Chapter 14: Chaos

"W-what?! Talaga? Nandiyan ang kaibigan ng Kuya mo? Di nga, girl?!"

Napairap nalang ako sa tanong ni Tammy. Kanina ko pa siya kausap at mukhang wala siyang planong maniwala sa sinasabi ko hangga't wala siyang nakikitang ebidensya. Hindi naman kasi kami pwedeng mag-video call dito dahil hindi naman umaabot ang wifi ng Blue Mansion dito sa cabin ko. May signal nga pero dalawang bars lang. But at least I can still call and talk to her.

"Yep. The thing is, I don't know him." Ani ko. Totoo naman talaga. Nakalimutan ko ring itanong kay Tiyo Manuel kung ano ba talaga ang pangalan ng lalaking 'yon. Well, it's not that I am interested... I'm just... curious.

"Ano?! Anong klase ka naman?! Wait, how does he look? Gwapo ba? Does he have that bad boy aura?!" From the other line, ramdam na ramdam ko talaga ang excitement ni Tammy. Kung magkaharap lang kami ay baka kanina pa ako nito hinahampas.

"Yes, he is—"

"Ay shocks! Edi na-fall ka?!"

Napangiwi ako sa sinabi ni Tammy. Seriously? "May asawa na ako," nakanguso kong sagot. Natahimik naman si Tammy mula sa kabilang linya dahilan para makaramdam naman ako ng konsensiya. E kasi naman... Alam kong hindi niya talaga gusto ang sitwasyon namin ni Ansel tapos... pinaalala ko pa sa kaniya.

"Whatever. Lumalandi nga ang ASAWA mo dito e, ikaw pa kaya? Ano ba, beh. It's your time to shine! Huwag kang magmukmok diyan o talagang sasabunutan kita! Pinapunta nga kita diyan para less toxic e!"

I sighed. Hindi ko naman kasi maiwasang isipin si Ansel e. Asawa ko pa rin 'yon, mahal ko pa rin 'yon. Kahit ilang beses yata ako nitong lokohin ay wala pa ring magbabago sa nararamdaman ko.

"Anyways! Change topic! Kabanas naman 'to. So, do you have any clue about your man there?!" I pouted.

"He's not my man kaya! But, a restaurant staff called him Cain? Tapos may anak siyang Cerix ang pangalan and..." napanguso na naman ako ng maalala ang kulay sapphire blue nitong mga mata. Ang lakas talaga ng epekto sa akin ng mga mata ng lalaking 'yon.

"And?"

"And he has a pair of sapphire blue eyes." Sagot ko rito. Narinig ko ang eksahedera nitong singhap mula sa kabilang linya.

"Wait! Parang kilala ko 'yan! I'll search nga kung tama ang hinala ko! Wait..." Maya maya ay narinig ko ang tunog ng pagtipa niya.

"Beh! He is Chaos Aizanver Ivanovich Verlice! He is a rich rich, my god! He owns a lot of hotels! Like a lot! Hindi lang 'yon ang nakalagay dito e! Marami pa siyang businesses and I am too lazy to elaborate. Basta ang masasabi ko lang, hindi basta basta ang yaman ng taong 'yan! No wonder why he's friends with your big bro. Sikat 'yan, but I heard that he's mysterious and low-key? He's aloof. Pero... wala siyang anak sa mga reports dito, neng. Baka nagkakamali ka lang?"

"Hindi ako pwedeng magkamali. He has a son, kamukha nga niya e. Siguro itinago niya para less toxic."

"Well, sabagay. Ganiyan naman talaga ang mga mayayaman, laging may itinatago. Duh? Just like your asshole of a husband. Itinago ka sa publiko which is very fucked up."

Hindi na ako nagsalita pa sinabi ni Tammy. Medyo natamaan ako dun e.

Napatuwid ako sa pagkakaupo ng makarinig ng katok mula sa labas.

I sighed. "Gotta go, Tammy. May kumakatok,"

"Okay girl. Take care always! Love you!" napangiti ako sa itinuran ni Tammy. Hindi pa man ako nakakasagot ay ibinaba na nito ang tawag.

Lumabas ako ng kwarto at tiningnan ang oras. It's already 7:30 in the evening. So who would even knock at someone's door at this moment?

I sighed. Hindi na ako nagdalawang isip pa na buksan ang pintuan. And I was again, shock to see HIM in front of my cabin's doorstep.

Tiningnan muna ako nito mula ulo hanggang paa na nag-painit sa aking pisngi. I was only wearing a cotton shorts and a crop top hoodie jacket.

Napakagat ito sa kaniyang pang-ibabang labi bago malakas na bumuntong-hininga.

"Why... why are you wearing that outfit? And you just opened the door that easily without even checking who's knocking?" Nahihimigan ko ang irita sa kaniyang boses.

Napanguso ako. "Well, I trust the environment." I shrugged.

Nagsalubong ang kilay nito. Mukha yatang mas nagalit ito sa sinabi ko.

"You might not know that, Calsey. It's too dangerous."

"Are you dangerous, though?" Balik kong tanong na nagpatahimik rito.

Maya maya ay bumuntong-hininga nalang ito. His gaze turned soft before reaching out for my right hand. Hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa ginawa niya. His calloused hands wrapped my hands like it was a normal thing for him to do.

"Cerix is looking for you." Ani nito na nagpalunok sa akin. Palagi nalang akong lumulunok. Why am I so nervous?!

"Please, baby. I know you are mad at me, but he's been throwing tantrums at me for almost one week. He's mad at me—"

"Your fault!" I glared at him. Totoo naman talaga e. It was his fault why I have to avoid Cerix too. He insulted me! He made me feel worthless!

"I know, I know and I'm sorry—"

"You should be!" Inalis ko ang pagkakahawak nito sa aking kamay bago ako namewang sa harap niya.

"How did you know my name?!" pinanlakihan ko ito ng mata ng maalala ang tinawag niya sa akin kanina.

Napasinghap ako ng bigyan ako nito ng isang ngiti. I never know... I didn't know until now... That he looks overly handsome when he smiles like that! Aloof?! Ito ba ang aloof na sinasabi ni Tammy? He doesn't look like an aloof guy to me!

"Your my friend's sister. Of course, I should know who's my target."

"What target are you talking about?! Are you planning to kill me, huh?!" nakakunot na ang noo ko ngayon habang nakatitig sa lalaki. Wait, who is he again?

Chaos... Kaguluhan. Kaya pala tinawag siya nun ni Kuya na kaguluhan because he really is... a chaos.

A huge Chaos that would be possibly a pain on the ass. Well, it's not like he is not being a pain in the ass right now.