Chapter 21: 3in1
SINJI'S POV:
--
KASALUKUYAN akong nakatitig sa kalangitan habang nakahiga sa isang beach bed dito sa isang resort sa Hawaii. Hindi naman masyadong mainit since malapit na ring lumubog ang araw, pero dahil sa maarte ang kasama ko, pinalagyan niya ng malaking payong ang pwesto na kinaroroonan namin.
Rason ng kasama ko, ayaw niyang umitim.
Sa tuwing maaalala ko 'yong mga panahong nasa poder ako ni Kuya Luther ay hindi ko maiwasang ma-miss ang kaistriktuhan ng kapatid ko. Actually hindi pa rin ako makapaniwala na meron akong kapatid. Lumaki ako sa amponan na hindi nakilala kung sino ang mga magulang ko o kung sino ang mga kamag-anak ko.
It's been years since I left them and I don't know what happened to them.
I let out a sigh before I reach the glass containing my favorite orange juice na nasa ibabaw ng mesa na pinasadya pa namin bago uminom sa baso ng juice.
"Napapadalas ata ang pagbuntong-hininga mo mars, may hika ka ba?" umangat ang kaliwang kilay ko bago bumangon sa kinahihigaan ko at hinarap si Saviel na nasa kabilang beach bed.
Marami din ang bakasyonista dito sa Hawaii at marami din akong nakikitang afam sa paligid. Si Senri lang ang gwapo sa paningin ko kahit wala siyang abs. Chariz!!
"Sa ating dalawa, ikaw ang sakitin." pasaring na sagot ko kay Saviel.
"Wow! So, mas malakas ka na sa akin ngayon? Baka nakakalimutan mo, ako ang naging sandalan mo noong mga panahong walang-wala ka na. Noong mga panahon na iniwan mo ang matiwasay mong buhay sa piling ng isang Luther Bloodfist, Senri Kurusaki at HuPoFEL."
"Tangina, ang drama mo." tinulak ko si Sav dahil sa inis ko. Hindi ko alam kung ano na naman napanuod niyang KDrama. Nahulog si Sav sa buhangin at wala akong paki kung gumulong pa siya papuntang tubig dagat.
Humagalpak ng tawa si Sav na parang mangkukulam. Hindi na naman ata sya nakainom ng gamot kaya ang lakas na naman ng tama niya sa utak.
Totoo ang sinabi ni Sav, noong umalis ako sa poder ng HuPoFEL ay pumunta ako sa Japan. Hindi naman kami nawalan ng komunikasyon ni Sav at hanggang ngayon ay tinatanong ko siya kung ano ba talaga ang nagawa niyang kasalanan kay Kuya Luther pero ang gaga ayaw niyang sabihin sa akin.
"Ikwento mo nga sa akin kung paanong napadpad tayo dito sa Hawaii?"
Laglag ang pangang napatitig ako sa babae. "May amnesia ka girl? Isang taon na tayong naninirahan dito sa Hawaii ngayon mo pa naisip 'yan?"
"Kwentuhan mo na ako para naman pag-uwi natin sa Pinas, eh may ideya ako sa gagawin nating role play."
Napag-usapan kasi namin na gagawa kami ng eksena, kapag umuwi kami ng Pinas wala kaming kilala kahit na sino kundi ang sarili lang namin.
Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay at pati ako dinadamay niya, since bored din naman ako sinasakyan ko lahat ng trip niya sa buhay.
"Hoy, ano ba magkwento ka na!"
Napairap na lang ako sa kawalan at muling napatitig sa lawak ng karagatan at sinimulang ikwento kay Sav ang mga nangyari.
~~~~~
NAGISING ako dahil sa bigat na nararamdaman ko sa aking tyan. Pakiramdam ko mawawalan ako ng hininga.
Pagtingin ko sa tyan ko ay braso ng lalaki ang nakapatong kaya naman sinundan ko ito ng tingin at tumambad sa akin ang mapayapang mukha ni Senri na natutulog.
Tanging puting kumot ang bumalot sa aking buong katawan maging kay Senri. Ramdam ko ang init ng katawan naming dalawa.
Biglang sumagi sa isip ko ang mga nangyari kagabi, paano nila nalaman na naroon ako sa lugar na 'yon?
