Chapter 22: Goodbye Hawaii

SINJI'S POV:

--

MAINGAT na binibihisan ko ng damit si Seiji, Serin at Shin. Triplets ang anak ko, noong una nahirapan ako pero dahil sa suporta ni Saviel ay nakayanan kong buhayin ang mga anak kong pinaghati sa mukha naming dalawa ni Senri.

"Mom when will we visit Philippines?" Serin asked me.

Seiji and Shin is a boy while Serin is a girl.

Matapos kong bihisan ng pare-parehong damit ang mga chikiting ko, tinignan ko si Serin bago sinagot ang kanyang tanong.

"Why do you want to visit Philippines? Hindi ka na ba nag-eenjoy dito sa Hawaii?"

"But Tita Ninang said, Philippines is a beautiful country. Mas maganda pa raw dito sa Hawaii. Mom I wanna go there." Seiji said.

Nasapo ko ang aking sintido dahil sa sinabi ng anak ko. Hindi ko alam kung ano na naman ang tinuro ni Sav sa kanila at tungkol pa talaga sa Pilipinas.

"Me too, Mom. I want to meet my boyfriend there." laglag ang panga ko sa sinabi ni Serin.

She's just five years old for godness sake.

"Jusko kang bata ka, ano na naman bang tinuro sayo ng Tita Ninang mo at pati pagbo-boyfriend ay alam mo?" binuhat ko si Serin at inupo sa lap ko since nakaupo ako sa kama ng hotel na tinutuluyan namin.

Actually ang ginamit kong pang gastos mula sa panganganak ko at pagtatago ko ay ang card ni Kuya. I have no choice but to use his wealth even though we're not in good terms five years ago. Iniwan ko lahat ng gamit ko sa HuPoFEL at tanging nakuha ko lang ay ang infinity card ni Kuya.

Halos mahilo ako sa laman ng infinity card ni Kuya pero ipinasawalang bahala ko na lang yun. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong maisalba sa mundo ang mga anak ko.

Ako lang yata ang naglayas na sa Hawaii pa nanunuluyan kung pwede namang sa Pilipinas na lang. Kaso ayokong madamay si Kuya Luther sa gulo na meron ako pero lalo lamang pinagulo ang sitwasyon ko ng dumating ang triplets na ito sa mundo.

"I saw a music video of a certain boy band group on Tita Ninang's handy phone and I said to her that the bass guitarist is so cool and I want him as my boyfriend and then Tita Ninang said, there's no something wrong about it if he will be my boyfriend."

Pakiramdam ko mauubusan ako ng dugo sa mga pinagsasabi ng anak kong babae.

"You're too young for that, Serin." sabat ni Seiji sa usapan namin bago ito umupo sa dulo ng kama na agad ring ginaya ni Shin na tahimik lang at nakikinig sa usapan namin.

"But Kuya, if we go to the Philippines I want to meet him." ungot naman ng dalagita namin.

"Sino ba yan para naman magka-ideya si Mommy kung papayag ba siya na maging boyfriend ng baby Serin ko?" paglalambing ko sa anak ko.

Ngumuso si Serin. "I am not a baby anymore, Mommy. Tita Ninang said if I wear a lipstick or make up I am a big girl na."

Napabuga ako ng hangin.

Ngayon pa lang parang gusto ko ng saktan si Saviel dahil sa mga tinuturo niya sa anak ko. Tita Ninang kasi talaga ang tawag nila kay Sav, gusto ko nga na Mama ang itawag sa kanya kaso ang gaga sobrang arte, ayaw niya daw matawag ng Mama gayong wala siyang jowa. Isa siyang kawawang nilalang na nagkatawang babae pero kilos lalaki.

Kung nilandi niya ba naman ng todo ang Kuya Luther ko, baka sakaling may asawa na siya ngayon. Kaso mukhang malabo na si Kuya Luther ang makatuluyan niya dahil sobrang busy nun sa trabaho.

"So, sino nga?" balik ko sa usapan namin.

"His name is Senri, Mommy."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig mula sa bibig ng anak ko ang pangalan ng kanilang Ama.

Hindi lingid sa kaalaman ko ang umuusbong na pangalan ng BlackHand sa mundo ng musika. Hindi nga naman maikakaila na sobrang gwapo ni Senri ngayon at pati anak niya ay nagkakagusto sa kanya.

"Tita Ninang buy their albums for me and got autographs too from Senri. You know Mom, I love him so much that's why I want to meet him in person and also I love their songs especially when Dezrail sang it."

Napalunok ako.

