CHAPTER 32
She pursed her lips while calming herself. Ilang araw na siyang nabi-bwisit kay Thunder. Akala pa naman niya ay mahihirapan siya ulit itong makaharap at magiging awkward ang lahat pero hindi pala, binuhay lang nito ang mga nakatagong sama ng loob niya sa katawan. Buong araw siya badtrip na naman dito dahil kung hindi siya nito papansinin ay kinokontra nito ang mga suggestion niya sa bagong susuotin nito.
Ilang araw ng ganito at hirap na hirap na siya sa pakikitungo nito sa kaniya.
“Ito na lang ang suotin mo dahil mas unique ang terno. Maganda nga ‘yang napili mo pero sobrang plain.” Napapikit siya saglit at napabuga ng hangin.
“I’m your boss, so you I’m the one who will decide.” Sa sobrang inis niya ay sinipa niya ang paa nito ng malakas.
“Ako talaga ginagalit mo? I’m working my ass off here and you? You’re not cooperating! Ano bang problema mo at ilang araw ka ng ganiyan sa akin?” lakas loob niyang tanong dito. As in punong-puno na siya, inis na inis na siya. Alam niyang sinasadiya nito lahat na kontrahin siya sa hindi malaman na dahilan.
“I don’t have a problem. I am still the one who will decide if I’ll wear your proposed outfit.”
“Hindi ka naman ganiyan ha! Sinasadiya mo lang talaga dahil m-may… p-past tayo!” she shouted. Nautal pa siya dahil bigla siyang nailang dito dahil sa klase ng tingin.
“People change, Ms. Ramos. And I’ve change now, so don’t talk to me as if you knew me well.” He blankly stared at her. She saw Thunder with no emotion again.
Hindi siya nagsalita hanggang sa umalis na lang ito sa harapan niya dahil dumating ang manager at isang staff sa fitting room.
“Iyon na ba ang susuotin niya? Tatawagin na siya mamaya,” ani ni Theo. May cameo kasi ito sa isang music video ng sikat na idol group.
Tumango na lang siya rito bilang tugon. Wala na siyang magagawa dahil ayaw talaga nito magpalit ng inihanda niyang damit.
Natapos ang scene ni Thunder at nagligpit na rin sila ng gamit. Pagod siya dahil kanina pa siyang madaling araw gising para ihanda ang lahat ng mga dami nito. Paulit-ulit niya kasi chine-check dahil ayaw niyang magagahol siya pag nagkaroon ng mali o kulang. Pero lahat ng effort niya ay naaksaya na naman dahil hindi naman sinuot ng binata ang hinanda niya.
“Kain tayo,” ay ani Theo sa kaniya. “May favorite restaurant kami ni Thunder malapit dito,” dagdag pa nito. Bago pa siya magsalita ay tumunog na ang cellphone niya.
Kinuha niya iyon agad at nakita niyang si Gino ang tumatawag. Susunduin kasi siya nito dahil naghahanda na sila sa surprise birthday party ng ate niya na sa isang bukas na gaganapin. Magfo-food tasting sila ng ipapa-catering.
Ngumiti siya at umiling kay Theo at winagayway ang cellphone.
“Nandito na sundo ko, next time na lang,” she smiled.
“Oh, boyfriend?” ngumisi ito sa kaniya at napatango-tango. Theo is same age as Gino, may asawa’t anak na ito. Napalingon naman siya ng may kumalampag at nakita niyang si Thunder iyon na galing sa banyo. Inirapan niya ito nang magkatinginan sila.
“Sige na, una na ako. Naligpit ko na rin sa maleta ang lahat ng damit na hindi naman nasuot,” pagpaparinig niya. Mukhang sanay na si Theo sa kaniya at lalong lalo na sa moody na si Thunder dahil tinawanan lang siya nito.
“Okay. Ako na ang bahala diyan, mauna ka na at ‘wag mo paghintayin ang boyfriend mo. Be protected!” Umawang ang labi niya dahil sa pang-aasar nito.
“Oh my goodness!” react niya rito. She nonchalantly waved her hands while shaking her head.