Araw-araw ipinagdarasal ko na sana hindi magtagpo ang landas ni Kuya Luther at ng taong nasa likod ng ampunan kung saan ako nagmula.
Ang tattoo na nasa aking batok ay simbolo ng karumal-dumal na karanasan noong kabataan ko at ayoko ng balikan ang alaala na 'yon.
Kahit anong tanong sa ibato sa akin ni Kuya Luther, hindi ko siya sinasagot sapagkat ayoko ng maalala lahat ng masasakit na pinagdaanan ko.
Gusto kong ibaon lahat sa limot pero sila na mismo ang kusang bumabangon mula sa hukay para guluhin ang nananahimik kong mundo.
Noong mapadpad ako sa auction akala ko magiging tahimik na ang buhay ko, 'yon pala ang isa sa mga dahilan para muling mabuhay ang alaala na gusto ko ng kalimutan.
Gumalaw si Senri sa tabi ko at lalong nagsumiksik sa leeg ko at lalong humigpit ang kanyang yakap sa bewang ko, kaya naman tumitig na lamang ako sa kisame sa loob ng kwarto ni Senri.
"Sleep now, wife." rinig kong bulong ni Senri sa aking tenga.
Tila bulta-bultaheng kuryente ang dumaloy sa aking katawan dahil sa ginawa niya.
"Umaga na Senri, bumangon ka na."
"Hmmn. I don't want to."
Tila isa akong bihag ng puluputin ni Senri ang kanyang paa sa akin para hindi ako makakilos. Kung kelan magulo ang isip ko tsaka pa naglalambing ang kumag na ito.
"Senri, nagugutom na ako." reklamo ko.
Bumangon si Senri mula sa pagkakahiga at lukot ang mukha na tumitig sa akin.
"Problema mo?" inosenteng tanong ko.
Senri pouted his lips as if he's trying to flirt with me. "Why are you calling me by name?"
Tumaas ang kaliwang kilay ko at pinakatitigan ang gwapong mukha ni Senri. "Anong gusto mong itawag ko sa'yo? Honeybunch? Sugarplum? Pumpkin? Sweetie Pie? Honeycake? Drapskam pikimpikim pyur? the apple of my eye?"
"What?"
Humalakhak ako dahil sa katarantaduhan na nasa isip ko. Minsan lang mapagtripan tung lalaking ito kaya lubusin ko na.
"Come on, wife. I'm not playing with you."
Lukot pa rin ang mukha ni Senri dahil sa tinuran ko. Kahit tinatamad akong bumangon, gumapang na lang ako patungo kay Senri without minding his naked body since nakita ko na ng buo though lights off 'yon.
Utak mo, Sinji!
Niyakap ko ang bewang ni Senri ng mahiga ako sa hita niya, ramdam ko ang alaga niyang tumitibok-tibok sa batok ko na parang gusto ulit manuklaw. Ang aga-aga, aktibo ang kumander.
"I love your name, okay? I don't want those sweet endearment or something what they call it as long as I remember your name it's all good to me."
Senri's arms placed at my belly trying to cover my body using a blanket but I remove it. Walang nagawa si Senri kundi hayaang nakalantad sa kanyang mukha ang yummy kong body.
"Fine. As long as you love me, that's all matters."
Yumuko si Senri para bigyan ako ng magaan na halik sa labi dahilan para mapangiti ako. Sa konting galawan ni Senri parang hinahalukay ang kaluluwa ko.
Mahal na mahal ko ang lalaking ito, sagad hanggang balum-balunan.
Senri and I decided to stay at his condo. Buong magdamag kaming naglalambingan, kumain, matulog, hanggang sa biglang may mag doorbell sa pintuan ni Senri.
Kunot-noong sabay kaming napalingon ni Senri sa pintuan ng kanyang condo, nanunuod kasi kami ng netflix ng biglang tumunog ang kanyang doorbell kaya naman tumayo si Senri at naiwan ako sa sala habang kumakain ng popcorn.
I was about to eat the last piece of popcorn when I heard a commution infront of the doorstep where Senri is standing. Kaya naman tumayo ako mula sa kinauupuan ko suot ang tshirt ni Senri at cycling shorts.
