Chapter 12 Girls on vacation
Dahil na buwesit ako sa mga bisita kanina, kina kailangan kong pakalmahin ang aking sarili. Kaya pala ganoon na lang ang takot ng mga taong nakapaligid sa kanila. Hindi na rin ako magtataka kong bakit ganoon din kasama ang ugali ng kanilang Anak. Chapter 11 Sabi ko kasi ‘wag si Pia
“So tell me the truth Girls, what is the real reason? Why you are all here?"
“Bakit sumunod kayo rito?" tanong n'ya ulit sa mga kaibigan n'ya.
“Nandito ang bagong misyon natin kaya pinapunta kami ni Boss dito." sagot ni Via sa kan'ya.
"Sino?" tanong ko kay Via.
“Ang pamilya Lazardo." sagot naman ni Fritzie.
“The hell! Ang pamilya ni Franz,?" gulat kong tanong sa kanila.
“Kilala mo ang mga Lazardo?" tanong naman ni Mau.
“Guys, naalala ninyo iyong lalake na nakabangga ko sa Hongkong?" tanong ko sa kanila.
“Anong kinalaman ng lalake na 'yon sa misyon natin?" tanong ulit ni Mau.
“Puta naman oh! Ano question and answer portion ba ito ha Pia?" naiinip na tanong ni Cassy.
“Ang nakabangga ko sa Hongkong na lalake at ang tinutukoy ninyo na pamilya Lazardo ay related sa isa't-isa. Siya lang naman ang panganay na anak nina tita Victoria at tito Mauro." mahabang paliwanag ko sa kanila.
“So iyong lalake na tinutukoy mo ang mas dilikado ang buhay dahil s'ya ang tagapagmana ng isang Mafia Boss." sabat ni Via sa usapan.
“What the hell!? Ibig sabihin si tito Mauro ay isang Mafia Boss! Kaya pala no'ng kaarawan ni tita Vicky ay may nagtangka sa buhay nila, mabuti nalang at matalas ang pakiramdam ko kaya nakita ko kaagad ang tatlong lalake na balak sanang maglagay ng lason sa mga baso ng mga Lazardo," mahaba kong paliwanag sa kanila.
“Pero ang pinaka punterya nila ay iyong lalake dahil s'ya ang tagapagmana sa lahat kaya mas dilikado ang buhay n'ya." saad ni Mau.
“Kaya lumapit ang mag-asawa kay Boss upang humingi ng tulong para maproteksyonan ang mga anak nila." sabi naman ni Via.
"At nabalitaan namin na may mga ibang grupo na ang 'andito na sa probinsya kaya kami napasugod kaagad dito." dagdag pa ni Via.
“Isa pa best, hindi alam no'ng lalake na may nagbabantay sa kanila na mga agents. Ayaw daw nang lalake dahil kaya naman daw n'yang protektahan ang sarili n'ya at pamilya n'ya." sabi ni Fritzie sa amin.
“Damn! So that means hindi lang si Franz ang Mafia, for sure pati na rin ang mga kaibigan nila!"
“Yup! Lahat sila Anak ng mga Mafia at hindi lang basta Mafia dahil mga Boss ang mga ito. Here take a look at this, 'andiyan lahat ng info nila sa envelope na 'yan. Pag-aralan mo para malaman mo rin ang lahat at hindi ko puro tanong sa amin." sabi ni Via sabay pout.
“Why should I? Sabihin niyo na kasi lahat ng alam niyo," maktol na sabi ni Pia
“Hello, pagpahingahin mo muna kaya kami. Nakakapagod sa biyahe ang layo rito," reklamo ni Fritzie.
“Sige matulog muna tayo total inaantok pa rin ako dahil maaga rin akong gumising. Pagkagising natin Saka niyo I discuss sa akin ang lahat."
“Edi parang ganoon din 'yon! Bakit ba kasi napakatamad mong magbasa," maktol ni Cassy.
“Eh inaantok pa nga rin ako. Anong magagawa ko eh puyat rin ako."
“Para-paraan talaga Pia eh," sabi naman ni Mau.
“May reklamo kayo? Hindi ko kaya kayo patulugin dito!"
“May magagawa pa ba kami? Matulog na nga tayo Girls," yaya ni Via.
“Nay, nasaan po ang karton at panlatag niyo? Inaantok pa kasi ang mga kaibigan ko at pati pala ako."
“Wa-wait, what? What did you say Pia?" tanong ni Via.
