Chapter 74: Hostage.

Patuloy kaming lumulutang habang kami'y mabilis na tumutungo sa direksyon nila Cassy. Bawat lumilipad na halimaw ang sumasalubong sa amin ay napapatay dahil nagkakaroon ng matutulis na PhySpear sa ang PhyBarrier at ito'y tumutusok sa kanila sa bawat paglapit na kanilang ginagawa.

"Nakikita ko na sila."

Cassy, Helena at Kaiser are currently battling the soldiers of Froat in front row. Walang kahirap-hirap nilang natatalo ang mga ito. Si Cassy at Kaiser ang mano-manong nakikipaglaban habang sumusuporta sa kanila si Helena gamit ang portal nito.

"Dalian mo na Trixia, nasusuka na ako. Your driving is the worst." Tugon ni Blake na parang anong oras ay susuka na.

"Deal with it, ang kapal ng mukha long landiin ako tapos sa mga bagay na 'to hindi mo kaya?" Banat ko pa sa kanya at hindi na siya sumagot.

Maingat akong lumapag sa lupa upang hindi ako makarinig ng kahit anong reklamo mula sa kanya. Daig niya pa ang isang matandang babaeng sumasakay sa tren sa ingay at reklamo.

Nakita konf may isang mabilis na pana ang bumubulosok sa likuran ni Cassy na hindi niya nakikita. Agad kong ginamit ang aking kapangyarihan upang ito't tumigil at ibinalik ko ito sa taong tumira nito. Malakas itong sumigaw ng tumama ang pana sa kanyang kaliiwang balikat.

"Thanks."

"No prob."

"Salamat at nakalabas na din ako." Bulalas ni Blake sa tuwa.

"You should take safety measures in travelling using your PhyBarrier, Trixia." Paalala pa ni Cassy sa akin.

"Opo Ma."

"Handa na ba ang lahat? Cause my handsomeness is ready to kick some butts!"

"It's ready since we're close enough for my portals to reach the castle." Anunsiyo pa ni Helena upang mapatango kami.

"Have you picked a spot we're they can't find us Babe." Napangiti ang ng mapait matapos marinig ang endearment nila sa isa't-isa.

Kulang nalang sumigaw akong walang forever sa harapan nila. Well, this is the life of being a bitter person, hindi masaya sa taong masaya.

"Yes Babe, mag-ingat ka do'n ha." Paalam pa nito at yumakap sa kay Kaiser.

"I will, mag-ingat ka din dito Babe."

"Yes, Bibi ko!"

"Stop that, your making this war more worst." Saway pa ni Cassy sa dalawa upang lihim akong mapatawa. Mukhang hindi ako nag-iisa dito. "You can do that later, open the portal."

Gumawa muna ng malaking harang si Cassy sa bawat bahagi naming apat upang hindi makita ng mga taga-Fraot ang aming gagawin. Habang si Helena ay nasa labas dahil hindi niya magagamit ng maayos ang kapangyarihan niya kapag hindi niya nakikita ang lugar.

"There you go." Helena said from the outside as a portal appeared right in front of us. "Goodluck to all of you, go save your friends Princess Trixia and Rim."

"We will." I replied hoping it would come true.

Nauna na silang pumasok sa loob ng portal at gaya ng dati, ako lagi ang nahuhuli. Just like old times, it felt like I was drifting in the abyss of darkness until I saw a hint of light.

Sa pag-apak ng aking mga paa sa palasyo ng Fraot ay unang bumungad sa akin ang nakakatakot na presensiya nito. Nasa madilim na hallway kami at nakikita namin dito ang mga kawal na nakabantay sa trangkahalan ng palasyo.

"Stay close to each other, don't make unnecessary noise." Pabulong na tugon sa amin ni Cassy upang mapatango kaming lahat.

Matiyaga kaming naghintay na may isang kawal na pumunta dito upang aming makuha ang kanyang kasuotan. Dahil sa pagka-inip sumipol ng dalawang beses si Blake upang may dalawang kawal ang tumungo sa aming dereksyon.

Sa kanilang pagdating walang kahirap-hirap na napatumba sila ni Kaiser at Blake na hindi gumagawa ng ingay. Agad akong tumingin sa kabilang banda upang hindi nila sabihin na nambubuso ako sa kanila habang sila'y nagbibihis.

"No need to be shy Trixia, you can watch my sexy body all you want." Napa-irap ako sa hangin dahil sa sinabi ni Blake sa akin.

"You can look now Princess Trixia, tapos na kaming nagbihis."

"At last!" Pabulong na bulalas ko sabay lingon sa kanila.

Sa aking pagharap kumidat pa sa akin si Blake suot ang kasuotang pankawal ng Fraot na bumabagay sa kanya upang ako'y nagkunwaring nasusuka.

Wala talagang hiya ang lalaking 'to!

"We will immediately come back Princess Cassy and Trixia after we scan the place, find Frost and Maica." Paalam sa amin ni Kaiser.

"Okay, don't get yourself caught. Make sure no one notices that you two are here."

