Chapter 30: Goodbye
Pagkatapos naming kumain ay hinanda na namin ang tutulugan sa sala. I was silently thankful that Cerix isn't asking me about why are we going to sleep here. He knows David as my friend. I told him I trust him, which is totoo naman talaga. Kaya siguro hindi na nagtanong ang bata.
"Dito na rin ako matutulog sa sofa para may kasama kayo dito." Ani ni Dabid. Napanguso ako nang makita ang sofa na gawa lang sa kawayan. Hindi 'yon malaki kaya duda ako kung kakasya ba doon ang lalaki.
"Tumabi ka sa amin. Hindi ka kakasya diyan no. Anong akala mo sa katawan mo? Mala-hourglass?" sarkastiko kong tanong dahilan para mapangiwi ito.
"Ikaw nga mataba e." ungot nito kaya nahampas ko ito ng unan. Naiiyak ko itong tiningnan habang nakangisi lang ang bruho sa harap ko. Alam ko! Alam ko naman 'yon e! This past few days ang laki laki ng kain ko. Ramdam ko rin na hindi na gaya ng dati ang figure ko, pero may figure pa rin naman. Medyo nadagdagan lang naman ng taba dahil masarap ang kain ko nitong mga nakaraang araw. But he doesn't have to point it out! That's rude kaya!
"You're rude." Cerix said angrily before coming to me. Niyakap ako ng anak ko bago hinalikan ang aking pisngi. I stuck my tongue out at Dabid. Umirap lang ang huli.
"That's not being rude, bro. The truth always hurt." saad naman ni Dabid. Humiwalay sa pagkakayakap ko si Cerix at nilingon ang lalaki.
"Well, your truth is not needed at all."
"Indeed." Sabat ko naman.
He was about to say something nang makarinig kami ng katok. Nilingon ko ang pintuan at ganun rin si Dabid. Maya maya ay tumayo ito at nagtungo sa may pintuan. Nagpatuloy naman ako sa pag-aayos ng mga unan para magkasya kami dito.
If you are all wondering kung nasaan ba ang mga magulang ni David. Sabi nito sa akin kanina ay nasa kabilang isla raw upang dalawin doon ang kapatid niyang bunsong babae. Taga-doon daw kasi sa kabilang isla nakapangasawa ang kapatid niya kaya doon na rin tumira. Tingnan mo nga naman. Naunahan pa talaga si David ng kaniyang bunsong kapatid na makapag-asawa. Wala pa sigurong nagkakamali sa lalaking 'to.
"Where are they?" napahinto ako sa ginagawa nang marinig ang pamilyar na malamig ng boses ng lalaki nila sa labas. Napatingin ako kay Cerix na nakatingin lang din pala sa akin.
"It's Dad, Mom..." bulong nito na para bang ayaw nitong mahuli kaming dalawa na nandito sa loob.
"Oh? Sa akin mo hinahanap? Pambihira.. Hindi mo siguro inalagaan ng mabuti kaya naglalayas, no?" rinig ko ang boses ni Dabid.
"I know they are here, bastard. Stop wasting my damn time." malamig ulit na sagot ni Chaos. I bit my lower lip before sighing. Kahit ngayong gabi lang sana? Hindi ba pwedeng... huwag muna siyang magpakita sa akin? Sa amin? Tch. Maiirita lang talaga ako dito e.
"Mom... I think we better... show up. Dad won't stop and he might punch David's face." nakangusong ani ni Cerix dahilan para mapanguso rin ako.
Nag-aalangan man ay tumayo na rin ako bago kinuha ang kamay ni Cerix. I slightly smiled at him bago pumunta sa harap ng pintuan. Tumapat kaagad sa akin ang tingin ni Chaos and by just looking at him, I know he is angry. Beyond angry, I guess.
"Let's go." malamig nitong saad bago kami tinalikuran at nauna nang maglakad palabas ng bakuran ng bahay nina David.
David smirked at me before messing my hair. "Sumama ka na dahil baka ipa-hunting ako niyang FRIEND mo." pinagdiinan talaga nito ang salitang 'yon kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"Shut up."
"Ay? Walang thank you man lang dahil sa pagpapalamon ko sayo? Ano 'yan? Matapos akong mapagsamantalahan wala man lang salamat?" kumunot ang noo ko dito bago ito hinampas sa braso dahilan ng malakas nitong paghalakhak. Sabay naman kaming napaigtad sa kinatatayuan ng makarinig ng malakas na busina na mukhang galing sa sasakyan ni Chaos. I sighed.
"Thank you, David." bulong ko rito na ikinangiti lang ng lalaki.
"Welcome fatty."
"Hey!" I glared at him but he just waved his right hand before going inside and closing the door. Bwiset na lalaki 'to ah.
***
Nang makarating sa mansion ay kaagad na kaming bumaba ni Cerix sa sasakyan. Hindi ko na nilingon ang lalaki na malakas na isinara ang pintuan ng sasakyan nito at sinundan ko nalang si Cerix na papasok sa loob.
"Go to your room first, Cerix. I'll just talk to her."
Her. I swallowed the lump in my throat. Bahagya akong tumingala upang pigilan ang sariling maluha. Jeez. I don't know why I feel like I suddenly have to cry in front of him. Tch. He didn't even refer me as Cerix' Mom. It's either, he's angry with me or he found someone who can be the best mother for Cerix, o baka bumalik na talaga ang real mom ni Cerix?
Muntik ko nang mabatukan ang sarili. Why didn't I think of that before? B-baka... 'Yong nakita kong babae na kausap ni Chaos noong araw na 'yon ay ang totoong ina ni Cerix? And now... she's making up for the lost years that he didn't took care of Cerix. I get it. I gasped loudly causing him to look at me coldly. I get it. He's just isn't angry with me, but he's also losing his interest in me. Okay. I get it now.
Nag-iwas ako ng tingin rito. Dumako ang tingin ko sa pintuan ng mansion na nakabukas pa. Open. He left it open for me to silently spill the tea that he doesn't need me here anymore. Okay.
"I'm sorry..." mahinang bulong ko habang nanatili ang tingin sa pintuan. I will run. I will run away again like I alwaysused to. But this time, h-hindi na ako babalik. "I'm really sorry kung nakasira ako sa inyong pamilya" mahirap mang sabihin pero alam kong 'yon ang totoo. He was just looking for a temporary mother figure for Cerix. A temporary one. Kaya ngayong bumalik na ang totoong ina ng bata, paaalisin na niya ako.
"What do y—"
"Shush!" I shut him up. "You don't have to be sorry. Kaya ngayon, para makompleto na sa wakas ang pamilya niyo, ako na mismo ang aalis. And don't worry, I won't bother your family anymore." tiningnan ko ang malamig nitong mga mata na nakatitig lang sa akin ng diretso. Para bang inaarok ng sapphire blue nitong mga mata ang buong pagkatao at isipan ko.
"Goodbye Chaos," mahinang saad ko at tumalikod na rito.
Ang sakit... tangina.