“What? Girls walang malambot na higaan dito, mayroon pala sa kuwarto ko kaya lang good for me lang kasi ang higaan na 'yon at hindi kayo kasya."
“The f*ck! Pia naman eh, makakatulog ba kami niyan? Para kaming manlilimos kulang na lang nasa Kanto kami nakahiga." reklamo pa rin ni Via.
“Girls, just for now mamaya pagkagising natin we will buy a foam para kahit papa-ano malambot na ang mahihigaan niyo."
“Nay, buti po napag t'yagaan mo itong babae na ito napakasama ng ugali," sabi ni Mau na ikinabusangot ko naman.
“Sige na mga Iha magsitulog na kayo, may kutson naman niloloko lang kayo ni Pia."
Habang nasa loob ako ng kuwarto binasa ko ang mga information nila Franz. Niloloko ko lang naman sila kanina, masipag kaya ako!
Pagkatapos kong basahin ang mga ito napa isip ako dahil hindi lang din pala si Franz ang babantayan namin dahil alangan pabayaan namin sila.
Mga Mafia sila pero hinahasa pa lang sila ngayon dahil sa kanila ipapamana ang pagiging Boss ng mga magulang nila. Ibig sabihin mga bagohan pa lang sila at kulang pa sila sa kaalaman sa pakikipag laban.
P*uta, hindi lang pala iisa ang babantayan namin kun'di Lima. Buhay nga namin, kailan kaya matatahimik ang buhay ko? Mag re-sign na lang kaya ako total kaya ko naman ng ipagtanggol ang sarili ko!
Makatulog na nga lang!
“Ate Pia, gising na po hapunan na," katok ni Mina sa pintuan ko na ikinagising ko 'agad.
“Susunod na Mina. Ang mga Ate mo ba sa baba gising na?"
“Opo, nasa kusina na po silang lahat."
Nagdali-dali akong naligo ay nag bihis. Pagkababa ko sa hagdan narinig ko ang mga tawanan nila.
“Iha halika na at ng makakain na tayo."
“What is our ulam Nay Sali?" tanong ni Via.
“Ginataang Hipon at Alimango mga Anak. Kumakain ba kayo niyan?"
“Opo Nay, maliban kay Mau na allergy po sa seafoods." sagot naman ni Cassy.
“Hindi na bale may adobo pa namang baboy diyan Mau 'yon na lang ang ulamin mo."
“Salamat po Nay."
Masaya kami habang nagku-kuwentuhan ng biglang may kumatok ng malakas sa pinto. Tatayo na sana si Nay Sali ngunit pinigilan ko ka agad ito.
“Ako na po Nay ang magbubukas at mukhang galit kong makakatok."
Pagbukas ko sa pintuan may mag-asawa na humarap sa akin na galit na galit at may mga kasamang bodyguards.
“Hoy Ikaw ba 'yong babaeng nagpahiya sa Anak kong si Beatrice?"
“Yup!"
“Aba't 'yan lang ang sasabihin mong babae ka? Lumuhod ka sa harap namin at humingi ka nang tawad."
“Why should I do that?"
“Wala kang modo na bata ka! Siguro ganiyan din kabastos ang mga magulang mo! Palibhasa mga Patay gutom kaya walang mga pinag-aralan." sigaw ng babae sa akin.
“Really? Ako walang modo? Kaya pala may pinagmanahan ang anak niyo, mga ugaling palengkera. Look at the sorroundings, pinagtitinginan ka ng mga tao. Nasaan doon ang pinag-aralan mo?"
“By the way, don't judge me and my parents as well because you don't know us. Baka nga kaya ko kayong bilhin eh or what if pabagsakin ko na lang ang mga negosyo niyo?"
“Sino ka naman aber sa tingin mo? Hindi mo kaya at malalagpasan ang mga kayaman namin Iha," singit ng asawa nitong lalake.
“What if ipa hold or ipa ban ko kayo sa mga Bangko namin? Nakita ko kasi na doon pala kayo nagsa-save ng pera sa Bangko namin. You know "The Rosales Bank"?
“Huwag kang sinungaling dahil kilala ko ang may-ari ng Bangko na iyon," sabi ulit ng lalake.
“Fine!" sabi ko sabay kuha ng aking cellphone sa bulsa at ini loud speaker para marinig nila.
“Hi Dad! I'm sorry if na istorbo ko po ang tulog niyo ni Mom. Mayroon kasing nambabastos sa akin dito at sinabihan din po nila ako na walang modo siguro raw po nagmana sa magulang."
