Chapter 23: Papa?

SINJI'S POV:

--

PAGKATAPAK na pagkatapak ko sa NAIA, ramdam ko ang pagkamiss sa bansang ito. Sa loob ng limang taon, wala akong ginawa kung hindi ang magtago sa mga taong makakatulong sa akin pero ako na mismo ang umiwas.

Inaamin kong natatakot ako sa pwedeng mangyari ngayong nakabalik na ako sa Pilipinas.

"Mom can you carry me?" napatingin ako kay Shin na pupungas-pungas pa ng kanyang mata matapos naming makababa sa eroplano. Samantalang si Serin naman ay karga ni Sav at si Seiji naman ay nagmamasid lang sa paligid kahit nakasuot ito ng mamahaling sun glasses na regalo ng kanilang Tita Ninang.

Umupo ako para magpantay ang paningin namin ni Shin at pinanggigilan ang kanyang pisngi bago ko siya binuhat. Yumakap ang maliliit na braso ni Shin sa leeg ko bago isiniksik ang mukha nito para matulog.

Para akong nanlambot dahil sa ka-sweet'an ng mga anak ko.

Inihayag ko ang palad ko kay Seiji para hawakan sya, mahirap na at baka mawala dahil masyadong maraming tao dito sa airport.

"I'm good, Mom. No need to worry about me." ani ni Seiji.

Ngumiti na lang ako sa bata at tumingin kay Sav. Nagkibit-balikat lang ang babae bago tumalikod at naglakad patungo sa mga bagahe namin.

Matapos naming makuha ang bagahe ng mga bata ay agad na kaming lumabas ng airport. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang taong pinaka-ayokong makita ay siya mismong sumalubong sa amin.

Napahawak ako sa laylayan ng damit ni Sav dahilan para mapaatras ito. Naramdaman siguro ni Seiji ang takot ko nang tingalain ako nito matapos kong makita ang lalaking nakatayo sa harapan ng magarang kotse.

"Sav." tawag ko sa pangalan niya.

Nilingon ako ni Sav ng may pagtataka. "Bitawan mo ako, Sinji at baka mabitawan si Serin nangangalay na ako." aniya.

"Bakit siya nandito?" naiinis na bulong ko.

Mahigpit na bilin ko kay Sav na wala kaming pagsasabihan na kahit sino, kahit na myembro pa ito ng HuPoFEL at Bloodfist. Pero ang tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para magkaharap-harap kami pati ng mga anak ko.

"Tinupad ko naman ang usapan natin. Anong magagawa ko kung advance ang utak ni'yang kapatid mo."

Pinalo ni Sav ang kamay ko na nakahawak sa laylayan ng kanyang damit at saka ito naglakad palapit sa sasakyan ni Kuya Luther. Binuksan ng binata ang pinto para kay Sav at ipinasok naman ng babae ang anak kong si Serin na natutulog pa rin.

Walang binibitawan na salita si Kuya Luther, nakatingin lang ito sa akin. Tila nagpapahiwatig na isakay ko na rin si Shin at Seiji pero para akong napako sa kinatatayuan ko. Napahigpit rin ang yakap ni Shin sa akin. Naramdaman siguro ng bata na nanginginig ako hindi dahil sa nerbyos kundi dahil sa takot na sermonan ako ng kapatid ko.

Kuya Luther is the only family I have pero sinunod ko pa rin ang sarili kong desisyon without minding his own feelings as my guardian.

"Mom, who's that? Why are you trembling?" lumingon si Sav at Kuya Luther matapos maiayos ni Sav si Serin sa loob ng sasakyan.

Napalunok ako.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Seiji kung sino ang lalaking nasa harapan namin ngayon.

"If you're thinking he's with me, he's not. Their band is having a world tour right now." bored na sabi ni Kuya Luther. Pero ramdam ko ang hinanakit niya sa bawat kataga na kanyang binibitawan.

