Chapter 7

Naging abala kami ni Drake ng mga sumunod na araw para sa mga requirements ng kasal. Pati si Mama ay na shock din sa biglaang desisyon namin pero dahil sa acting namin ay napapayag din siya.

Naguguilty ako sa pagsisinungaling sa kanya pero mas kakainin ako ng guilt kung wala akong magawa para isalba ang bahay na pinaghirapan nila ni papa noon. Hindi man kami lumaki sa yaman pero nakapagpundar pa rin sila ng bahay at lupa na komportable naming tinirhan.

Bago pa man namin inaasikaso ang para sa kasal ay binayaran na ni Drake ang lahat. Napakasaya ni Mama ng malaman niyang bayad na ang utang sa bangko. Pero dahi siguro sa nanay ko siya ay parang na sense niya na may mali.

"Anak, puwede ba tayong mag-usap?" tanong niya. Nagkakape ako sa veranda ng gabing yon. Tumabi siya sa akin." Wala ka bang sasabihin sa akin?" pabulong niyang sabi.

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya at parang nagsasabi na puwede kong sabihin ang lahat sa kanya. Looking at her face, alam kong tama ang gjnawa ko. Gusto kong masilayan lagi ang saya sa mukha niya. Sobra na ang pinagdaanan niyang hirap mula noon.

"Ma, pasensiya na po talaga kung nabigla po namin kayo," sabi kong napatingin sa labas.

"Tama ka, anak. Nabigla talaga ako. Nung huling nag-usap tayo sabi mo wala kang nobyo. Tapos bigla na lang mayroon na at ikakasal ka na," seryoso niyang sabi pero nakangiti naman kahit paano. "Mahal mo ba siya?"

Panandalian akong nawala sa sarili at napabuga ng hangin. Sa lahat ng mga kasinungalingan, ito lang yata ang totoo.

Nakagat ko ang labi bago tumango." Opo, mama." Hindi rin naman siguro ako papayag sa kasunduan kung nagkataong hindi ko mahal si Drake. Lalo na siguro kung sa hindi ko kilalang tao galing ang ideyang yon.

"Kung ganoon, bakit parang hindi ka masaya?"

"Ha! Ah, masaya... po ako." nauutal kong sagot. Nanay ko nga siya. Alam niya ang bawat kilos ko.

"Alam na ba ng mga kaibigan niyo ang tungkol sa plano niyo? Sina Zyra at Xyrus?" tanong ulit ni mama.

Umiling ako." Bukas pa po namin sasabihin, ma," sagot ko.

Pagkatapos naming mag-usap ni mama ay pumasok na ako sa kuwarto ko. Parang bigla na lang akong nalungkot. Alam ko kasi na iiwanan ko ang lugar na ito sa mga susunod na araw.

Dumapa ako sa kama at ninamnam ang amoy kong dumikit doon. Napangiwi ako. Mukhang kailangan ko na yatang palitan ito. Masakit isipin na panandalian kong iiwan ang bahay na ito. Pero mas masakit kung mawawala ito ng tuluyan sa amin.

Nagising ako kinabukasan dahil sa sakit ng katawan. Nakatulugan ko pala ang pag-amoy sa aking bed sheet. Dahan-dahan akong tumihaya ng parang lumipad ang aking espirito sa kabilang panig ng mundo.

Nakita ko kasi si Drake sa tabi ko na nakahiga at nakapikit. Hala! Kailan pa siya diyan? Binundol ng kaba ang puso ko at dali-dali kong sinilip ang katawan ko. May damit naman ako.

"Amazing! I just arrived minutes ago," sagot niyang nakapikit pa rin. Para bang sinagot ng pabalang ang nasa isip ko.

Umupo ako at hinampas siya sa puwetan kaya napaigik siya.

"Bakit ka ba namimihasa sa pagpasok sa kuwarto ko? Aatakihin ako sa puso nito, eh." Napatayo na ako at dumiresto na sa sala kung saan nagwawalis si mama." Ma, bakit niyo naman po pinapayagan si Drake na na basta na lang pumasok sa kuwarto ko?" padabog akong naupo sa sofa.

Samantalang si Drake naman ay nakasandal sa may pintuan.

"Ano namang masama doon? Magpapakasal na kayo," tugon ni mama.

Nakita ko kung paano lumaki ang ngisi ni Drake. Shota! Mas lalong pumogi ang loko. Ang sarap gahasain.

" Tama po kayo, ma. Papunta naman po kami doon," si Drake na kinindatan pa ako. Lord, tama na po baka po sa mental na po ako pulutin kapag nawala siya sa akin.

Napakunot ang noo ko. Tama na ang narinig ko. Tinawag niyang mama ang nanay ko. Naku, feeling close din.

Umalis kami ni Drake papunta sa bahay nina Zyra at Xyrus. Matatalik namin silang kaibigan kaya dapat lang na alam nila ang lahat at baka ibuking nila kami sa madla.

"Sweet!" Napalingon ako sa gawi ni Drake ng marinig ang salitang yon. Akala ko kung anong sweet. Kausap niya pala ang syota niya sa telepono. Nakikita kong paminsan-minsan si Drake na sumusulyap sa akin.

Napapangiti naman ako ng pilit tuwing nagkatinginan kami. Samantalang siya ay ginagantihan ako ng napakatamis na ngiti. I always love the way he smiles at everyone.