“Who is that person princess and I'll see to it na pagsisihan nila na pinagsabihan ka ng ganiyan."
“I can handle na Dad. Bye Dad, Mom, I love you," sabi ko sabay baba ng telephono at tumingin sa dalawa na halatang kinakabahan dahil namumutla ang mga itsura nila.
“You know what dalawang gurang, kahit walang tulong ng mga magulang ko kaya ko kayong pabagsakin in my own hands. Try me and I'll make sure na pagsisisihan niyong nakabangga niyo ako."
“Ang yabang mo palibhasa Anak mayaman ka lang," sabi ng Ginang.
“No I'm not mabayang. Sasabihin ko ba ang totoo kong hindi niyo ako ininsulto? What if kong naging poor ako? Kayo ang mga mayabang dahil ginagamit niyo ang yaman niyo para makapang api sa mga mahihirap."
“Hindi na rin ako magtataka kong bakit ganoon din ang ugali ng Anak niyo." Sabi ko sa kanila sabay talikod at sara ng pinto.
“Hindi pa tayo tapos, pinahiya mo kami sa mga ka brgy namin. Humanda ka bukas."
“I'm always ready!" ganting sigaw ko sa kanila dahil nakasara na Ang pinto.
Ako pa talaga ang kinalaban? Pagbibigyan ko kayo sa gusto niyo.
“Umalis na ang iyong panauhin Binibining Pia?" pang-aasar pa lalo sa akin ni Via.
“Mga hayop na 'yon akala nila natatakot ako sa kanila?"
“Anak dapat 'di muna pinatulan kasi hindi ka nila tatantanan. Hayaan mo na lang sila Pia sa susunod na magtagpo ang mga landas ninyo," pakiusap sa akin ni 'Nay Sali.
“I can't promise 'Nay, you know me."
“'Nay, don't worry too much kayang kaya ni Pia 'yan." sabi ni Cassy.
“Mina, ready ka na bang ipasyal kami rito?" tanong ni Fritzie.
“Opo mga Ate kong magaganda. Tara na po habang hindi pa masyadong gabi. Sa tabi muna po tayo ng dagat tumambay para lumamig ang ulo ni Ate Pia."
“Bet namin 'yan! Ikaw 'Nay sama ka?" tanong ni Mau.
“Kayo na lang mga Anak at ako ay magpapahinga na. Basta ilock niyo na lang ang pinto at dalhin ang susi."
“Sige po 'Nay, aalis na po kami," paalam ko sa kaniya.
Pagkarating namin sa tabing dagat nagulat kami dahil nakatambay rin ang limang lalake na parang akala mo wala silang kalaban na naka-abang lang sa kanila.
Katulad ngayon, hindi nila alam na may limang lalake na nakatago sa likod ng malaking Puno. Mabuti na lang pala at naisipan naming tumambay sa tabi ng dagat.
“Paano natin sila mapapatay ng walang ingay girls?" tanong ko sa kanila sa nakakalokong ngiti.
“Fight like a wind," sagot ni Mau sabay kindat sa akin.
“One is to one? Baka mabitin lang tayo nito," reklamo ni Fritzie.
“Ang ganda pa ng puwesto nila, ngiting tagumpay at nakuha pang ngumiti. Ang panget nila kaya!" sabi naman ni Cassy.
“Ready?" sabay senyas ko sa kanila na puwede ng lumaban.
Iisa lang ang pinuntirya namin para hindi na sila makalaban at makakuha ng ingay at 'yon ay targeting sa leeg.
“Ang hihina naman pala nila kaya na pala ni Pia 'yang mga iyan ipinadala pa tayo rito ni Boss," pagmamayabang ni Via.
“Tara nang makipag chikahan sa mga boy's, I'm sure magugulat sila kapag nakita pa ako rito lalo na at may kasama pa ako."
Papunta kami sa kanila at nagpanggap na hindi sila nakilala.
“Pia?" tanong ni Dark"
“Hi Boy's! Akala ko kong sinong nakatambay."
“Akala ko bumalik ka na pa Manila kanina? Pakilala mo naman ako sa mga magaganda mong Kasama," wika naman ni Brent.
“Paalis na sana ako kanina mabuti na lang at naabutan nila ako. By the way Boy's, my friend's Via, Cassy, Fritzie and Mau. Girls meet Franz, Brent, Orson, Anton and Dark."
“Hi Ladies! Nice meeting you all!" sabi ni Dark sabay kindat sa amin. Sa grupo nila si Dark at Brent ang pinaka maloko. Si Anton at Franz ang suplado at si Orson ang tahimik sa kanila.