Nag-aalangan akong sumakay sa sasakyan ni Kuya dahil akala ko ay kasama niya si Senri. Kahit saan siya magpunta lagi siyang may kasama, its either Senri, Gun, or Rent ang kasa-kasama niya.

"Ano ba mars hindi ka ba nangangalay sa pagkarga dyan kay Shin? Isakay mo na dito para makauwi na tayo. Gusto ko ng matulog." ungot naman ni Sav.

Nang hindi pa ako gumalaw sa kinatatayuan ko, lumapit si Kuya Luther sa amin at bumaba ang paningin nito kay Seiji na nakatitig lang sa kanya.

"Get in the car, kid." malamig na utos nito sa anak ko.

Parang gusto kong bigwasan si Kuya sa asal niya sa anak ko. Pamangkin niya rin naman yang mga yan pero kung umasta sita parang hindi sila magkapamilya.

'Baka nakakalimutan mo Sinji malaki ang kasalanan mo sa kapatid mo.'

Hindi sumunod si Seiji sa iniutos ng kapatid ko kaya naman napabuntong hininga na lang ito ng dumapo ang paningin sa akin pati kay Shin na karga ko. Umangat ang dalawang kamay ni Kuya para kunin si Shin mula sa pagkakahawak ko.

Hindi na ako tumutol ng kunin ni Kuya si Shin. Agad naman naramdaman ni Shin na may ibang humawak sa kanya kaya nagising ang bata.

Pupungas-pungas pa ang mga mata nang titigan nito si Kuya Luther pero ang atensyon nito ay nasa akin.

"Oh. Papa!"

Laglag ang panga ko sa sinabi ni Shin. Niyakap nito ng mahigpit si Kuya Luther na parang matagal na silang hindi nagkita.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Kuya Luther nang dahan-dahan itong bumaling kay Shin. Tila nanlambot ang tuhod ko dahil sa tagpo ng mag-Tito.

"Is he the one you are talking, Shin." seryosong sambit ni Seiji at nakapamewang itong nakatitig sa mag-Tito.

"May hindi ba ako nalalaman sa inyong dalawa, Seiji at Shin?"

Nawala ang ngiti sa labi ni Kuya nang bumaling ang paningin nito sa akin. "We can talk about it once we get home. They're all tired from the trip for godness sake, Sinji."

Para akong sinabuyan ng malamig na tubig sa inaasta ng kapatid ko. Nagsisimula na siyang manermon sa akin.

Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko at saka ko hinawakan si Seiji sa kanyang kamay at iginiya papasok ng sasakyan. Nang makita ni Sav na kumilos na ako, agad itong sumakay sa passenger seat. Umupo ako sa likuran ng sasakyan katabi si Serin na tulog pa rin at si Seiji na nasa kaliwa ko. Napag-gitnaan ako ng mga anak ko.

Matapos naming makaupo ng maayos, sinuot ki kay Seiji ang seatbelt pati ang seatbelt ko.

Pumasok na rin si Kuya sa driver seat habang karga si Shin.

"Come here, Shin." tawag ko sa bunso kong anak.

"No, Mom. I want to be with Papa."

"Magda-drive siya, Shin."

"Papa can handle it, Mommy. Please just this once? I won't bother him while driving." nag-puppy eyes pa si Shin at wala na akong nagawa kundi ang pumayag kahit na delikado ang hinihiling niya sa akin.

Hindi umimik si Kuya at inayos ng upo sa kanyang hita si Shin bago sinuot ang seatbelt nito kasama si Shin.

Buti na lang at tinted ang sasakyan ni Kuya, hindi naman siguro kami mahuhuli ng enforcer sa ginagawa nilang dalawa.

Nagsimulang paandarin ni Kuya Luther ang sasakyan. Kahit nasa kandungan niya si Shin hindi ito nahirapan na imaniobra ang sasakyan paalis ng airport.

"You want something to eat before we get home?" basag ni Kuya Luther sa katahimikan namin ng bagtasin namin ang EDSA.

