Chapter 14: Resort

SINJI'S POV:

--

Hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Saviel na igala siya pero ang mas malala isinama niya ang buong HuPoFEL.

"What do you think you are doing? You bring all my men for your crazyness?" Kuya Luther roared out of anger.

Napapalibutan namin sila ni Saviel dito sa loob ng hotel na tutuluyan namin. Actually kararating lang namin mula sa byahe.

Pumamewang si Saviel sa harapan ni Kuya Luther. "Excuse me? Kung ayaw mong sumama bakit nandito ka?"

Sumama ang tingin ni Kuya kay Saviel na parang any minute from now ay babalatan na niya ito nang buhay.

Napag-usapan kasi talaga namin na pupunta kami nang boracay pero itong mga ulupong na ito narinig ang usapan namin kaya bago pa man kami makatakas ni Sav, naghihintay na sa amin ang buong myembro ng HuPoFEL.

At saka tama nga naman si Sav, bakit nga ba nandito si Kuya Luther?

"I came here to bring them back where they were belong!"

"Ang daya mo naman, Boss."

"Boss nandito na kami, eh. Pagbigyan mo na kami."

"Oo nga,"

Samu't-saring reaksyon ang nasa paligid ko samantalang sila Gun, Thud, Senri, Dezrail at Reiden ay tahimik lang sa tabi ko. Nagmamasid at tila naaaliw sa nangyayari sa kapatid ko.

"See, majority wins. Wala kang magagawa kundi ang hayaan sila." Saviel smirk at my brother.

Kuya Luther compose himself and look at Saviel intently. "Gusto mo ba talagang sagarin ang pasensya ko?"

Natahimik ang lahat sa sinabi ni Kuya. This is the first time I heard him speak in tagalog. Nangilabot din ako sa aura na lumalabas sa katawan ni Kuya.

Akmang hahakbang na sana ako palapit sa kapatid ko para pigilan siya, pero may humawak sa braso ko at napatingin ako dito -- it was Senri's hands.

Umiling si Senri sa akin at pinapahiwatig na hayaan ko ang nangyayari kaya muli kong ibinalik ang paningin ko sa kapatid at bestfriend ko.

Saviel cross her arms in front of her chest and look at my brother. "Feeling mo naman matatakot ako sa'yo?"

"Oh yeah? Wanna try me?"

"Pupusta ako kay Boss."

"Kay Miss Saviel ako."

"1000, kay Boss ako."

"Ang kuripot mo naman. 50, 000 kay Boss ako."

"Yaman natin bro, 100, 000 akin kay Miss Saviel."

Nagpalinga-linga ang paningin ko sa mga kasama namin na tila natutuwa sa nangyari at pinagpustahan pa? Ang tibay ng mga walangyang ito!

Nagpumiglas ako kay Senri pero hinawakan lang nito ng mahigpit ang braso ko. Wala akong nagawa kundi ang panuorin ang pagbabangayan no'ng dalawa.

"Hindi ko na kailangang subukan dahil umpisa pa lang na magtagpo ang landas natin, tinadhana na tayo para magbanggaan."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Saviel. Hindi ko maintindihan ang nais niyang iparating. Alam kong may pagkasaltik ang babaeng ito at inaasar niya lang talaga si Kuya.

Sa bilis nang mga pangyayari nakita ko na lang na buhat-buhat ni Kuya si Saviel sa kanyang balikat at itinakbo palayo habang nagsisisigaw si Saviel na ibaba siya nito.

"Tsk tsk tsk! Ibang klase talaga magalit si Boss."

"It's her fault."

"I can't blame Saviel about it. Ang sarap kayang asarin ni Boss."

Natanggap ng sapak sa batok si Thud. Samantalang ang ibang kasama ko ay nagsisingilan na sa kanilang mga pusta.

Ibang klase talaga ang utak ng mga taong ito, pagpustahan daw ba ang bestfriend at kapatid ko?

Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak ni Senri at akmang lalakad paalis para sundan si Kuya pero muli akong napatigil nang may humawak ulit sa akin.

Ang seryosong mukha ni Senri ang bumungad. "Ano ba?"

"Where do you think you're going?"

"Malamang susundan ang bestfriend ko?" Kahit kinikilig ako sa ginagawa ni Senri masasapak ko ito. Baka kung ano ang gawin ni Kuya sa bestfriend ko.

"Stay here. Saviel is in good hands, Luther won't harm her."

"Won't harm her? Sa dami nang kasalanan ni Sav kay Kuya malamang paparusahan 'yon."

"Ayaw mo ba akong makasama?"

Natameme ako sa sinabi niya.

Ang lintik na ito ngayon pa magdadrama?

Nagsi-alisan na rin ang iba pa naming kasama para pumasok na sa kani-kanilang hotel rooms. This hotel we occupy is one of my brother's property. Hindi ko alam kung ilang business na ba ang naipundar niya gayong 20 years old pa lang siya.

Saviel and Kuya Luther are the same age but different in mind. Baliw ang kaibigan ko samantalang si Kuya ay mababaliw pa lang sa sobrang kakulitan ni Sav.

"H-hindi naman sa ganun, k-kaya lang kasi..." Hindi ko mahanap ang tamang salita para kay Senri. I wanted to be with him but I am worried with Sav. I am the reason why she's here with us - kinidnap ko siya.

Bumakas ang lungkot sa mga mata ni Senri at binitawan niya ang braso ko.

"I thought makakabawi ako from the times when I wasn't with you,"

"Senri, kasi..."

"I understand. I know you are worried with your bestfriend. Who am I to stop you from worrying about her, right? I am just nothing-- what the fuck?"

Nakatanggap nang sapok si Senri sa akin. Grabe kasi kung magdrama at hindi man lang ako pagsalitain?

"Gunggong ka ba? Kaya ako nag-aalala kay Saviel kasi nasa kanya ang bag at wallet ko pati susi sa room namin. Paano kung itinali na siya ni Kuya saan ako matutulog?"

"Tss." He hissed.

Abat gagu tu inirapan pa ako?

"You can sleep in my room. Let's go."

"T-teka, sandali."

Wala akong nagawa nang kaladkarin ako ni Senri patungong elevator. Hindi ko na rin makita ang iba naming kaibigan. Ang tanging nandito na lang sa loob ay isang janitor at kaming dalawa ni Senri.

Senri intertwined his hands on mine kaya nakaramdam ako ng kuryente sa katawan ko.

Iba din ang galawan nitong mokong na ito.

Alam kong babawi siya pero hindi ko naman inaasahan na ganito. Okay lang naman sa akin na hindi ko siya gaanong nakakasama dahil naiintindihan ko naman ang trabaho niya.

Kung hindi ko lang mahal ang lalaking ito baka ibinitin ko na siya sa labas nitong elevator at hayaang mapisat - joke lang. Masyadong brutal ang naiisip ko.

Nanunuod kasi kami ni Sav nang gore movies kagabi at halos bangungutin ako sa trip ng babaeng 'yon.

Parang kaming tanga dito sa beach bed na inuukopa namin ni Saviel habang nakapangalumbaba at nakatitig sa mga lalaking naglalaro ng brach volleyball.

Sino ba naman kasi ang matutuwa? Pinagsuot lang naman kami ni Sav nang malaking tshirt at maong pants. Saan ka makakakita nang nakamaong sa gitna ng beach? Syempre sa amin lang.

"Nakakatangina talaga ito si Luther, bakit niya ako idinamay sa pagiging old school niya? Feeling niya naman may mag-iinteres sa katawan ko?" Naiinis na wika ni Saviel na nasa tabi ko lang. Kanina pa siya nagmamaktol maging ako ay naiinis din.

Matapos kasi ang eksena sa hotel ay napagdesisyonan naming magswimming at mag-aalas tres na nang hapon pero heto kaming dalawa, nakatunganga lang.