Hindi pa ako handa na harapin si Senri lalo na at may kinakaharap na malaking problema ang HuPoFEL. Saviel got an access from Rent's computer kaya alam niya ang bawat galaw ni Kuya pati ang mga myembro ng HuPoFEL.

Nitong nakaraan niya lang sa akin sinabi ang mga kaganapan sa HuPoFEL. Gusto ko silang tulungan pero sa paanong paraan? Kung ako mismo ang nang-iwan sa kanila sa ere? Wala akong karapatan na manghimasok na walang pahintulot ng isang Luther Aqueros Bloodfist.

"Sige na Mom, punta na tayo sa Pilipinas. I want to explore your country. Tita Ninang said it's our country too since were born as a filipino citizen. Nagbabakasyon lang naman tayo dito sa Hawaii diba, Mommy?" pangungulit pa ni Serin pero hindi ako umimik.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa anak ko kung sino talaga ang Ama nila kahit na hindi nila tinatanong sa akin pero ramdam ko na gusto nilang maranasan ang magkaroon ng Ama.

"Pretty please, Mom? Also, I want to meet Daddy."

Namutla ako ng tuluyan sa sinabi ni Serin.

Inalog-alog pa ni Serin ang balikat ko para lang mapapayag sa kagustuhan niyang umuwi kami ng Pilipinas. Tahimik naman ang buhay namin dito sa Hawaii pero hindi rin maiiwasan na nagsisimula na silang magtanong tungkol sa kanilang Ama.

"That's enough, Serin. If you really want to meet Daddy, consider first what Mom feels. Your being too much and so makulit, stop it okay?" saway naman ni Shin sa kanyang kapatid.

Hindi sila sanay magtawagan ng Ate o Kuya since segundo lang naman ang agwat nilang tatlo.

Natahimik si Serin dahil sa sinabi ng kanyang bunsong kapatid. Tila napagtanto nito ang sinabi ni Shin. Bago pa sila mag-away at mag-iyakan ay nagsalita na ako.

"If you really want to go there, hindi naman tututol si Mommy since ang happiness ninyong tatlo ang lagi kong inuuna." malumanay na sagot ko.

"But Mommy, if you really don't want to go back there, I understand naman eh. If you're hurting because of what Dad did to you, we can choose to stay here with you naman po." Niyakap ako ni Serin.

Naiiyak ako dahil sa ka-sweet'an ng baby girl ko.

Five years old pa lang sila pero 'yong mind set nila ibang level. Siguro dahil nasanay sila sa kabulastugan ng bunganga ni Saviel. Naimulat sila sa mundong "think befor you speak or you will end up hurting someone" mind set na tinuro ni Sav.

Hindi naman talaga nila alam ang buong kwento tungkol sa amin ng Daddy nila pero dahil sa bunganga ni Saviel, malamang ay nagkakaroon na sila ng ideya sa kung anong alitan ang namamagitan sa aming mga magulang nila.

"Get up now, Mom. Enough with the drama." utos naman na Shin na siyang ikinagulat ko. Minsan lang magsalita ang pangatlo kong anak pero kung umasta akala mo siya ang Boss.

Natawa ako dahil sa tinuran ni Shin, agad ko itong inabot at hinila sa braso pati si Seiji bago sila niyakap na tatlo.

"You know how much I love you, and you know how strong your Mommy is. Kung ano man ang pinagku-kwento sa inyo ng Tita Ninang niyo tungkol sa Daddy niyo, all I can say is he's a good man. There are times he hurt me so much but that's a part of being in love and in a relationship. Ang isipin niyo na lang ay mahal kayo ng Daddy niyo."

"Thus he really know we exist in this world?" napakagat ako ng labi ko dahil sa tanong ni Shin.

Hindi ko alam kung timpla ng ugali meron ang mga anak ko - si Seiji na panganay ay istrikto, si Serin na sweet pero makulit at si Shin na seryoso at laging real talk.

"Shin." tawag ni Seiji sa kapatid na bunso na may halong pagbabanta.

"O.. of course, he didn't." mahinang sagot ko. "But don't hate Mommy because of that. Darating ang araw na makikilala niyo rin siya pero ito lang ang pakiusap ko babies, ha? Let Mommy heal herself first, hindi man ngayon pero 'yun lang ang pakiusap ni Mommy."

Sabay-sabay na tumango ang tatlo at saka ko sila hinalikan isa-isa sa noo.

"Get up na. Mali-late tayo sa dinner na pinahanda ng Tita Ninang niyo." tumayo na ako mula sa kinauupuan ko kasama si Serin, inayos ko ang kanyang tayo at ang bestidang bulaklakin na suot nito dahil nagusot ng konti mula sa pagkakayakap ko kanina. Katerno ang polo ni Shin at Seiji, nakasuot rin sila ng summer shorts since mainit nga dito sa Hawaii.

