Chapter 15: His Time
-
SINJI'S POV:
--
"Mars ang sama nang tingin sa atin ni Kuya Luther," wika ko kay Saviel habang magkaharap kaming nagpapaubaya sa daloy nang alon. Malapit na ang sunset pero heto pa rin kaming dalawa nakababad sa tubig alat.
Saviel turned her gaze where is my brother standing near at the coconut tree together with HuPoFEL boys.
Tapos na silang maglaro ng beach volleyball pero may mangilan-ngilan pa ring naglalaro at 'yong iba ay nagsu-swimming, banana boat, jetski, at kung anu-ano pang pwedeng gawin namin dito sa beach.
"Hayaan mo nga siyang mamuti ang mga mata kakatitig sa atin. Hindi na tayo bata para bantayan niya."
"Excuse me, eighteen pa lang ako. Sa ating dalawa ikaw lang ang matanda." Natatawang wika ko pero ganun na lang ang gulat ko nang sabuyan ni Saviel ng tubig ang mukha kaya napatili ako.
"Apakasama mong nilalang."
Nagkukwentuhan lang kami nang kung anu-ano habang nakababad sa tubig nang may maramdaman akong yumakap sa bewang ko mula sa ilalim nang tubig.
Akmang sisipain ko kung sino ang yumakap sa akin pero biglang lumitaw ang bulto ni Senri. Bagsak ang buhok nito na tumatabing sa kanyang mga mata pero ang loko nakangiti lang.
"Hey Sav, can I borrow her for a minute?" Paalam ni Senri bago nito hinawi ang buhok na tumatabing sa kanyang mukha habang ang isang braso nito ay nanatiling nakayakap sa bewang ko.
Hindi naman lingid sa kaalaman ni Saviel ang relasyon na meron kami ni Senri kaso agaw-eksena lang talaga sila ni Kuya - SaLuth for the win.
"Nakow, lalandiin mo lang ang bespren ko. Tigilan mo ako Kuruzaki, nakita kita kanina may kausap kang chix."
"Seryoso ba 'yan, mars?" Nanlaki ang mga mata ko habang nagpabalik-balik ang tingin kay Saviel at Senri pero hinila na ako nang lalaki paahon mula sa tubig.
"Don't believe her, wife. She's just asking me for a direction."
"Sus, kunwari pa 'to. May pahimas-himas ka pa nga sa bewang nong babae." Sigaw ni Sav sa amin dahil nanatili ito sa pwesto kung saan kami nanggaling.
Sumama ang timpla ng mukha ko sa sinabi ni Sav. Alam kong likas na malandi ang lalaking ito dahil ilang beses ko na siyang nakitang may kahalikang babae. Tinulak ko si Senri palayo sa akin kaya nabitawan ako nito.
"Hey, she's lying."
"Alam mo, ang landi mo!"
Nag walk out ako sa harapan ni Senri pero hindi pa man ako nakakalayo ay may pumigil na sa akin.
"Joke lang mars, walang kausap si Senri. Izza prank." Humagalpak nang tawa si Saviel sa harapan ko at may pahampas-hampas pa sa kanyang tuhod.
I crossed my arms in front of my chest and looked at her. "Happy yern, mars?" Bakas sa boses ko ang inis.
Ang lakas kasi mangtrip nang babaeng ito. Kung hindi ko lang siya bestfriend baka binigwasan ko na siya.
"Oo naman. Ang saya mo kayang pagtripan."
Napairap na lang ako sa kawalan hanggang sa makita kong papalapit muli sa pwesto namin si Senri pero kasama na niya ngayon si Kuya Luther.
"I told you, she's lying. Kailan mo ba ako papaniwalaan na hindi ako nambababae?" Sambit ni Senri nang makalapit siya sa amin na may halong pagtatampo.
"Malamang, Kuruzaki sa itsura mong 'yan babaero ka. Crush nga kita, eh."
"What?" Sabay-sabay na bulalas namin ni Kuya Luther kay Saviel kaya napatingin sa amin ang lukaret kong kaibigan.
"O bakit? Gwapo naman si Senri, ah. Bawal na ba akong magka-crush?"
Senri approach Saviel and patted her shoulder before he speak. "Sorry to end your fantasy, Saviel. But I'm already taken with my wife."