Tumambad sa akin ang bulto ni Kuya Luther na galit na galit kasama si Gun, Thud, Rent at isang lalaki na ngayon ko lang nakita.
"Why are you ignoring my calls, Kuruzaki?" Kuya Luther.
"I wasn't ignore it, dude."
Napunta sa akin ang atensyon ni Kuya Luther. Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin sa braso.
"Were going home, Sinji."
"T-teka, ano bang nangyayari?" naguguluhang tanong ko.
"Sumama ka na lang, Sin." Gun.
"Yong tungkol ba kagabi? Okay lang naman ako eh."
"That's not the reason why I am here." Kuya Luther.
"Kumalma ka nga muna!" bumitaw ako mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Kuya Luther sa braso ko na ngayon ay namumula na. Lumapit sa akin si Senri at niyakap ako at hinila papunta sa kanyang likuran para harapin ang galit ng kapatid ko.
Kuya Luther brushed his face out of frustration. "Sasama ka sa akin o mananatili ka dito sa poder ni Kurusaki?"
Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi ni Kuya Luther.
"Ano bang sinasabi mo? Sasama naman ako sa'yo pero hindi sa ngayon. Alam kong tatanungin mo ako tungkol sa mga nangyari kagabi at dito sa tattoo na nasa batok ko. Ilang beses ko ba sasabihin sa inyo na huwag kayong makikialam sa problemang kinakaharap ko."
"This is not your own problem anymore, Sinji. I'm doing my best to protect you but what you are doing right now? Hide yourself to those bastards who stain your childhood?"
"Ano bang alam mo?!"
Bakas sa mukha ni Kuya Luther ang gulat dahil sa sinigawan ko siya kaya naman humakbang ako palapit sa kanya para humingi ng tawad pero siya na mismo ang umatras na naging dahilan ng pagsikip ng aking dibdib.
Ang sakit makita ang mukha ni Kuya Luther na nasasaktan dahil sa akin.
"Ano nga bang alam ko sa taong tinuring kong kapatid, na hinanap ko ng ilang taon? Yong taong ginawa kong inspirasyon para mabuo ang organisasyon na meron ako ngayon? Pero ang tingin sa akin ay katulad sa mga taong nanakit sa kanya at sinamantala ang kainosentehan niya? Right, I am a monster just like them."
Natutop ko ang aking bibig ng bumagsak ang luha sa aking mga mata.
"K-kuya, hindi--"
"Enough. I know where to place myself."
Tumalikod si Kuya Luther at nagsimulang maglakad paalis sa lugar kung saan naroon ang condo ni Senri.
Gun, Thud, Rent and the guy didn't utter a word and start to also disappear infront of us.
Napaluhod na lang ako sa sahig at doon humagulgol ng iyak. Naramdaman ko na lang ang yakap ni Senri pero hindi na ako nagsalita pa.
"Understand him, Sinji. Your brother has a lot to do. Even if I am in his shoes I will do everything just to keep you safe."
"Pero ayokong madamay si Kuya Luther, ang HuPoFEL. They are all my family now and I don't want to lose them like how I loss my friends."
"Hush now, wife. Everything will be alright."
--
"Minsan talaga ang sarap batukan ng kapatid mo, no?"
Nabalik ako sa huwisyo ng biglang magsalita si Sav sa tabi ko.
"Kahit ganun 'yon, mahal ko ang kapatid ko."
"Sus, may pa 'Im a monster just like them' pang nalalaman akala mo naman isa siyang dugong bughaw."
"Ikaw nga na anak ng dugong bughaw pero yong dugo mo kulay berde."
"Aba'y, gagu tu! Pasalamat ka nga inampon kita!"
Natawa ako ng itapon sa akin ni Sav ang baso na wala ng laman. Minsan talaga may pagka marumi din ang bunganga ng babaeng ito.
Laking pasasalamat ko dahil hindi pinutol ni Sav ang ugnayan naming dalawa, kung nagkataon baka sa kangkongan ako pulutin at hindi sa HuPoFEL.
"Siya nga pala, balita ko bumuo ng banda sila Dezrail, ah? May talent pala ang batang 'yon?"
