Chapter 2 Twisted
Halos kaladkarin na si Ariana ng kanyang Ama para lang mabilis silang makapunta sa harapan ni General Ryker. Katatapos lamang nito makipag-usap kay Major General Arnold- ito ang papalit kay General Ryker sa posisyon na iyon kapag natapos nito ang mga natitirang araw bilang isang General.
"General!"
Kunot-noong bumaling ito sa kanila. Naningkit ang mata nito tipong pinag-aaralan at kinikilatis kung kilala ba sila nito.
Yumuko si Ariana sa pagkapahiya. Halata namang hindi na matandaan ng General kung sino ang kanyang Ama. Baka nga nagsinungaling lamang sa kanya ang Ama at hindi naman talaga sila pormal na nagkakilala ng General.
"Yes?" Alanganin na tanong ni General. Bakas pa rin sa mukha nito ang pagkalito.
"General, naaalala mo pa ba ako? Ako ito, iyong nagbigay sa'yo ng tubig nang magpunta kayo sa Sallerios Company dahil sa investigation-"
"Ahm, yeah! Right! Naalala ko na." Pagputol ni General sa iba pang sasabihin ng kanyang Ama.
Ngumiti ng malaki si Densyo. Sa isip, isip nito ay ito na talaga ang araw na pinakaaantay niya, ang marangya, ang araw kung saan hihiga na lamang siya sa mga salapi. Pakiramdam niya kasi matutupad na ang pangarap niya na yumaman sa pamamagitan ni Ariana.
Patagong humugot ng hininga si Ariana. Nahihiya talaga siya sa inaasta ng kanyang Ama. Halata kasi sa itsura nito, lalo na sa pagningning ng mga mata nito na pera lamang ang habol nito.
"Magpapasalamat lang ulit ako. Dahil sa 'yo may trabaho pa rin ako hanggang ngayon."
Tumango si General at bahagyang ngumiti.
"No need to thank me. That's my job."
Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ng kanyang Ama kasabay no'n ang pagsinghap niya sa paghigit nito sa kanya papunta sa harapan ng General. Malakas na malakas ang ginagawang pagtibok ng kanyang puso. Nababalisa siya.
"Ah, siya nga pala, General. Anak ko nga pala, si Ariana. Hindi ba't napakaganda ng anak ko, General?"
Namula ang mukha ni Ariana. Hindi lang dahil sa kahihiyan kundi dahil na din sa lalaki mismo. Tunay ngang napakagwapo nito lalo na sa malapitan. Matikas na pangangatawan. Matangkad. Nakakaakit. Sobra!
Lalo pa siyang namula ng lumipat ang paningin nito sa kanya. Bayolente siyang lumunok. Pakiramdam niya nanunuyo ang kanyang lalamunan. Sa pagtitig sa mukha ni General Ryker, para siyang nahipnustismo sa maganda nitong mata.
"M-magandang gabi, G-general..."
Tumango ito sa kanya at muling ibinalik ang paningin sa kanyang Ama.
"I'm glad na nandito kayo. Have fun in the party. Pupuntahan ko lang ang asawa ko." Mariin at may bahid ng galit sa pagsasalita nito.
Naiwan silang nakatanga sa lalaki. Ewan niya ba kung siya lang ba o gano'n talaga kaseryuso ang mukha nito. Para kasing bigla itong nagalit sa hindi niya malaman na dahilan. Bumuntong hininga na lang siya.
"Sundan mo!"
Nagitla siya. Natigilan sa madiing bulalas ng kanyang Ama. "P-po?"
"Tanga ka talaga! Sundan mo na si General! Pumunta siya sa madilim na parte ng hotel! Sundan mo at akitin!"
Halos malaglag ang kanyang panga sa sinabi ng Ama. Gulat sa sinabi nito. Akmang tatanggi siya nang bigla na lamang siyang itinulak nito at panlakihan ng mata.
Muli siyang bumuntong-hininga. Ginawa niya ang sinabi ng Ama. Pumunta siya sa madilim na parte ng hotel pero hindi para sundan si General kundi para makalanghap ng sariwang hangin. Masyado na siyang nasasakal sa Ama.
Nagpapasalamat na lamang talaga siya na kahit maganda siya, wala pa ring sumubok na bilhin siya sa Ama. Dahil panigurado, nakatitiyak talaga siya na ipagkakanulo siya ng sariling Ama.
Dumaan si Ariana sa hindi na matao na parte ng hotel. Mas gusto niya iyon. Kanina pa rin kasi siya naiilang sa matatalim na titig ng mga kababaihan sa kanya at ang mga lalakihan naman ay halos hubaran na siya sa mga titig nila. Halos maglaway na nga ang mga ito. Kabastos-bastos naman kasi ang kanyang suot.
Natilihan siya sa biglaang pagsulpot ng isang waiter sa kanyang harapan. Malakas ang tahip niya sa kanyang dibdib. Halos manlaki ang mata niya sa gulat. Akala niya ay mababangga niya ito. Kapag nangyari iyon, ang hawak-hawak nitong mga wine sa glass ay mabubuhos sa kanya. Gagawa iyon ng malaking eskandalo. Ayaw niyang masira ang masayang gabi ng mga tao dito. Magmumukha siyang kaawa-awa and worst, baka masabunutan at pahiyaan pa siya lalo ng kanyang Ama.