A smirk form on my lips but I didn't show it to them. Minsan talaga gusto kong saktan si Senri kasi kahit konting salita o galaw, kinikilig agad ako.
'Napakalandi mo, Sinji!'
"Ang kapal mo naman. Hindi ko naman hinangad na i'crush back mo. Hindi ako mang-aagaw at hindi ko kailangang mang-agaw!"
"I didn't say anything."
"Whatever. O ikaw, anong kailangan mo?" Baling ni Saviel kay Kuya Luther na tahimik lang.
"What? Is it forbidden to stand here? Is this land is yours?" Sagot ni Kuya Luther.
Napatakip ako sa sarili kong bibig para pigilan ang kumawalang tawa. Ngayon ko lang narinig na mamilosopo ang isang high and mighty Luther Aqueros Bloodfist.
"Aba't namimilosopo pa ito. Malamang sayo ang lupang kinatatayuan mo."
"Exactly."
"Sungalngalin kita dyan, eh."
Nag-eenjoy na sana akong pakinggan ang pagbabangayan nang SaLuth per bigla akong hinila ni Senri palayo sa dalawa.
Magiging okay naman siguro si Sav dahil nandoon si Kuya Luther at isa pa minsan ko lang landiin si Senri kaya sulitin ko na.
"So, how's your day?" Tanong niya habang naglalakad-lakad kami nang makalayo kami sa pwesto ni Saviel at Kuya Luther.
"Hmn. Okay naman kahit na minsan nakakainis si Kuya Luther. Isa pa nag-enjoy naman ako kahit papaano dahil nandyan si Saviel."
"Speaking of Sav, hindi ba siya hinahanap sa kanila?"
Natahimik ako sa tanong ni Senri. Mula nang sumama sa akin si Sav ay walang nabanggit sa akin ang bruha kung hinahanap ba siya nang pamilya niya.
"Ewan. Wala namang sinasabi si Saviel, eh."
Dumaan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa mapadpad kami sa isang rock formation na nandito sa gilid nang dalampasigan.
Inalalayan ako ni Senri paakyat sa bato at naupo kaming dalawa. Tahimik na pinagmamasdan namin ang papalubog na araw.
"Sinji," napalingon ako kay Senri nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Ano 'yon?"
"You know I already proposed to you, right?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ramdam ko rin ang pagiging kabado niya dahil hawak niya ang kanang kamay ko at pinaglalaruan 'yon at pinakatitigan ang singsing na suot ko na siya mismo ang nagbigay.
"Oo, bakit?"
"I know this is too sudden but I already decided."
"Ano bang gusto mong sabihin?"
Senri looked directly through my eyes as if I am his world and I am the only girl he sees in his entire life with full of love.
Pakiramdam ko matutunaw ang puso ko dahil sa binibigay na titig ni Senri.
Senri smiled a bit. "I just wanted to say if you want to marry me?"
Parang tumigil bigla ang pag-ikot nang mundo. Nawala sa paningin ko ang ganda nang sinag na papalubog na araw, ang ingay nang alon ay biglang naglaho at tanging si Senri ang nakikita at naririnig ko.
"Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo lalo na at nandyan si Luther - ang kapatid mo. And I know you want to spend more time with him. And uhm, I just don't want to let you go, Sin. I want to be with you forever. Ikaw lang ang nakikita kong babae para sa akin."
"Oo inaamin ko na babaero ako pero dati 'yon. Tinigil ko 'yon mula nang iligtas ka namin sa isang auction. At first, hindi ako naniniwala sa love at first sight but when I saw you I already fall the first time my eyes laid on you."
Napakurap-kurap ang mga mata ko sa sinabi ni Senri. Gusto ko siyang sagutin pero gusto kong pakinggan kung ano ang laman nang puso niya para sa akin.
Kasi malay natin diba? One sided pala ang nangyayari sa aming dalawa tapos pinagtitripan lang pala ako neto? Baka ihulog ko ito dito sa batuhan at hayaang mamatay.
"Kahit ulit-ulitin ko ito nang isang libong beses hindi ako magsasawa. Mahal kita, Sinji Natividad."