“Hey mine, hindi mo man lang ba ako babatiin?"
Pero imbes na sumagot sa akin pinatulan ako nito pero hindi sa salita kun'di bigla ako nitong hinablot sa batok sabay halik sa aking mga labi.
Lahat silang nakapaligid sa amin ay biglang naghiyawan. Ang iba ay pumito, at ang iba ay pumalakpak kaya natulak ko si Franz ng malakas at nakagat ko bigla ang kaniyang labi.
“F*ck bakit mo kinagat ang labi ko mine?"
“Tarantado ka, manyak ka talaga! Naka ilan ka na ?" sigaw ko rito.
“Hoy girl care to explain? P*ta sa ibang bansa at sa Manila ang daming may gusto sa'yo kulang na lang magpatirik sila Tito at Tita ng kandila sa simbahan dahil NBSB ka 'yon pala may tinatago kang kalandian?" sita ni Via sa akin.
“Ako Via tigil tigilan mo 'yang lalake lang na iyan ang malandi at bigla na lang nanghahalik ng walang pahintulot."
“Okay na 'yan girl atleast nadiligan na 'yang labi mo," sabi ni Fritzie sabay tawa ng lahat na ikinasimangot ko naman dahil ibinuking lang naman nila ako.
“Girls swimming tayo bukas," yaya ni Brent.
“Game kami diyan basta kayo ang bahala sa foods," sagot ni Mau.
“It's a deal then!" sabi ulit ni Brent.
Kahit papa-ano naging masaya naman ang pagtambay namin sa tabing dagat. Kuwentuhan, tawanan, at biruan lang ang nagaganap.
Walang kaalam alam ang mga lalakeng ito na nasa peligro ang mga buhay nila.
Kawawang mga nilalang. In a second thought, nasa dilikado rin pala ang mga buhay namin dahil kailangan namin silang protektahan.
Halimbawa na lang kanina hindi nila alam na muntikan na silang mamaalam sa mundong ibabaw kong hindi namin sila naabutan.
“Uwi na tayo it's already 10pm na," yaya ko sa kanila.
“Oo nga, napasarap tayo sa kuwentuhan. Hatid na namin kayo," wika ni Orson.
“Okay!" sagot naman ni Mau.
Pero ganito ang nangyari, pumayag kami na ihatid ng mga lalake. Pagpasok namin sa bahay, lumabas ulit kami at tiningnan kong nasa malayo na sila sabay sunod sa mga ito. Just to make sure na safe silang nakauwi sa bahay. Kaya ang kinalabasan naghatiran lang kami.
Kinabukasan maaga kaming gumising dahil mas maganda mag swimming habang hindi pa sikat ang araw, hindi kasi masakit sa balat.
Habang nag aalmusal kami may kumatok sa pintuan.
Binuksan ni 'Nay Sali ang pinto at bigla na lang may mga asungot na nakiki almusal na rin.
“Talagang dumayo pa kayo rito para lang mag almusal?" tanong ko sa kanila na naka
“Baka kasi nakalimutan n'yo na may swimming tayo kaya maaga kaming pumunta rito," sagot ni Dark.
“Hindi po namin nakalimutan sadyang maaga pa po at oras pa nang almusal," sagot naman ni Via.
“Kape lang ako 'Nay," singit naman ni Franz sa usapan.
“Si Pia ang masarap magtimpla ng kape Sir Franz 'di ko alam kong anong ginagawa niya sa kape at napapa sarap niya ng ganoon." sabi ni 'Nay Sali.
“Mine timpla mo ako nang kape please!"
“Opo Sir!" Sagot ko rito na nagdadabog sa pagtayo.
Ang ingay sa loob nang bahay ni 'Nay Sali na akala mo may giyerang nangyayari. Pero si 'Nay Sali at Mina ay tawang tawa sa mga nangyayari dahil first time raw na naging maingay at naging masaya ang bahay nila.
“Lumabas na kayo total tapos naman na kayong makapag almusal ang layo kasi ng kusina niyo." sabi ko sa kanila dahil maghahanda na rin kami ng aming mga dadalhin.
“Doon na kami pupunta malapit sa Mansion Girls para madali na lang sa atin ang pagkain." sabi ni Brent.
“Isa pa may mga Puno na nakaharang kaya hindi tayo maaarawan kahit lumabas na si Haring Araw," sabi naman ni Dark.
“Okay, susunod na lang kami roon." sabi ko kay Dark.