"Yupe, everything is in order. Mamayang hapon ay bibili kami ng mga gamit para sa kasal. Tapos na rin ang requirements. Of course, the house is ready. It depends if you want to stay there pag tayo na ang ikinasal or kung gusto mong bumili ng bagong bahay." mahabang paliwanag ni Drake sa nobya.

Napatingin ako sa labas para itago ang lungkot. Hindi pa man kami ikinakasal pero nagbabalak na siyang magpakasal sa iba. Sabagay, ano bang ini-expect ko. Doon din naman kami pupunta pag tapos na ang kontrata namin.

"Bye, sweet. I love, you. Yeah, trust me," ani Drake.

Sinadya niyang hinaan ang boses para siguro hindi ko marinig. Pakiaalam ko ba sa kanila. Ang importante, naisalba ko na ang bahay namin. Yan ang sabi ng konsensiya ko. Pero sus, parang pinipiga na ako sa sakit. Help!

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Kinakausap na maging okay. Para akong baliw sa kaka-emote.

"Are you okay, Adrienne?" tanong ni Drake. Siguro napansin niyang aligaga ako.

"Oo naman. Ang sweet niyo noh?" Natutop ko ang bibig. Minsan hindi ko napipigil ang mga lumalabas sa bibig ko. "Puwede ba akong magtanong?"

"Sure."

"Kapag nagsama ba tayo? Gagawin mo yon palagi?" tanong ko.

"Ang alin?"

Napatawa ako ng pagak. Clueless ang aking future husband.

"Ang makipagbebe time sa girlfriend mo," sagot kong sa labas ulit tumingin. Alam ko na ang isasagot niya.

"What? Adrienne, she's my girlfriend. Don't tell me pagbabawalan mo ako."

"Puwede ba? Wala naman akong karapatan di ba?" mahina kong sabi.

Natampal niya ang noo at parang baliw na ngumingiti sa sarili. "What's happening? Bakit ka nagkakaganyan?" tanong ni Drake, sabay hinto ng sasakyan. Nakapasok na pala kami sa gate nina Zyra at Xyrus.

"Alam kong magpapakasal lang tayo kunyari, Drake. Pero alam mo rin ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. This is going to be tough for me. Sana lang kung magbebe time kayo yong hindi ko maririnig. If di mo kayang gawin, puwede pa tayong umatras," sabi ko at nauna nang lumabas ng sasakyan.

"Adrienne!" pagtawag sa akin ni Drake pero hindi ko pinansin. Sa halip ay binilisan ko ang paglalakad para salubungin ang batang papalalapit sa akin. Ang magdadadalawang taong anak nina Zyra na si Xyzi.

"Be careful, baby," sabi naman ng kaibigan ko. Yumakap agad sa tuhod ko ang bata." Ani, kamusta ka na?" maluha-luhang tanong ni Zyra na yumakap din sa akin.

"Frenny! Okay lang ako. Lalo ka yatang gumanda. Masarap bang magmahal si pogi?" tanong ko. Karga-karga ko si Xyzi at sabay kaming naglalakad papasok sa bahay nila. Nakasunod naman sa amin sina Xyrus at Drake.

Mabuti pa tong kaibigan ko. Pinaksalan ang taong mahal niya at mahal na mahal din siya.

"Kung hindi niya pag iigihan ang pagmamahal sa akin. Baka kako maghanap, Aist!" Hindi natuloy ni Zyra ang sasabihin ng tinakpan ni Xyris ang bibig nito. Nagkatawanan kami ni Drake.

"Nica, please huwag mo ng pukawin ang bad side ng asawa ko. Lagot tayo," si Xyrus. Halata namang nagrereyna ang kaibigan ko sa mala-palasyong bahay. "Pasok kayo."

"Drake, dito muna kayo. Pupunta lang kaming kitchen ni Anica," ani Zyra. Tumango naman si Drake. Pero alam kong palusot lang yon ng kaibigan ko para makausap ako ng masinsinan.

Nadatnan namin si Aling Laura na naghahain sa mesa. Si Xyzi naman ay naiwan sa daddy niya.

"Totoo bang magpapakasal na kayo ni Drake?" tanong niya habang tumutulong sa paghahanda ng mesa. Samantalang pinagmamasdan ko lang siya.

"Oo, friend."

Napahinto siya sa ginagawa at tumingin sa akin." Pero bakit? Don't get me wrong pero wala ka namang sinabi na boyfriend mo siya? Don't tell me."

Napunta sa tiyan ko ang mga mata ni Zyra at alam ko na kung ano ang nasa isip niya. Di pa rin nagbanago ang talas ng imagination niya.

"Zi, di ako buntis at malabong mangyari ang nasa isip mo."

"So bakit nga kayo magpapakasal."

Nakagat ko ang labi at nagkibit ng balikat. "To save my family, Zi."

"What do you mean?" tanong ni Zyra

Hinila ko ang upuan at umupo ako. Ginaya din niya ako." Zi, malapit ng kunin ng bangko ang bahay namin mula sa pagkakasangla noong nagkasakit si papa. Then, Drake asked my help to pretend to be his wife. Nagkataon lang siguro na kailangan namin ang isa't-isa."

Ilang beses napakurap si Zyra. Hirap din siyang paniwalaan ang nagyari." You could have told me para matulungan kita, Ani. Kakayanin mo ba yang pinasok mo?"

"Kakayanin. Nahihiya na kasi akong lumapit sa'yo," tugon kong napangiti kunyari.