Pumatak ang luha mula sa mata ko na siyang ikinataranta ni Senri kaya muntik siyang mahulog, mabuti na lang at nahawakan ko ito kaya natawa ako.
"Ang O. A mo naman." Sabi ko habang pinupunasan ang luha sa mga mata ko.
"Why are you crying?"
Nag-aalalang tanong ni Senri pero hinawakan ko ang magkabila niyang mga kamay bago siya tignan sa mga mata.
"Ito ang unang beses na marinig ko mula sayo ang salitang mahal mo ako. Alam kong abala ka sa trabaho mo sa HuPoFEL pero nauunawaan ko naman 'yon. At isa pa hindi naman ako naghahangad na mahalin mo rin ako pero thank God dahil binigay niya sa akin ang isang Senri Kuruzaki." Tuluyang bumuhos ang masaganang luha sa mga mata ko. Alam kong nawi-wierduhan siya sa akin kaso anong magagawa ko? Ang saya ko eh.
"At para don sa tanong mo kanina. Oo, magpapakasal ako sayo."
Bago pa man ako makahuma. Nahila na ni Senri ang batok ko at naramdaman ko na lang ang kanyang labi sa akin.
Sampung segundo ang itinagal nang halik na 'yon but I already treat them as my unforgetable treasure with him.
Lumapat ang noo ni Senri sa akin matapos maghiwalay ang mga labi namin.
"You don't know how happy I am, Sinji. I promise I will love you forever even death will stop us."
"Mas mahal kita, pero hindi ka mamatay."
Sabay kaming natawa ni Senri sa sinabi ko at muling pinagmasdan ang paglubog nang araw.
Noong bata ako ay ayoko sa lahat 'yong sunset dahil maghahari ang dilim tuwing gabi, pero ngayon mas pipiliin ko nang pagmasdan ang paglubog nang araw at hihintayin ang muling pagsilay nito kinabukasan kasama ang lalaking mahal ko.
Iba talaga bumawi sa pagkukulang ang isang Senri Daeyl Kuruzaki. Hindi naman ako uhaw sa oras niya dahil naiintindihan ko naman na pareho kaming abala sa pag-aaral at pagtatrabaho sa HuPoFEL.
Speaking of pag-aaral - muli kong binalingan si Senri. "Paano nga pala ang pag-aaral natin?"
"You don't have to worry about it. Pakakasalan kita pero hindi ko naman sisirain ang future mo. I already build my future but the person I want to be with is already here so wala na akong hahanapin pa."
Napapailing na lang ako sa tinuran ni Senri at hinayaan siyang yumakap sa akin hanggang sa lamunin nang dilim ang buong paligid.
Sinji Natividad-Kuruzaki? Not bad. Bagay na bagay sa pangalan ko ang apelyido ni Senri.
Hindi na ako makapaghintay na maikasal kami pero konting pakipot kunwari lalo na't heto si Kuya Luther sa harapan ko - nakatayo at masama ang tingin sa akin.
"I won't tolerate your relationship with Senri, but here you are telling me that you wanted to marry him?"
"Ano namang masama 'don?" Nakangusong wika ko.
Matapos kasi naming tumambay ni Senri sa rock formation, pagbalik namin sa hotel nang maghapunan ay agad nitong inanunsyo ang pagpapakasal naming dalawa. Kaya heto ako ngayon at pinapagalitan ni Kuya Luther.
Kanina pa ako nilalamig at wala yatang balak si Kuya Luther na pagbihisin muna ako. Inuuna niya pa talaga ang panenermon bago ang itsura ko.
"The bad thing is you've just turned eighteen and you just met him."
"Mahal naman namin ang isa't-isa."
Kuya Luther massaged his temple as if he is already on his limits today. He brush his hair out of frustration at hindi niya alam kung ano ang gagawin sa akin.
"Marriage is a sacred, Sinji. How can you face the world of marriage?"
"Hindi mo naman ako pababayaan diba?"
Kuya Luther sat on one of the single couch in front of me. Kasalukuyan kaming nasa hotel room niya at konti na lang ay mauubos na ang kanyang pasensya dahil sa akin.
"I've search for you to be with me and as your big brother, all I can think is what is the best for you."
Hindi ako nakaimik.
