Chapter 12: Declined

Nang medyo makalayo na kami kay Cerix ay doon ko na hinarap ang lalaki. Bumaba ang tingin ko sa kamay nitong hawak nga ang wallet at brochure ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at hindi napigilan ang pag-iinit ng aking pisngi.

Parang kanina lang ay ang tapang tapang ko na para bang ang tagal na ng pinagsamahan namin, pero ngayon na kaharap ko na ang lalaki at malaya na niya akong natititigan gamit ang malamig niyang mga mata, pakiramdam ko natunaw lahat ng tapang ko kanina.

Kaming dalawa nalang ngayon dito. At hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Kakabahan ba ako dapat? I am hiding from my brother and sister, pero hindi ko alam na teritoryo pala ng isa sa mga kaibigan ni Kuya ang napuntahan ko. Sheez. Should I start packing my clothes?

"Stop wasting my time and start talking." Napakurap ako ng ilang beses nang marinig ko ang malamig at malalim nitong boses.

"A-ano..." napanguso ako at napakamot sa aking batok. Jeez, it looks like lost my voice or something. At hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang itago ang kabang nararamdaman ko.

Get yourself together, Yshien.

I sighed. Dahan dahan kong pinakalma ang sarili bago siya tingnan sa noo. Oo, sa noo, dahil hindi ko siya kayang titigan sa mga mata.

"Gusto ko lang sabihin na... Sana huwag ka namang masyadong strikto sa bata," nakita ko kung paano nangunot ang noo nito, mukhang hudyat na hindi nito nagugustuhan ang mga sinabi ko at ang susunod pang sasabihin. "Alam kong wala ako sa posisyon. I am a stranger, pero-"

"You said it. Clear as crystal. You are not in the position to give me advices about how I raise my child. You are a stranger, and as far as I know, I didn't give you the right or even the permission to talk about how to be a parent. You may be my friend's little sister, but that's just it. And... are you a parent already? Your brother told me you are incapable of producing one.." Napalunok ako at napahinga ng malalim. Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. At sa klase ng pagkakasabi niya dun, para siyang nanunuya.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Dahan dahan kong naikuyom ang aking kamay at kaagad na napayuko. Mariin akong napapikit at mahinang pinagsisihan kung bakit pa ako nagsalita at nakialam. Why should I care right? I shouldn't care. Wala talaga ako sa posisyon kaya hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kailangan ko pang gawin 'to! I have so much problem already at talagang dinagdagan ko pa! And I'm sure... I'm sure that Cerix has a mother naman siguro di ba? Siya na siguro ang bahalang pagsabihan itong asawa niya.

Dumilat ako at pasimpleng pinunasan ang luha sa gilid ng aking mata. Silly me for being hurt like this and crying in front of a stranger. Damn.

"K-kunin ko na ang wallet at brochure. S-salamat. Sige. Hindi na mauulit.." Mahinang saad ko. Ako na mismo ang kumuha sa wallet at brochure ko sa kamay ng lalaki bago tumalikod at naglakad na paalis.

Damn, Yshien. So much for the show.

***

"Ang galing mo! Sobrang galing mong bruha ka! Ngayon mo pa talaga naisipang tumawag? Kararating mo lang?!"

Napanguso ako dahil sa matinis na boses ni Tammy. Pagkauwi ko dito sa cabin kanina pagkatapos ng nangyari ay nakita ko itong cellphone ko. Doon ko lang talaga naalalang kailangan ko pa palang tawagan si Tammy.

"Sorry na. Nakatulog ako kaagad kahapon. Gabi na kasi akong nakarating, tapos ngayon, medyo nawala sa isip kong tatawagan pa pala kita dahil inayos ko pa ang mga gamit ko..."

"Ewan ko sayo! Sabihin mo... may pinagkakaabalahan ka na diyang iba!" Napakunot ang noo ko. Ano namang pagkakaabalahan ko dito? E mainit nga ang dugo sa akin ng may-ari ng isla. Baka bukas ay magliligpit na talaga ako.

"Wala..."

"And why is your voice like that?! Don't tell me may sakit ka?!"

"W-wala Tammy... Naninibago lang siguro ako dito..." Lies. I just had a breakdown kanina nang makapasok ako sa cabin. Who wouldn't? Bumabalik na naman kasi sa akin lahat. Kahit tinakasan ko na si Ansel at ang babae niya, pakiramdam ko ay sinusundan pa rin ako ng alaalang hindi ko talaga kayang ibigay kay Ansel ang hinihingi niya. Simply because I am incapable of producing one.

Napasinghot ako habang tumutulo ang luha kaya kaagad kong pinatay ang tawag kay Tammy. Hindi pa pala tapos ang breakdown ko.

Niyakap ko ang aking tuhod at doon ibinaon ang aking mukha habang umiiyak.

Dapat mag-rerelax ako dito e. Dapat h-hindi ko na inaalala ang mga problemang iniwan ko. Am I coward, though? Am I a coward for running away from my problems? Pero kasi... nasasaktan na ako. I wasn't running away from my problems, but the pain. The pain is too much for me to handle. Kaya nagawa ko itong takasan dahil sobrang sakit na. Pero... duwag ba ako? Duwag ba ako para takasan lahat ng 'yon?

Hindi naman siguro pagiging duwag ang pag-iwas sa bagay na sobrang nakakasakit na? Sa mga taong nagdudulot sa akin ng pagdurusa?

I don't know exactly kung ilang oras akong umiyak. Basta, nagising nalang ako dahil sa mahinang katok mula sa pintuan ng aking cabin.

Kinusot ko ang aking mata bago bumangon at lumabas sa kwarto. Gabi na pala at hindi ko na-open ang mga ilaw kaya sobrang dilim sa sala.

I turned on the lights before approaching the front door. Wala na akong pakialam kung ano ang itsura ko ngayon. Alam ko namang maganda pa rin ako kahit kagagaling lang sa matinding breakdown.

Confident, tch.

Binuksan ko ang pinto at nagulat pa ako kung sino ang taong nasa harap ko. Nagulat ako, pero hindi ko 'yon ipinakita. I won't ever forget how this man made me feel uncomfortable of what he just spitted out kanina.

"Mommy!" I bit my lower lip. At kasama niya pa talaga ang anak niya. Gustuhin ko mang tingnan ang bata na ngayon ay inaabot na ang kamay ko, pero hindi ko ginawa. Wala ako sa posisyon, and I don't intend to be in the position kung iinsultuhin lang ako ng lalaking kaharap ko ngayon.

"We're inviting you for dinner-"

"That I decline." Malamig kong saad at kaagad na binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ng bata, bago isinara ang pintuan ng cabin. Hindi pa ako nakontento at ini-lock ko pa ito.

"D-Daddy!" narinig ko ang garalgal at mukhang umiiyak ng boses ni Cerix mula sa labas.

"Shush..."

"This is your fault, Daddy! I hate you!"

Gustuhin ko mang bawiin ang ginawa ko at buksan ng pintuan kahit si Cerix nalang ay pinigilan ko ang sarili. Pilit kong binabalik sa isip ko ang mga sinabi ng lalaki kanina.

Wala ako sa posisyon. Wala ako sa posisyon.