Chapter 35: Break up
Buong araw ay wala akong ibang ginawa kundi ang iwasan ang buong pamilya ni Chaos. I may look rude right now, but that's the last thing that I should really care for now. Nahihiya ako. Actually no. Embarrassment is an understatement. Kung may iba pa mang salita na mas makakapantay sa kung anong nararamdaman ko ngayon ay baka iyon na mismo ang magiging kahulugan nun.
I actually don't know how to... how to face his family. It's obvious. It's so obvious na hindi lang basta basta ang pamilya nila. I saw his mother. She is simple yet you can see the elegance on her. Her moves are also graceful. Makikita mo talagang galing sila sa isang prominenteng pamilya.
My family is rich, yes. But I doubt if makakapantay ba kami sa kanila. And to think na... nandito ako ngayon kasama si Chaos samantalang kasal na ako is a very big no no. Nagmumukhang kabit si Chaos, and making him look dirty in front of his own family is the last thing that I want.
Napabuntong-hininga ako. Oh God. Please... Please do guide me. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Alam kong mali 'to, but it exactly feels right. Being with Chaos is something, a new feeling that I didn't even felt when I was with Ansel. Damn it. He's literally making my mind in chaos.
"Baby?" nakarinig ako ng katok mula sa labas ng pinto dahilan para mapaayos ako ng upo.
"Hmm?" kunyari ay kakagising ko lang na sagot rito.
"Please eat something, baby. It's past lunch already. I'm damn worried." Napalunok ako at napanguso. Nagugutom na nga ako pero ayaw kong lumabas habang nandito pa rin ang family niya. Ilang beses na nga itong nagpabalik-balik rito pero hindi ko pa rin pinagbubuksan ng pinto, and the most ironic thing is, kwarto niya ito mismo.
Ang bobo ko naman. I should've locked myself in Cerix's room.
"Mamaya na..." mahina kong sagot rito. Buong akala ko ay aalis na ito gaya ng ginawa nito kanina pero nagkamali ako. Binuksan nito ang pinto. Sa kamay ng lalaki ay isang susi na pinapaikot niya pa sa daliri niya. I gulped.
"I don't like how you can easily skip your lunch, Calsey. Don't be selfish." My eyebrows arched. Selfish? What the hell?! Saan galing ang salitang 'yon?!
Dahil sa irita ko ay napatayo ako at kaagad na sinugod ang lalaki. Mabilis kong nahampas ang dibdib nito. Ngunit nang makitang mukhang hindi man lang ito natinag ay kinurot ko na ang pisngi nito. I pinched it so hard that his face even reddened with what I did. Hindi pa rin ito nagsasalita o nagrereklamo pero ramdam ko ang sakit ng pagkakurot ko sa kaniya. Na-guilty naman ako.
Napanguso ako bago dahan dahang inabot ang pisngi nito at marahang hinaplos. Napapikit naman ito dahil sa ginawa ko.
"S-sorry...?" mahinang bulong ko. Marahan lang itong tumango bago yumakap sa aking baywang at hinapit ang katawan ko papalapit sa kaniya.
"Eat na ang baby ko, hm?" malambing nitong bulong sa akin bago hinalikan ang aking labi ng marahan. Hindi ko na napigilan ang sariling tumango.
***
"Busog?" Hinaplos ko ang tiyan ko at ngumiti kay Chaos. Kasalukuyan akong nakakandong rito. Sinusubuan niya ako habang sinusubuan rin ang sarili. Hindi pa pala ito kumakain dahil ani nito'y hinihintay niya daw ako. Ang OA nga naman ng Chaos na 'to. Parang bakla lang.
Hinaplos din niya ang aking tiyan bago hinalikan ang aking balikat ng paulit ulit. Nasa ganoon kaming posisyon nang bigla nalang pumasok sa kusina ang ina nito dahilan para mapayuko ako. Oh Gosh.
"Tapos ka na bang kumain, hija?" I bit my lower before slowly looking at her. Nandoon pa rin sa mukha niya ang lambing at ang malambot nitong titig sa akin. Parang gusto ko tuloy umiyak sa harap nito.
"Opo..." mahinang saad ko.
"Maaari ba kitang yayain sa labas para makausap?" Napakurap ako ng ilang beses rito. Kinakabahan at nahihiya ako e.
Bahagya akong napalingon kay Chaos. Muntik ko ng mahampas ang lalaki nang bigla nalang nitong patakan ng halik ang aking labi. Pinigilan ko lang ang sarili dahil nasa harap namin ang ina nito.
"Where are you taking her, Mom? It shouldn't take long. She needs to rest."
Kinurot ko ang kamay ng lalaki na nanatiling humahaplos sa aking tiyan. Bumaba ang tingin ni Mrs. Verlice doon kaya mabilis ko itong inalis ngunit ibinalik rin ng lalaki. Shit!
"O-okay lang po kung matagalan. T-tara na po?" mahinang sagot ko rito. Ngumiti lang ulit ang ginang. Dahan dahan akong tumayo at narinig ko naman ang malakas na buntong-hininga ng lalaki.
"Take care of her Mom, please. Baka madulas." Pasekreto kong hinampas ang lalakk bago ngumiti sa ina nito bago iginiya palabas ng kusina.
I bit my lower lip.
This is it. Kahit anong gawin kong iwas sa kanila ay talagang makakaharap ko pa rin kung talagang ganun na ang itinakdang mangyari. I would be a hypocrite kung sasabihin kong hindi ako kinakabahan dahil sa totoo lang, halo halo ngayon ang emosyon na nararamdaman ko. Pareho kaming tahimik na dalawa habang binabagtas ang daan palabas.
Napahinga ako ng malalim nang makarating kami sa isang kubo na malapit sa baybayin ay mas lalo lang domoble ang kaba ko. It only tripled when I saw Anastasia Lim.
"Maupo ka..." saad nito nang makarating na kami. Kaagad naman akong umupo at agad na pinagka-abalahan ang mga kamay ko na nasa aking hita. Damn. I look like a guilty thief.
"You're married pala, hija, and Ana was the one who made your wedding gown?" Ang lambot ng tinig nito. Pero bakit ganun? Bakit gusto kong umiyak nalang imbes na ang sagutin ang tanong niya?
"Tatapatin na kita, hija. Straight to the point dahil ayaw ko ng magpaligoy-ligoy pa. I don't like...." Bumuntong-hininga ito na mukhang pinapalakas ang loob para masabi nito ang gustong sabihin sa akin. Para na akong maiiyak dito, but I should stop. I should not dahil wala akong karapatan. "I don't like that... my son is being associated with a married woman."
"Naiintindihan ko po..." mahinang bulong ko na muntik pang pumiyok.
"You should, dahil walang ina ang magugustuhan ang nangyayari ngayon sa inyo. Isa lang ang gusto ko, hija..."
My heart throbbed in pain. Alam ko na. Alam ko na kung anong gusto niya.
"Break up with him..." Kasabay ng pagpapakawala niya sa salitang 'yon ay ang pagbagsak ng luha ko. Why am I crying? Because damn! Kahit hindi ko aminin! Alam kong klarong klarong mahal ko na ang lalaki!