Chapter 6
Nararamdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko. Pero di pa rin ako dumidilat. Inaantok pa ako. Gusto ko pang matulog at masyado akong napagod sa lakad ko kahapon. Isa pa, hindi naman ako papasok ngayon. May usapan kami ni Drake. Pumasok sa aking balintataw ang halik ni Drake kahapon.
Masyadong mababaw pero okay lang at least nakatikim. Napabungisngis ako sa kapilyahan ko kahit nakapikit.
"Gising na," sabi ng kapatid kong lalaki.
Hinigpitan ko ang yakap sa unan. "Ayoko. Mamaya na kasi." nagmamaktol kong tugon. Minsan ko lang naman itong gagawin. Pagod pa ako.
"Sige ka. Kung hindi ka gigising. Tatabihan kita diyan," bulong niya. Napadilat ako. Hindi yon boses ng kapatid ko. Ang amoy at ang boses. Kilala ko ang may-ari noon.
"Drake! Ay!" sigaw kong itinakip agad sa katawan ko ang kumot. Naka short lang ako ng maikli at sando kapag tulog. Magulo pa ang buhok ko. At hindi pa ako nakakapagtoothbrush." Anong ginagawa mo dito? Sinong nagpapasok-" naputol ang sasabihin ko ng pumasok si Mama sa kuwarto ko.
"Anak, gising ka na pala? Pasensiya na. Pinapasok ko na si Drake. Kanina pa siya naghihintay sa'yo sa labas. Bangon na at kakain na tayo," sabi ni mama at lumabas din pagkatapos.
Samantalang si Drake ay nakapandekuwatrong upo sa upuan na nandoon. Nakangising nakamasid sa akin." Huwag ka ng mahiya. Sinasanay lang kita kasi araw araw ka ng gigising sa tabi ko," aniya.
Napakadali lang sa kanya ang mga bagay na yon. Tsk!
"Tatabi talaga ako sa'yong matulog?" tanong ko. Tinali ko ang buhok ko at tinakip ang kumot ng maayos bago ako tumayo.
"Depende yon sa'yo. Kung gusto mong sa tabi ko matulog pero kung ayaw mo naman. Okay lang din," tugon niya. Binubuklat ang mga aklat na nandoon sa bookshelf ko.
Siyempre, gusto ko. Sino bang ayaw matulog sa tabi ng taong mahal mo?
"Bakit nga pala pinapasok ka ni Mama dito?" Sinuklay ko ang buhok ko at kinuha na ang tuwalya para ihanda sa pagligo.
Tumingin siya sa akin. Parang isang batang may ginawang mali at mula doon parang alam ko na ang nangyari.
"Sinabi kong magsyota tayo at baka magpapakasal na," aniyang nag peace sign pa.
Natameme ako, sandali. Anong pjnagsasabi niya sa mama ko? Nung isang araw lang kami nag-usap ni mama tungkol sa love life. Baka sabihin niyang naglilihim ako sa kanya. Nahampas ko sa balikat si Drake.
"Bakit mo ginawa yon?" Parang bata akong nagdadabog. Napaupo ulit ako sa kama. Balak ko pa namang sabihin kay mama ang lahat pero inunahan niya ako.
"Baka hindi siya pumayag pag sinabi natin ang totoo? Besides, para hindi mag-alala ang mama mo. Mas mapapanatag ang loob niya pag ganoon." tugon niya.
"Pero niloloko natin siya, Drake. Ayoko sana ng ganoon. Anong reaksiyon niya?"
"Nabigla nung una. Pero natuwa afterwards. Sabi niya, mapapanatag na ang loob niya kasi may kasama ka na sa pagtanda mo. Hindi ka na mag-iisa at may karamay ka na."
Tumayo na ako para pumasok sa banyo at para ikubli ang lungkot na nararamdaman.
"Anong sinagot mo sa part na yon? Alam kong hindi mo yan magagawa kasi maghihiwalay tayo pag nakauwi na si Chloe." Pinagmasdan kong mabuti si Drake at para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ko. Ngayon pa lang, naiisip ko na ang mararamdaman ni mama oras na maghiwalay kami. Mawawasak kaming dalawa sa oras na yan.
Iniwan ko si Drake sa kuwarto. Dali-dali akong pumasok sa banyo para itago ang luha ko. Dapat maging masaya ako kasi pakakasalan ko ang lalaking mahal ko. Every parent's dream na makita ang mga anak nilang makasama ang taong pipiliin nila. Pero paano kung panandalian lamang ito?
Patawad, mama. Sana maintindihan niyo ako balang araw. Ayoko lang po na tumira tayo sa kalsada ng mga kapatid ko.
Paglabas ko ng banyo ay wala na si Drake kaya naman ay parang nakahinga na ako ng maluwag. Nagbihis ako ng fitted jeans at crop top. Casual lang naman ang lakad namin ngayon. Pagplanuhan lang naman namin ang pagwasak sa puso ko.
Iniisip ko na para hindi ako magmukhang kawawa ieenjoy ko na lang ang lahat. Ika nga promo ends until supplies last. Baka isang araw magbago ang ihip ng hangin. Total, mahal ko naman siya. At walang bagay na mahirap gawin para sa taong mahal natin.
Wait! Linya yan ng bestfriend kong masyadong busy ngayon. Dapat ko pa rin palang ipaalam sa kanya ang lahat.