Si Shin ang tinatanong nito dahil sa Sav tulog sa kanyang kinauupuan.

"I want a happy meal with a lot of toys, Papa. You promised me once we get here you'll buy me what I want, also I wanna try Jollibee and Mcdo." silang dalawa lang ni Shin ang nag-uusap.

Hindi ko alam kung bakit Papa ang tawag ni Shin kay Kuya Luther, at hindi ko rin alam kung paano sila nagkakilalang dalawa.

Naramdaman ko na lang ang maliit na palad ni Seiji sa braso ko nang yumakap ito.

"You okay, Mom?" ani ni Seiji.

"I'm okay, baby. Pagod lang siguro sa byahe si Mommy."

"Who's that guy Mom, and why Shin calling him Papa? Is he our biological father?"

"We can talk about it later, Seiji."

Napalingon ako sa harapan ng magsalita si Kuya Luther. Nakatingin siya sa rear view mirror. His cold eyes gives me shiver.

Wala akong karapatang magreklamo kung ganito ang pakikitungo niya sa akin pero huwag naman sana pati ang mga bata ay idadamay niya sa galit niya sa akin.

Natahimik kaming dalawa ni Seiji at muling nag-usap si Kuya Luther at Shin. Silang dalawa lang ang nagkakaintindihan.

Napatingin na lang ako sa labas ng bintana nitong sasakyan habang nakayakap pa rin si Seiji sa braso ko.

Malaki na ang ipinagbago ng Maynila mula ng umalis ako dito five years ago. Malaki na rin siguro ang pinagbago ng mga taong nakasalamuha ko dati.

Gaya ng napag-usapan nang mag-Tito, nag stop over kami sa isang drive thru at binili ang gusto ni Shin maging si Seiji ay naki-ayun na rin dahil sa gutom na rin siya. Hindi ko na ginising si Serin at mukhang napagod talaga ang bata sa byahe.

"Gusto ko din ng happy meal, Lutlut." ungot naman ni Sav.

"Why don't you buy yourself." kunot-noong sagot naman ni Kuya Luther.

"Ikaw ang nandyan sa counter."

"Tss."

"Four happy meals, please. How about you Sinji?" baling sa akin ni Kuya Luther habang nakatingin sa rear view mirror.

"Burger, sundae at coke float." mahinang wika ko.

Naalala ko tuloy noon sa tuwing sinusundo ako ni Kuya sa school nagpapabili ako sa kanya ng jollibee. Parang gusto kong maiyak sa isiping hindi na ako ang priority niya.

Inulit ng cashier ang order namin at sinabi kung magkano ang babayarin ni Kuya bago kami nagproceed sa pangalawang counter.

Tuwang-tuwa si Seiji at Shin dahil first time nila sa ganitong fast food. More on resto kasi kami sa Hawaii at puro gulay pinapakain ko sa kanila kaya ang bilis nilang lumaki.

Pagkakuha ng order ay agad na pinamahagi ni Sav ang mga pagkain na para sa amin. Dala ng ingay nung tatlo, nagising Serin.

"Where are we, Mom?" naalimpungatang sabi ni Serin.

Napatingin ako sa anak kong babae matapos kong kunin ang burger, sundae at coke float na inorder ko mula sa supot na hawak ni Sav.

"Pauwi na tayo sa bahay, baby. Wanna eat something?" inilahad ko kay Serin ang burger na hawak ko agad namang kinuha ng bata.

Nagulat ako ng biglang may sumulpot ng isang box ng pagkain na may tatak ng nasabing fast food. Napatingin ako sa may hawak nun at ang seryosong mukha ni Kuya Luther ang bumungad.

Tsaka ko lang din napansin na nakatigil pala kami sa parking area ng fast food at bukas na rin ang pintuan ng kotse kung saan naroon si Kuya Luther at Shin.

"Thank you." sabi ko kay Kuya Luther matapos tanggapin ang pagkain na binigay niya.

