Chapter 73: Plan.

Huminto kami nina Helena sa isang malaking tent na may insignia ng kaharian ng Cricraf. Sa aming pagpasok bumungad sa amin ang magagarbong kasuotan pandigma. Kahit isang tent lang ito mapapansin mo ang karangyaan nito sa mga kagamitan pa lamang.

"Finally, you're all here." Bungad sa amin ni Cassy kasama si Blake at Kaiser.

Ngumiti ako kay Blake upang malaman niyang ayaw ko siyang makitang nasasaktan. Umiwas na lamang ito ng tingin sa akin upang ikakunot ng noo ko.

Bakit ang pabebe ng lalaking 'to?

"Bakit mo kami pinapunta dito Princess Cassy?"

"Well, since we're all going to a war. We should wear the proper attire, alam ko kasing wala kayo ni isang kasuotang pandigma." Nakangiting sagot nito sa amin.

"I'm so excoited!"

"Don't expect too much KC, remember your a boy. Hindi ka pwedeng magsuot ng pambabaeng kasuotang pandigma." Bara ko pa dito upang mawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Noooo!"

Makalipas ang ilang minutong pagpili ng aming susuotin,  nagpulong kami ng kaunti kung sino ang mangunguna at magdadala sa bawat grupo. May iba't-ibang mga hukbo kaming hahawakan at kami mismo ang mamahala nito.

Lumabas kami sa tent suot ang aming kasuotang pandigma. Gaya ng kasuotan ni Cassy, mayroon akong kulay rosas na kapa sa aking likuran na mas lalo nagpaganda nito. Sayang nga lang at flat ako, nag-effort pang maglagay ng espasyo para sa aking harapan ang gumawa ng armor na 'to.

Nagpaalam kami sa bawat isa bago pumunta sa aming mga grupong pamamahalaan. I was assigned in a group of men in the kingdom of Legion. Magaan ang loob ko sa kanila habang nakatayo ako sa kanilang harapan at nagbibigay ng mga paalala. Mukhang wala akong magiging problema sa kanila, hindi lang sila madaling makaunawa mukha pa silang malalakas.

Ano pa ba ang aasahan ko sa mga Palasyong Kawal? For sure they're pretty strong, they're all trained for this.

Makalipas ang ilang minuto nagsimula na kami sa aming plano, nanguna ang grupo nila Blake, Kaiser at Cassy na tanging mga kawal lang ang naroon. Habang kaming nasa likuran dala ang malalakas na kagamitang pandigma. All of them use magic to work, also they're pretty destructive.

"Raavvaaannn!"

"Suuggoodd mga kaaiiggaann!"

Napa-facepalm ako sa kalokohan pinaggagawa ng dalawa. Paano nalang kaya nila pamamahalaan ang mga grupong hawak nila?

This sure is a bad idea.

"Magtino nga kayong dalawa! Para sa kaalaman niyo, we're in the middle of a war!" I shouted at them.

"Sorry Trix, na-carried away kasi ako sa eksena."

"Ang cooler! Parang nasa mga movies tayo na minsan na nating pinanunuod! Longlive Wakanda!"

"Gagi, hindi Longlive Wakanda 'yon."

Napa-iling akong sumunod sa kila Cassy kasama ang hukbo ko. Naiwan ang dalawa sa likuran ko na abala sa daldalan.

"Halt!"

Napatigil kaming lahat sa may awtoridad na boses ni Cassy na siyang nasa pinaka-unahan. Nakatingin ito sa palasyo ng Fraot kung saan may lumalabas na lumilipad na halimaw.

They're the creatures that we first encountered here in Mahonotopia.

"What are those?"

"Be careful all of you, malalakas ang mga halimaw na 'yan."

"Yes, Princess Cassy."

Madali itong nakaabot sa aming mga hukbo, hindi ko na sila mabilang sa rami ng bilang nila. Agad na gumawa ng paraan ang mga kawal upang mapuksa ang mga ito. Ang iba ay ginamit ang kani-kanilang lakas ang iba ay ginamit ang kanilang taglay na mahika.

Karamihan ng mga halimaw ay namamatay at nahuhulog sa lupa, hindi din maiiwasang may masugatan at mamatay na kawal na aming kasama. Binawa ko ang aking lakas at ginawa ang lahat upang makatulong at mapuksa ang mga lumilipad na halimaw.

"Wind Magic: Aerial Obliviration."

"Life Magic: ReBorn."

Napangiti naman ako habang nakikitang hindi natatakot lumaban ang dalawa. Hindi ko na halos makilala ang dalawa dahil sa kanilang pagkaseryoso.

"More enemies approaching!"

Napanganga ako dahil isang halos isang batallion ng mga kawal ng Fraot kasama ang mga halimaw na parang si Frankenstein ang kasalukuyang naglalakad patungo dito.

"Activate the Magical Canons!" I shouted as the the soldiers followed my instructions.

