Chapter 2 Think over
Napatingin ako sa malaking bahay na nasa harap ko. Kung saan dito kami nanirahan ng magkasama at bumuo ng mga memories.
I bit my lower lips and looked at Hercules. Nakatingin din 'to sa'kin ng maharan. Pilit na ngumiti nalang ako at inalalayan siya.
Kanina lang siya sa na discharge sa hospital at dito kaagad kami sa mansion niya nagtungo. Hindi nakasama sa'min si Ylona at Morgan dahil may business trip 'to sa California.
"Don't touch me." Napatingin naman ako kay Hercules ng magsalita 'to, tinignan ko kung sino 'yon, Si Lorraine. She tried to touch his arms.
"I'm just trying to help you, hon," malungkot na sabi nito.
"My wife is here. She can help me, I don't need your help. And don't call me, hon. Nandito ang asawa ko," he coldly said.
Napabuntong hininga nalang ako bago ko siya tapikin at alalayan paakyat papunta sa main door kung nasaan naghihintay ang mga maid at ang mayordoma. Hindi nila alam na kasama ako ni Hercules kaya alam kong magtataka sila.
Akala ko four years ago ayun na ang huli kong tapak dito sa kinamumuhian kong lugar, hindi pala.
"Welcome back, Senyorito." Nakayuko ang mga ito kaya hindi pa nila ako nakita.
"B-Baby, let's go to my room," he said at me.
"Manang Susan," tawag ko sa mayordoma. Nag-angat ito ng tingin sa'kin, umawang ang labi nito habang nakatingin kapagkuwan ay ngumiti rin.
"Hija?" Nagtatakang sabi niya
Sinenyasan ko nalang siya na mamaya ko nalang sasabihin ang lahat mamaya. Inanalayan ko si Hercules magtungo sa hagdan papunta sa kuwarto niya.
Nakasunod naman sa'min si Manang. Alam kong wala siyang alam sa nangyayari at sana sinabi nalang ng mga magulang ni Hercules sa kaniya.
"Magpahinga ka, Hercules. Bawal ka munang mag trabaho," saad ko sa kaniya. Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa'kin.
Inalalayan ko siyang mahiga at kinumutan ko siya. "B-Baby, c-can you sleep beside me?" Mahina ngunit nahihirapang sabi niya sa'kin. Napatigil tuloy ako sa pag-ayos ng gamit niya dahil sa sinabi niya.
"Hindi puwede, Hercules. Marami akong gagawin," aniya ko sa kaniya. Napatingin ako sa pinto ng bumukas 'yon, pumasok si Manang Susan.
"Manang, pakihanda po ng guestroom, doon po ako matutulog mamaya," ani ko sa mayordoma. Tumango naman 'to at muling umalis na.
"H-Hindi ka tatabi sa'kin? G-Galit ka pa rin ba dahil nakalimutan ko ang anniversary natin?" Mahinang sabi niya sapat na para marinig ko.
"Hindi ako galit sa'yo. Tawagin mo nalang ako kung may kailangan ka, nasa kabilang kuwarto lang ako," malamig na sabi ko sa kaniya.
Hinila niya ang braso ko ng akma akong aalis na kaya napahiga ako sa dibdib niya, tumama ang tungki ng ilong ko sa leeg niya kaya naamoy ko siya. Katulad pa rin dati ang pabango niya, ang pabango gusto ko kaya 'yon ang pinabango niya until now.
My eyes widened as I realized our faces were close together. Dali dali akong umalis sa pagkahiga sa dibdib niya, tahimik lang siya habang may munting ngisi sa labi.
"A-Aalis na ako," sabi ko sa kaniya.
"I'm your husband, Talitha. Bakit hindi mo ako hinahayaan kang tabihan ka?" Malungkot ang boses nito habang sinasabi niya iyon.
Napakuyom naman ako dahil sa sinabi niya. Kelangan kong habaan ang pasensiya ko dahil wala siyang naalala kahit isa tungkol sa nangyari sa'min.
"May mga bagay na hindi na puwedeng pagpilitan. At saka hindi na kita asawa," binulong ko nalang ang huli kong sinabi at mabilis naglakad papunta sa pinto.
