ng istorya. Ang daming pabaon.
It was exactly 6:30 in the evening when we finally set foot on the the island called Azulah Verde. Madilim na kung kaya ay hindi ko naigala ang mga mata ko sa tanawin ng isla. Pero may bukas pa naman.
"Ay naku! Gusto mo ba ay ihatid kita sa Maisonette House? O kukuha ka nalang ng kabin dito malapit sa baybayin? Medyo may kamahalan ang kabin, hija dahil may nagmamay-ari talaga sa Cabin Hotel dito malapit sa baybayin. Sa katunayan nga, ang may-ari niyang Cabin Hotel ay siyang may-ari rin ng buong isla. Mabait 'yon at makisig.."
Makisig...
So lalaki pala?
E ano naman ngayon kung lalaki Yshien Calsey? Balak mo bang manlandi ng island boy?!