"P-pasensya na po," Paghingi niya ng pasensya kahit pa ang waiter naman talaga ang may kasalanan sa bigla nitong pagsulpot sa kanyang harapan. Bahagya siyang yumuko.
Hindi nagsalita ang waiter sa halip ay inabutan siya ng isang mababasagin na kopeta na may laman na wine. Tatanggi sana siya at ibabalik sa waiter nang umiling ito at tumango bago mabilis na umalis. Hindi niya ito naintindihan nang tumango ito. Nagbaba ang kanyang paningin sa red wine bago bumaling ulit ang paningin sa papalayong bulto ng waiter.
Ipinagkibit-balikat niya na lamang iyon at nagpatuloy sa paglabas ng hotel hall.
Masyadong tago ang lugar kung nasaan siya. Tahimik ang kapaligiran. Umupo si Ariana sa bato na pwedeng upuan sa gilid. Bahagya pa siyang ngumuso nang mag-angat ang suot at halos makita na ang kanyang panty.
Tsk. Nakakainis. Umuwi na lang kaya ako? Pero panigurado masasabunutan ako ni Papa kapag ginawa ko 'yon.
Wala sa sariling tinungga niya ang lahat ng wine sa baso. Napapikit siya ng kumalat sa kanyang lalamunan ang kakaibang init. Napahinga siya ng malalim. Akmang tatayo si Ariana para sana hanapin na ang kanyang Ama nang umikot ang buong paningin niya. Kumurap-kurap siya. Bumuka ang bibig. Napahagod siya sa kanyang lalamunan. Pakiramdam niya nanunuyo ito. Hindi sapat ang ininom para maging basa ang lalamunan.
Ang init.... bakit uminit bigla ang pakiramdam ko? Malamig naman kanina, ah? Malamig naman ang bawat hampas ng hangin sa kanya pero tila init na init siya.
Napatayo siya. Hindi na mapakali ang katawan ni Ariana. B-bakit ata sobrang init?
Lumunok siya ng marahas at madaling umalis. Gusto na niyang umuwi. Napangiwi siya ng muling umikot ang kanyang paningin. Sa pagmamadali, hindi niya nakita na may tao pala siyang makakasalubong at makakabanggaan.
Malakas siyang suminghap. Malakas ang tibok ng kanyang puso. Akala niya matutumba siya pero mabilis na hinapit ng taong iyon ang kanyang bewang. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Ariana nang makulong siya sa mainit na bisig ng lalaki. Sa laki ng katawan nito, sakop na sakop ang balingkinitan niyang katawan. Kay sarap sa kanyang pakiramdam na makulong sa bisig ng lalaki.
Awang ang labi niyang tumunghay sa taong iyon pero malabo ang mukha ng kanyang nakikita.
"Ok ka lang ba, Miss?"
Ang baritong boses nito ang lalong nagpasiklab sa init na nararamdaman ng katawan ni Ariana. Pakiramdam niya sa oras na hindi niya mapaibsan ang init sa katawan, tuluyan na siyang malulunod.
Napatitig si Ariana sa labi nito at dahan-dahan na bumaba sa adams apple ng lalaki na gumagalaw. Wala sa sariling lumunok din siya.
"I-i want you..." Muli niyang naibalik ang paningin sa kulay gabi nitong mata.
Gustong sabunutan ni Ariana ang sarili sa bagay na kanyang naisambit. Nasa wisyo pa ang isipan niya pero bakit parang ang katawan naman niya ay wala sa sarili. Hindi rin mapigilan na sambitin iyon. Parang kusa na lamang bumuka ang kanyang bibig at lumabas ang mga salitang iyon. Halos mabingi siya sa paligid.
Ngumisi ang lalaki at mas lalong humigpit ang hawak nito sa kanyang bewang bago hapitin pa siya lalo sa mga bisig nito.
"Wuhoo! Miss masyado ka atang agresibo! But well...." mula sa mga mata ni Ariana, nagbaba ang paningin ng lalaki sa kanyang ilong papunta sa labi niya. Kumibot ang labi ni Ariana.
Umangat ang dulo ng labi ng lalaki. Ilang saglit na nagtagal ang paningin ng lalaki sa labi ni Ariana bago muling bumaba hanggang sa leeg at muling nanatili sa kanyang dibdib na nakalapat sa dibdib nito. 'Shit! Temptation." Anang sa isip ng lalaki. Nagtaas na ito ng tingin at nagkatitigan sila ni Ariana.
Lumunok ng marahas si Arian. Nawawala na siya sa wisyo at isa lang ang tanging nasa isipan niya. Iyon ay ang mahalikan at matikman ang mamasa-masang labi ng lalaki.
Ang init talaga...
"P-pahalik naman..." parang tanga na sabi ni Ariana pero may kalakip na pagmamakaawa sa lalaki.
Nanlaki ang mata nito. "Wha-" pero bago pa nito matapos ang pag-angal. Tumingkayad na si Ariana at sinalubong ng madiin na halik ang malamig na labi ng lalaki.