Chapter 36: Loaded
"Oh my! She's crying Auntie!" natatarantang sigaw ni Ana at kaagad akong nilapitan. Mas lalo akong napahikbi. H-hindi ko kasi kaya e.
"Gosh! Lagot tayo kay Cain, Auntie! He told me to not make his woman cry or else! Nakakatakot pa naman 'yon!" tarantang-taranta si Ana habang hinahaplos ang likod ko. Nakakahiya! Gusto ko ng matigil sa pag-iyak pero sa tuwing naiisip ko na maghihiwalay kami ni Chaos kahit hindi naman talaga kami, napapaiyak ako lalo!
"H-hindi ko naman alam na iiyak siya e..." Nakangusong ani ni Mrs. Verlice pero ramdam ko rin ang kaba at taranta niya.
"She probably misunderstood you, Auntie. Baka akala niya pinaghihiwalay niyo sila ni Cain.." Huh? Napahinto ako bigla sa pag-iyak at napatingin sa ginang na ngayon ay nasa mukha pa rin ang matinding pag-aalala.
"H-hindi po ba?" mahina kong bulong ngunit alam kong narinig naman nila 'yon.
Mabilis na umiling si Mrs. Verlice. "I wanted to say that you should break up with your asshole of a husband. Annul him and marry my son instead," malambot nitong sabi.
Napakurap naman ako ng ilang beses. Parang musika sa tainga ko ang narinig mula sa ginang.
"T-talaga po? H-hindi niyo kami pagbe-break-in ni Chaos?" mahina pa rin na tanong ko.
Tumango naman ito ng ilang beses. "Why would I even do that? Nakikita ko naman kung gaano niyo kamahal ang isa't isa. And I wouldn't even dare to interfere with my son's decision dahil baka magrebelde na naman." Napasinghot ako sa sinabi nito. A-ang bait niya...
"Aaminin ko, I don't really support his decision first, but when I saw how much he loves you, then I gave in. I don't tolerate cheating and revenge, hija. Alam ko kung ano ang nangyayari sa marriage ninyong dalawa ng asawa mo. Pero nakikita ko ngayon na mahal mo ang anak ko, so I won't interfere. I am just hoping for you to do your part, because my son really deserves what he has been waiting for, for too long. He was patient of waiting, so I hope that you will find in your heart what my son deserves. A guaranteed relationship and not just a half baked one."
Napahagulhol ako ulit sa sinabi nito. Mas lalong nataranta ang dalawa dahil mas lumakas ang ngawa ko na parang batang inagawan ng candy. Nakita ko pa kung paano napalingon ang ibang mga tao sa gawi namin dahil sa malakas kong iyak.
Todo paypay naman sa akin si Ana habang hinuhuli ni Mrs. Verlice ang buhok ko at ipinusod ito.
Bakit ang bait bait naman niya? Bakit pakiramdam ko ay hindi ko deserve ang ganitong treatment? She actually don't like cheating, but she give an exception for me. I mean, nothing can justify cheating, but in our case, mahirap talagang magdesisyon.
Is this the sign? The sign to let go? Is this the right time? Yes. I will. I will finally let go of Ansel. I don't care whoever he wanted to marry anymore, I just wanted to be free from him. Free from the marriage that I didn't prayed for.
This time... This time... I know that I am on the right track.
"Oh My God!"
Ang malakas na sigaw ng dalawa ang huling narinig ko bago ako tuluyang nilamon ng dilim.
***
"What did you really do, Mom?"
"We just talked about something..."
"Then why the fuck did she fainted?"
"I-I don't know, anak..."
Naalimpungatan ako sa mga boses na narinig. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Unang bumungad sa akin ay ang puting kisame. Napahawak ako sa aking ulo nang makaramdam ng kaonting kirot doon.
"Baby..." kaagad na lumapit sa akin si Chaos. Inalalayan ako nitong bumangon ng bahagya. Sumandal ako sa headrest ng kama at inilibot ang tingin sa buong kwarto. Namilog ang mata ko nang makita ang Mommy at Daddy ni Chaos, ang pinsan nitong si Ana at ang nakababatang kapatid na lalaki.
"Hija..." kaagad na humilay mula sa pagkakayakap ni Mr. Verlice ang asawa at kaagad na lumapit sa gilid ng aking kama. My lips stretched out into a smile when I remembered what she said. She really made me realize what Chaos' is for me.
Hinawakan nito ang kamay ko na ikinangiti ko lalo. Napalingon ako kay Chaos nang pisilin nito ang aking kamay. Nakataas ang isang kilay nito na para bang nalilito kung anong nangyayari. I just winked at him before turning my gaze to his Mom.
"Pasensya ka na talaga, hija. H-hindi ko naman sinasadya ang—"
"Hindi po. Okay lang po. Wala naman pong may gusto ng nangyari. It's okay lang po talaga..." ngumuso ito at umiling.
"Still, I'm sorry if what I said stressed you out. Iyak ka ng iyak kaya ka siguro hinimatay and it was partly my fault." umiling ako sa ginang. Gusto kong hindi sumang-ayon sa sinabi niya but she said each words sternly, with no room for denying at all.
Maya maya ay lumapit din si Anastasia sa amin.
"Are you okay na girl?" Tanong nito. Ngumiti ako at tumango. Totoo naman talaga. Medyo kumikirot lang ang ulo ko but everything is going well. Hindi naman masama ang pakiramdam ko. Siguro talaga ay nasobrahan lang ako sa kakaiyak.
Napahinto ako nang may maalala. "Where is Cerix, Chaos?" nag-aalala kong tanong.
"I left him with David, baby. He's fine." tumango lang ako bago ngumuso. I wanted to see my son. Bakit ba kasi hindi ito dinala ni Chaos?
Nanatili kaming tahimik lahat nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Pumasok ang isang doktor na nakangiti partikular na sa akin. Happy much? Happy pill siguro ako ng doktor na 'to no?
"How is she doc?" kaagad na tanong ni Chaos. Hindi naman nawala ang ngiti sa doktora nang makalapit na ito sa amin.
"I do have a pretty good news for everyone. Especially for Mommy and Daddy..." Huh? Tiningnan ko ang mommy at daddy ni Chaos na wala namang naging reaksyon. Okay....?
"Congratulations to the both of you! Mrs. Verlice is five weeks pregnant! Meaning, you are in month two of your pregnancy, Mommy. You should avoid stress, hm? First trimester is the most crucial stage for babies. I'll be back later for I will be giving you a list of vitamins that you should buy para healthy lagi si Mommy at baby..."