"You just met him for almost a month and everything went fast, you've just turned eighteen and now you are getting married. What will I do to you this time?"
Nakangusong tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit kay Kuya Luther. Umupo ako sa kanyang hita at iniakbay sa kanyang balikat ang isa kong braso, hindi alintana ang suot kong bikini na natuyo na sa hangin kanina.
"Hindi naman ako mawawala, eh. Magpapakasal lang ako kay Senri."
"I have more plans with you, Sinji. You are the only treasure I have. Kung pwede lang na patayin ko si Senri gagawin ko."
Nakatanggap nang batok sa ulo si Kuya Luther mula sa akin. Napakabrutal niya naman para isiping patayin na lang si Senri.
"Siraulo, huwag ka ngang ganyan. Hindi ko naman hinangad ang yaman na meron ka. Ang sa akin lang masaya na ako na nakilala kita bilang kapatid ko. Hindi ko nga akalain na meron pala akong kapatid. At kung hindi ka pa dumating mula sa auction na 'yon malamang pinagpyestahan na ako nang mga matatandang uhaw sa laman."
"I won't allow that to happen. To tell you honestly, I build HuPoFEL just to find you."
Natouch naman daw ako. Kung wala ang HuPoFEL, wala rin siguro ako dito sa harapan niya.
"Isa lang naman ang hiling ko Kuya, ang makasama si Senri."
"Are you sure?"
"Yeah."
Kuya Luther heave a sigh and lifted up from his sit kaya pati ako ay napasama sa pagtayo niya. "If you really want to be with him, I can't do anything about it. But once he bring you back to me - broken. I will kill him."
Hindi ko pinansin ang pagbabanta ni Kuya, bagkus ay niyakap ko lang siya nang sobrang higpit.
"Thank you for being my big brother. Ako pa rin naman ang baby sister mo kahit na asawa ko na si Senri."
"If you'll happy with him, I think I am just here as your big brother and be happy also for your own path you wanted to take. Always remember, I will love you even the universe will vanish."
"Mahal din kita, Kuya."
"Tss. Go change your clothes and prepair yourself."
Bago pa man ako makapagtanong ay naitulak na ako ni Kuya papasok sa isang kwarto at pinagsarhan ako.
Napangiti na lang ako sa tagpo naming magkapatid. Hindi ko man lubos na makilala ang buong pagkatao ni Kuya, pinaramdam niya sa akin ang isang buong pamilya kasama ang HuPoFEL.
Nagbihis ako ng Nude color bohemian style sundress na exposed ang likod at hanggang tuhod ko lang ang haba, Sa paa ko naman ay flat sandals na kagaya nang kulay sa aking damit. Sa buhok naman ay hinayaan ko lang itong nakalugay.
"Taray mars ganda natin!" bungad ni Saviel nang pumasok siya sa kwartong inuukopa namin.
Napangiti na lang ako at pinakatitigan ang sarili sa salamin.
"Alagang Hupofel 'to, syempre." Sambit ko sabay hawi sa aking mahabang buhok.
We both laughed as walked out of our hotel room. Nakasalubong pa namin sina Calvin at Reiden bago kami pumasok nang elevator papuntang rooftop nitong hotel.
"Wow!" Saviel and I uttered in unison as the elevator's door opened.
Sobrang ganda ng lugar! May mga light bulb na ginawang series lights, may iilang Japanese lanterns. May mga tables na syang inuukupa ng mga kasama namin na sobrang ligalig ngayon habang ini-enjoy ang inumin at mga pagkain. May mga pagkain mula sa catering sa gilid, may liquor area din at may bartender pa.
Mukhang pinaghandaan nang mga loko ang gabing ito dahil sa anunsyong ginawa ni Senri kanina.
This place is so amazing!
Nabalik ako sa huwisyo nang may maramdaman akong humawak sa aking beywang at ang mabilis na paghalik sa aking ulo.
"Hey beautiful." My heart melt because of his gesture.
Tanginang Senri to! Parang ayaw ko nalang kumain!
Ngiti palang ulam na!
"Pogi mo rin." Napakagat nalang ako sa ibabang labi dahil sa kanyang mahinhing pagtawa.
Lord! Sure na talaga ha! Wala nang bawian?! Akin na talaga ang lalakeng to?!!!
