Chapter 5
Nakuyom ko ang kamao sa sobrang pagkulo ng aking dugo pagkatapos akong pagbintangan ng kamag-anak ko kuno. Nakakapanghinayang kasi mga ganitong klaseng tao pala ang kauri namin. Kaya pala mas pinili ni papa na lisanin ang karangyaan. Kaysa magdusa sa kanilang mga kamay.
"Miss, totoo po talaga yan. Akin po yan." Giit ko sa mababang tono kahit na ang totoo ay gusto ko ng hilahin ang buhok niya at ilampaso siya sa daan.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay tumawa ng pagak. At ang nakakainis pati tawa ay tunog mayaman. "Let's say you are saying the truth. Don't tell me kamag-anak ka namin? You don't look like one. At higit sa lahat, hindi porket magka-apelyido ay kamag-anak agad."
Nakagat ko ang labi sa labis na hinagpis na bumalot sa akin. Pero ipinaalala ko pa rin sa aking sarili kung bakit ako nagpunta dito. Kaila ngan kong isalba ang pamilya ko. Ako na lang ang inaasahan nila. Kaya kaunting tiis pa.
"Maam, gusto ko lang naman po sanang makausap si Donia Moni-" Napahinto ako sandali. Nakalimutan kong magkapangalan pala kami. "si Donia Monica po."
"Para ano? Para perahan? Wala ang lola ko dito. At makakaalis ka na. Huwag ka ng babalik pa at manggulo sa amin," aniya at umalis na.
"Miss! Parang awa niyo na po. Kailangan ko ng tulong niyo." Sigaw ko. Sinubukan ko siyang sundan pero hinarang ako ng guwardiya.
"Maam, pasensiya na po. Hanggang dito na lang po kayo," sabi niya. Pero imbis na makinig sa kanya. Sinundan ko ng tingin si Margaux. Nagbabasakali akong lumingon siya at balikan ako. Pero sino nga ba naman ako para balikan?
Bumigat ang aking pakiramdam. Naglaho ang gahibla kong pag-asa. Dahan-dahan akong umalis bago pa man pumatak ang aking mga luha.
Isang araw babalikan ko kayo at wala kayong magagawa kundi harapin at papapasukin ako sa ayaw at sa gusto niyo. Hindi puwedeng ganito na lang.
Nakadamdam ako ng panlalabo ng mata at panunuyo ng lalamunan. Nauuhaw ako. Saktong may nakita akong waiting shed. Tinungo ko para magpahinga sandali. Habang pinagmamasdan ko ang mga dumaang sasakyan ay tumutulo din ang aking luha. Hanngang sa napahikbi ako. Kasabay ng aking pagluha ay bumuhos na naman ang ulan. Ilang araw na bang umuulan? Mabuti pa ang langit, dinamayan ako.
Pilit kong tinatago ang pag-iyak kasi parang pinagtitinginan ako ng mga dumaraan. Saan na? Saan na ako pupunta ngayon? Uuwi lang ba akong sawi at walang napala? Unfair naman masyado ang mundo.
Hanggang sa pumasok sa isip ko ang offer ni Drake. Totoo kaya yon? Baka naman pinagtitripan lang ako ng lalaking yon? Paano kung isipin niyang pera lang ang habol ko kaya ako papayag? Ano ang magiging buhay ko sa piling niya? Paano ko ipapaliwanag kay mama ang lahat?
Hindi ako hihingi ng kahit ano. Sapat na ang tubusin niya mula sa pagkakasangla ang bahay namin. Bahala na.
Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Drake. Nakailang tunog pa ito bago niya sinagot.
"Adrienne?" Patanong niyang pagkasabi sa pangalan ko na parang nababasa na niya na may mali sa akin.
"Drake, please help me," sabi ko pagkatapos ay pumiyok ako at napahikbi. Kinagat ko ang aking daliri para pigilan ito.
"Nasaan ka? Okay ka lang ba? Teka, malakas ang ulan. Na stranded ka na naman? Sana sinama mo na lang ako kanina. Pupuntahan kita diyan."
Sinabi ko kay Drake ang lugar kung nasaan ako. Wala na akong ibang nasabi kasi nagmamadali na siyang umalis. Minsan nakakainis din itong si Drake. Sobrang sweet at maalaga siya na hindi mo maiiwasang mahulog sa kanya. Tapos pag nahulog ka, hindi ka niya masasalo kasi may mahal siyang iba.
Matagal din akong naghintay sa kanya. Medyo may kalayuan din sa kung saan kami nakatira. Unti-unti nang tumila ang ulan at ang mga bakas na lang ang naiwan. Isa na doon ang medyo basa kong damit.
Namalayan ko na lang ang paghinto ng sasakyan ni Drake sa tapat ko. Wala ako sa mood na magpantasya sa kaguwapuhan niya. Hindi rin ako nakatayo agad para pumunta sa kanya. Sinuot na lang niya ang hood ng jacket niya at pinuntahan ako.
Pinagmasdan ko ang bawat ginagawa niya. Hinubad niya ang kanyang jacket at pinasuot sa akin. Tumabi siya sa pagkakaupo sa akin. Saka pumasok sa isip ko na bahala nang masaktan ako sa huli basta nasa tabi ko siya palagi.
"Anong nangyari Adrienne? Ba't ka nagpunta sa lugar na ito?" tanong niya. Nang tingnan ko siya nakatingin siya sa paanan namin." Sige na hindi kita pipiliting sabihin sa akin ngayon. Umuwi muna tayo at baka nilalamig ka," aniya at naunang tumayo. Inilahad niya ang kamay niya kaya humawak ako doon.