Pero mas nagulat ako ng tumili si Serin.

"Papa!" napapikit ako sa sobrang tinis ng boses ni Serin. Hindi ko namalayan na natanggal na nito ang setbelt at yumakap sa leeg ni Kuya Luther.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Seiji dahil sa inasta ni Serin at Shin nang makita ang kapatid.

"Mind explaining what is happening?" hindi na ako nakapagpigil sa pagtatanong dahil naguguluhan na ako sa inaasta ng mga anak ko.

Narinig kong tumikhim si Sav at pasimpleng umiwas sa usapan habang kinakain ang kanyang happy meal.

"Mom you didn't tell me that Papa is here."

"Umupo ka muna anak at kumain ka muna. Mamaya na kita kakausapin. Kailangan kong makausap ang Tito niyo." dinian ko ang pagkakasabi ko ng Tito bago tinignan ng masama si Kuya Luther.

"Don't look at me like that, Sinji. I have the rights to know about them since you are using my card."

"Paano mo sila nakilala?"

Naningkit ang mga mata ko ng muling tumikhim si Sav kaya napunta sa babae ang atensyon ko. "May alam ka ba dito, Saviel Hyuga?"

Napabuga sa iniinom niyang coke float si Sav na tila nabilaukan.

"W.. wala akong kinalaman dyan."

Napairap ako sa kawalan.

Ramdam kong may kinalaman si Sav dito.

"When I went to Hawaii last year, I accidentally met Sav with Serin and Shin. I thought its her child but it turns out that they are your child." panimula ni Kuya Luther habang nakatingin sa akin.

"Wala nga akong jowa tapos pagkakamalan mo pa akong may anak?" segunda naman ni Sav.

"Don't blame me for thinking like that since I don't know what you are doing while you are hiding from me."

"Uso ang taguan ngayon, tsaka nakiki-uso lang din ako."

"Sagutin niyo muna ng maayos ang tanong ko bago kayo magbangayan dyan." napakamot ako sa kilay ko dahil sa inis.

"Naalala mo noong ginala ko si Shin at Serin habang si Seiji may sakit?" baling naman sakin ni Sav.

Napaisip ako sa sinabi niya. May mga panahon na ginagala niya nga ang mga bata ng hindi ako kasama at isang beses lang din nagkasakit si Seiji. Pero hindi ko maalala ang araw na 'yon.

Napabuntong-hininga si Sav.

"Nagkasalubong kami ni Luther habang kasama ko si Shin at Serin sa isang pamilihan doon sa Hawaii. Gusto ko sanang itakbo ang mga bata kaso nahuli ako ng kapatid mo. Gaya ng sabi niya napagkamalan niyang anak ko itong dalawa. Dahil nga sa matabil kong dila nasabi ko sa kanya na pamangkin ni Luther itong dalawa. Kapatid mo na rin ang nag-insist na Papa ang itawag sa kanya."

Napatingin ako kay Serin at kay Shin na nasa kandungan ni Kuya na enjoy sa pagkain, maging si Seiji ay tahimik lang din.

"Bakit hindi mo sinabi agad sa akin na nagkita kayo ni Kuya Luther?"

"N.. nakalimutan ko, eh."

Pinaningkitan ko ng mata si Sav kaya natahimik ang babae at ngumiti sa akin ng alanganin at nag peace sign pa.

Ang sarap lang sabunutan ng babaeng ito.

"You can't blame her, Sinji. When you use my card I know everything you've gone through. I know everything what happened through my card that's why I learned you'll be coming home. I won't asked you anything, your safety is one of my concern right now."

"Babayaran ko naman lahat ng nagastos ko mula sa card mo, eh." alanganing sagot ko.

Ang lakas ng loob kong magsabi na bayaran ang pera ni Kuya kung ngayon pa lang ay nahihirapan na ako kung saan ako maghahanap ng trabaho.

"It's fine, I don't mind if you'll use them. I can earn it whenever or wherever I wanted."

