Chapter 71: Death.
Nagising ako sa malakas na katok ng pinto mula sa labas. Lumabas ako sa kwartong aking tinutulogan, naalerto ako bigla ng may marinig akong malakas na kalabog.
Tinungo ko ang sala para tingnan ang nangyayari pero agad akong napatago pader na aking hinahawakan dahil may nakita akong tatlong lalaking suot ang cloak ng kaharian ng Froat.
Paniguradong nalaman na nilang nakatakas ako sa kaharian. Gosh, papaanong nahanap nila ako dito?
"Nasaan siya?! Nasaan ang babae!" Galit na turan ng lalaki habang nakahawak ito sa kwelyo ni Margarito.
Nangamba ako sa kalagayan ni Margarito, gusto ko siyang tulongan pero alam kong lalo siyang mapapahamak kapag naki-alam ako. Hahanap nalang ako ng tyempo upang tulongan siya kapag sinubukan siya nitong saktan.
"H-hindi ko po alam ang sinasabi niyo." Utal na tugon nito sa lalaki. Alam kong natatakot ka Margarito pero kailangan mong magpakatatag kaya mo 'yan.
"Huwag kang magmaang-maangan bata! Alam kong nandito siya, may nakakita sa kanyang pumasok dito!" Galit na turan nito kay Margarito at sinuntok ito sa mukha.
Natumba si Margarito at agad na lumapit ang umiiyak nasi Erika sa kanyang kuya. Mas lalo akong kinabahan sa mga nangyayari kailangan kong gumawa ng paraan para matulongan sila.
"Poor kid, let's just kill the both of them and maybe she'll come out." Nakangiting tugon ng isa pang lalaking at halatang sabik na sabik na pumatay.
Nagtawanan naman ang kanyang dalawang kasama, nakaramdam ako ng labis na galit sa kanilang tatlo. How can they think of killing two inosent kids, they'll pay for messing with us.
"Come out or you friends will be dead." Hamon pa ng isa sa kanila sa akin upang hindi ko na matiis.
Inilabas ko sa aking palad ang dyamante ng kalikasan upang nay ugat na pumulupot sa lalaking humamon sa akin. Tingin natin kung saan ang kaya niyo mga lapastangan kayo!
"Looking for me?" I said in a bitchy tone.
Kita ko ang tuwa sa kanilang mga mukha ng ako'y kanilang makita. Tingnan natin kung ganyan pa din ang mga mukha niyo kapag nabugbug ko kayo.
"Divine Roots."
Isang malaking ugat ang bumulusok sa lalaki at tumusok sa kanya sa pader. Tanging malakas na sigaw ang kanyang na naging tugon sa aking ginawang pag-atake. Habang ang dalawa nitong kasama ay hindi nagdalawang-isip na ako'y sugurin.
"Enhancing Magic: Diamond." Tugon ng lalaki sabay umilaw ang dala nitong sandata.
"Target Magic: Magical Shot."
Agad kong ginamit ang dyamante upang gumawa ng malalaking ugat upang ako'y protektahan. Habang abala sa pag-atake ang dalawa ginamit ko ang maliliit na upang upang hilain ang dalawa mula sa labanan.
"Carnivorous Plants."
May lumabas na malalaking halaman mula sa lupa, may matutulis itong ngitin at malaking bunganga. Both of them used their power to inflect pain to my plants, mabuti nalang at kumakain sila ng mahika.
Kita ko ang pagkainis sa kanilang mga mata dahil kahit anong gawin nila ay hindi ito tumatalab. Tanging pag-iwas lang sa mga ginagawang pag-atake ng mga halaman ang kanilang magawa upang mabuhay.
"Damn, where is he?!" I exclaimed ng mapansing nawawala ang lalaking tinusok ko sa pader.
Tanging naputol na ugat ang naro'on, agad kong inilibot ang aking mga mata hanggang sa may marinig akong sigaw.
"K-kuya!"
Napalingon ako sa aking kaliwa at nagimbal ako ng makita kong may nakatusok na palang espada sa dibdib ni Margarito. Habang si Erika naman ay umiiyak sa isang tabi at hindi alam ang gagawin.
"You'll pay for this!" I shouted and used my psychic power upang siya' tumilapon ng ilang metro bago tumama sa isang pader.
Agad akong lumapit kay Margarito na nag-aagaw buhay. Sinubukan kong tanggalin ang espadang nakabaon sa kanyang dibdib pero napa-impit siya sa sakit. Malungkot na ngiti lang ang naging tugon nito sa akin habang siya'y umiiyak.
"Don't give up Margarito, paano nalang si Erika?!"
"Paki-usap alagaan mo ng mabuti ang kapatid ko, alam kong hindi na kaya ng aking katawan at walang malapit na hospital dito. I've already accepted my fate." He said as he held my hand, I couldn't help but cry too.
"No! Huwag kang ganyan! We can find someone to help you, ayokong maging malungkot si Erika sa pagkamatay mo!" Agad na umiling si Margarito at tumingin kay Erika na nahimatay nasa truma.
"I-ipangako mo sa akin Ate Trixia naalagan mo si E-erika ng mabuti. Pakisabi na din lay L-lord Nero na maraming salamat sa tulong niya." He said as he gasp for air, nahihirapan na siyang makahinga.
