Chapter 10: Mommy

"Y-you... wanna eat?" nalilito kong tanong sa batang lalaki. He's about five or six years old I think. His hair is a bit curly, at maputi rin siya kahit na dito rin siya nakatira sa isla. Or is it just a stereotype? Na karamihan sa mga nakatira dito sa isla are supposed to be tanned skin or something dahil nga laging nabibilad sa araw. O baka naman ay turista lang din siya gaya ko at gusto lang magbakasyon ng pamilya niya dito siguro?

"Yes, I do. Bring me to the restaurant there..." may itinuro pa siya sa kung saan bago ulit ako nilingon. "I love their foods there. Let's go." Ani nito bago nauna ng maglakad sa akin. Hindi ko maiwasang mapanguso habang tinititigan ang batang papalayo.

Kaninong anak ba 'to?

"Faster! I'm famished!"

Nalilito man ay sinundan ko na rin lamang ito. Pumasok nga kami sa isang restaurant na may pangalang Bill and Piping. Nauna pang humarap sa counter ang batang lalaki na naka-krus lang ang mga braso.

"Mommy, I want every seafoods in the menu," Ani pa nito na ikinagulat ko at ng staff.

Napatingin sa akin ang babae bago sa bata, pabalik-balik ang ginawa nito bago may nanlalaki ang matang itinuro ako.

"K-kayo po ang Mommy ni Cerix?" Kumunot ang noo ko at dahan-dahang tiningnan ang batang nakatingin na sa akin gamit ang matalim na mga mata nito dahilan para mapaawang ang aking bibig.

This young man right here is bad.

"Ahh.. yeah.." Alinlangan kong sagot bago binuhat ang batang lalaking nagngangalan pa lang Cerix. Okay, mabuti naman at hindi ito nagreklamo sa ginawa ko.

"W-what do you want again, baby?" Hindi ko mapigilang mapanguso matapos tanungin ang bata. Tinanggal na nito ang pagkaka-krus ng mga braso nito, pero nakayakap na sa aking leeg.

"All the food listed in the menu, Mommy..." sagot din nito sa mahinang boses. Inilapit nito ang kaniyang bibig sa aking tainga at doon bumulong. "Do you have enough money there to pay for the food? Don't worry. I'll pay you. I just left my wallet in our house."

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ng napaawang ng batang ito ang aking bibig. This young man is such... Hay...

Iyon na nga ang ginawa ko. I ordered all the food listed in the menu bago kami tuluyang naupo sa aming table. Akma ko na sanang iuupo ang bata sa kaharap kong upuan nang bigla itong umiling.

"I wanna sit on your lap..." hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi nito.

"Okay... Come here.." nauna akong naupo sa sariling upuan bago ko siya binuhat at pinaupo naman sa aking hita. I bit my lower lip. How can I be so touchy with this kid? Unang kita pa lamang namin pero heto at nagpapakandong na ako. Maybe this little boy here is just used to being treated like this.

"Are you a tourist? Is your family with you?" Maya maya ay tanong ko dito. Hindi naman kasi pwedeng pabayaan ang ganitong edad na bata na magliliwaliw lang kung saan saan. Kahit pa sabihing taga rito sila.

"Nope." He casually said popping the p. "My Dad owns the island," halos malaglag ang panga ko sa sinabi nito. What? Talaga? So...

"My Dad is very handsome, but don't fall for him." I bit my lower lip. Napapikit pa ako ng mariin sa sinabi ng bata. Okay... I don't even know where is this kind of idea coming from. I don't even want to meet his father or what.

Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan na ang bata sa kung ano ang gustong isipin nito. I mean, hindi naman na siguro kami magkikita ng batang ito kahit na sila pa ang may ari ng isla. Sana nga...

Nang dumating ang inorder namin ah kaagad na pumalakpak si Cerix.

"Hinay hinay lang Sir Cerix ah.. Alam mo namang pinagbawalan ka ng Daddy mo na kumain sa labas. Bakit ka ba kasi tumakas sa mansyon niyo.." Sambit ng waiter na nagdala ng food namin.

Narinig ko naman ang ismid ni Cerix dahilan para tingnan ko ang mukha nito. Kitang kita ko kung paano nito sinamaan ng tingin ang lalaking waiter.

"I'm with my Mom, you see? I didn't escape."

"Cerix." Hindi ko mapigilang saway dito. This little boy is a spoiled brat. Kitang kita na ngayon ang ebidensiya.

Bumaling ako sa waiter at ngumiti dito. "Pasensiya na..."

Ngumiti din ang lalaki pabalik. "Okay lang po, Ma'am. Sanay na po kami diyan sa batang 'yan. Sige po. Mauna na ako. Nice meeting you po. Sa wakas at nakilala ko na rin ang asawa ni Sir Cain."

I bit my lower lip before nodding hesitantly. How did I end up having a child and... being married to an island owner?

Nang makaalis ang waiter ay kaagad kong tiningnan ang batang lalaking nasa kandungan ko. Nakanguso ito ngayon at naka-krus na naman ang mga braso.

"I don't like it when you are talking to that ugly man..."

"Cerix!"

The young man sighed, irritated.

"Don't ever say that, Cerix. God made us. So we are all beautiful and equal in his eyes." Saway ko dito.

Napanguso ang bata. "Yeah, yeah. But not for my eyes. We have different judgements and viewpoints." napatampal ako sa aking noo. I cannot with this kid! Kaninong anak ba talaga 'to?!

"That's being rude, Cerix." Ani ko. Binuhat ko ito at pinaharap sa akin. "I know that we have different judgements and viewpoints about a person. But, yours is an opinion. And if an opinion is rude or can probably hurt someone's feelings, you have to keep it to yourself and don't talk."

Napairap ito ngunit ngumuso. "But Dad told me to be always straight forward, and truth hurts, Mommy.." Nakagat ko ang pang-ibabang labi. There is something about the way this kid calls me Mommy. It feels... warm. But I don't want to get use to it. I don't want to get use of something that's temporary.

"But, Cerix. If the opinion can hurt, then keep it to yourself."

"Why?" they little guy cutely whined. He even wiggled on my lap causing me to chuckle. This kid act like a grown man, but he is still a baby though.

"Because it's bad. You shouldn't make someone feel less. You shouldn't bully someone." Hindi ko na napigilang halikan ang noo nito na alam kong ikinagulat ng bata. Maski ako rin ay nagulat sa sarili kong aksyon. Why did I even do that?!

I thought Cerix would be mad or throw a tantrums at me, but what he did next really surprised me. He took a hold of my cheeks with his small hands. Hinaplos niya pa ito bago napanguso.

"Can you be my Mom? Like for real? Can you marry Daddy?"

And my jaw dropped for I don't know how many times it happened this day just because of this little spoiled brat here.