Chapter 33: Mood

In the end, walang nagawa si Chaos kundi ang itabi ang pagkaing naihanda niya kanina. Nagluto ulit si Chaos, but this time, it was the food I specifically requested from him.

Nakanguso kong sinundan ng tingin ang inilapag niya sa harap ko. Nangunot ang noo ko habang tinititigan ito bago kinamot ang kilay.

"What's this?" mahinahong bulong ko pero sa kaloob-looban ko ay gusto ko ng sumabog ng makita ang nagpira-pirasong isda sa harap. Yes. He fried it, but it wasn't successful! Hindi ko alam kung anong ginawa niya at parang nilapa ng aswang ang pinritong isda sa harap ko.

"Uhm, fish?" nag-aalangan niyang sagot dahilan para tingnan ko ito ng matalim. Fish? Fish? Ito? Matatawag pa bang isda 'to gayong kitang kita ko na ang buto nito?!

"Hindi 'to isda!" Impit na sigaw ko at itinuro ang inilapag niya kanina. "This is... murder!" I exclaimed. Hinampas ko ang braso ni Chaos dahilan para mapaigtad ito sa gulat.

"Baby..."

"Ayaw ko ng kumain, Chaos! Bakit hindi buo ang isda mo, ha? Pira-piraso e! It was almost unnoticeable kung hindi ko lang nakita ang buto!"

"A-are you angry?"

"HINDI!" matinis kong sigaw bago iniwan ang mag-ama sa kusina. Gutom na gutom ako. Gustong gusto ko ng kumain e pero nakaka-imbyerna naman ang isda nitong ni Chaos! Pag-prito na nga lang hindi niya pa magawa ng maayos!

.

.

.

"Ikaw ang magbabayad nito." sabi ko sa lalaking nasa harap bago nagsimulang kumain. We finally settled to eat our breakfast in a resto near the shore. They don't have fried fish in their menu, but since Chaos is the owner, he can make impossible into possible. Siguro ay hindi niya ito babayaran.

"You seems to be into fishes these days Mom," komento ni Rix habang kumakain sa tabi ko. I just smiled sweetly at him before removing the bone from the fish and giving it to him after.

"I don't know how, baby.." mahinang bulong ni Chaos ngunit sinamaan ko lang ito ng tingin. He lived in his island for how many years, and I would doubt if he still doesn't know how to remove the bone from the fish! Nagpapa-baby lang 'to e.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain at paminsan-minsang tinitingnan si Rix habang kumakain. Napapangiti nalang ako sa tuwing makikita itong napapakunot ang noo habang kinukuha ang buto ng isda.

Maya maya ay napatingin naman ako kay Chaos na mukhang nahihirapan talaga sa ginagawa. Oh God...

"Mali mali naman 'yan, Chaos! Matutusok ka niyan sa ginagawa m—"

"Ouch!"

Napatayo ako at kaagad na hinampas ang lalaki.

"Iyan! Iyan ang sinasabi ko sayo e! Sabi ngang mali ang ginagawa, pinagpatuloy pa rin! Oh ayan! Natusok ka tuloy!" pang-hihimutok ko pa dito. Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatingin sa daliring natusok ng maliit na buto ng isda.

"Mabuti pa 'yang anak mo, marunong. Bakit hindi ka magpaturo ha?!" galit kong turan bago kinuha ang kamay nito.

"Waiter! I need first aid!" iritado kong sigaw.

"No baby, it's just a small wound." mahinang angal nito. I hissed before slapping his shoulder.

"Edi maliit! Bahala ka sa buhay mo! Kung matetano talaga 'yan naku. Huwag mo akong lalapitan ah." Umupo ulit ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Dad, are you fine?" napatingin ulit ako kay Chaos nang marinig ang tanong ni Rix rito. Nakita ko itong nakangiwi habang pinipisil ang daliring natusok ng maliit na buto ng isda.

Napanguso ako at nakaramdam ng kaonting guilt dahil sa ginawa kong maghampas at pagsigaw rito kanina. I gulped. Tumayo ulit ako at nilapitan ang lalaki. Marahan kong kinuha ang kamay nito at hinaplos. Napatingin pa sa akin si Chaos na parang gulat na gulat pa ito sa ginawa ko.

"M-masakit ba talaga?" mahina kong tanong habang nakanguso.

Kumurap-kurap lang ang lalaki at hindi ako sumagot. Aba!

I slapped his arms again na mukhang ikinagulat nito. Pinandilatan ko ng mata ang lalaki. "Sumagot ka..."

Bumuntong-hininga ang lalaki bago marahang tumango. Hinawakan nito ang aking kamay at buong pasensiya akong tinitigan ng mga mata nito.

***

"Gusto ko ng isda." Anas ko habang pauwi na kami ng mansyon. Napalingon naman si Chaos sa akin dahilan para taasan ko ito ng kilay.

"We just finished our breakfast, baby." mahinahon nitong saad at iniyakap ang isang braso sa aking baywang.

Kumunot ang noo ko at hinampas ito sa dibdib. Napangiwi lang ng lalaki ngunit hindi naman nagreklamo sa ginawa ko. Aba dapat lang naman talaga. Hindi siya pwedeng magreklamo. Wala siyang karapatan.

"For lunch, Chaos. For lunch, duh? Let's go to the market. Gusto ko 'yong isdang may iba't ibang kulay. And I want it fresh too."

"Baby?" alinlangang tanong nito na para bang nakakagulat ang sinabi ko. Napapikit ako ng mariin. Naiirita na ako kay Chaos ng paunti-unti. I hate the fact that he's confirming kahit na sigurado naman na ako sa sinabi ko. What the hell is wrong with this man?!

"Kung ayaw mong sumama sa akin, then don't. I can always go there alone." inirapan ko ito. Narinig ko ang mahinahon nitong buntong-hininga bago sumang-ayon.

Iyon nga ang ginawa namin. Nakahawak ako sa kamay ni Cerix habang nakasunod lang si Chaos. Kitang kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ng mga tao doon habang nakatitig sa amin, o sa lalaking nakasunod sa akin ngayon. I don't really know.

I was fighting the urge to roll my eyes nang makitang natigilan ang mga tao sa palengke. Duh? Ngayon lang ba nila nakita ang may-ari ng isla? Tch.

Nang mahagip ng mata ko ang grupo ng mga kababaihan na mukhang nasa kolehiyo pa yata na nakatanaw kay Chaos na parang isa itong ulam ay kaagad akong napahinto sa paglalakad. I closed my eyes tightly.

"Mommy?" nalilitong sambit ni Cerix.

Iritado kong nilingon si Chaos na ngayon ay inosente lang na nakatingin sa akin. He looks like he isn't bothered with all the people looking at him. Parang wala lang sa kaniya. Mas lalo tuloy akong nairita dahil doon.

"Tumabi ka sakin!" mahina ngunit pasigaw kong sambit sa lalaki. Ngumuso lang ito ngunit sinunod naman ako. Hinawakan nito ang baywang ko at inilapit ang bibig sa aking tainga.

"Why are you always in the mood, huh? Always in the mood to bully me."