Chapter 34: Visitor

Nakakunot ang noo ko nang makababa mula sa sasakyan. Tiningnan ko si Chaos na ngayon ay kagat ang labi habang buhat buhat ang dalawang plastics ng isda. Hinawakan ko ang kamay ni Rix at marahan itong hinila papasok ng mansyon.

"Bilisan mo nga diyan, Chaos!" iritado kung sigaw rito. Naiinis pa rin ako sa lalaki at hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit. Wala namang ginagawa si Chaos e, obviously, pero mas lalo lang akong nairita dahil doon.

"Baby, masakit ang braso ko." nakanguso nitong sumbong sa akin. Nang lingunin ko ito at tingnan ang mukha nito ay doon ko nga nakita ang matinding pagod sa mga mata nito. But despite of the tiredness he is feeling, his soft smile as he gaze on me didn't even falter for one bit. Hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt. All this time, he followed all my orders. Parang tinatanggap niya itong punishment sa lahat ng ginawa niya noong nakaraan, samantalang hindi naman talaga siya ang dapat na bumabawi ngayon kundi ako. I was the one who accused him of being a liar.

Akmang lalapitan ko na ito nang makita ko ang munti ngunit pilyo nitong ngisi sa mga labi. Napangiwi ako bago inirapan ang lalaki.

"Hurry up, disciple!" I shouted. Binuksan ko ang pintuan at dire-diretso ang ginawa kong pagpasok sa loob. "To the kitchen, servant!" I added causing Rix to chuckle. Napatingin ako sa anak ko at napangiti nang makita ang ngisi nito. Oh. This little man is going to have his 6th birthday next month. Medyo malayo pa pero mukhang kailangan ko ng simulan ang paghahanda nun next week. I want everything to be perfect for his birthday.

Dumiretso kami sa kusina habang nakasunod naman si Chaos. Nang mailapag nito ang dalawang plastic sa counter ay kaagad itong nagpakawala ng malakas na buntong-hininga.

I arched my brow before crossing my arms. "Nagrereklamo ka ba?!"

Kaagad itong napatingin sa akin at napakurap ng ilang beses. Alanganin itong ngumiti sa akin bago umiling. "Of course not, baby."

"E bakit malakas kang napabuntong-hininga matapos mong mailapag ang dalawang plastic, ha?!" Shit! Alam kong para na akong baliw dito ngayon pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko e. I am damn annoyed and I want the floor to swallow Chaos now!

"Baby, no. I'll just change my clothes and I'll cook your fish, hm?" Mahinahon nitong sabi. Tipid lang ako nitong nginitian bago lumabas ng bahay.

It damn shows! His smile shows that he sick of me!

Naiiyak kong sinundan ang lalaki at nang maabutan ay kaagad akong tumalon para sumakay sa likod nito. Gusto ko sanang ngumiti nang masalo ako nito kaagad, but I stopped the will to do it when he slightly pinched my butt. How dare this pervert!

Walang pag-aalinlangan akong yumuko at kinagat ang tainga nito. Mukhang nagulat at nasaktan ito dahil napaigtad at napasigaw siya.

"Calsey, damn it! What the hell are you doing!" malamig na sigaw nito sa akin. Napaiyak ako sa biglaang pagsigaw nito kaya mabilis akong kumawala sa pagkakahawak niya.

"Y-you!" naiinis kong sigaw nang makababa. Idinuro ko pa siya habang sumisinghot. Nakita ko naman ang paglambot ng mukha nito at pilit akong inaabot pero umatras lang ako at umiling. "You shouted at me Chaos Aizanver! I can't believe you!" I shouted. Kung may karapatan mang sumigaw dito sa aming dalawa, ako lang 'yon!

"Baby.... Mom?" From his soft facade, bumalik ang pagiging malamig nito nang may malingunan sa aking likod. What?! What?!

"Kuya disciple..." Nanlaki ang mata ko ng marinig ang isang mapanuyang tinig ng lalaki mula sa likuran ko.

What? What? Among nangyayari?

"Hello cousin. Didn't know you are a servant now?" isang tinig pa ulit ng babae dahilan para mas lalo akong manlamig. Bakit... bakit...

Napatingin sa akin si Chaos nang makita siguro ang mukha ko. He smiled softly again before signalling me to come to him and I didn't argue with him. Nakanguso ko siyang nilapitan. Kaagad naman nitong iniyakap ang isang braso sa akin. Sinubukan kong humarap pero pinigilan ako ni Chaos. Ibinaon nito ang mukha ko sa dibdib niya. Hindi naman ako nagreklamo dahil ang bango niya.

He sighed. "What are you guys doing here?"

"Kaya pala hindi ka na lumuluwas sa Manila. May itinatago ka palang magandang dilag dito sa mansion, son?" boses ng isang lalaki 'yon. Sa tingin ko ay ang Daddy 'yon ni Chaos ang nagsalita.

Napayakap ako ng wala sa oras sa baywang ni Chaos. I want to cry in so much embarrassment right now! Narinig kaya nila lahat?! Siguro nakita nila kung paano mo api-apihin ang anak nila?! I want to shout in frustration. Why oh why?!

"Ipakilala mo naman kami sa kaniya, anak. Nang makita namin kung sino ang nagpabihag sa puso ng pihikan kong panganay."

"Mom!" rinig ko ang natatawang saway ni Chaos sa kaniyang ina. Mas lalo lang nadagdagan ang hiya ko. Nandiyan pala ang ina niya. K-kompleto sila? Oh gosh! Why the sudden visit kasi!

Mahina kong kinurot ang gilid ni Chaos dahilan para mapaigik ito. "You didn't told me they are visiting!" mahinang saway ko rito.

Naramdaman ko ang mahinang paghalik nito sa aking ulo bago bumulong. "Trust me, baby. I didn't know they are coming too." Napanguso ako bago dahan dahang tiningnan ang gawi ng mga magulang at kapatid niya. His mother have this tender smile on her face while looking at me. Mas lalo lang akong nahiya dahil sa ginawa ko kanina kay Chaos.

Bumaling ang tingin ko sa lalaking nakahawak sa baywang ng asawa. Malamig ang tingin nito ngunit may mapanuyang ngisi naman sa labi habang nagpapalipat ang tingin sa aking dalawa ni Chaos. Napakurap pa ako ng ilang beses ng makita ito. Oh my God. Chaos just looks exactly like him. The older version. May katandaan na ito pero kitang kita pa rin ang pagiging matipuno at gwapo nito.

At... at ang kapatid nitong lalaki ay nakangisi. Ngayon, alam ko na kung saan nagmana ito by just looking at the man. Kung si Chaos ay mana sa ama nito, ang kapatid naman nitong nakababata ay mana sa ina. The thing is, they have the same eyes. Pareho silang magaganda at gwapo! Nakaka-intimidate!

Napadako naman ang tingin ko sa isang babae na naka-cross arms. Nang makita nito akong nakatingin sa kaniya ay mas lalong lumawak ang ngisi nito.

"Long time no see... Mrs. Glaverra."