Chapter 26: Sundo

"Masarap?" nakangiwing tanong ng lalaki sa harap ko. I give him my one billion dollar smile before proceeding.

"Ang weird mo. Pwede namang sabawan nalang ng diretso ang isda. Ikaw ginawa mo pang complicated." ungot nito. Hindi nalang ako nagsalita at nagpatuloy na sa pagkain. Hindi ko alam kung anong nginangawa niya diyan. Kumakain din naman siya sa luto niya pero panay pa rin ang reklamo.

Wala naman akong ginawa rito. Ipinaprito ko lang ang isda tsaka ko ulit pinalagyan ng tubig at iniluto ulit. And now we have sinabawang isda. Anong weird dun?

Hinihimas ko ang aking tiyan pagkatapos kumain. Nakasandal pa ako sa kawayang upuan ng bahay nila ni Dabid. Medyo nahihiya pa nga ako kanina noong dinala ako dito dahil nandito 'yong Mama ni Dabid. Mabait naman ito at pinatuloy pa ako. Sinabihan pa si Dabid na ayosin ang pagluluto.

"Pambihira ka... hindi ka talaga tumigil hangga't hindi mo nauubos ang isda. Gutom ka lang ba o may iba pang dahilan?" kinunutan ko ito ng noo nang lingunin ako nito habang hinuhugasan niya ang pinggan na pinagkainan namin.

"And what do you mean by that?" taas ang kilay kong tanong dahilan para matawa ang lalaki. Napanguso naman ako. This is the reason why I easily trust the guy kahit na ngayon lang kami nagkitang dalawa. Ang gaan gaan niya kasing kasama. Lahat sa kaniya ay good vibes at mukha pang walang dinadalang problema. Sa laki ng mga muscle nito ay aakalain mo talagang siga, pero dahil sa lagi itong nakangiti, natatabunan nun ang awrang binibigay ng malaking katawan nito. Sakto lang naman ang pagiging malaki nito. Sakto lang para makaakit ng mga binibini.

Napahagikhik ako.

"Baka kako may alaga ka sa tiyan mong malaking ahas." sinamaan ko ito ng tingin. Sa liit ng katawan ko, talagang nag-aakala pa siyang may ahas sa loob ng tiyan ko?

Pagkatapos niyang maghugas ay iginiya niya ako sa kanilang sala. Simple lang naman ang bahay nila. Gawa sa kawayan, simple, pero sobrang linis at maaliwalas.

"Maupo ka, bisita. Nakakahiya no? Ako pa mismo ang naghugas ng plato? Ako pa 'yong naglu—"

"Nagkukwenta ka?" taas ang dalawa kong kilay nang itanong 'yon sa kaniya. "Isusumbong kita sa Mama mo. Siya pa naman ang nagsabing magsumbong daw ako kapag pinaghugas mo ako ng mga plato." may pagmamalaki sa boses ko dahilan para mapalunok si Dabid.

"Tss! Si Mama naman! Dinala lang kita dito, nalito na kung sino ang anak niya sa ating dalawa." natawa ako dahil sa sinabi niya. It actually made me feel warm. Ang sarap pala talagang mag-alaga ng mga ina, and that's what made me miss my Mom. Bumalik na kaya ako sa maynila no? Hindi ko na alam kung anong nangyayari doon dahil hindi ko na ma-contact si Tammy. Hindi naman ako nag-aalala dahil kilala ko naman ang babaeng 'yon.

Dabid and I spent the whole day watching movie sa laptop niya. Hindi ko lang alam kung ano ang sumunod na nangyari dahil nakatulog ako. Naalimpungatan nalang ako nang makarinig ng sigawan sa labas.

Napakurap ako and I noticed that I am not in the living room anymore. Nasa isang kwarto na ako. Nang makita ko ang picture frame ni Dabid sa maliit na lamesa sa gilid ay doon ko napagtantong nasa kwarto ako ng lalaki.

Tamad akong bumangon at lumabas ng kwarto.

"I know she's in here! Let her out or I'll fucking burn this place down!" nawala yata ang antok sa buong sistema ko nang marinig ang mala-kulog na boses ni Chaos sa labas.

"E ano naman kasi kung nandito siya? Natutulog 'yong ta—"

"What did you fucking do to her?!"

Ayaw ko mang magpakita sa lalaki, pero napilitan ako. Sa tono ng boses nito ay para talagang wala itong sasantuhin ngayon, at baka saktan niya pa si Dabid.

Binuksan ko ang pintuan dahilan para mapunta sa akin ang atensyon ng dalawa. Nang matitigan ko si Chaos ay parang lumambot ang mga mata nito nang makita ako. Hindi ko na napigilan ang biglaang paglapit nito sa akin at kaagad akong niyakap. Naramdaman ko ang paghalik nito sa tuktok ng aking ulo bago hinaplos ang aking likod.

"Isay..."

Napatingin ako kay Dabid. Nasa mata nito ang pagdadalawang isip.

"Jowa mo daw siya?" Napakurap ako at umiling. Hindi naman talaga e.

Napangisi si Dabid bago tiningnan ang ayos naming dalawa ni Chaos. "Ah... magkaibigan?" tumango tango ito na parang may nakompirma. "Friends with benefits?" naitulak ko si Chaos dahil sa sinabi ni Dabid.

Tumawa naman ang huli bago ako nilapitan at ginulo ang buhok ngunit sandali lang 'yon dahil kaagad na natampal ni Chaos ang kamay nito. Tumawa ulit si Dabid na parang demonyo.

"Naku, possessive naman pala si friend, Isay. Ano? Pasok na ako, ah? Balik ka lang dito kapag gusto mo ulit makikain." ani nito bago binalingan si Dabid. "Friend, treat her right. At pakiusap naman, pakainin mo ng marami 'yan at baka dito na naman sa bahay namin maghasik ng lagim."

"David!" sigaw ko dito. Tumawa lang ang lalaki bago pumasok ng bahay.

Naiwan kaming dalawa ni Chaos sa labas. Napayuko ako. Hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko. Aaminin ko, gusto ko siyang iwasan e, pero ngayon na kaharap ko na ito, parang gusto ko ng magsisi sa pag-iwas rito dahil namiss ko ito ng sobra. Yes. I miss Chaos. I miss him and Cerix.

"What is he to you?" bulong nito. Marahan lang 'yon pero pakiramdam ko ay pinipigilan niya lang talaga ang sariling mas magalit.

"Uuwi na ako. Antok na ako e." sa dami ng gusto kong sabihin rito ay iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Totoo naman... medyo madilim na rin kasi e.

"Kakagising mo lang, Calsey." sagot nito sa akin.

Napanguso ako. T-totoo naman 'yon e. Inaantok pa rin kaya ako.

"That wasn't enough... g-gutom din ako e. G-gusto ko ng isda..." mahinang bulong ko at tiningala ang lalaki. I gave him my puppy eyes. G-gusto ko ulit ng isda.

Chaos sighed before kissing my forehead.

"Okay. I'll cook for you, then. Let's go."