"Drake, yong sinabi mo kanina. Totoo ba yon?" tanong ko.
Kumunot ang noo niya." Alin doon?"
Nabitawan ko ang kanyang kamay. Napakadali naman niyang makalimot. Mukhang totoo nga ang tantiya kong pinaglalaruan lang niya ako.
Napilitan akong tumayo na lang. Nahihiya naman kasi akong sabihin ang tungkol sa kasal na sinabi niya.
"Never mind," sabi ko at nauna nang maglakad.
"Wait!" Hinawakan niya ako sa braso kaya napahinto ako." Don't tell me na willing kang gawin ang sinabi ko kanina." At walang anu-ano'y niyakap niya ako ng mahigpit.
Mga yakap na lagi kong hinahanap sa tuwing malungkot ako. Masyado akong nadala sa aking emosyon ng mga oras na yon. Napahagulgol ako sa kanyang mga balikat. Dali-dali naman kumawala si Drake at tiningnan ako. Umiwas ako ng tingin.
Next thing, I know. Inakay na niya ako pasakay sa sasakyan niya. Tahimik kami nung una hanggang sa ako ang bumasag ng katahimikan.
"I'm sorry, Drake, naabala pa kita."
"Kailan ka pa naging abala sa akin? We're friends." Sa gitna ng poot ay di ko mapigilang ngumiwi. Na friendzone ang lola niyo mga bakla. Masakit pero dapat isantabi.
"Yeah. We are." mapait kong sagot. Pero ang loko pinunasan ng towel ang mukha ko. Anak ng! Pafalll masyado. Kinuha ko ang towel sa kanya at ako na ang tumapos sa pagpupunas.
"So about what I said? Willing ka bang maging asawa ko?" seryoso niyang tanong.
Nag-isip pa ako kunwari na parang hindi ko pa naisip na pumayag bago siya dumating.
"Oo, pumapayag na ako." Sumilay ang napakatamis niyang ngiti. Kung sana ang dahilan ng ngiti niya ay dahil sa ibang rason kaso alam kong masaya siya dahil makakatakas siya sa kasal na inihanda ng kanyang mga magulang.
"Hindi mo pagsisisihan ang lahat, Adrienne."
"Pero may hihingiin akong kapalit, Drake. Okay lang ba?" nahihiya kog tanong. Kilala akong makapal ang mukha pero nakkahiya naman minsan.
"Anything you want, my wife. Bagay na bagay sa'yo," anitong nakangiti. Natitiyak kong magiging kalbaryo sa akin ang buhay na kasama siya. Iisipin mo pa lang na asawa mo siya, pero hindi siya sa'yo talaga.
"Huwag ka ngang paasa diyan!" bulong ko." Drake, puwede bang tulungan mo ako. Pumunta ako sa mga kamag-anak ni Papa kanina. Nagbabasakaling matulungan akong tubusin ang bahay naming nakasangla sa bangko. Pero itinakwil nila ako." Nag-aapoy pa rin sa hinagpis ang puso ko. Hindi ako makakapayag na ganoon na lang ang ending noon.
Napatingin ako sa kamay na hinawakan niya. At ang mas nakakabigla inayos pa niya ang medyo magulo kong buhok." Yon lang ba? Ako na ang bahala sa lahat. Pati sa pamilya mo."
"May isa pa sana. Pag naging mag-asawa na tayo. Gusto kong pasukin ang mundo ng mga Montreal gamit ang pangalan mo. Puwede ba yon?"
Marahan siyang tumango." Kahit ano pa yan. Cheer up na, wife. Hindi ako sanay na seryoso at malungkot ka," aniyang nakangiti at ini-stretch ang gilid ng mga labi ko. Kaya napilitan akong ngumiti.
"Amazing!" aniyang parang bata na pumapalakpak. Pero nanlaki ang mata ko ng unti-unti siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi."Napakasuwerte ng magiging boyfriend mo, Anica. Pero wala na ata silang chance kasi ikakasal ka na sa akin."
Mga besh huwag OA, light kiss lang naman yon. Pero grabe ang lakas ng kaba ng dibdib ko. Para akong sesentinsiyahan ng kamatayan. Wala na. Nahuhuli na ako sa sarili kong bitag.
Pagkatapos ng halik na yon ay natahimik kami. We've been friends and allies for years simula ng nagkakilala kami. But that was the first time na hinalikan niya ako.
Napatikhim ako." Hindi ba kalabisan yong hinihingi ko sa'yo?" tanong ko.
"Mas malaki ang pabor na hiningi ko. Titira ka sa isang bahay kasama ako at pakikisamahan ang pamilya ko. Sigurado ka bang magiging okay ka lang?" seryoso niyang tanong.
Tumango ako. Hindi yon ang pinakamahirap na parte. Ang mas mahirap ay labanan ang damdamin habang pinagmamasdan mo ang taong tinatangi. Pipigilin ang sariling huwag siyang hawakan at halikan. Dahil asawa mo lang siya sa papel.
"So what's next?" tanong ko. Tuluyan na ngang tumila ang ulan at nandito pa rin kami sa kung saan nakapark ang sasakyan niya.
"Uuwi muna tayo para makapagpahinga ka. Tapos bukas na natin planuhin ang lahat. Magleave ka muna sa trabaho," aniya at lumapit sa akin para isuot ang seatbelt.
Nanuot tuloy sa ilong ko ang amoy niyang nakakabighani. Ang bango ng lolo niyo.