Chapter 25: Dabid

"Tiyo Manuel!" Sigaw ko nang makita silang naghihila ng bangka. Sa tingin ko ay papalaot pa lamang sila ngayon. Medyo nagtataka pa ako kung bakit, e alas sais na ngayon.

"Oh, hija. Sasama ka ba?" nakangiti nitong tanong. Tumango lang ako at makikisali na sana sa paghihila ng bangka nang pigilan nila ako. Ani nila ay mabigat daw 'yon kung kaya ay sila na lamang mga lalaki ang gagawa nun. Hindi daw dapat pinagpapahila ng mabibigat ang mga prinsesang gaya ko. Hindi ko maiwasang mapanguso. I'm not a princess, though. And I am willing to learn the life here in the island dahil mukhang magtatagal ako rito.

Nang matapos sila sa paghihila ay kaagad na silang sumakay doon. Inalalayan naman ako ni Tiyo Manuel sa pag-sakay.

"Thank you po..." mahina kong usal at naupo na sa dati kong pwesto. The Sunrise is complimenting the beautiful scenery so much that I can't stop myself from staring at it. It's so beautiful.

Nang umandar na ang bangka ay kaagad akong napangiti. I don't know. I feel... light with the idea of leaving the island for awhile. Maganda ang isla, mabubuti rin ang mga tao, pero pakiramdam ko ay hindi sa islang 'to ako magtatagal.

One of these days, alam kong aalis na ako rito. Because I seriously don't want to stay here when I can always see him. Magmo-move on ako sa lalaki kahit na hindi pa ako naka-move on sa asawa ko. Isn't ironic? Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko kay Chaos, but I know that it's something that would go real deeper kung hindi ko pipigilan. I don't know him. I just know the basic informations about him.

I don't even know what's his real reputation with girls. Sa nakita ko noong isang araw, hindi imposible ang mga naisip kong ginagawa nila sa loob. Of course. That's enough for me to conclude na hindi siya seryoso sa kung ano ang meron sa aming dalawa. Why would he be serious, right? I'm married. Kahit hindi ko 'yon sabihin ay alam kong alam na niya ang tungkol dito. Kaya bakit niya seseryosohin ang tulad kong matagal nang nakatali sa isang relasyon na tinatakasan ko ngayon?

I sighed.

"May problema ba?"

Napakurap ako ng ilang beses nang may magsalita sa gilid ko. Nilingon ko ang lalaki na mukhang ka-edaran ko lang naman yata. Itim na itim ang buhok nito na bahagya pang tumatabon sa kaniyang mga mata. One word to say, he's... handsome. He has tanned bulky body na bagay na bagay naman rito.

"May problema ka ba, kako? Kanina ka pa nakatulala diyan. Mukhang hindi ka naman yata sa dagat malulunod kundi sa matinding pag-iisip mo," natatawa nitong ani.

Napakunot ang noo ko. "Are you expecting me to drown myself in the sea water, instead?" taas ang kilay kong tanong nito.

Nawala naman ang ngiti nito at nanlaki ang mga mata. "H-hindi sa ganun! A-ang lalim naman kasi ng iniisip mo e!"

I raised my right brow as I crossed my arms. "So kasalanan ko pa?"

Napakurap ito at umiling ng ilang beses. Mukha pang nagpapanic na ito ngayon dahilan para matawa ako ng mahina. Cute.

"Niloloko mo ako!" maktol nito at ngumuso. Humalakhak pa ulit ako dahilan para hampasin ako ng lalaki sa braso na ikinalaki ng mata ko. Did he just...

"S-sorry... I-ikaw kasi e." what?! Did he just blamed me for his action?!

"I'm David. Anak ako ng kapatid ni Tiyo Manuel."

I smiled. "Yshien Calsey. Call me Shin nalang." ani ko at inabot ang kamay nito. We shook hands bago bumitaw.

Ngumisi ang lalaki bago umiling. "Hindi. Tatawagin kitang Isay." napaawang ang labi ko. He's too confident samanatalang hindi pa naman kami ganun ka-close!

I huffed. "I'll call you Dabid, then." nalaglag ang panga nito. Tch. He murdered my name, I'll murder his too.

***

"Tulungan na kita pababa, Isay." Napairap ako sa sinabi ng lalaki ngunit hindi na ring tumanggi. Kakadaong lang namin ngayon at medyo masakit na sa balat ang init ng araw.

"Anong oras na?" tanong ko kay Dabid nang maibaba niya ako sa buhangin.

"Alas nuwibe na siguro. Gutom ka na ba?" tanong nito. Napalingon naman ako sa mga isdang pinagkakaguluhan na ngayon. I pouted. I want to eat that so bad, pero alam kong ibebenta nila 'yan ni Tiyo Manuel kaya naiiyak ako.

I want fish!

"G-gutom.." sumisinghot kong ani bago tumingin kay Dabid. Nanlaki ang mata nito, sa mga mata ay hindi na maitago ang pagkataranta.

"B-bakit ka iyak?" nakanguso ding ani nito na para bang inaalo ako. Mas lalo akong napaiyak dahil doon at kaagad na itinuro ang mga isda na nasa malalaking basket na.

"I..."

"I?"

"I want fish! Iluto mo ako ng fish! I want it fried and with sabaw!" Napaawang ang labi ng lalaki at natawa ng mahina.

"Sige, Isay. 'Yon lang pala e. Iyak iyak ka pa diyan. Akala ko pa naman kung napano ka na. Sige, hihingi lang ako kay Tiyo Manuel. Ilan ba ang gusto mo?"

I pouted. Yumuko ako at nagbilang gamit ang daliri at maya maya ay nag-angat ng tingin dito.

"Rami! I want it a lot! Rami!"

Natawa ulit si Dabid bago ginulo ang buhok ko kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Okay. Rami pala ang gusto ng Isay na 'to. Sige, kuha ako ng rami. Wait ka lang diyan." ani nito at naglakad na papunta sa kumpulan ng mga tao.

Nanatili naman ako sa gilid at hindi na maiwasang maguluhan sa inasta ko kanina. Sobra ko naman yatang OA sa lagay na 'yon kanina. B-bakit ako naiiyak sa isda?

I sighed.

Gutom lang siguro 'to.

"M-mommy?" napalingon ako nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Gustong gusto kong yakapin si Cerix, pero hindi pwede dahil kasama nito ang Daddy niya na mariin lang na nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin nang maalala ang nakita ko noong isang araw.

I gulped.

"Mommy... Galit ka kay Cerix?" naiiyak nitong saad. Naikuyom ko ang kamay ko para pigilan ang sariling yakapin ito.

"Isay! Halika na! Lutuin na natin ang isda mo!" napalingon ako kay Dabid at ngumiti. Lakad takbo ang ginawa kong paglapit dito. Nang tuluyang makalapit ay kaagad ako nitong inakbayan.

I clutched my chest at itinago ang mukha malapit sa kili kili ni Dabid. Mabango naman kaya nakahinga ako ng maluwag. I don't want any bad things around me from now on.

I'm sorry Cerix baby, but I have to avoid you to move on... from your Dad.