Hawak ko sa magkabilang kamay si Serin at Seiji habang si Shin naman ay nakapamulsa lang itong sumunod sa amin palabas ng hotel room. Hindi naman ako kinakabahan na baka mawala si Shin dito sa hotel lalo na't pagmamay-ari ito ng isa sa mga kaibigan ni Sav.

Safety first, ika nga.

Pagsakay namin sa elevator, nanatiling nakasunod si Shin sa likuran naming tatlo bago bumitaw si Seiji mula sa kamay ko at lumapit ito kay Shin bago inakbayan. Mukha lang silang magtropa na akala mo lulusob sa isang gyera dahil sa seryoso nilang pagmumukha.

Si Serin naman ay patuloy sa pagkukwento sa akin tungkol sa BlackHand ng magsara ang pinto ng elevator since kami lang mag-iina ang sakay nito. Walaang ka-ide-ideya si Serin na ang iniidolo niya at tinuturing niyang nobyo ay siya mismong Ama niya. Maging ang mga kasamahan nito sa banda ay kakilala ko rin.

Pagkadating namin sa restaurant ay agad kong sinalubong ng masamang tingin si Saviel na agad nitong ipinagtataka.

"Kung nakakamatay lang ang masama mong tingin, baka kanina pa ako nakahandusay."

Hindi ko sinagot si Sav. Bagkus, pinaupo ko muna ang mga chikiting ko. Seiji and Shin pull out the chair for Serin before they sat down on their own chair. Habang ako naman ay hinila ko si Sav sa di kalayuan na di kami maririnig ng mga bata since nandoon naman si Yaya na mag-aasikaso sa mga anak ko.

"Anong bang problema mo?" aniya. Bakas sa boses nito ang pagtataka bago kumawala mula sa pagkakahawak ko.

Nakasuot siya ng malaking itim na tshirt at jersey shorts samantalang ako ay naka floral dress at make up pa. Mukha siyang tambay sa kanto kung tutuusin. Pero dito sa Hawaii, si Saviel ang batas.

"Ikaw ang problema ko, shuta ka."

"Ha? Anong kasalanan ko? Bakit parang kasalanan ko? Magiging dinner ko ba ang malutong mong mura, kingina ka!"

Napahilot ako sa sarili kong sintido ng magsimula siyang magdrama sa harapan ko. Trip niya talagang pagtripan ako lalo na pag naiinis ako sa mga pinaggagagawa niya.

"Tumigil ka nga sa kaartehan mo. Ano na naman bang itinuro mo sa mga anak ko at pati si Senri ay nasasali sa usapan?"

"Aba, anong malay ko? Kaya ba kayo natagalan bumaba kasi nagkabukingan na kayong mag-iina?"

"Tangina mo. Umayos ka kung ayaw mong paliparin kita mula 50th floor hanggang ground floor."

"Mars, 20th floor lang ang meron sa hotel na ito." sarkastikang sagot niya sa akin.

Kung hindi ko lang ito kaibigan baka nasapak ko na sya kanina pa.

"Sasapakin kita, Saviel Hyuga!" pa galit na wika ko pero ang gaga tumawa lang at iniwas ang sarili sa kamay kong nasa ere na.

"Oo na, hindi ka naman mabiro. Yong tungkol kay Senri hindi naman ako nagkwento dun sa mga bata at kung ano ang relasyon na meron sila sa isa't-isa. Sinagot ko lang naman ang tanong ng pinakamamahal nating Prinsesa na si Serin since crush niya daw ang Daddy niya nung makita ang music video kung saan naka-focus kay Senri ang camera." humalakhak pa si Sav na parang nag-uusap lang kami sa isang party na ginaganap para sa mga mayayaman.

Pinalo ko ang braso ni Sav.

"Aray. Shuta ka, mapanakit ka na ngayon?"

"Ayusin mo kasi!"

"Oo na nga, magpapaliwanag na. Sabunutan kita, eh!" bumubulong-bulong pa ang gaga. "So, ayun nga tinanong sa akin ni Serin kung sino-sino ang myembro ng BlackHand. Sa edad niyang limang taon marunong siyang kumilatis kung sino ang gwapo dun sa lima at yun nga tinuro niya si Senri. Wala naman akong sinabing iba bukod doon."