"Aba malay ko? Sa ating dalawa ikaw ang adik sa social media."
"Wow, big word? Maka-adik naman ito, puro jejemon nga nakakausap ko sa social media. Yung iba naman mga social climber. Balita ko nga kasama si Senri."
Natahimik ako ng marinig ko ang pangalan ni Senri.
The guy I fell inlove with but I left him without a trace.
~~~~
MONTHS later, Kuya Luther didn't call me at all.
Mukha akong preso sa condo ni Senri dahil mula noong sagutan namin ni Kuya Luther ay nawalan ako ng ganang lumabas ng bahay. Pumapasok pa rin si Senri sa HuPoFEL pero wala akong lakas ng loob na magtanong sa kanya kung kumusta si Kuya, hindi rin siya nagku-kwento kung saan sila pumupunta at naiintindihan ko naman 'yon.
Isang araw nakaramdam ako ng pagkahilo at pagsusuka na siyang ipinagtataka ko. Wala si Senri ngayon at nasa France siya kasama si Kuya.
Yong mga lugar lang na pinupuntahan ni Senri at Kuya Luther ang kinukwento niya sa akin at hindi na ako nagtanong pa kung ano ang ginagawa nila since tungkol lang naman 'yon sa underground society.
Sa sobrang sama ng pakiramdam ko, nagpasya akong lumabas ng condo para pumunta ng ospital ng walang pinagsasabihan na kahit sino.
Pagdating ko sa ospital ay agad akong pinapasok ng nurse sa opisina ng doktor.
Pagkaupong-pagkaupo ko, tumambad sa akin ang mukha ni Gun na nakasuot ng lab gown at salamin sa mata habang ang stet nito ay nakasabit sa leeg na animo isang respetadong nilalang sa balat ng lupa.
"Bagong gimik mo na naman ba ito, Glyden Ulysses Nohrton?" Naiinis na tanong ko kay Gun.
Umagang-umaga mukha niya agad ang nakita ko.
"Good morning din, Miss Natividad. How may I help you?"
"Doktor ang kailangan ko hindi ang tulad mong manyakis."
"Ang sakit mo namang magsalita, wala ka namang ebidensya."
"Whatever, Gun. Tumawag ka ng doktor bago pa ako mahimatay dito dahil sa hilo."
"Hindi ka ba pinapakain ni Senri? Sobrang putla mo na and for your information I am a doctor who's in charge right now."
"Wala akong tiwala sa pagmumukha mo!" singhal ko sa lalaki.
Wala akong panahon na makipagbiruan sa kanya dahil pakiramdam ko parang binibiyak ang aking ulo sa tuwing gumagalaw or nagsasalita ako.
"Come on, Sin."
Tumayo mula sa kinauupuang swivel chair si Gun at lumapit sa akin bago sinuot ang stetoscope na nakasabit sa kanyang leeg.
Nagtaka ako ng biglang mangunot ang kanyang noo kaya naman nagtanong na ako. "Sure ka ba na totoo 'yang stet na hawak mo? Baka laruan lang yan masasapak talaga kita, Gun."
Napapikit si Gun ng sumigaw ako sa stet na suot niya, sinisgurado ko lang kung totoo ngang stet 'yon o baka prank lang.
"Kailan ang huling pulang araw mo?"
Tumaas ang kilay ko dahil sa tanong niya.
"Anong pulang araw? Meron bang ganun -- Aww?"
Pinitik ni Gun ang noo ko.
"Menstruation."
"Ah, di mo naman sinabi agad --"
Napatigil ako sa pagsasalita ng mapagtanto ang tanong ni Gun. "A... anong ibig mong sabihin?"
"Sagutin mo muna ang tanong ko bago ang tanong mo."
"H... hindi ko alam."
"Confirmed."
"Huh?"
"Buntis ka. At mukhang hindi si Senri ang ama."
Sa isang iglap dumapo ang kamao ko sa mukha ni Gun dahilan para mabuwal ito sa kinauupuan niya.
"Gagu ka, hindi ako malandi!" Sinamaan ko ng tingin si Gun na ngayon ay patawa-tawa na lang.