"Yabang." singit ni Sav

"Shut up!"

At nagsimula ng magsagutan ang dalawa na kasama namin. Hindi na ako umimik pa at kinain na lang ang pagkain na binili ni Kuya. Matapos naming kumain at malinis ang pinagkainan namin agad kaming umalis sa parking lot ng fast food na 'yon.

Ilang minuto pa ang nakalipas, pumasok ang sasakyan ni Kuya papasok sa isang subdivision. Hindi ako pamilyar sa lugar na 'yon kaya nagtaka ako ng huminto ang sasakyan sa isang malaking bahay.

Bumusina si Kuya ng tatlong beses, at biglang bumukas ang malaking gate ng bahay.

"Kaninong bahay ito?" tanong ko na may halong pagtataka.

"It's my house." sagot naman ni Kuya Luther.

"Akala ko ba sa HuPoFEL ang bahay mo?"

"It's just my office."

Nagkibit balikat na lang ako ng bumaba si Kuya Luther mula sa sasakyan habang buhat pa rin sa isang kamay si Shin. Lumigid si Kuya at pinagbuksan ng pinto si Seiji kaya sumunod na akong bumaba.

"Me too, Papa please lift me." pakiusap naman ni Serin.

"Serin." saway ko sa anak ko.

"Please, Mommy. I want to be with Papa." wala akong nagawa nang buhatin ni Kuya Luther si Serin sa kabilang braso nito at saka ito naglakad papasok ng bahay habang nakasunod si Seiji sa likuran ni Kuya.

Lumabas rin ang ilang katulong sa loob ng bahay at kinuha ang mga maleta ng mga bata at ipinasok 'yon sa bahay.

"Ano bang meron kay Kuya Luther at mukhang mas mahal pa nila ang Tito nilang ngayon lang nakilala samantalang tayo ay matagal na nilang kilala at nakasama?" bulong ko kay Sav.

"Wala tayong magagawa kung uhaw sila sa pagmamahal ng kanilang Ama." pabalik na bulong sa akin ni Sav.

"Bakit bumubulong ka rin?"

"Ikaw kaya naunang bumulong,"

"Tangina para tayong siraulo dito."

"Kailan ba naging maayos ang usapan natin?"

Humagalpak kami ng tawa ni Sav bago sumunod papasok sa loob ng bahay ni Kuya Luther. Nakita kong nakaupo sa sala si Kuya Luther habang kandong si Seiji, Serin at Shin. Mukhang nagkakasundo ang apat.

Nilapitan ko ang apat at narinig ko ang usapan nila.

"Why they are calling you Papa?" inosenteng tanong ni Seiji kay Kuya Luther.

Kuya Luther smiled a bit at Seiji before he caress Seiji's hair.

"Because Serin and Shin wanted them to call me as their Papa when they found out that your Mom and I are siblings."

"But you are not our real father."

Para akong sinampal ng katotohanan sa sinabi ni Seiji. Alam kong nasasaktan ang mga anak ko na hindi kami kompleto lalo na't hindi nila kilala kung sino ang kanilang totoong Ama.

"I can act as your father for the mean time. You don't want me as your Papa? You can call me Tito if you're not comfortable, I don't mind."

"Kuya, Papa is a nice guy. He loves us like how Mommy loves Serin, Seiji and Shin. Forget about Daddy since he's not here." sabat naman ni Serin.

Napabuntong hininga ako. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Kuya.

"Don't say that, Serin. He's still your father. One of these days you will meet him, not now but soon."

"Papa Luther is right, Serin. Even if he's not here with us he's still our father."

"I'm sorry, Kuya."

Ginulong muli ni Kuya Luther ang buhok ni Seiji ng tawagin siya nitong Papa Luther.

Hindi na lang ako sumabat sa usapan nilang apat at umalis na lang sa harapan nila. Hinayaan ko si Kuya Luther na makipag-kwentuhan sa mga anak ko.