Naupo kami sa table kung saan naroon si Kuya Luther, Thud, Gun at Dezrail. Niyakap ko muna si Kuya Luther at nakipagbeso bago tuluyang naupo.
"Mars, may tattoo ka pala?" Sambit ni Saviel out of the blue.
"What tattoo?" It was Kuya Luther. Napanguso nalang ako. Akala ko napansin nya yun nung unang beses nya akong nakita.
"Ah, oo mars. Alam mo naman na ilang beses na akong nabiktima ng sindikato diba?" I chuckled before I randomly pick some food to my plate. Meron na rin kasing nakahandang pagkain sa mesa bago pa kami dumating.
"Bakit barcode? Uso ba talaga 'yan sa sindikato? Kailangang markahan ang ari-arian nila?" Tumango lang ako.
Hindi naman ako sensitive sa topic na ito, pero medyo nakakahiya lang pag-usapan. Sa mundong kinamulatan ko, wala akong kaalam-alam na pagmamay-ari ako ng isang dimunyo.
Nalaman ko lang ang mga bagay na ito mula nang mapadpad ako sa poder ni Kuya Luther at pag-aralan ang mga pasikot-sikot sa mundo ng sindikato at mafia.
"Oo mars, kung may access ka sa underground society malalaman mo kung magkano ang presyo ng bawat isang bagay o tao." Pagsisimula ko habang ngumunguya.
Rinig ko ang mahinang mura ng kapatid ko at ni Senri. I bet they scanned already what's on my back. Nagsisi tuloy ako na nagsuot ako nang backless na dress.
This bar code on my back is one of my darkest secret but from now on they are not a secret anymore. Okay lang naman kung mag-open up ako sa kanila. Like what I said, HuPoFEL is my family.
"After this dinner, I want that tattoo to be removed." Malamig at maawtoridad na sambit ni Kuya Luther. I smiled at him and continued to eat.
"Boss, ako ba magtatanggal?" Tanong ni Thud.
"No!" Napalingon naman ako sa katabi ko.
I gulped because of the sight!
Senri looks mad. His jaw clenched and his eyes are glaring at Thud.
"I'll remove it." He stated, hindi sya mukhang nanghihingi ng permission ni Kuya Luther. My brother nods before drinking his beer.
The dinner went well and kung anu-anong kasiraan ng utak lang ang pinag-usapan namin habang nasa hapag at kumakain.
"Kwento ka naman about sa mga adventures mo, mars. Nakalimutan ko na yung napagkwentuhan natin dati." Pangungulit ni Saviel habang nakatambay kami sa railings nitong rooftop at nakatanaw sa magandang city lights.
"Saan ko ba sisimulan?" Sa dami nang pangyayari sa buhay ko di ko alam kung alin ang tinutukoy nyang ikwento ko daw.
"Since fetus ka pa," Sabay tawa nya.
I drank my beer and think about the past.
"Born and raise in Spain at spanish ang first language ko. Iniwan ako ng nanay ko sa isang bahay ampunan doon noong baby pa ako. Spanish ang first language ko at wala akong friends doon sa ampunan na yun." Natawa nalang ako dahil mga naalala ko. "Ayaw sakin ng mga bata, kasi lagi akong candidate para ampunin, binubully ako doon kasi ayaw ako ipaampon ni Mother Rosita."
"Kapal ng mukha ng mga uhuging bata na yun. Di mo naman kasalanan kung mas deserve mong maampon kesa sa kanila." Ngumiwi si saviel bago tumungga sa kanyang inumin, natawa nalang ako dahil sa expression nya. Gigil na gigil sa mga bata eh.
"4 years old na ako noong inampon ako ng mag-asawang Caesar at Greta." I smiled at that thought. Kamusta na kaya sila? "Akala ko, dati na silang mayaman yun pala hindi. Leader ng cartel si Caesar. Parang mafia ganun, kaya pala sobrang dami nyang body guards kasi ganun ang business nya."
"Hala! So paano naman trato nila sayo?"