“Hindi ba dapat ikaw ang magdadala niyan hanggang sa agency? Are you neglecting your duty, Ms. Ramos?” Napahinto siya sa pagbukas ng pinto dahil sa sinabi ni Thunder.
“It’s fine, Thunder. Ilalapag ko lang naman ‘yan doon, isa pa’t pupunta rin ako sa office,” singit agad ni Theo.
“Excuse me? I’m not neglecting my duty. Nakisuyo lang ako ngayon kay Theo dahil may importanteng lakad—”
“Dating with your boyfriend is important than your work?” he mocked. Gusto niya sana itong itama na hindi naman niya boyfriend si Gino pero ‘wag na lang, bahala na ito magisip ng kung ano sa kaniya.
“Yes.” Iniwas niya ang tingin dito nang tumalim lalo ang titig nito sa kaniya. Ma-bwisit ka lang at sana mabaliw ka sa galit mo sa akin! Kainis!
Hindi niya na ito pinansin at nagmartsa na palabas ng kwarto na ‘yon. Nang makalabas ng tuluyan sa building na ‘yon ay hinanap agad ng mata niya ang kotse ni Gino. Dali-dali siyang pumunta roon sa kotse ng kaibigan at padabog na sumakay. Kita niyang nagulat pa si Gino sa kaniya, marahil sa paglakas ng sara niya sa pinto ng kotse.
“Hey, hey! Anong problema mo?”
“Wala!” sigaw niya rito at pinagkrus ang kamay tiyaka sumandal sa shotgun seat.
“Is it Thunder? What happened?” tanong nito pero mukhang natatawa pa sa kaniya. Binalingan niya ito ng tingin at pinaningkitan ng mata. “I’m just kidding!” ani agad nito at tinaas ang dalawang kamay.
“Paandarin mo na ‘to bago pa magbago ang isip ko—”
“Fine, fine! Ito naman highblood masiyado.” Pinaandar nito kaagad ang sasakyan. Dederetso sila sa isang restaurant at doon titikim ng mga pagkain na ipapahanda sa party.
Nakarating sila sa restaurant at nakapag-umpisa agad sila ng food tasting. Ito na rin ang dinner nila dahil maramirami ang titikman nila.
Naging okay naman ang mood niya dahil sa masasarap na pagkain na natikman.
“I like this one,” ani niya at tinuro ang beefsteak overload. Nasasarapan siya sa klase ng sauce nito.
“Masarap lahat… Should I choose all of this?” binalingan siya ni Gino.
“Pwede… Marami rin ang friends ni ate Bella na pupunta kaya mabuti siguro na ramihan mo talaga.” Tumango ito at kinausap ang dalawang staff na nakaantabay sa kanila.
Pinalista lang lahat ni Gino ang mga pagkain na gusto niyang ipahanda sa makalawang araw. Siya ay kumain ng kumain dahil doon niya tinuon ang inis na nararamdaman niya kay Thunder.
Pagkatapos nila sa restaurant ay hindi na siya nagpahatid kay Gino dahil napag-alaman niya na walang magsusundo kay ate Bella sa lugar kung saan ito nag-make-up ngayon.
She took a taxi to get home. Pagkarating niya sa bahay at pagkalabas niya sa taxi ay natigilan siya ng may kotse sa mismong tapat ng bahay niya. Wala na kasi siyang guard dahil hindi naman na niya kailangan iyon.
Napataas ang kilay niya nang makita ang lalaking lumabas sa mamahalin na kotse.
Thunder…
“Anong ginagawa mo rito?” pagtataray niya rito at nilagpasan ito para mabuksan ang gate.
“You don’t have a guard anymore? Paano kung mapasukan ka ng ibang tao dito?” iritable na naman ang tono ng boses nito kaya siya ay mas lalong nainis.
“Sa tingin mo nagpapapasok ako ng ibang tao sa akin?” Natigilan ito at mayamaya ay napamura rin.
