Chapter 11: Baby Daddy

"Cerix Agony Izanov."

Bago pa man ako tuluyang makasagot kay Cerix ay napahinto na sa pagbuka ang bibig ko nang marinig ang malalim na boses na 'yon. It was familiar. Napatingin ako sa lalaking nakatayo ngayon sa harap ng mesa namin at tuluyan ng napaawang ang bibig. Heck. How many times do I even have to do that today?

Ang makapal nitong kilay ay nakakunot pero sobrang lamig pa rin ng klase ng titig nito. And his sapphire blue eyes... Oh my God...

"D-dad... D-dad? It's Dad.." bulong sa akin ni Cerix bago yumakap sa aking baywang. Ibinaon pa nito ang mukha sa aking dibdib. "No. He is going to get mad at me. He will... He will probably scold me..."

"Come here this instance Cerix." tiningnan ako sandali ng lalaki bago umiwas ng tingin at nagpakawala ng mahinang mura. Mas lalong umarko ang kilay ko sa sobrang gulo ng inakto ng lalaki.

At ngayon ko lang talaga napansin... Kaya pala mukhang pamilyar si Cerix ay dahil may kamukha siya. They don't have the same color of eyes, pero hindi pa rin maipagkakailang mag-ama nga talaga sila. Oh no! He is not single...! E ano ngayon?

Umiling ang bata sa aking dibdib kaya hinaplos ko ang buhok nito.

"Pakainin mo muna kami ng anak mo. Sayang naman 'tong inorder namin." ani ko. Hindi naman nagsalita ang lalaki kaya hinarap ko ulit si Cerix. Nasa mukha talaga nito ang takot na nararamdaman niya para sa kaniyang ama.

"Eat first, hm?" ani ko pero umiling ang bata. "Why? You ordered all these foods, you have to taste this."

"Feed me..." bulong nito na nagpatawa sa akin.

"You have your own hands Cerix. I didn't teach you to be this dependent... with a stranger."

"O-okay Daddy..." tahimik na saad ni Cerix ng sawayan siya ng ama. Inangat ko siya para makaharap sa lamesa. Iniwasan talaga niyang makita ang ama dahil halos nakayuko lang ito habang inaabot ang mga pagkain.

"There's a spare chair here. Why did you choose to sit on someone's lap? Did I told you to—"

"Enough, okay? Let the child sit where he wanted to. You are too... manipulative Mister. You shouldn't be like that to your son," hindi ko na mapigilang isatinig ang opinyon ko. I noticed that Cerix is scared of him. Wala naman akong nakikitang pasa sa bata kaya malamang ay hindi niya ito sinasaktan. Maybe he is really just too strict.

"And who are you to talk to me like that? You don't get to say anything about how I raise my child."

"I'm his mother, that's why." Walang ka-gatol gatol kong sabi bago sinubuan ang bata. Tch. I know that I just met Cerix now, pero hindi ko alam kung bakit... parang may nararamdaman akong koneksyon sa bata, the reason why hindi ko na sinaway ang pagtawag nito sa akin ng Mommy. I mean... I felt really warm. I can't... I didn't have a child with Ansel. I was longing for it. Nasasaktan ako sa tuwing may nakikita akong buntis. Nakakaramdam ako ng inggit... because I wished, I wished for so many times for me to get pregnant para hindi na maghanap ng iba si Ansel... but all the attempts was failed. Kaya hindi na muli naming sinubukan pa, because I don't want to get dissapointed all over again. Hindi na rin ako nagpa-check up. What's the use right? Madi-dissapoint lang ulit ako ulit. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko kayang mag-produce ng baby...

Hindi na nakasasagot ang lalaki pa kaya ipinagpatuloy ko nalang ang pagpapakain kay Cerix.

"It's so good, Mommy.." Hindi mapigilang komento nito na nagpangiti sa akin. Habang kumakain siya ay pasimple ko namang sinusubuan ang sarili. Doon ko lang naalalang may lalaki palang nakatayo sa harap namin, at hindi pala ako nag-abalang paupuin ito. Oh my God! How rude!

"A-ah.. upo ka? Kumain ka. Marami naman 'to at hindi namin mauubos ni baby.." ani ko. Hindi tumingin sa akin ang lalaki pero sinunod naman ang sinabi ko.

Pagkatapos naming kumain ay kaagad kong pinainom ng tubig ang bata. Nauna pa akong matapos sa dalawa kaya inasikaso ko nalang si Cerix.

"Is it yum, Daddy?" maligayang tanong ni Cerix na mukhang nakalimutan na ang takot nito sa kaniyang ama.

"Yes. But it doesn't mean we'll eat here again," Napanguso naman ang bata sa isinagot nito. Natapos na ring kumain ang lalaki at mabilis itong tumayo mula sa kinauupuan. "Let's go, Cerix." The poor young man bit his lower lip. He looked at me with his pleading eyes, that I know, I would really fall from.

"Daddy is scary. He might add many bodyguards to me again so I won't be able to escape from the mansion. I want to be with you, Mom." I bit my lower lip. Parang gusto ko na ring lumuhod ngayon sa harap ng ama ni Cerix at magmakaawang baka pwedeng hiramin ko muna ang anak niya which is very impossible to happen. Sino ba naman kasing ama ang papayag na makasama ang katulad ko, na ngayon pa lamang nakilala ng anak niya? No one.

"He's not hurting you naman di ba?" bulong ko rito.

Umiling ang bata. "No, but he is strict."

I was right. Masyado siyang mahigpit at strikto sa bata kaya natutunan tuloy nitong tumakas.

Tumayo ako habang buhat buhat ang bata na nakayakap pa rin sa aking leeg. Kunot noo akong sinundan ng tingin ng ama ni Cerix pero hindi naman ito nagsalita. I guess, he is really a man of few words, huh?

"Pakidala naman ng wallet at brochure ko," sabi ko pa. I don't know how I gained that confidence. Maybe because of the little bear clinging unto me like his life really depends on it.

Pagkalabas namin ng restaurant ay dumiretso na ako sa may benches na pinapalibutan ng mga coconut trees.

Pinaupo ko doon si Cerix. "Stay here, baby. I'll talk to your father for a minute." Tumango lang ito bago ako nginitian. Ginulo ko pa ang cute na curly hair nito bago nginusuhan ang ama ni Cerix na sundan ako.

I heard him muttered some soft curses, pero hindi ko na 'yon pinansin pa. I don't care kung murahin niya ako, basta sasabihin ko sa kaniyang mali ang nagiging approach niya sa bata.