"We won't, gwapo ata 'tong kasama niyo." Blake confidently said as he smirked at me.

"Yeah right." I sarcastically said.

"Huwag kayong masyadong magtagal." Bilin ni Cassy bago umalis ang dalawa habang naiwan kami na naghihintay sa isang madalim na sulok ng hallway ng Fraot.

Ilang minuto kaming bagot na naghintay sa madilim na sulok ng hallway ng magising ang among diwa dahil sa isang matinis na sigaw.

"Intruders!" Sigaw ng isang kawal upang maalerto ang iba at lumapit sa amin.

Gumawa ako ng PhyBarrier at pinapasok sa loob si Cassy, sinubukan kong tumakas ngunit naharang ako ng mga kawal. Sinubukan kong dumaan gamit ang dahas pero nagulat ako at biglang naging bato ang PhyBarrier ko dahil hinawakan ito ng isang meyembro ng LunaLight.

"Your magic is quite handful."

Matapos maging bato ang aking PhyBarrier ay sa isang iglap ay nasira at naging abo. Bago pa man kami makagawa ng isang hakbang may isang atakeng nag-aabang sa amin. Isa itong Phychic attack, mabuti nalang naka-ilag kaming dalawa ni Cassy sa pamamagitan ng pagtalon.

"She's really something." Tugon ng lalaking puti ang maskara habang kasama nito ang lalaking pula ang maskara.

How great, our plan was ruined. Hindi lang 'yon may dalawang meyembro ng LunaLight, they're a force to be reckoned with.

"This should be trouble." I muttered.

"Let's just stay alert Trixia, let's not fight them fully. Ang kailangan nating pagtuonan ng pansin kung papaano natin matatakas dito sila Frost." Suhesyon ni Cassy upang mapatango.

"I've been itching to fight these two, ni hindi ko pa sila nakakalaban. They'd be more beautiful if they turn into stone. A perfect sculpture for my collection." Sabik na sambit ng lalaking pula ang maskara.

"Let's not go easy on them Matheous, they maybe girls but they're strong."

"I won't let my guard down Ezekiel!" He replied and charged right at us.

"Phychic Magic: Incandescent Hammer!" Bumuo ako ng isang malaking kulay rosas na martilyo gamit ang kapangyarihan ko.

Hindi ko mapigilang mamangha sa galing nito sa pag-iwas kahit may dala-dala itong sandata. Kahit anong gawin kong pagpuntirya ay hindi ko siya matamaan. Hang siya'y malapit na ay ipinalutang ko ang aking sarili sa ere upang hindi niya ako maabot.

"Diamond Magic: ArchAngel." Tugon ni Cassy sa akin likuran upang mapalingon ako.

A pair of wings appeared in her back as a sheild and spear conjured both in her arms. Lumipad si Cassy at sinugod ang mga ordinaryong kawal habang patungo sa lalaking puti ang maskara. Nagagawa niyang gawi ang dalawang bagay ng sabay ng hindi nahihirapan.

"Stone Magic: Petrify." Naging bato ang PhyHammer na ginawa ko dahil sa katangaan ko.

Naging abala ako sa iba pero hindi ko inaalala kung ano ang magiging sanhi nito.

"Come down here, or I'll make you!" Sambit nito at tumalon ng mataas hawak ang batong martilyo.

Walang kahirap-hirap niya itong nadala at inihampas sa akin, mabuti nalang at nakagawa ako ng isang PhyBarrier. Ngunit agad itong naging bato at maya-maya't naging abo.

"H-how?" Takang tanong ko.

"I can channel my power to the things I touch and also I can make the things I've turned into stone much lighter or much heavier. That easy, so don't make things complicated and surrender."

"As if naman Kuya! Kung may gusto ka paghirapan mo! Come and defeat me if you can!" Bara ko sa kanya at aatake na sana pero napatigil ako dahil sa kakaibang presensiyang aking naramdaman.

Nakita kong napatigil ang lalaki pati na din sina Cassy sa pakikipaglaban. May isang pigura ng matandang lakaki ang nasa aking harapan.

"Lord Byro." Sabay na tugon ng dalawa at yumuko.

Is he the one who killed my Father? Pero bakit imbes na galit ang maramdaman ko ay takot ang nararamdaman ko ngayon. Ano itong nararamdaman ko? Bakit ako nanginginig sa takot at kaba? Dahil na nariyan sa harap ko ang isang napakalakas na kalaban?

"W-what do you want?" Utal na tanong ni Cassy na kahit siya ay kinakabahan sa presensiya nito.

"Let me get this straight, give me the gem or your friends will die." He said in a serious stone as Maica and Frost appeared right in front of his hands, unconscious, floating in a deep black abyss of darkness.

Napakagat ako sa aking labi ng makita ang kalagayan nila Maica at Frost. Iyan ba ang kapangyarihan niya? Papaano namin 'yan magagawang matalo, kung ang kanyang mga alipores ay nahihirapan na kaming talonin.

Nalilito na ako! What should I do? Ayokong mamatay ang dalawang kaibigan ko dahil sa akin. Why do I have to live a life full of choices and consequences?