Papasok na ako ng dining area ng marinig ko ang mga tawanan nila. Nang silipin ko, napakasaya nina Andrea at Mama habang kakuwentuhan si Drake. Likas kasing palakaibigan ang lalaking ito. Ang daling manghuli ng kiliti. Isa na ako sa nahuli pero hindi pinagpala.
Napakagaan niyang kasama. Sobrang malambig at maalaga. Guwapo na at makisig, ubod pa ng yaman. Kung saan saan na naman gumala ang utak ko.
"Ate!"
Halos napalundag ako sa kinatatayuan ng tinawag ako ni Anding. Pinagtawanan nila ako kaya naman pumunta na ako sa kanila. Pinaghila pa ako ni Drake ng upuan sa tabi niya.
"Here!" aniyang nakangiti. Kinakabahan ako sa ginagawa ng lalaking ito.
"Salamat," tugon ko.
"Anak, nauna na kaming kumain kasi papasok pa ang kapatid mo. Sinabayan na namin siya. Kumain ka na rin."
Bago pa man ako nakakilos ay nilagyan na ako ng pagkain ni Drake sa plato ko. Napalunok ako. Tuwang-tuwa sina mama ng tingnan ko. Para pang tinutukso nila ako.
"Kain na," ani Drake. Ang tamis ng ngiti ng loko. Bago pa niya maisipang subuan ako ay inunahan ko na.
"Hindi mo nabanggit na boyfriend mo na pala itong si Drake." ang mama
Napatigil ako sa pagnguya at uminom ng tubig. Naramdaman ko din ang pagdantay ng palad ni Drake sa hita ko.
"Ma, pasensiya na po." tanging nasabi ko pagkatapos ay napayuko ako. Ayokong magsinungaling sa kanya pero paano ko pa babawiin ang lahat.
"Kung iniisip mong magagalit ako, hindi yan mangyayari. Nasa edad ka na at hangad kong lumigaya ka. Kayo."
Naiiyak si mama pero pilit na ngumingiti. Pinapatay ako ng guilt sa loob.
"Tita, huwag po kayong mag-alala. Hindi ko po pababayaan ang baby niyo," sabi ni Drake na pinisil pa ang kamay ko." Kain ka na baby!"
Tumirik ang mata ko sa gulat. Ang sarap niyang batukan sa mga oras na ito. Napangiti ako ng pilit at bahagyang lumapit sa kanya.
"Tama na yan. Nakakilan ka na ngayon, ah." bulong ko.
"Tita, o, inanaway ako ng baby mo."
Sinubukan kong kurutin ang hita niya sa ilalim ng mesa subalit hinuli lang niya ang aking kamay at hindi na binitawan.
Ngingiti lang siyang nakatingin sa akin pati na sina mama. Napakagandang moment sana kung totoo lahat ng pinakita niya. Kaso baka front act lang niya yan kaya may halong pait.
Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami ni Drake. Naghanap kami ng lugar kung saan malaya naming mapag-uusapan ang plano ng pagwasak sa aking buhay. Char lng, eh.
Nagpunta kami sa isang coffee shop na walang masyadong tao.
"Sorry for dragging you this situation, Adrienne." seryoso niyang saad habang pumipili ng kape sa menu.
"It's okay. We both need each other right now. So ano nang susunod," tanong ko na parang nasa isang operasyon ng pulisya. Napasandal ako.
"Kailangan nating magpakasal agad bago pa ang engagement ko. Tapos ipapakilala kita sa kanila." tugon niya.
Napaisip ako sandali. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Kahapon lang, single pa ako at ngayon ay ikakasal na.
"Ano ang sabi ni Chloe?" tanong ko
Bakit hindi sila ang magpakasal? Bakit hindi na lang siya umuwi para sagipin ang nobyo niya? Nakagat ko ang daliri. Sabagay, baka may pag-asa pa ako sa lalaking ito.
"Napag-usapan na namin ang lahat. You will only act as my wife sa harap ng parents ko. Behing the camera, we can act casually like we used to."
Ako ang uri ng tao na prangka at diretso. Kailanman ay hindi ko itinago sa kanya na gusto ko siya. At hindi naman siya nagtake advantage.
"Anong acting ba dapat?"
"We will act as a sweet and a perfect couple. Which is madali lang naman yon kasi sweet na tayo. We just need to convince them na mag-asawa tayo."
Napatango ako. Ganoon lang pala. Itotodo ko na. Imbis na magmukmok ako ay gagawin ko na lang ang mga dapat gawin.
"Baka hindi mo kayanin ang ka sweetan ko? Handa ka na bang talikuran si Chloe kung sakali," seryoso kong sabi pero deep inside natatawa ako.
Lalo na nang nagbago ang mood niya. Napabunghalit ako ng tawa at napasimangot siya. Siya yong tipo na kahit wala sa mood, guwapo pa rin.
"Amazing! Na corner ako doon." Napapunas siya sa noo niya. Pinawisan." Pero may isa akong warning sa'yo."
"Ano naman? Dead end ahead or road under repair." Napatawa ulit ako sa mga kalokohan ko. Para akong timang lang.
Dumukwang siya sa mesa at tinitigan akong mabuti. Ngumiti ng pailalim at saka binasa ang labi. Napalunok ako.
"Don't dare fall in love with me."
"But I am already in love with you." bulong ng isip at puso ko.