"Using also the Inferno Towers!" Suhesyon pa ni Hannah upang makita ko ang pagtataka sa mukha ng mga kawal. "Ang Inferno Tower i-activate niyo din!"

Unti-unting nanalo kami sa laban, maraming mga kawal at halimaw ang namamatay sa mga laban dahil sa paggamit namin ng mga kagamitang pandigma. Naalerto ako ng may sumugod sa aking halimaw, agad akong gumawa ng Physword gamit ang aking kapangyarihan.

Dahil na din sa matagal na akong nagsanay sa mga ganitong sitwasyon madali kong natalo ang aking kalaban.

"What a flashy sword." Sabi ng isang pamilyar na boses bago may natumbang kawal ng Fraot sa aking likuran.

It's Blake with his flaming sword, nakangiti na itong tumingin sa akin. He must be referring to my pink sword, maganda kaya.

"I know right, thanks for saving me."

"No prob."

"Galit ka pa ba sa akin?"

"Hindi naman ako galit sa 'yo, nag-iinis kasi ako na pinagbibintangan mo si Rim. I know he can't do such thing."

"Libre mo kapag tama ako!"

"Sige ba!"

Nakangiti akong nakipaglaban kasama si Blake habang siya'y nakabantay sa akin at gano'on ako sa kanya.

"Dark Flaming FireBalls in mid air!"

Naparaming mga malalaking itim na bolang apoy ang bumulusok patungo sa amin, natatamaan nito pati ang mga lumilipad na halimaw. Bago pa man ito makarating sa amin gumawa ako ng PhyShield sa aming paligid ngunit hindi nito nakayang protektahan ang lahat.

"The dark fireballs are melting the shield!" Sigaw ng isang kawal.

Ginamit ko ang aking buong lakas upang hindi matunaw at masira ang ginawa kong shield. Pero kahit anong pilit kong hindi ito matunaw ay nagawa nitong matunaw ang shield at tumama sa aking mga kasamahan.

Marami akong narinig na malalakas na sigaw, I saw many soldiers burning to death! Maraming sinusubukang tulongan ang mga kasamahan nila pero pati sila ay nahahawaan.

Napatakip ako sa aking bibig habang pinipigilan ang aking sariling umiiyak. I thought I was strong enough, but why can't I protect them? Bakit ang hina-hina ko, kailan ba ako makakagawa ng tama?

"Don't blame yourself Trixia, this is part of a war. We can't obtain peace without sacrifices, namatay silang bayani." Tugon ni Blake habang hinihimas ang aking likuran.

Napayakap nalang ako kay Blake sa gitna ng labanan, hindi ko alam ba't bigla nalang akong nawala ang sakit na aking nararamdaman dahil sa kanyang yakap.

"Hoi! Later niyo na 'yan gawin! May warlalong ganap ngayon, mamaya na kayo magharotan!"

"Sana all."

Agad akong napabitiw sa yakap ni Blake at agad na pumatay ng isang lumilipad na halimaw dahil sa hiya na aking nararamdaman. Kahit hindi ako tumingin sa salamin alam ko kasing pula na ng kamatis ang mukha ko ngayon.

Gosh, bakit ko 'yon ginawa?

"Chill, alam kung gwapo ako. Hindi mahirap mahulog ang mga babaeng tulad mo sa gaya ko." He confidently said as he wink at me while fighting.

"Gago ka ba?"

"Oo, gago akong nagmamahal sa 'yo."

"Tumigil ka nga baka ikaw pa ang matapay ko imbes itong mga kalaban natin." Inis na baling ko sa kanya at sinaksak sa tiyan ang aking kinakalaban.

"Can I court you after the war Princess Amira?" Tanong niya sa akin habang nakikipaglaban upang ako'y matigilan.

"H-hindi nakakatawa ang b-biro mo!"

"Do I look like I'm joking?" Asar pa nito sa akin.

"Don't you dare do that!"

"Dahil ba kay Frost?"

"What?! H-hindi no!"

"It's time." Napatigil ako sa pakikipaglaban habang nakikipagbangayan kay Blake dahil sa boses na aking narinig sa dyamanteng headband na aking suot.

May inilagay na dyamante si Cassy doon upang doon kami pwedeng mag-usap at maaring masimulan na namin ang pangalawang bahagi ng aming plano.

"Blake, oras na."

"K."

Lumapit ito sa akin at gumawa ako ng PhyBarrier sa aming paligid at pinalutang ito.

"Hold tight, you might fall and get yourself hurt."

"Ayoko, matagal na akong nahulog ako sa 'yo." Banat pa nito upang apa-irap ako sa hangin.

Ano kayang napasok sa utak ng lalaking 'to at ganito ang pakikitungo niya sa akin.

Inalis ko sa aking isip ang mga sinabi ni Blake sa akin at nakinig akong mabuti sa bawat direksyong ibinibigay sa akin ni Cassy upang madali ko siyang mahanap.

I really hope our plan works. Ito lang ang naiisip naming paraan upang manalo.