Chapter 24: Hurting

"Uuwi na ako." Saad ko bago tumayo mula sa pagkakaupo sa sila nang dumating si Chaos. Gustong gusto ko siyang tanungin kung saan siya nanggaling at anong ginawa niya na inabot pa talaga siya ng dis-oras ng gabi. I badly want to throw him everything that my eyes will land on.

"Baby? Why? Aren't you sl—"

"Hindi ako dito matutulog. Hindi ito ang binayaran ko." matigas kung saad at sinubukan siyang lampasan ngunit mabilis lang nitong nahawakan ang aking kamay. Halos magkasalubong na ang makapal nitong kilay dahil sa pagkaka-kunot ng noo nito. Hindi rin naiwasan ng mata kong dumapo sa panga nito na nagsimula nang umigting.

Napaiwas ako ng tingin bago bumuntong-hininga. I don't even know why am I showing this kind of attitude to him. Pati ang nararamdaman ko ay hindi ko rin alam kung ano ang dahilan at kung bakit ganito nalang ang irita ko sa lalaking nasa harap ko.

I want to ask him! I badly want to. Pero ayaw ko siyang tanungin sa bagay na alam kong maguguluhan din siya. Dahil ako mismo ay gulong gulo.

Hindi niya naman kasi responsibilidad na ipaalam sa akin kung saan siya pupunta. It's not his responsibility... at hindi ko alam kung bakit nagagalit ako sa isiping 'yon.

"What did I do? What's our problem, hm? What's our issue, Cals? Mind telling it to me?" Malambing nitong saad sa akin bago niyapos ang kabuoan ko. Hindi ko maiwasang mapanguso habang dinadama ang yakap niya.

Gusto kong matunaw sa ginagawa niya. Pero hindi pwede. I want him to know what's the problem.. by himself.

"Cals?" hindi ako sumagot at nanatiling walang imik. Kumurap ako ng ilang beses bago dahan dahang kinalas ang pagkakayakap nito sa akin. And I even wanted to curse him when he just let me do it.

I sighed.

I badly want to be wrapped around his arms and feel his warmth. Pero Hindi talaga ako matatahimik hangga't hindi niya sinasabi sa akin kung saan siya galing at kung anong ginawa niya.

"I don't like your silence." bulong nito. He took a hold of my hands and looked at me. I quickly turned away.

He sighed. I think he's getting frustrated of what should he do. I don't want him to be frustrated of me. But this is what should he get after ditching me and Cerix for breakfast. Tapos umuwi pa ng alas diyes ng gabi.

"Calsey." He called sternly. Hindi ko maiwasang mapalunok dahil dun. Okay, I admit. Nakakatakot ang malamig at strikto niyang boses, but I still don't want to cave in. No. Not unless he will tell me the reason of his absence first.

"Alright... Is this because I came home late? Hm? Is this because I ditched our breakfast? Baby?" hindi ako sumagot. Unti unti na akong nadadala sa malambing niyang boses na para bang hinihele ako habang nakikipag-usap sa akin.

"Hmm..." he chuckled causing me to glare at him. The guy just embraced me wholly before kissing my forehead. "I just fixed something about business, baby. I'm sorry. I'll make it up to the both of you, hm?" Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakayuko habang nakakunot ang noo at pilit na inaanalisa ang sinabi niya na para bang isa iyong napaka-komplikadong puzzle.

Will I be going to be too demanding kung sasabihin kong... hindi ako satisfied sa naging sagot niya? Am I going to be pathetic kung sasabihin ko na... hindi iyon ang sagot na hinahanap ko? I was dissapointed. That wasn't the answer that I was expecting from him at all. I was hoping for something... more convincing. Something that would make me believe na hindi niya ako niloloko. Is it too much to ask?

His answer... His answer sounds like he was playing safe for something. He is definitely hiding something from me.

"M-matutulog na ako..." mahinang saad ko at kinalas ang pagkakahawak ng lalaki sa akin. I was thankful that he didn't stop me anymore. Diretso nalang akong umakyat sa taas, sa kwarto kung saan ako pansamantalang natutulog sa tuwing hindi ako nakakauwi sa cabin ko.

Kinabukasan ay halos nakapikit pa ako. I didn't get a very nice sleep at all. Halos buong magdamag kong iniisip kung ano nga ba ang dahilan ni Chaos kung bakit kailangan niyang maglihim sa akin.

But on the second thought, wala pa rin pala akong karapatan na mag-demand ng katotohanan sa kaniya. Dahil ang mga nangyayari sa amin... this is all just a secret, a lie, at hindi ko alam kung hanggang kailan 'tong ginagawa namin. This is forbidden. We are both hiding something... and that's the reason why I can't demand anything from him. Not even the truth behind all of his deeds.

The day was gloomy.

Ako yata ang pinaka-maagang nagising sa mansyon dahil sobrang tahimik ng paligid habang pababa ako ng hagdan.

Halos liparin ng hangin ang katawan ko nang makalabas sa mansyon. I sighed. Niyakap ko ang sarili habang tahimik na binabagtas ang daan patungo sa cabin ko.

Chaos.

He is literally a chaos. Dahil alam ko sa parte ko na nagsisimula na siyang guluhin ang puso ko... and I don't even know if I should be glad with that.

***

Maghapon ay nanatili ako sa loob ng aking cabin. Ilang beses ko nang chineck ang aking cellphone baka sakali ay... tawagan ako ng lalaki. But I... expected too much, maybe? Dahil hindi naman nito ginawa 'yon kahit isang beses. Kahit isang simpleng tuldok ay wala itong sinend na mensahe sa akin.

Hindi ko napigilang makaramdam ng irita, galit at pagtatampo. Ito na nga ba ang sinasabi ko e, di ba? I was expecting too much dahilan para ma-dissapoint ako sa huli.

Napailing ako at napagdesisyonang lumabas muna sa cabin para sana ay aliwin ang sarili sa tabing dagat, na sana pala ay hindi ko na ginawa.

I saw him.

I fucking saw him with a woman?!

Ang babae ay nakasuot lang ng swimsuit at mukhang katatapos lang nitong magtampisaw sa dagat dahil basa pa ang buhok nito. May pinag-usapan silang dalawa na hindi ko naman naririnig. Pero gusto ko silang sugurin dahil sa nakakairitang ngisi ng babae at ang pasimple nitong paghaplos sa braso ni Chaos.

Maya maya ay hinigit nito ang kamay papasok sa cabin ng babae na nasa di kalayuan lang ng akin.

Napakurap ako ng ilang beses bago dahan dahang pumasok sa cabin at kaagad itong isinara.

I was clutching my chest while breathing heavily.

F-fudge...

I-I didn't know that it would hurt like this? Hindi ko alam na mas may sasakit pa pala sa kaalamang nambababae ang sarili kong asawa.

I touched my face and gasped.

And why am I even crying?!