Chapter 13: Favorite fish

Walang masyadong nangyari sa akin sa mga sumunod na araw dahil hindi naman ako lumabas ng cabin ko. I decided to just stay to somewhat calm all my nerves. I was even thankful that no one bothered me for almost one week now.

It's kinda pity though. I wanted to roam around the seashore sana e. Pero hindi ko naman nagawa 'yong plano kong 'yon.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng simpleng puting dress. I didn't bother on combing my long wavy hair though, medyo tinatamad ako ngayon. I put it in a messy bun instead bago lumabas ng cabin.

I sighed while looking around the place.

Buong akala ko talaga ay hindi na ako makakaabot ng linggo dito. Akala ko ay palalayasin na talaga ako ng lalaking 'yon.

The man with the sapphire blue eyes. Gaano man kaganda ang mga mata niya, hindi pa rin nun mababago ang isip ko na may itinatago siyang kasamaan. Tch. I don't want to get close with him. Ayaw kong maging sanhi siya ng depresyon ko habang nananatili ako sa islang 'to. I should do my purpose of going here, and that is to relax. Kung kailangan ay iwasan ko ang anak ng lalaking 'yon para hindi ako mapalapit sa lalaki, gagawin ko.

Napanguso ako habang patuloy na binabagtas ang daan palabas ng Cabin Hotel. Nang maramdaman ko na ang buhangin sa aking paa ay kaagad akong napangiti. I have been planning for days na kailangan ko talagang mamasyal dito. Pero dahil sa pag-iwas ko sa lalaking may sapiro asul na mga mata, hindi ko nagawa ang gusto kong gawin sana.

Mataas ang sikat ng araw ngayon. Medyo masakit na nga sa balat pero dahil sa kagustuhan kong mamasyal ngayon ay hindi ko na ininda pa ang sakit nun.

Napaawang ang labi ko ng makita si Tiyo Manuel na may hinihilang lambat. Hindi na ako nagdalawang isip pang lapitan ang matanda na kinakausap ang mga kapwa kasamahan niya.

"Tiyo Manuel!" My lips formed in an 'o' shape when I saw a lot of fishes na nakuha sa lambat.

"Oy aba'y ikaw pala iyan, hija. Kamusta naman ang iyong pananatili sa isla?" nakangiting tanong nito sa akin.

Ngumiti ako rito pabalik. "Maayos naman po. Nangingisda rin po pala kayo dito?"

"Ay oo naman! Ito ang pangunahing hanapbuhay ng mga nakatira sa isla, hija."

"Ipakilala mo naman kami sa magandang dilag na iyan Manuel!" ani ng isa sa mga kasama ni Tiyo.

"Ay, oo! Ito ay turista galing Luzon! Hinatid ko noong nakaraan pa!" sambit naman ni Tiyo na bahagya munang tumigil sa paghila sa lambat.

"Ay hija! Hindi ka nagkakamali sa pinuntahan mong isla! Maganda rito kaya sana ay mag-enjoy ka sa pananatili rito, aba'y ha?" Sa tingin ko ay magkaedaran lang naman sina Tiyo Manuel at ang mga kasamahan niya dito kaya komportable ako sa mga ito. Mukha naman silang mababait.

Isa isa silang ipinakilaka sa akin ni Tiyo Manuel sa akin na ikinagalak ko naman.

"Ibebenta niyo po 'yan?"

"Oo, ineng! May bumibili din naman kasi ng isda! Maraming restaurant dito at sila ang pangunahing bumibili ng mga huli namin!" Sambit pa ni Manong Iking.

Naisip ko tuloy kung gaano ba kahirap ang pangingisda. Ang dagat ang pangunahing takbuhan talaga ng mga taga-isla. Kapag hindi sila kumilos ay malamang hindi sila mabubuhay rito.

"Maaari po ba akong sumama sa pangingisda ninyo?" Maya maya ay tanong ko. Mukhang nagulat ang mga ito sa sinabi ko kaya napahinto sila sa ginagawa. Isa isa pa ang mga itong nagkatinginan na para bang bago sa kanila ang salitang narinig mula sa akin.

Maya maya ay tumikhim si Tiyo Manuel. "Madaling araw kaming umaalis, hija. Mga alas dos ay kailangan na naming gumising para makapaghanda. At mga alas tres ay saka kami pumapalaot para makarami. Sinasabi ko sa iyo hija. Hindi madali ang trabahong ito. Lalo pa at hindi ka sanay sa mga ganito,"

Ngumuso ako. Tama nga ako. Sobrang aga nga nilang gumigising para lang mag-hanapbuhay. Waking up at 2 o'clock is really strange for me. I pouted. Hindi ako sanay. But I wanna try. I wanna try how they live their everyday lives.

