Chapter 32 – Somewhere, somehow.

"Ally, alam mo ba na engaged na pala ang babaeng 'yan? Wala man lang pasabi! Kung hindi pa pinahanap ni Mr. Montenegro, wala siyang balak na imbitahin tayo sa kasal niya!"

"Michael!" saway ni Katie na pinanlakihan ng mga mata ang kaibigan nilang lalaki.

Natawa si Allison. Kahit video call lang silang nag-uusap na tatlo, kitang-kita pa rin ang pamumula ni Katie.

"Totoo ba, Katie?" tanong naman niyang masayang-masaya sa nalaman.

Eh dati, libro lang ang alam gawing boyfriend ni Katie. Who would've thought that just a few years after graduation ay engaged na agad ito?

"Eh, hindi naman kasi sa gano'n," ani Katie. "Iba naman kasi ang sitwasyon. Mapapa-deport ako kung hindi ko pakakasalan ang kaibigan ko rito."

"Hmn, ilegal stay?" aniyang nananantiya.

Nasa Amerika kasi sa kasalukuyan ang kaibigan nila.

"Hindi naman totally—"

"So, kailan ang kasal?" pag-iiba niya ng usapan. Ayaw niyang mapahiya ito o ano. "Kailangang mapanood namin ha? Kahit ganito lang din."

"Oo naman, Ally! Napag-usapan na namin iyan ni Michael. Pupunta siya d'yan sa 'yo para magkasama ninyong i-witness ang wedding ko," bumalik ang ngiti sa mga labi ni Katie.

"You love this friend of yours that you're going to marry, right?"

"Allison!"

"See, Katie? I told you, kitang-kita sa mga mata mo ang totoo!" tukso ni Michael. "Pati si Ally, nahalata agad. Wala pa tayong isang oras na nag-uusap!"

Ally laughed.

"Am I that obvious?" parang na-conscious naman si Katie.

"Kakaiba lang ang glow mo," tugon naman niya.

"Hmn, Ally, sa susunod na linggo na 'yon. Aasahan kong manonood ka, ha?" Katie said.

Bagamat nakangiti ito, bahagyang lumamlam ang mga mata nito. Kanina ay nabigla ito nang makita ang kalagayan niya. But her friend chose not to say anything.

Alam naman na nito ang totoo niyang kondisyon, and Ally appreciated the fact na walang iyakang nangyari.

Nagkumustahan sila na para bang walang problema sa kalagayan niya.

"Oo naman," she answered. Kung hindi man niya abutin sa katawan niyang malapit nang bumigay, sigurado pa rin siyang panonoorin niya ang pakikipag-isang dibdib nito.

She might just be there with her, in spirit.

"Pangako mo iyan, okay?" hirit pa nito.

"'Wag ka na kasing mangulit para hindi magbago ang isip niya!" Michael told Katie.

"Eh sa gusto kong manigurado!"

"Enough, you guys," aniyang natatawa. "I missed talking to you like this, you know."

"Naku! Marami akong oras, Ally. Tatawagan kita lagi. Ewan ko lang diyan kay Michael, masyado ata iyang busy!"

Napakamot sa batok nito si Michael. "Alam n'yo naman, laging wala si Ethan sa opisina kaya marami akong dapat na asikasuhin."

"Okay lang 'yon. I actually thank you for making things easier for Ethan. At saka naa-appreciate niya ang ginagawa mo for him. Ano ba ang gusto mong reward para mabanggit ko sa kanya?" biro niya.

Alam naman niyang halos doblehin na ni Ethan ang sahod ni Michael.

"Alam mo naman kung ano ang pinakagusto ko, Ally," seryosong pahayag ni Michael. "Besides, I'm happy na may naiaambag ako para lagi kayong magkasama ni Ethan."

She smiled. Ang swerte niya sa mga kaibigan niya.

Tumagal pa ng isang oras ang kulitan nila bago siya nakaramdam ng pagod. Katie and Michael noticed it kaya nagpaalam na rin ang mga ito.

As soon as the call was over, pumasok naman sa silid niya si Ethan na nasa labas lang para hayaan siyang magkaroon ng sariling oras para sa mga kaibigan niya.

"Thank you, Ethan," she told him with a heartfelt gratitude.

Ngumiti lang ito bago naupo sa kama niya, pasandal sa headboard, patutulugin na siya nito.

Humiga siya sa kandungan nito. "I love you, Mr. Montenegro," she whispered as she closed her eyes.

"I love you too, Ally. Take a rest now," he answered.

Allison let the darkness swallow her. Kapag nasa mga bisig siya ni Ethan, wala siyang pangamba kung magigising pa siya o hindi na. Siguro, kung may napakagandang paraan na kuhain siya ng Diyos, 'yon ay habang tulog siya sa tabi ng mahal niya.

—-

Nang magising si Allison ay kinabukasan na. Wala na sa tabi niya si Ethan. Siguro ay kinailangan nitong umalis habang tulog siya.

Pero hindi pa siya nakakabangon ay iniluwa na ang binata ng bumukas na pintuan ng kanyang silid.

Fresh na fresh na ito at gwapong-gwapo na kahit nakasimpleng tshirt at jeans lang naman ito.

"Good morning," bati ni Ethan na nilapitan siya at hinalikan sa pisngi. "How's your sleep?"

"Hmn," nasabi lang niya. Walang pasabi kasi nitong kinintalan din nang mabilis na halik ang mga labi niyang halos natutuyot na.

Naasiwa siya bigla dahil kagigising niya lang. Nakakahiya naman sa gwapong binata.