Napabuga na lang ako ng hangin bago tinignan ang mga anak kong masaganang kumakain habang nakikipag kwentuhan sa Yaya nila.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon maitatago mo ang katauhan ng kanilang ama, Sinji. Darating at darating ang oras na magkakaharap sila kahit hindi ko aminin sa mga bata."

"Hindi pa ako handa, mars."

"Bakit? Panong handaan ba ang gusto mo? 'Yong may lechon, chicken joy, pizza with banda pa?"

"Tangina mo." hinila ko ang dulo ng buhok ni Sav pero ang babae ay tumawa lang. "Pero gusto ko 'yong mala fiesta."

Humagalpak kami ng tawa ni Sav. Wala talaga kaming matinong pag-uusap pag kami ang magkaharap.

Dahil sa hindi ko matanggihan ang kagustuhan ng mga anak ko na pumunta ng Pilipinas, I decided to go back even if it hurts me.

"Sure ka na ba talaga sa gagawin mo?" tanong ni Sav matapos naming makapag-impake at bihisan ang mga bata.

Hindi naman namin kailangan ng maraming maleta lalo na marami naman akong damit sa HuPoFEL pero wala akong balak na dalhin sa hide out ang mga anak ko. Hindi sila handa para makita ang mundong meron kami ni Senri.

"Aatras pa ba ako kung ganyang ka-cute na mga nilalang ang magmamakaawa sayo?" sagot ko kay Sav habang nakatingin sa mga anak kong nakaupo sa sofa. Abala sila sa pagsu-surf sa internet ng mga lugar na balak nilang puntahan once na makarating kami sa Pilipinas.

"Kung sabagay, ganyan ba naman kagaganda at gwapo ang nga anak mo hindi ka talaga makakatanggi. Ang bilis lang ng panahon no? Dati hinihele lang natin sila tapos ngayon malalaki na sila."

"Ang bilis nga ng panahon. Hindi ko aakalain na kakayanin kong buhayin silang tatlo dito sa mundo. Syempre, dahil 'yun sa tulong mo."

"Ano namang naiambag ko bukod sa pambubwisit ko sayo noon kahit na tinatamaan ka ng postpartum at pagka-miss mo sa isang taksil na nagngangalang Senri Daeyl Kuruzaki?" bakas sa boses ni Saviel ang pang-aasar.

Naningkit ang mga mata ko sa kanyang tinuran.

"Madami kang naiambag, gusto mo bang isa-isahin ko pa?"

"May ambagan palang naganap? Bakit hindi ko alam 'yan?"

"Tangina mo!"

Humalakhak si Saviel dahil sa pagmumura ko sa kanya. Huling-huli niya talaga kung kelan ako bubwisitin at iinisin lalo na pag seryoso ang usapan naming dalawa.

Mamayang tanghali pa naman ang flight namin pero maaga pa lang nakagayak na ang mga anak ko habang kami ni Sav ay parang ayaw ng bumangon mula sa kama.

Sasama sa amin si Sav pauwi ng Pilipinas pero hindi kami sa HuPoFEL tutuloy. May sariling bahay si Sav na siyang ipinagtataka ko since Prinsesa siya ng Japan pero ang luho ng babaeng ito ay kalat sa buong mundo.

"Anong plano mo pagdating natin sa Pilipinas? Sure ako hahanapin ka ng kapatid mo pag nalaman niyang nasa Pilipinas ako." may ibang kahulugan ang binitawang salita ni Sav pero binalewala ko 'yon.

"Siguro kakausapin ko si Kuya Luther, marami na akong kasalanan sa kanya. Ayoko naman isipin niya na inaabuso ko lahat ng pinaghirapan niya. Pagdating ko sa Pilipinas maghahanap agad ako ng trabaho para maitaguyod ko ang mga anak ko."

"Bakit di ka na lang magpakita kay Senri? Sa yaman ni Senri at ng HuPoFEL kaya kang buhayin pati mga anak niyo."

"Hindi 'yon ganun kadali, Sav. Lalo na't hindi pa tapos ang laban ko sa taong nasa likod ng tattoo ko sa batok."

"Madaming paraan pero ikaw lang itong nagiging komplikado. Sabihin na nating ayaw mo silang madamay pero sa huli madadamay at madadamay sila sa problemang meron ka. Pamilya ang HuPoFEL, Sinji itatak mo yan sa kukote mo pati dyan sa tattoo sa batok mo. Hindi nila palalagpasin ang ganitong sitwasyon lalo na ng isang Bloodfist."

Natahimik ako sa sinabi ni Sav.

Gusto ko ng matapos ang problemang ito para mamuhay na ako ng tahimik kasama ang mga mahal ko sa buhay.

