Chapter 6: Breakfast
"Why are you here, Princess?!" agad na hinawakan ni Kuya ang braso ko. Napanguso ako. Hindi naman sila mukhang nagpaparty dito e. Dahil may pinapanood silang...
"Sobrang tigang niyo na bang magbabarkada Kuya at nakontento nalang kayo sa pa-movie?" Mahinang bulong ko dito dahilan para manlaki ang mga mata nito.
"Hey! It's not what you think—"
"Yeah, yeah, whatever Kuya..." sinamaan ako nito ng tingin.
"Why are you here really?" he looked at me from head to toe. Napatampal ito ng noo na ikinakunot lang ng noo ko. Anong arte na naman nito?
"Why are you wearing that?"
"Kuya, ito lang 'yong available na hindi labas lahat ng kalukuwa ko. At saka, matutulog na ako di ba? Kaya lang may kumalampag nalang bigla sa may veranda kaya napatakbo ako dito," walang pag-aalinlangan kong saad.
"What?! Where?! Why did you mentioned that now?!" nanlalaki ang matang tanong nito. Mukhang mas nagpanic pa ang Kuya ngayon kaysa sa akin kanina. Ang OA naman talaga.
"Bud? What's happening?" napalingon ako sa lalaking nagtanong na isa yata sa mga kaibigan ni Kuya.
"Shut up!" Kuya replied at the man rudely kaya mabilis ko itong nahampas sa braso. Napa-ouch ito ngunit mabilis akong nahila nito palabas ng kwarto.
"Bud! Hindi pa tapos 'tong pinapanood?"
"Isaksak mo sa titi mo, Voltridge!"
"Kuya!" angal ko dito.
"Woi chics! Baka pa-share naman D'angelo!"
Hindi na pinakinggan pa ni Kuya ang sinabi nong isa dahil mabilis na ako nitong nahila palabas ng kwarto.
"Stay here! I just have to get something in my room. Don't move," napanguso ako nang samaan nito ako ng tingin na para bang inaakusahan na ako kahit na wala pa naman akong ginagawa.
Nang makaalis si Kuya ay kaagad akong napanguso.
Dahil kay Kuya at sa mga kabulastugan niya sa buhay, hindi ko talaga namamalayang... hindi ko na pala iniisip ang mga problema ko.
"What happened?"
"Ay palakang bugaw!" Nanlaki ang mata ko at nilingon ang lalaking may kulay sapphire blue na mga mata. Nong malingunan ko ito ay kaagad na tumama ang paningin ko sa kaniyang mga mata. I don't know. But I just found myself being drowned with how majestic his eyes look. It looks royal and territorial. Like he's clearly dominating his power.
"What happened?" Napakunot ang noo ko. Paulit-ulit naman siya sa tanong niya e. Tapos ang lamig lamig pa ng titig niya. Para tuloy biglang lumamig ang buong paligid dahil sa kaniya.
Magsasalita na sa ako nang biglang dumating si Kuya. May dala dala itong makapal na comforter na siyang ipinagtataka ko. Kinunutan nito ng noo ang lalaking kaharap ko.
"Kaguluhan? What are you doing here...? With my sister?" Tanong nito ng makakapit. Kaagad pa ako nitong ibinalot sa makapal na comforter.
"Kuya?" mahinang maktol ko dito at hindi sinasadyang napatingin ulit sa lalaki na tumikhim. Ganun pa rin ang ekspresyon ng mukha niya. Malamig.
"None, D'angelo." Ani nito bago kami tinalikuran.
"Dude, can you order your men to check the perimeters? I think someone is stalking my lil sis here." Saglit na napahinto ang lalaki sa paglalakad. Nakita kong tumaas ang kanang kamay nito at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang ginawa nito.
"Thanks dude!" Sigaw ni Kuya na nagpalaglag ng panga ko. What?!
"Kuya?" My brother just winked at me bago ako inakbayan at iginiya na papunta sa elevator.
The guy with the sapphire blue eyes just raised his hand to sign a 'fvck you' which is very unusual dahil mukhang seryoso naman si Kuya sa sinabi nito kanina lang. Pero ang mas lalong nagpadagdag ng gulat at kalituhan ko ay kung bakit sumagot si Kuya ng 'Thank you'!
Weird! So so weird!
Noong gabing 'yon ay magkatabi kami ni Kuyang natulog sa kama. People may think it was weird. Malalaki na kami kaya dapat hindi na ganun, but our parents really raised us to be close with each other. Magkapatid kami at wala ng malisya 'yon, and besides, the three of us were really used to being close to each other simula pa noong mga bata kami, lalo na kapag natutulog. Kung kasama lang namin si Yurika ay panigurado namang tatabi din ito sa amin.
Nang magising ako ay nasa tiyan ko na ang mukha ni Kuya. Hindi ko maiwasang matawa habang pinapakinggan ang mahinang hilik nito.
"Does he always do that?"
Napatakip ako sa aking bibig at halos lumuwa na naman ang mga mata nang makita ang lalaking may mga sapphire blue na mata. What the heck?! How did he get in here?!
Prente itong nakasandal ngayon sa may pintuan ng bathroom.
Hindi ako nakapagsalita sa sobrang gulat. Teka, hindi ko siya napansin kanina nong magising ako! Para siyang kabute na kung saan saan lang sumusulpot! And he does that without even me hearing any single noises! Is he a ninja or something?
Walang imik ko itong sinundan ng tingin nang lumapit ito sa banda ni Kuya. Walang pag-aalinlangan nitong hinila ang buhok ng natutulog kong kapatid palayo sa tiyan ko kung saan lang nakabaon ang mukha nito. My brother groaned. Mukhang nasaktan ito sa pagkakahila pero hindi naman nagmulat.
Hindi ako nakapagsalita nang sunod naman nitong hinila ay ang braso ni Kuya hanggang sa tuluyan nang lumapat ang katawan nito sa malamig na sahig.
"W-what..."
"Get up." Kumunot ang noo ko nang magsalita ang lalaki matapos nitong... mailagay si Kuya sa sahig. Gulat na gulat ako. Hindi ko alam ang sasabihin ngayon sa ginawa niya. And do I have to comment, anyway?
"Get up and eat your breakfast." Ulit pa nito.
Napaawang ang labi ko. What? What? N-nagluto siya para sa... akin?
"Don't assume too much. I just bought it in the nearby street. Don't worry. It's eatable."
Namula ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin sa lalaki. Malamig at walang ekspresyon ang pagkakasabi ng lalaki sa akin, mukha ngang wala siyang pakialam e. At hindi niya alam na napahiya na ako. Pero sobra ang epekto nun sa akin! He affects me more than I thought he would!
"Hurry up. I'm hungry." Napakurap ako ng ilang beses. Hindi ko alam kung ilang beses ba dapat sa araw na ito ako ngayon magugulat. Ang lalaking 'to... Napa-misteryoso...
At sobrang gwapo ng gago!