“Can you please stop being a green minded—”
“Anong pinagsasabi mo? Baka ikaw ang green min— ano ba kasing kailangan mo?” Hinarap niya ito ng maayos dahil nabuksan niya na ang gate.
Napatingin siya sa kamay nitong ngayon niya lang napansin na may hawak pala. Nanlaki ang mata niya at agad niyang kinuha iyon pero mas diniinan ng binata ang pagkakahawak sa maliit na paperbag.
Last month kasi ay may nakita siyang magandang underwear sa adult online shop at binili niya iyon, tapos medyo na delay ng dating kaya tumawag yung delivery driver na ipapadala na raw ngayong araw. Wala namang tao sa bahay niya kaya walang magre-receive kaya pinapunta niya iyon sa lugar kung nasaan sila ng shoot kanina.
“Paano kung hindi ako ang unang nakakita niyan?” Binitawan nito ang paperbag kaya nakuha niya na. Humawak pa ito sa sintido na parang stress na stress na sa kaniya.
“Bakit! Naka-box naman ‘to—”
“A transparent box?! With a big picture of that thing with instruction!” hindi makapaniwalang bulalas nito sa kaniya. “If someone saw that thing, for sure, they will judge you!”
“It’s a freaking underwear—”
“Yes, a fucking open crotch underwear with a belt…” Nag-init ang pisngi niya dahil mukhang tiningnan nito ng husto ang binili niya. Napaiwas siya ng tingin at pasimpleng napanguso.
Hindi niya alam kung bakit ito nagagalit sa kaniya at bakit mas lalo pang uminit ang ulo nito.
“You… are you… fuck…” Naibalik niya ang tingin dito dahil may gusto itong sabihin na hindi nito maituloy. “Are you… doing it… with that guy?” Dumagundong ng husto ang dibdib niya at napalunok siya nang tumingin ito sa mga mata niya. Hindi niya mabasa ang nasa isip nito dahil muling naging blanko na naman ang expression ng mukha nito.
Ilang segundo bago pumasok sa isip niya ang tinutukoy nito. Natawa siya ng maiksi dahil hindi siya makapaniwalang iniisip nito na pati sa ibang lalaki ay nakikipagtalik siya.
Tumalikod siya at pumasok ng tuluyan sa gate pero agad siyang nasundan ni Thunder at hinatak ang kamay niya dahilan para mapaharap siya at mapasubsob pa sa matigas na dibdib nito.
Napahawak ang isang kamay niya sa dibdib nito at nakailang lunok pa siya dahil ramdam niya ang sobrang laki ng pinagkaiba ng katawan nito.
Yessha! Tumigil ka… Hindi ka dapat naglalaway sa ex mo!
“A-ano ba!” Nakagat niya ang labi at napayuko ng husto dahil nautal pa siya.
“Answer my question, Yessha,” mariin na ani nito.
Yessha… Hindi na Ms. Ramos?
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o ano dahil tinawag siya nito sa first name niya.
“H-hindi ko naman kailangan sagutin ang tanong mo— tiyaka, teka! Bakit ba curious ka? Kasama ba sa trabaho ko ang ipaalam sa’yo ang mga nangyayari sa buhay ko?” Pinilit niya maging mataray ulit kahit gulong-gulo na siya rito.
Ayaw niya itong nararamdaman niya ngayon. Pakiramdam niya curious pa rin ito sa kaniya at pakiramdam niya may pakialam pa rin ito sa kaniya.
“Just answer me.”
“No! Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin! I don’t want to explain myself. Wala rin lang naman sa’yo ang magiging sagot ko—”
“Just fucking answer me! I need a fucking answer, Yessha… Because I’ts a torture for me… thinking the reality that you really now have someone… to fulfill your needs… someone who’ll explore with you… someone that is not fucking me.”
Napakurap ang kaniyang mata at nahigit niya ang hininga habang nakatulala sa binata na nakatingin sa kaniya ng husto. Bumulusok ang halo-halong emosyon na nakatago sa buong pagkatao niya. Ang mga alaala nila ng binata at mga nararamdaman niya rito na nakatago lang sa kalooblooban niya.