Tumayo ang lalaki mula sa sahig at pinagpagan ang lab gown na suot nito bago bumalik sa swivel chair na kanyang kinauupuan at pinaikot-ikot 'yon na parang laruan niya.
"So, anong plano mo ngayon?" aniya.
"Edi sasabihin ko kay Senri pag-uwi niya, pero huwag mong sasabihin kahit kanino ang tungkol sa kalagayan ko."
"Kiss muna?"
"Tangina mo!"
Humagalpak ng tawa si Gun na parang siraulo. Hindi ko alam kung saan napulot ni Kuya Luther ang mga tauhan niya. Pakiramdam ko lahat sila may saltik.
"Fine, I won't tell it to anyone even your oh-so-loving big brother since you're not a minor anymore. Paki ko ba sa relasyon niyong dalawa ni Senri?"
"Huwag kang pumunta sa kasal namin! Ipinapanalangin ko rin na sana hindi ka magka-jowa at mabaog ka bigla."
"Oy joke lang. Di ka naman mabiro. Bibigyan na lang kita ng mga vitamins na kailangan mo at para sa tyanak na nasa tyan mo. Goodluck na lang kung hindi himatayin si Kurusaki sa ibabalita mo. And para makasigurado, kumunsolta ka kay Doc. Gomez, sya ang OB Gyne dito sa ospital."
"Dami mong satsat, kung dinala mo na lang sana ako kay Doc. Gomez edi sana hindi ko ipinalangin na mabaog ka. Yong mga wishes ko nagkakatotoo minsan."
Biglang namutla si Gun dahil sa sinabi. Agad na tumayo ang lalaki at hinila ako sa kamay palabas ng kanyang opisina. May nakakasalubong kami na ibang nurse at mind you ang lagkit ng mga tingin nila kay Gun. Sa sobrang panget ni Gun parang gusto ko siyang gawing stetoscope.
Sumakay kami ng elevator at hindi ko alam kung saan floor ako dadalhin ni Gun, ilang minuto ang nakalipas biglang huminto ang elevator at bumukas ang pinto nun. Muli akong hinawakan ni Gun sa palapulsuhan at hinila palabas ng lift.
Mukha akong tanga na hinihila ni Gun. Kahit na may mga bumabati sa kanya ay hindi niya 'yon pinansin. Pagdating namin sa harapan ng isang pinto na may nakalagay na Doc. Gomez, OB Gyne - binuksan ni Gun ang pinto ng walang katok at hinila ako papasok.
Tumambad sa amin ang isang babaeng sa tingin ko ay bata pa. Kasing edad ata siya ni Kuya Luther.
"Uso ang katok, Doc Glyden." mahinhin na wika ng babae.
"Hindi uso ang manners sa akin Trisha. Anyway, this is my friend and she's aking me if you can check her out about her condition."
Bumaling sa akin ang babae. Pakiramdam ko biglang tumiklop ang natatago kong ganda dahil sa babaeng ito. Mukha siyang anghel!
"Sure, have a seat Miss."
"Sinji." pakilala ko.
"Hello, Miss Sinji. Ano ang maitutulong ko sa'yon?"
Umupo ako sa hospital bed samantalang si Gun ay umupo naman sa isang bakanteng silya.
"Ano, nahihilo kasi ako nitong mga nakaraan tapos nagsusuka din ako tuwing umaga."
"Wala ka bang sakit or something na nakain?"
"Wala naman."
"I told her she's pregnant." putol ni Gun sa usapan namin dahilan para irapan ko ang lalaki.
Hindi naman siya kasali sa usapan.
Ngumiti si Doctora Gomez sa akin at may kinuha itong maliit na bote na pinaglalagyan ng urine. Inabot sa akin ni Doc ang maliit na bote.
"Anong gagawin ko dito, Doc?"
"Shot glass yan Sin, mag-iinuman tayo ngayon." sabat ulit ni Gun.
Binato ko ng unan si Gun dahil sa inis ko. "Tangina mo hindi ikaw ang tinatanong ko. Lumayas ka nga dito at baka mahiwa ko ang utak mong kinakalawang na. Bukod sa tigang ka na, wala ka pang jowa, Tanda!"