"Maayos, parang anak nga ang turing nila sa akin. Pinag-aral nila ako ng kinder hanggang grade 2 kaso dahil sa business nga ni Caesar, nagkahulihan. That's the reason kung bakit ako napadpad sa Pilipinas." Nilingon ko ang gawi nila Kuya. I caught them staring at us pero nag-iwas agad sila ng tingin para di halatang nakiki-chismis. "Pilipina kasi si Greta kaya may pinoy din kaming kasama doon sa bahay nila sa Spain. Yung isang kasambahay doon sya ang nagdala sa akin sa Pilipinas. She taught me how to speak Tagalog. Mukha akong tanga along the process. Dumaan ako sa stage ng pagiging bulol at mali-mali." Natawa kami parehas ni Saviel sabayan pa ng mahinang hampasan.
"Gaga, di talaga maiwasan yan mars!" I agreed to that. "So continue."
"Pinag-aral nya ako hanggang highschool, kaso alam mo na dapat kumayod din ako kasi hindi naman yun mayaman, kaya dahil sa kakahanap ko ng racket madalas ako mabiktima ng kidnapping tapos ipapadala kung saan-saan. Kaya may barcode ako sa likod dahil dun." I smiled and drink my beer. "Umabot na nga akong Japan noong grade 6 ako dahil sa sindikato, buti may dumating nun na nagligtas sa amin kundi nabenta na kami sa mga foreigner na hayok sa laman."
"Japan? Shit! Sayang di tayo nagmeet doon!" At talagang nagmaktol pa?
"Nabiktima nga ng sindikato diba? Tapos may tumulong, alangan naman na magstroll pa ako around Japan?" Minsan talaga sarap isako ng babaeng to eh, kung di ko lang to kaibigan! "Then ayun syempre pagbalik ko ng Pilipinas, kurot agad ang salubong sa akin sa police station super alala daw sya sakin."
Huminga ako ng malalim at napapikit nang humangin ng malakas. Nakakakalma ang simoy ng hanging panggabi. Sabayan pa ng tunog ng paghampas ng alon at ang mellow instrumental music na nakaplay rito sa taas ng hotel.
Napadilat ako dahil sa braso na yumakap sa beywang ko. Kahit hindi ako lumingon ay alam ko na kung sino ito. He's not wearing his perfume but still he smells good, despite of the smell from the liquors he drank, it doesn't affect how he smell. Ramdam ko ang kanyang matipunong dibdib sa aking likuran at ang kanyang noo na nakasandal sa aking ulo. I smiled.
"Senri." I heard him groan as a response when I call his name. He kissed my head and rested his chin on my shoulder.
"Yes wife, its me." He kissed my shoulder that made my face heat.
Sht! Enebe Senri. Nakatingin si Kuya!
"Do you wanna stay here?" Bulong nya.
I feel a thousand bolts of electricity through my spine. Tangina boses palang nakakabuntis na!
"H-ha? Oo naman!" Sagot ko "Bakit?"
Umiling sya at siniksik ang mukha sa aking leeg. "I want to remove that tattoo on your back. To be honest, you look sexy with that tattoo but there's a hidden darkness of it so I want them vanish so that you can live your life freely." Napangiti ako.
"I know, but this tattoo didn't bother me. Kaya nga hindi ko na siya sinabi kay Kuya."
"We don't know what happens if that tattoo stays on your skin."
"Paano ba tanggalin yan? Masakit ba? Kasi nung tinattoo yan masakit eh, kahit na tulog ako nung nilagay nila sa akin yan halos mawalan ako ng hininga." Napangiwi ako dahil sa naalala. Noong 16 years old pa yata ako nung nilagyan ako ng barcode sa likod.
"No, it's painless. I won't let you feel the same hell when they planted it on your back." Sabay kabig nya sakin paharap sa kanya at pinatakan ng magaan na halik ang aking labi.
I looked at Senri's eyes and he's reassuring me that I need to trust him of the process on how they removed my tattoo.
"It's fine with me. Hindi niyo na kailangang pag aksayahan ang tattoo ko sa likod. You can plant another tattoo if you want. Gun told me that every members of HuPoFEL has a tattoo on their body, so its not a big deal though."
Nagkibit-balikat na lamang si Senri bago ako hinila sa mesa na siyang inuukopa namin.
This tattoo won't hurt my entire well-being, so I might leave with it and just go with the flow.
--