Chapter 7: Leaving

"Maglalayas ako,"

"What?!" Napatayo si Tamia sa sobrang gulat. Napakurap pa ito ng ilang beses bago ako itinuro at tinaasan ng kilay. "Oh e bakit ka nagpapaalam? Uso na pala 'yon ngayon? Maglalayas tas magpapaalam ganun?"

Napanguso ako sa sinabi nito. "Seryoso kasi.."

"E bakit? Bakit ngayon mo lang naisipan 'yan kako.. At anong sapat na rason para gawin mo 'yan? E nandito na ang dalawa mong kapatid. Kompleto na kayong magti-triplets. Ipinagtatanggol ka rin naman ng dalawa. Tingnan mo't gusto ding tadtarin ng buhay si gago mong asawa. Ano pang hanap mo?"

I bit my lower lip. Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam kung paano sasagutin ang tanong niyang 'yan. Kapag sasagot ako at sasabihin ang totoong rason kung bakit ako maglalayas ay baka itali na nito ako para hindi makalabas sa opisina.

Ang totoo naman kasi...

Halos dalawang linggo na akong kinukulit ng dalawa kong kapatid na putulin na namin ang kung ano mang namamagitan sa amin ni Ansel. They wanted me to annul my marriage with him. They want it so bad to be cut as soon as possible... But the only problem is... I don't. Ayaw kong maghiwalay kami ni Ansel at tuluyan na talaga akong mawalan ng karapatan dito. No. Iniisip ko pa lang, parang hindi ko na kakayanin e.

Ate Yurika and Kuya Ythan had been pestering me for almost two weeks. At sa mga araw na nagdaan, lagi kong ginagawa ang lahat para lang maiwasan ang dalawa... because I don't want to talk about annulling my husband all over again. Sawa na ako. Sawa na akong makinig sa bagay na hindi ko pa kayang gawin.

And if running away is the only way for me to avoid the two, then I will. Mas mabuti pa siguro ang malayo na muna pansamantala sa asawa ko kaysa ang tuluyan na akong nahiwalay dito. No. Never.

Mahal ko 'yong tao. Yes. I might be stupid for still feeling the same way that I did when I married him after all the thing's he did to me, pero... totoong mahal ko e. Thinking that I would lose him completely is driving me insane already. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. At ayaw kong mangapa na naman ulit ako sa mga bagay bagay.

"Final decision mo na ba 'yan? Kasi kung ako ang tatanungin mo, hindi kita pinigilan ko sa gagawin mo," saglit na napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi ni Tammy.

She crossed her arms before sighing heavily.

"Gusto kong umalis ka muna pansamantala dito. I want you to go to the most far place that you'll ever be. The safe one. Iyong fresh ang simoy ng hangin para makapag-isip isip ka tungkol sa mga bagay bagay. I want you to think deeply about this, pero mas gusto kong unahin mo na muna ang pagpapagaling mo sa sarili mo. Iyong wala ka ng iniisip na iba kundi ang sarili mo lang dapat. That's it. I want you be out of the toxic world for once, Shin, because you seriously doesn't deserve all those shits that Ansel had put you through. Huwag ka ng mag-aalala sa sasabihin o gagawin ng mga kapatid mo. I will handle them for you,"

Hindi ko mapigilang mapaiyak dahil sa sinabi ng kaibigan. I appreciate it so much. I appreciate everything that she does. Really. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung wala ang isang Tamia Zalabem sa buhay ko. She's like a ball of hope for me. She keep me motivated everytime that I start to lose hope. She becomes my confidence when my own has swayed to another dimensions. She's... she's everything that you could wish for, for a friend.

***

Nang makaalis si Tammy sa opisina ay kaagad ko namang ipinatawag lahat ng employees at staffs ko para sa isang meeting. I want them to know about my temporary absence in the office. At pansamantala na din munang magte-take over dito sa company si Tamia habang wala ako. Napag-usapan na namin 'to kanina and she was all yes to my every words, basta ang importante daw ay magiging healthy na ako... Like mentally healthy.

Mukha ba akong baliw para sa kaibigan ko?

My employees and staffs were saddened about my sudden news, but of course, tanggap nila ang kung anong desisyon ko basta para daw sa ikabubuti ko.

Thank God, I have such loving and loyal family in the office.

After a short despidida party kuno for me from the family in the company, umalis muna ako para pumunta sa bahay. I want to pack some of my clothes there. Kukunin ko na rin ang mga paborito kong damit at gamit para hindi naman ako ma-homesick masyado kung sakali.

Pagdating ko ay tahimik naman ang buhay bahay kaya I assumed na walang tao. Dumiretso kaagad ako sa aming kwarto ni Ansel. Akmang bubuksan ko na ang pintuan nang may nauna nang bumukas nito mula sa loob.

Napaawang nalang ang labi ko ng makita kung sino ang taong nasa loob nun.

"Hi!" she greeted with an all smile on her lips.

I forced a smile before sighing. "Y-yow..."

Awkward.

Natawa ang babae bago binuksan ng malaki ang kwarto.

"Babe! Nandito ang asawa mo!"

Phew! I bit my lower lip. Masakit pero mas nangingibabaw sa akin ngayon ang hiya. Alam kong hindi naman ako ang dapat na makaramdam nun, pero since mukhang hindi naman nila feel ang hiya sa buong katawan, oh well, ako nalang ang magdaramdam nun para sa kanila. Geez.

As if on cue, lumabas mula sa bathroom ang asawa ko. Nakatapis lang ito sa ibaba ng puting tuwalya kaya sa tingin ko ay katatapos lang nitong maligo.

I laughed sarcastically. "Katatapos niyo lang?" napapikit ako ng mariin. That came out wrong, did it? Nakita ko kasi kung paano na-disorient ang mukha ng dalawa.

"Wife..." tinig pagbabanta iyon mula kay Ansel.

Pilit ulit akong tumawa. "I just can here to get my clothes. But I guess, I have to buy new clothes from now on then," ani ko sabay tiningnan ang suot ngayon ni Stephannie na klarong klaro naman na akin. Walang pangalan, oo, pero ako ang may-ari kaya mas alam ko kung anong mga disenyo ng damit ang meron ako.

"Oh! Sorry, is this yours? Pinakialaman ko na kasi walang ma-wear e. Kay Ansel naman na mga shirts are larger than me. I don't like baggy clothes.. that much kasi." tiningnan ko si Ansel na nakatingin lang din sa akin na parang normal na pagtatagpo lang 'yon naming dalawa kasama ang kabit niya.

Nice. Bakit pakiramdam ko ako ang kabit ngayon? And how dare this woman wear my clothes? Nagkaka-ubusan na ba?

"It's okay," ani ko kahit na hindi naman. I close my fist. "Next time, bring your own clothes, tutal ay may plano ka na namang tumira dito, dalhin mo na pati mga picture frames mo sa bahay mo. I don't really like to share pero nandiyan ka na e. Edi magtitiis."

Kumunot ang noo ni Ansel na para bang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Kaagad namang humawak sa braso si Stephannie.

Sana kumalma 'tong puso ko. Dahil ayaw kong umiyak ngayon, please lang.

"Aalis ako." Huling saad ko kay Ansel bago tumalikod. Nang tuluyang makababa sa hagdan ng walang pumipigil ay doon na ako napahagulhol.

Kasalanan ko na naman! Umasa pa kasing pipigilan e!