"Ally, it's fine." Ethan chuckled na hinawi ang manipis na buhok niyang nakasabog pa sa mukha niya. Tapos ay buong pagmamahal siya nitong tiningnan.

Na para bang napakaganda niya at perpekto sa mga mata nito.

"Ethan," mahinang anas niya habang mistula siyang hinihigop ng mga mata nito papunta sa mundong sila lamang.

Namalayan na lang niyang bumaba muli ang mga labi nito sa mga labi niya. Dampi lang pero pakiramdam niya naglakbay sa bawat himaymay ng katawan niya ang sensasyong dulot no'n.

"Freshen up, your breakfast is ready," masuyo nitong sabi nang humiwalay sa kanya.

She nodded while preventing herself from being emotional.

She wanted so badly to wake up to many more mornings like that in the future. However, she wasn't even sure if she would still wake up tomorrow when she closes her eyes tonight.

Tinulungan siya ni Ethan na makarating sa banyo. Hesitant itong iwanan siya mag-isa pero itinaboy na niya ito. Kaya pa naman niya.

Sometimes she wondered why she was still alive. Pero sa kabilang banda, bawat umaga ay ipinagpapasalamat talaga niya sa Diyos.

—--

Hindi mapakali si Ethan. It's been thirty minutes pero hindi pa lumalabas si Ally mula sa banyo. Paroo't parito na siya ng lakad kakahintay sa dalaga.

Nang hindi na siya makatiis, kinatok na niya ito. There was no response kaya naman lalo siyang kinabahan. Pinihit na niya ang door knob at lihim na nagpasalamat na sinunod nito ang bilin niya na 'wag magla-lock.

Pagkabukas niya ng pintuan ay nakita niya itong tulalang nakatitig lang sa repleksyon nito sa salamin. May sabon pa nga sa mukha nito.

"Allison!" Worried na kaagad niya itong nilapitan. At hindi nakaligtas sa kanya ang matinding pagkalito na bumakas sa mukha nito nang makita siya.

Sinikap niyang 'wag intindihin ang reaksyon nito kahit parang dinaklot ang puso niya.

Dumadalas na ang pagkalito nito. Bagamat kaagad itong nakakabawi, it was still not a good sign.

Tinulungan na lang niya itong matapos ang paghihilamos nito. Kahit pakiramdam niya ay wasak na wasak na ang puso niya. Sinikap pa rin niyang mailabas doon si Ally at madala ito sa inihanda niyang romantic breakfast sa may rooftop.

Maaga pa naman kaya hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw.

"You prepared this?" may ngiti sa mga labing tanong ni Ally.

Simpleng setup lang naman 'yon na may mga balloons at artificial flowers.

"Uh-huh," tugon niya na maingat itong pinaupo.

Hindi naman ito halos nakakain kahit mga prutas lang at fluids ang naroon.

He felt his eyes burning with tears. Pero sinikap niyang itulak pabalik ang mga iyon kung posible man.

Tumayo siya at inalalayan pabalik sa wheelchair nito si Ally bago itinulak palapit sa railings para matanaw nito ang view sa baba.

"Beautiful view, isn't it?"

"Yeah, I miss going up here…" tugon nito. "Noong malakas-lakas pa ako, narito ako kapag maraming bituin sa langit. Then I always think of you, wondering if somewhere, somehow, you're thinking of me too."

Ethan felt as though his heart was being sliced by a newly sharpened knife. Paano niya sasagutin iyon?

He never spared a thought about her because he hated her. For two years, wala siyang ginawa kundi alisin ito sa sistema niya at burahin sa utak niya lahat ng alaala nito sa buhay niya.

Did he succeed? Yes. He thought so.

Pero isang paalala lang, bumigay na kaagad ang puso niyang sa mahabang panahon ay nagpanggap lang palang nakalimot.

He never succeeded in forgetting Allison. And abandoning her then is still his biggest mistake.

Sa halip na magkomento, umikot siya sa harapan ni Ally at lumuhod sa isang tuhod. Ginagap niya ang malamig at nag-iiba na ang kulay na mga kamay nito.

"Ally, have I ever told you that I loved you since the very first time we had that eye contact in class?" he asked while looking up at her lovingly.

"Hmn." She nodded.

"At nasabi ko na rin ba sa 'yong wala akong ibang nais makasama sa pagtanda ko kundi ikaw lang?"

She nodded again. But tears already started pouring from her eyes.

"Gusto mo ba akong maging masaya?"

"O-oo naman," she said in a low voice while sobbing uncontrollably.

"Kung gano'n," kinuha niya ang isang kahita sa bulsa niya, "Allison Garcia, will you marry me?" he asked, opening the box and revealing a diamond solitaire engagement ring.

Lalong umiyak si Ally. "Why do you want to marry a dying person, Ethan?"

"I don't care about your condition, Ally. I love you, you know that," paniniguro niyang umaasang bibigyan siya nito ng oo.

Allison put a hand over her mouth to stop herself from crying out loud.

"This will make me happy. I want to make you Mrs. Montenegro, Allison. Pumapayag ka ba?"

"I'm dying," she said. "I'm going to leave you again. This time, it's forever…"

"If you are worried about me, I told you, I'm going to be okay. But if I will lose you, please, make it after I have made you my wife," he pleaded, tears already found their way down his cheeks.

"Oh, Ethan…"

"Allison, this is the only thing I'll ever ask from you. Will you please marry me?" he asked again, his heart breaking into a thousand pieces as he watched the flashes of hesitation and pain in Ally's eyes.