Tumungo ako sa kusina kung saan naroon si Sav na ngayon ay tahimik na nagkakape sa mahabang dining table.

"Akala ko ba inaantok ka?" bungad ko kay Sav.

"Kinikilig kasi ako sa Kuya mo habang buhat yong tatlo mong anak at nagha-heart to heart talk."

"Landiin mo kasi si Kuya Luther." pang-aasar ko dito.

Inirapan ako ni Sav na parang nandidiri siya sa suhestiyon ko.

"Mandiri ka nga sa sinasabi mo, Sinji Natividad."

Humalakhak ako.

"Anong masama dun? Gwapo si Kuya, mayaman, kaya kang ipaglaban kahit kay Satanas. Maganda ka rin naman."

Sumama ang timpla ng mukha ni Sav sa sinabi ko.

"Nasa katinuan ka pa ba, Sinji Natividad?"

"Oo naman, Saviel Hyuga."

"Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo. Inaasar ko ang kapatid mo pero hindi ko siya trip."

"So, I am not your type of a guy?"

Inihit ng ubo si Sav ng biglang sumulpot si Kuya Luther sa kusina kasama ang tatlong bata.

"Kingina, bakit ka ba sumusulpot sa usapan ng mga Dyosa?" sambit ni Sav na tila nahihirapan pa sa pagsasalita.

"Like what my sister said, I have the looks, wealth and everything. So, why not me?"

"Magkapatid nga kayo. Wala kayong taste."

"Really? But I know what taste you are."

Napangisi ako dahil sa mga banat ni Kuya Luther habang si Sav naman ay parang masusuka na sa mga pinagsasabi ni Kuya Luther.

Inilapag ni Kuya si Serin at Shin sa high stool habang si Seiji naman ay tinulungan nitong makaupo. Gabi na rin at inaantok na ako dahil sa jetlag pero nawiwili ako sa pang-aasar kay Sav at Kuya Luther.

"Why don't you like the idea of being to be with me, Hyuga?"

"Yuck! Feeling mo naman papatulan kita, halos mandiri ka nga sa tuwing nakakalapit ako sa'yo?"

"My room is always open for you."

"Gagu, may mga bata dito." mabilis pa sa alas kwatro na nakalapit si Sav kay Kuya Luther para takpan ang bigbig ng lalaki.

Umalingawngaw sa bawat sulok ng kusina ang tawa ko.

"Willing naman pala si Kuya na magpagapang, Mars." pang-aasar ko pa lalo sa dalawa.

"Manahimik ka, Sinji -- Yuck! Bakit mo dinilaan ang kamay ko?" nandidiring inalis ni Sav ang kamay nito mula sa bibig ni Kuya Luther habang ang lalaki naman ay ngumisi lang dahil sa kalokohan niya.

"Nice one, big brother." nag-apir pa kaming dalawa ni Kuya. Mukhang good mood ang loko at trip na asarin si Sav.

"You can't beat a Bloodfist with such kind of flirting, Hyuga. Take note of that. Seminar is the key." umarte na parang nasusuka si Sav bago inubos ang kape nito at ilagay sa lababo ang tasa na ginamit nito.

"May araw ka rin sa akin, Luther Bloodfist." nag sign pa si Sav ng 'makuha ka sa tingin' na akala mo naman ay matatakot si Kuya Luther dahil sa ginagawa niyang pagbabanta.

"I'll wait for that, Hyuga."

Humagalpak ako ng tawa nang mag walk out si Sav sa kusina.

Matapos naming pakainin ang tatlong bata ay pinaliguan ko na ang mga ito at binihisan.

Nagkulong si Sav sa isa sa mga guest room dito sa bahay habang kami ay nasa isa sa mga kwarto sa second floor kung saan naroon ang master's bedroom.

"Mom can we sleep at Papa's bed room?" request ni Shin matapos kong bihisan ng kanyang pajama.