Pagdating namin sa airport ay agad kaming sumakay sa eroplano. Excited na ang mga anak kong makapunta ng Pilipinas. Ito rin ang araw na haharap ako sa mismong laban ng aming buhay.

"Kinakabahan ka ba, mars?" bulong sa akin ni Sav. Magkatabi kami sa upuan habang si Seiji, Serin at Shin ay nasa gitna namin.

Gumagamit ng ibang lenggwahe si Sav kapag nasa harapan namin ang tatlong bata. Dahil na rin sa pagtuturo ni Sav ay natutunan ko ang kanilang lenggwahe - ang kanji.

"Okay lang ako mars, pero mas kinakatakot ko ang galit ni Kuya Luther."

"Matanda na ang kapatid mo para pag aksayahan mo pa siya ng pagkakataon."

Naputol ang usapan namin ni Sav ng biglang sumingit si Serin sa usapan namin.

"Mommy I want to go here once we arrive at the Philippines."

Pinakita sa akin ni Serin ang isang litrato ng Palawan.

"Hindi ka ba nagsawa sa beach dito sa Hawaii, Serin?" natatawang tanong naman ni Sav.

"I read the article po kasi Tita Ninang about this place."

"Jusko kang bata ka, pati article alam mo na. Sino ba nagturo sayong magbasa?"

"You po." mabilis na sagot ni Serin kay Sav.

Gusto kong humagalpak ng tawa sa naging sagot ng anak ko. Ano pa bang magagawa namin kung matatalino ang mga anak ko?

"Oy, hindi ako." pagmamaang-maangan naman ni Sav sa bata.

"Tita Ninang lying is bad, okay."

"Napangaralan pa nga ako."

"Hindi ka mananalo sa mga inaanak mo kung ikaw mismo ang humubog sa katalinuhan nila."

"Puro kalokohan kaya itinuro ko hindi katalinuhan." nakangusong wika ni Sav.

Hanggang sa magtake-off ang eroplano, tuloy ang kulitan namin habang si Seiji at Shin ay tahimik lang.

Ilang oras ang nakalipas, nakatulog si Sav, Serin at Seiji habang si Shin naman ay nakikinig lang sa music ng bigla itong yumakap sa akin.

"Mom, can I ask you something?" mahinang bulong ni Shin sa akin. Iniiwasan niya yata na magising ang mga kapatid niya.

Tumingin ako kay Shin bago siya binigyan ng magaang ngiti.

"Sure, what is it?"

"Are you sure you really want to go back to the Philippines? I understand why you are talking with Tita Ninang in different language earlier. I am not against about Serin's request to meet Dad, but I know you're not ready to talk about it. Kuya Seiji and I talked last night about Daddy, we do love to see and meet him but not in a way we might hurt you if we choose Daddy over you. Kuya Seiji said that if we meet Dad, we will still choose you and to be with you."

Dinamba ako ng kaba sa mga salitang binibitawan ng anak ko. Aminado naman ako na matatalino sila pero hindi sa ganitong level ng katalinuhan na halos sa pag-oobserba at pakikinig lang sa amin ng kanilang Tita Ninang ay nakukuha nila kung ano ang pinag-uusapan namin - seryoso man o kalokohan.

Hinawakan ko ang kamay ni Shin. "Hindi ko naman itatago ang tungkol sa Daddy niyo pero may pagkakataon kasi na hindi pa kayo pwedeng magtagpo sa ngayon. Naiintindihan mo naman si Mommy diba?"

"Seiji and I understand everything, you can rely on us Mom. If Dad didn't want us we can also understand." bakas ang sakit sa mga mata ni Shin. Sa murang edad ay nasasaktan siya sa sitwasyong hindi buo ang kanyang pamilya.

"Don't say that, love. Your Daddy loves you how much your Tita Ninang and I loves you." niyakap ko si Shin ng makitang tumulo ang luha sa mga mata niya.

Sa kanilang magkakapatid, si Shin lang ang tahimik, mahilig mag-obserba sa paligid niya, mag-iisip muna bago magsalita.

Hanggang sa nakatulog si Shin sa bisig ko, napatingin ako sa pwesto ni Sav na ngayon ay gising na.

"Nasasaktan ako para sa mga anak mo, mars."

Kung ang pag uwi sa Pilipinas ang siyang ikapapanatag ng loob ko ay gagawin ko. Kung ang ikasasaya ng mga anak ko ang pagpunta sa Pilipinas para makilala ang kanilang ama ay ikinagagalak ko. Pero hindi pala ganun kadali kung mismong ang mga taong mahalaga sa akin ay mababawi sa isang trahedya na ayokong mangyari.