Chapter 23: Busy
Being with Chaos and his son, Cerix, for a month now was all a pure bliss for me. Oo. Sa maikling panahon na nagkasama kami ay talagang hindi ko na maipagkakaila ang kakaibang koneksyon na nabuo ko sa dalawa. My feelings for Chaos is still unknown. It's something that I am unsure of for now. Iyon ang bagay na hindi ko pa kayang mapangalanganan sa ngayon.
I wasn't thinking of my husband that much anymore. Hindi ko na masyadong naiisip ang mga naiwan ko, and I don't even know if I should be grateful or sad with that.
I am still hurt. Nasasaktan pa rin ako sa kinahantungan ng relasyon naming dalawa ni Ansel, but the thing is... I wasn't thinking about it anymore. Seriously, masakit, but I can feel that I am slowly and slowly accepting everything. That nothing is really permanent. Kahit ilang beses pa kayong italing dalawa ng mahal mo, kahit gaano niyo pa kamahal ang isa't isa, if both of you are only meant to be a lesson for each other, then you will remain that way. A lesson... that should be learned and kept in mind.
Sa araw araw na nagdaan, pakiramdam ko ay dahan dahan ko ng nakalimutan lahat ng sakit. Mahal ko pa rin ang asawa ko. Ilang beses ko 'yong nasabi sa sarili ko. Hindi 'yon nabawasan pero hindi rin napupunan, and I am accepting everything already... that maybe.. we aren't really for each other, kasi kung kami talaga, then God won't make a way for Chaos and me. Hindi ko na rin naman masyadong iniisip kung bakit kami pinagtagpong dalawa. But I do hope.... that he is not meant to be my lesson only.
"You came along with the fishermen again?" tanong ni Chaos nang tulungan ako nitong makababa sa bangka. Sumama na naman kasi ako sa mga nangingisda. Medyo namiss ko rin kasi e. Masaya naman dahil sandali ako nakapagtampisaw sa malamig na dagat. It was fun.
Hinawakan ni Chaos ang baywang ko. Medyo napakunot ang noo niya nang maramdamang basa ang bandang iyon. Medyo basa pa ang likuran at gilid ng aking damit dahil hindi naman ito nasinagan ng araw kanina. Nakaharap ako sa araw kanina habang nakaupo sa bangka kung kaya ay hindi na ako nagtataka kung bakit ang harapang parte lang ng damit ko ang tuyo.
"You're wet, baby. Did you swim?"
Napanguso ako bago tumango. "Unang beses ko e. And I was having fun there. Sobrang lamig ng tubig at malinaw pa."
Bumuntong-hininga ang lalaki bago ako tintigan ng mariin na nagpakunot lang ng aking noo.
"Why?"
"It's just dangerous. If you really want to swim, just tell me and I'll accompany you. Hindi ka pwedeng mag-isa. And besides, you can always swim on this part. Why do you need to go deeper?" napairap ako bago kumawala sa hawak niya at naunang naglakad. Ang OA naman ng lalaking 'to.
Actually, it wasn't my first time to swim in the island. Of course, isang buwan na akong narito sa magandang islang 'to. The sea is something that I shouldn't ignore. Pero mas kakaiba kasi kapag nasa gitna ng karagatan ka mismo. I don't know what's exactly the difference, but I just know that it has.
"Cerix was looking for you. He cried when he didn't saw you in his room." habol nito sa akin bago inilibot ang braso sa aking baywang. Mas lalo akong napanguso doon at hindi na naiwasan pang makaramdam ng guilt. Hindi kasi ako nagpaalam na aalis ako ng madaling araw dahil sasama ako sa mangingisda.
"Hindi na ako nakapagpaalam kasi nakalimutan ko kagabi at mahimbing na ang tulog niya e. Hindi ba siya nagalit?"
Pinisil nito ang aking baywang dahilan para mapalunok ako at bahagyang mapaigtad. "What do you think?" napanguso nalang ako.
Nang makarating kami sa mansyon niya ay naabutan namin si Cerix na nakaupo ng tahimik sa sala. Nakabukas ang telebisyon ngunit nakayuko naman ito.
"Rix?" mahinang tawag ko dito. Nakasunod lang sa akin si Chaos na para bang pinapakiramdaman din niya ang anak.
"Cerix? Baby?" kaagad itong napalingon at nanlaki ang mata nang makita ako.
"Mom!" halos tumalon ito sa sofa. Hindi ko tuloy naiwasang mabahala.
"I thought you left me! Where did you go?" napangiti at kaagad itong binuhat. Ibinaon nito ang kaniyang mukha sa aking leeg matapos akong halikan.
"Sumama lang ako sa mga nangisda, Rix. Your Dad said that you cried daw? Hindi naman kita iiiwan e." humigpit lang ang pagkakakapit nito sa akin at hindi na sumagot. Napalingon ako kay Chaos nang hawakan nito nito ng likod ko.
"Shower first and we'll eat our breakfast after." Hinalikan niya pa nito ang aking noo.
"Where's your Dad, Rix?" tanong ko sa bata nang makababa ako sa sala matapos kong maligo.
Ngumuso ito bago tumayo at hinawakan ang aking kamay. "He's busy, Mom. Sabi niya ay magpapadala nalang daw siya ng food dito dahil may gagawin pa siyang work." napakunot ang noo ko pero tumango nalang.
Dinala ko si Cerix sa kusina at naisipan nalang magluto para sa breakfast namin.
Hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng irita dahil sa ginawa ni Chaos. He said that I should shower and we'll eat breakfast after. E bakit umalis siya? Seriously? Walang isang salita ang bruho. Iniwan pa ang anak niya na mukhang gutom na gutom na yata.
Iritado ako habang naghihiwa ng mga ingredients ng lulutuin. Maya maya ay napadaing ako nang mahiwa ang aking kamay ng kutsilyo.
"Mom.. you fine?" nag-aalala ang boses ni Cerix at akmang aalis pa ito mula sa kinauupuan pero pinigilan ko ito.
"I'm fine, baby. Nasugatan lang ng konti, but Mommy's fine. Don't worry." napabuntong-hininga ako at ipinagpatuloy nalang ang ginagawa, this time, I was gentler.
Nang matapos sa pagluluto ay kaagad kaming kumain ni Cerix. Hinugasan ko pa ang mga plato bago nagyaya si Cerix na pumunta sa kwarto nito upang manood ng movie. Hindi na ako umangal, tutal ay wala naman akong ibang gagawin.
Habang nanonood ay lumipad ang utak ko sa kung saan. Where is Chaos, really? Bakit mukhang biglaan naman yata ang pag-alis niya? I mean... Bakit? Wala naman siguro siyang business na gagawin dahil may nagmama-manage naman ng mga negosyo niya dito. O baka naman may problema talaga sa negosyo niya? But why didn't he told me about it?!
At higit sa lahat....
Bakit ako nagagalit?! Why does it affects me too much?!