"Bakit ba ang init sa'yo ng ulo ni Kuya? Jowa mo?"

Marahas na napalingon sa akin si Sav at tinignan ako na parang nandidiri.

"Yuck mars, mandiri ka nga. Kahit gwapo 'yang kapatid mo hindi ko 'yan papatusin. Saksakan ng sungit at ang sama ng ugali non. At isa pa hindi kami bagay sa isa't-isa. Over my dead body."

Kinuha ko ang baso na naglalaman ng buko juice na inorder ni Senri para sa akin at uminom doon.

"Ang arte mo. Oo gwapo si Kuya Luther, nasa kanya na ang lahat - itsura, yaman, talino, perfect boyfriend kumbaga - bakit ayaw mo sa kanya?"

Saviel rolled her eyes on me as she crossed her arms in front of her chest and looked at my brother's direction. "Huwag kang bugaw mars, hindi ko pinangarap na magkajowa ng isang Luther Aqueros Bloodfist."

Nagkibit balikat na lang ako at hinayaan si Saviel sa tabi ko. Pinanuod na lang namin ang mga lalaking nag-eenjoy sa bakasyon.

Yong supposed to be get away namin ni Saviel ay nauwi sa outing with HuPoFEL friends. Partida kami lang dalawang babae ang kasama nang halos limampung kalalakihan.

Naiwan nga pala si Rent sa HuPoFEL dahil marami raw siyang gagawin kaya pati si Kuya ay walang nagawa kundi ang sumama dito at bantayan ang mga alagad niya.

Nagulat na lang ako nang biglang tumayo si Saviel sa tabi ko.

"Hoy, saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Gusto ko nang maligo, kaya tara sa dagat."

Bago pa man ako makasagot, nahubad na ni Saviel ang suot niyang t'shirt na pagmamay-ari ni Kuya maging ang pants na suot niya. Tumambad sa harapan ko ang black thin lace bikini na suot ni Saviel at halos napanganga ako sa itsura niya.

Nakarinig ako nang samu't saring sipol sa paligid kaya tumayo ako mula sa kinauupuan ko.

"Ano bang ginagawa mo?" Pigil ko kay Sav.

"Maliligo, malamang. Ayaw mo bang maligo?"

"Gusto, pero kasi..." Nakita ko si Kuya Luther, Senri, Dezrail, Reiden, Gun and Thud na papalapit sa amin.

"Witwiw. Ganda ng katawan natin Saviel, ah."

"Syempre, alagang Hyuga yan."

"What do you think you're doing with that piece of shit, Saviel Hyuga?"

Napaatras ako ng lumapit si Kuya kay Saviel. Akala ko ba kwento ko ito? Bakit nakiki-eksena ang dalawang ito?

"Ano bang ginagawa sa beach? Mag jack stone? Huwag kang bobo Bloodfist, nakakamatay 'yan. Tara na mars,"

Hinila ni Sav ang kamay ko pero agad napigilan ni Kuya Luther ang kabilang braso ni Saviel.

"Anong kailangan mo?"

"Remove that shit, or else!"

Sa sobrang inis ni Saviel, nagpumiglas siya mula sa pagkakahawak ni Kuya Luther at buong tapang na hinarap niya ito.

"Ano bang problema mo sa akin, Bloodfist? Kahapon ka pa ah, no scratch that, mula nang dumating pala ako dito. Hindi naman ikaw ang sadya ko kundi ang bestfriend. Bakit ka ba kontra nang kontra sa mga pinaggagagawa ko?"

"Because you are in my territory. Everything comes in my place are all my property."

"Hindi mo ako pag-aari kaya tigilan mo ako. Tara na mars,"

Tuluyan na akong hinila ni Saviel palayo sa kanila at hindi ko alam kung saan kami pupuntang dalawa.

Ang alam ko lang ay gusto kong ienjoy ang boracay kasama ang bestfriend ko.

--