"Your Papa has lots of work to do. I think he needs to be alone."

"Please, Mom?"

"Me too, Mom. I want to know more about Papa." segunda naman ni Seiji.

Napabuntong hininga ng lang ako nang gamitin nila ang kanilang mahiwagang puppy look eyes.

"Alright."

Sumigaw ng yehey ang tatlo bago tumakbo sa pintuan palabas ng kwarto namin. "Let me talk first with Kuya Luther about it." sigaw ko sa tatlong tyanak na nag-unahan na makalabas sa kwarto namin.

"Faster, Mom." hinila pa ako ni Serin sa kamay nang maunang lumabas si Seiji at Shin.

Pagkalabas namin ay siya ring paglabas ni Sav at Kuya Luther sa kwarto ng lalaki na siyang ikinangisi ko.

"Ang aga pa, ginapang mo agad?" pang-aasar ko.

Namula ang mukha ni Sav sa sinabi ko. "H.. hoy! Hindi ko siya ginapang, no!"

"Bakit nauutal?"

"Shut up, mars." tinalikuran kami ni Sav at mabibigat na yabag ang ginawa nito bago bumaba sa hagdan patungo sa kanyang kwarto.

Napapailing na sinundan ko si Sav bago ibinaling ang atensyon ko kay Kuya Luther.

"Do you need something?" aniya.

"Ano, nagrequest kasi itong mga bata kung pwede daw silang matulog sa kwarto mo na kasama ka?" nahihiyang tanong ko kay Kuya.

Napansin ko rin na bagong bihis siya at mukhang aalis kaya hinawakan ko sa kani-kanilang kamay ang mga bata.

"Pupunta ka sa HuPoFEL?"

Kuya Luther looked at me. "I have some business to do."

Napatingin ako sa tatlong bata na naghihintay sa magiging sagot ko kaya nginitian ko silang tatlo.

"I think you can't sleep at Papa's bedroom tonight. He has some business to attend to."

"But, Mommy we want to be with Papa." bakas ang lungkot sa mukha nilang tatlo kaya umupo ako para magpantay ang paningin namin.

"Your Papa is a busy person. Maybe next time you can play with him and slept together in his room but not right now, babies." pakiusap ko sa mga anak ko.

Alam kong sabik sila na magkaroon ng Ama sa katauhan ng kanilang Tito since kami lang din ni Sav ang kinamulatan nila.

Bumagsak ang balikat ng tatlo kaya naman tiningala ko si Kuya Luther bago ako tumayo.

"Next time na lang siguro Kuya, marami ka yatang aasikasuhin sa HuPoFEL ngayon. Napapakiusapan naman sila ng maayos, eh."

Kuya Luther heaves a sigh before he sat down in front of the kids.

"Wanna sleep at my room tonight?"

Lumiwanag ang mukha ng tatlo.

"Yes, Papa. Can we?"

"Of course."

"Pero Kuya, may trabaho ka pa." tutol ko.

Tumayo si Kuya mula sa pagkakaupo at hinarap ako.

"I think its time to have a break from my work. I can asked Rent or Gun about it. I will take a vacation from HuPoFEL and spoiled these adorable kids."

Sumigaw ang tatlo sa sobrang tuwa nila nang pumayag si Kuya Luther na makasama sila sa iisang kwarto.

Ngayon ko lang din napansin ang lalim ng eyebags ni Kuya at pagod sa mga mata nito.

Wala na akong nagawa ng hilahin nang tatlo si Kuya Luther papasok sa sarili nitong kwarto. Pero bago pa man makapasok si Kuya sa kwarto ay nag-iwan ito ng bilin sa akin.

"Go to my office tomorrow. You have lots of explanation to cite down in front of me, Sinji Natividad. These kids won't save you from my wrath."

Nakagat ko na lamang ang pang-ibabang labi ko at saka tumango kay Kuya Luther. Mukhang mahaba-habang essay writing ang gagawin ko bukas sa kanyang opisina.