"G-gusto ko pong sumama. Huwag po kayong mag-alala. Gigising ako ng maaga."

Nagkatinginan ulit ang mga ito na para bang isang malaking kalokohan ang sinabi ko. Para silang nagdududa na magagawa kong gumising ng maaga. Hindi ko maiwasang mapanguso. Magpapa-alarm nalang siguro ako?

***

1:45 AM!

Gusto kong magdiwang na nagawa ko nga ang bagay na hindi ko lubos inisip na magagawa ko! Medyo tinatamad pa akong bumangon pero nagawa ko pa rin!

Isinuot ko ang itim kong longsleeves na umabot pa sa ibabaw ng aking tuhod. I paired it with a black cycling shorts dahil siyempre, baka maingganyo akong maligo mamaya habang nasa laot. Sa ilalim ng longsleeve ay may suot naman akong sando kaya komportable na ako.

Pagdating sa baybayin ay nandoon na sila Tiyo Manuel. May dala dala silang lampara na mukhang gagamitin sa pagpapalaot. Sobra ang gulat ng mga ito ng makitang tinotoo ko nga ang sinabi ko sa kanila kaninang sasama ako. Unbelievable ba talaga 'to?

Napangiti ako nang umandar na ang bangka. Tatlong bangka lahat ang ginamit namin at sa bangka ni Tiyo Manuel ako sumakay.

"Buong akala ko ay hindi ka na sisipot, hija. Sasama ka ngang talaga." Napanguso ako sa sinabi ni Tiyo Manuel. Even I was also surprised of myself. Hindi kasi talaga ako ang tipo ng tao na gumigising ng sobrang aga.

Malamig ang simoy ng hangin at nililipad nun ang mahaba kong buhok. Hindi ko nadala ang panali ko kaya nakontento na ako sa paghawak nito.

The sea is so calm. The cold wind is so relaxing that I even almost fell asleep. Natawa nalang tuloy si Tiyo Manuel sa akin. I helped them pull their net and I saw how it was filled with fishes. Napasigaw pa ako nang pumitik sa aking paa ang isa. Nagtawanan tuloy ang mga kasamahan ni Tiyo Manuel.

It was fun. Para tuloy nabawasan ang kalahati sa mga problema ko nang pauwi na kami. Hindi matanggal sa labi ko ang ngisi. Ngunit kaagad iyong nawala nang maaninaw ng mata ko kung sino ang naghihintay sa may baybayin.

Oh God...

Alas syete pa ng umaga at siya talaga ang bubungad sa akin ng ganito kaaga? Napanguso ako.

Halos nakayuko lang ako ng dumaong na ang bangka. Naunang bumaba sina Tiyo Manuel kaya sumunod na rin ako. Pero bago pa man ako makababa ay may humawak na sa baywang ko. Kaagad kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko.

"You fished?" Napanguso ako sa tanong niya at marahang tumango. Naiinis pa rin naman ako sa lalaki pero hindi ko alam kung bakit... nag-iinit ang pisngi ko ngayon sa klase ng pagkakahawak niya sa aking baywang.

Ibinaba niya ako ng nasa buhangin na kami.

"S-sige. Alis na ako.." mahinang saad ko. Pawis na pawis na kasi ako at baka kung ano pang maamoy niya sa akin. And when did I became conscious of how I smell?

Bago pa man ako makaalis ay nahawakan na niya ang baywang ko. Muli niya akong pinaharap sa kaniya pero yumuko lang ako. I heard him sigh. Maya maya ay sinikop niya na ang mahaba kong buhok. Some of my hair got stuck on my neck dahil sa pawis ko. Hindi ako nagreklamo hanggang sa matapos na niyang gawin ang gusto niya.

Jeez nuts! He made my hair into a messy bun! Saan naman siya nakakuha ng panali?

"A-anong paborito mong isda? M-maraming nakuha sina Tiyo Manuel. Baka gusto mo lang..." Baliw! Hindi ko na alam kung anong dapat kong sabihin at sa dinami-dami pa.. isda talaga ang pag-uusapan?!

"Hmm..." Ani nito na parang nag-iisip kaya hindi ko na mapigilang umangat ang tingin sa kaniya. He looked directly in my eyes that made my stomach twisted. What?! What's that?!

"My favorite fish?" He took a hold of my waist at mas lalo pa akong inilapit sa kaniyang katawan. "My favorite fish is definitely not on the net. It's right here." I gasped when he touched my cheeks using the back of his hands. "I'm already holding my favorite fish, you see. But it doesn't smell like fish though."

Napapikit ako ng mariin ng inilapit nito ang mukha niya sa akin. I feel his lips on my ears causing me to gasp nervously. Napahawak rin ako sa dibdib nito upang pigilan ang lalaki sa ginagawa.

"It smells like... mine."