Pagbukas ko ay naro'n si Manang na nakatayo. Nakita ko sa kaniya ang awa at pagka miss habang nakatingin sa'kin. Mapait na ngumiti nalang ako bago siya nilagpasan.
Sa guestroom ako nagmukmok ng ilang oras habang kausap ko si Caitlin."Sigurado kana ba sa desisyon mong 'yan?" She asked
Kahit ako hindi ko alam ang desisyon ko basta pumayag nalang ako bigla dahil na rin siguro sa poot na nasa loob ko ng ilang taon at gusto kong maramdaman niya kung gaano ka sakit.
"Yes, Caitlin," I answered.
"Dahil ba 'to sa lupa ng resort o iba?" Napabuntong hininga nalang ako. Isa pa ang resort, hindi ko alam kung ano ang naisipan ni Ylona at etong resort ko pa ang ipinanakot niya sa'kin.
"Hindi 'to tungkol diyan. Alam mo kung bakit gusto ko 'tong gawin. Alam mo kung anong sakit na binigay niya, nila sa'kin," mahina ngunit may diin na sabi ko sa kaniya. "Nandoon ka ng mga oras na umiiyak ako."
Narinig niya ang pagbuntong hininga sa kabilang linya. "Alam ko. Pero sana maghinay hinay ka dahil baka sa huli ikaw na naman ang masaktan sa huli. Ayoko ng umiyak ka dahil sa kanila."
"I kno—" Natigil siya sa pagsasalita ng makarinig ng kalabog. Kaagad niyang naibaba ang phone at mabilis na bumangon sa pagkakahiga.
Mabilis siyang lumabas sa kuwarto niya at naglakad patungo sa kuwarto ni Hercules."Hercules, anong nangyari diyan?" Tanong niya at kumatok pa. Naka-lock kasi ang pinto nito.
Wala siyang narinig na may sumagot kaya tinawag niya si Manang Susan para kunin ang susi sa kaniya. Wala pang ilang minuto ay bumalik ang mayordoma at binigay sa kaniya ang susi. Dali niyang binuksan ang pinto.
Hinanap kaagad niya si Hercules, nakita niya itong nakasandal sa pinto ng banyo habang nakapikit ito habang kagat ang ibang labi niya. Mabilis niyang nilapitan ito at hinawakan ang pisngi niya.
"Hercules, are you okay? What happened?" Sunod sunod na tanong ko sa kaniya.
"I slipped while going to the bathroom," mahinang sabi niya. Napatingin naman ako sa suot katawan niya, napaiwas naman ako ng tingin nakahubad baro ito at tanging shorts lang ang suot niya.
"Manang, patawag naman po ng tutulong sa'kin," sabi ko sa mayordoma habang nakatingin sa'min. Tumango naman 'to.
"Nasaan ang masakit?" Tanong ko sa kaniya
"Dito..." Tinignan ko naman ang tinuro. Napapikit naman ako dahil sa tinuro niya. Hilahin ko kaya 'yang nguso niya.
"Hercules! Hindi nakakatuwa, ah," inis na sabi ko at bahagyang tinampal ang balikat niya."Iyong tuhod ko masakit," he said. Tumingin naman ako sa tinuro niya, mabilis kong nilapitan ang tuhod niya. Bahagyang pinisil ko iyon kaya narinig ko ang pagdaing niya.
"S-Sorry." Napatingin naman ako sa pinto ng pumasok ang dalawang guard. "Pakilagay siya sa kama." Tumango naman ang dalawa at inalalayan si Hercules. Nang malagay nila iyon ay nagpaalam na silang dalawa habang ako naman ay tumawa ng doctor.
"Sana tinawag mo ako para maalalayan kita," inis na sabi ko sa kaniya.
"Mukha ka kasing busy," matabang na sabi nito sa'kin.
"Kahit na. Sana tinawag mo pa rin ako. Ayan tuloy nadulas ka," I said to him.
"Matabihan mo nga ako sa kama ay ayaw mo akong tabihan. Bakit pa kita tatawagin?" Napataas naman ang kilay ko dahil sa inaasta niya.
Kahit apat na taon simula ng bumukod kaming dalawa ay gano'n pa rin siya, hindi nagbabago. Parang bata kapag nagtatampo.