"Aba't --"
"That's enough, Doc Glyden." saway ni Doctora dahilan para pareho kaming matigil ni Gun sa pagbabangayan. Tumikhim ako at muling umayos ng upo sa hospital bed. "This bottle is used for patients urine. Para malaman natin kung totoo nga ang diagnose ni Doc Glyden."
Tumango ako ng marahan kay Doc Gomez bago umalis sa kinauupuan ko. Bumelat pa ako kay Gun samantalang inismiran naman ako ng lalaki bago ako pumasok sa cr na nasa loob ng clinic ni Doc Gomez.
Ilang minuto makalipas ay lumabas na ako sa banyo dala ang maliit na bote na may laman ng ihi ko. Binigay ko yon kay Doc Gomez na agad namang tinanggap ng babae.
Lumapit ako kay Gun at inihilamos sa kanyang mukha ang kamay kong namamasa-masa pa.
"Shit, Sinji. Ang dugyot mo!" aniya.
"Deserve mo 'yan, bwisit ka!"
Tinalikuran kami ni Doc Gomez habang tumatawa dahil sa ginawa ko kay Gun. Lumapit ang doktora sa isang drawer at may kinuhang isang box. Sa sobrang curious ko ay lumapit ako kay Doc. Isang box ng Pregnancy Test ang inilapag ni Doktora Gomez sa kanyang mesa at binuksan yon para umipisahan ang kanyang eksperimento.
Natulala ako ng makita ang dalawang guhit sa limang PT na pinatakan ni Doc ng ihi ko.
"Glyden is right, you're pregnant Miss Sinji. Congratulations."
Hindi ko alam kung anong reaksyon ang gagawin ko sa harapan ni Doc Gomez.
"I told you, Sin. Hindi si Senri ang Ama ng dinadala mo."
"Tangina mo!"
Napapailing na nilayasan ko ang opisina ni Gun. Baka paglihian ko pa ang panget niyang mukha kung hindi pa ako aalis doon. Hindi talaga katiwa-tiwala ang isang Glyden Ulysses Nohrton Throndsen!
---
"Ang ganda kaya ng boses ni Dezrail, parang galing sa hukay. Sa sobrang lamig, mapapakanta ka ng halleluiah nang sampong beses."
Humalakhak si Sav dahil sa sinabi ko.
"Talentado din palang totoo."
Pareho kaming humagalpak ng tawa dahil sa kalokohan naming dalawa. Hindi talaga kami pwedeng magsama sa iisang lugar lalo na at iisa ang andar ng utak naming dalawa.
Tinginan pa lang alam na namin ang nasa utak ng isa't-isa kaya huwag subukang banggain ang Sa'Sin tandem kung ayaw niyong kamustahin si Satanas.
"Hoy, tinatawag ka na ng mga anak mo."
Napalingon ako sa tinuro ni Sav kung saan naroon si Yaya Rita na siya ring tagapag alaga ni Sav noong bata pa siya - kasama ang tatlong chikiting na anak ko habang nakalagay sa stroller.
It's been a year since I left Senri and I don't know how to face him. Ayaw ko namang ipagkait sa mga anak ko ang ama nila, sadyang may pagkakataon na kailangan naming mamuhay mag-isa.
Tumayo na kami ni Sav mula sa beach bed na kinauupuan namin bago nilapitan si Yaya Rita. Papalubog na rin naman ang araw at sigurado akong gutom na ang tatlong bata na kasama namin.
Hindi naman kami naligo ni Sav sa dagat, tamang display lang ng ganda sa mga afam baka sakaling may masungkit ang alindog ng isang Saviel Hyuga.
"Hello, baby's. How's your sleep?" Kinuha ko ang isa sa triplets at pinupog ng halik ang kaniyang pisngi. Ang isa naman ay binuhat ni Sav at nilaro-laro 'yon.
Dalawang lalaki at isang babae ang anak namin ni Senri. Darating ang araw na magtatagpo ulit ang landas namin, hindi lang ang Bloodfist maging ang HupoFEL.
Pinaghahandaan ko ang pagkakataon na 'yon na makaharap ang taong nasa likod ng tattoo sa batok ko at isang karanasan na kailanman ay hinding-hindi ko makakalimutan.
Ang tattoo na nasa batok ko na kailangan ng mabura sa mundo.