"But h-."
"T-tumakas na kayo, paniguradong may darating pang mga kawal mula sa kaharian. K-kailangan niyo lang umalis at iwan ako." Malumanay na tugon nito bago umubo ng dugo.
"It's that's what you wish." Sagot ko bago pinunasan ang aking luha at pumunta sa kay Erika.
Ngumiti muna ako sa kay Margarito na wala nang buhay habang akay-akay ko si Erika bago tuloyang lumabas ng bahay. Nasira na ito dahil sa labanang naganap doon, napakaraming malalaking ugat at mga busog na halaman nalang ang nabubuhay nilalang doon.
I smiled bitterly, it's my first time killing someone. Hindi ko inaakalang may kirot pa pala sa puso mo kahit masamang tao ang iyong napatay. I have no other choice, if I don't kill them they'll kill us.
It's kill or be killed.
Gumawa ako ng psychic barrier habang akay-akay ko si Erika. Naka-upo akong lumutang sa ere at itinungo ang norte dahil paniguradong may darating pang mga kawal upang ako'y dakpin.
Naglabakbay ako sa kaharian ng Fraot na hindi alam ang patungohan. Ayokong pumunta sa mataong parte ng Froat, dahil ayokong may madamay pang inosenteng mga tao. Ang hirap kapag ganito, para akong pinagbasakan ng langit dahil sa nararamdaman ko.
Ano kayang mararamdaman ni Erika kapag gising na siya at hindi ko man lang nagawang protektahan ang Kuya niya. Ako ang dahilan sa pagkamatay ni Margarito, pero ayokong mamuhi sa akin si Erika.
Dahil na din sa pagod at walang mapagtutungohan ay gumawa ako ng maraming puno sa gitna ng isang patag na lugar. Humanap ako ng isang komportabeling lugar upang doon matulog kasama si Erika.
"Hindi pa naman siguro nila ako matutunton, ang layo na ng nalakbay ko. Hindi naman siguro ako mamatay ko iidlip ako sandali." Sabi ko sa aking sarili at ipinikit ang dalawa kong mata.
--
"O'min'G! Ang ganda ko, mapapasa-akin na din si Fafa Frost!"
"As if, matagal nang akin si Frost at mas maganda ako!"
"Illusyunadaa! Mas maganda aker at matagal ko nang nakuha ang matamis niyang halik!"
Inis akong minulat ang aking mga mata dahil sa ingay na aking narinig. Ba't parang narinig ko ang boses ni KC at Ara na nagbabangayan kay Frost?
Napataas ang aking kilay matapos napansin ang isang pamilyar na bagay na sinasakyan ko. Papaanong napunta ako sa karwahing ito?
"TRIX! Guys, gising na si Trixia!" Tili pa ni Hannah ng pumasok ito sa loob ng karwahi.
"Wee-ner? Let me see nga!"
"Mauuna ako sa 'yo!"
"Tingnan lang natin."
Halos nahulog ako sa aking inuupoan dahil sa pag-uunahan ng dalawa makapasok sa loob ng karwahi. Ni-isa sa kanilang dalawa ay ayaw magparaya.
"Stop acting like kids you two, ganyan ba ang ugali niyo kapag wala si Frost?" Tanong ng pamilyar na boses upang mapatigil ang dalawa sa pagtutulakan.
"Is Trixia already awake? Kanina pa naghahanap ang batang 'to sa kanya." Sabi pa ng isang pamilyar na boses mula sa labas.
Agad akong napatayo dahil alam ko kung sino ang tinutukoy niyang bata. Sana hindi siya na-truama sa nakita niya.
"Okay ka lang Trix?" Tanong sa akin ni Hannah ng makarating ako sa kanya.
"Okay lang, nasaan ang batang kasama ko?" Balik na tanong ko sa kanya.
"Kasama si Blake, ang tahimik nga ng batang 'yon at laging ikaw ang hinahanap." Agad akong napalabas sa karwahi matapos ang sinabi ni Hannah.
"Hi Trixia!"
"Moshi-moshi, Trixia-sama."
Hindi pinansin ang pagbati ng dalawa sa akin at agad kong niyakap si Erika. Inosenteng ngiti lang ang ibinigay nito sa akin.
"Okay ka lang ba?" Agad naman siyang tumango sa aking tanong.
"Taan Kuya?" Parang na-istatwa ako sa kanyang naging tanong.
"Ah? Si Kuya M-margarito mo? May pinuntahan lang 'y-yon." Tanging sagot ko at hindi mapigilang mapaluha.
"Waag iyak!" Sabi nito at pinunasan ang luha sa aking pisngi upang ako'y mapangiti.
"Kailan ka lang marunong magsalita Erika? Ang cute naman!" Bulalas ko pa at ikinarga ko siya.
Napatigil ako dahil sa aking nakita, napakaraming kawal ang narito sa aking paligid. Dumako ang tingin ko sa tatlong pamilyar na tao sa aking harapan.
"Long time no see Trixia."
What's the meaning of this? Bakit sila nandito at bakit maraming kawal ang nandirito? Is this the start of a new war?