Chapter 70: Escape.
Napabangon ako sa aking pagkakahiga at tumingin sa paligid. Nasa aking harapan ang tatlo mukhang halatang nene-nerbiyos dahil sa akin. They cheerfully smiled after seeing me, akala siguro nila na hindi ako magtatagumpay.
"Thank God your fine Trixia." Sambit ni Frost at lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap.
Napayakap din sa kanya matapos kung maalala si Mama. Napaiyak ulit ako ng wala sa oras, agad kong pinunasan ang aking mukha bago kumalas sa pagkakayap kay Frost.
"Bakit ka umiiyak Trixia?" Tanong ni Maica sa akin.
"Wala, may naala lang kasi ako." Pagsisinungaling ko.
Ano kaya ang narasanan ng dalawa upang makuha ang dyamante? Paniguradong maski sila ay nahirapan sa pagsubok na ibinigay ng dyamante.
"Nakuha mo ba ang dalawang dyamante?" Tanong naman sa akin ni Nero.
"Oo."
"Bilib talaga ako sa 'yo Trixia, napaka-espesyal mo talaga." Tugon nito sabag gulo ng aking buhok.
Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin, is it just me or medyo clingy sa akin ngayon si Frost, o baka assuming lang talaga ako?
"I know you could do it Trixia." Nakangiting sambit ni Maica at niyakap na din ako.
Alam kong masaya silang dalawa dahil nagawa kong makuha ang dalawang dyamante. Ngayon may pag-asa na kaming manalo sa labanang ito.
"Now you have the gem, let's escape." Tugon ni Nero upang mapatango ako. Tumingin ako sa kanilang dalawa at ngumiti ng mapait sabay yakap.
"Maingat ka Trixia."
"I will Frost, kayo din ni Maica."
Kumalas ako sa pagkakayap sa dalawa at tumayo. Lumapit ako kay Nero na nasa labas na pala ng silda.
"Do what I told you to do so they won't notice." Nero said referring to Maica and Frost. Napatango naman ang dalawa at nagthumps up pa.
"Here wear this."
Inabot siya sa aking isang pamilyar na bagay. It's a cloak with a hoddy, naalala ko noong una kaming mapadpad sa Mahonotopia malapit na kaming makidnap mabuti nalang talaga at dumating si Frost.
"Hey, your spacing out. You've got to fucos, dalian mo baka may makahalat sa atin." Sambit ni Nero upang mapabalik ako sa realidad.
"Sorry." Tanging nasabi ko bago isinuot ang cloak an ibinigay niya sa akin.
"Follow me and don't make any noise, se-senyas ko sa 'yo kung saan ka tatakas. Gamitin mo nalang ang mahika mo upang lumutang, siguradohin mong walang makaka-pansin at makakakita sa 'yo." Bilin nito sa akin upang mas lalo akong kinabahan sa gagawin ko.
"Naiintindihan ko."
"Basta pagkatapos mong makatakas dito, go to a cabin near here. May pinagsabihan na ako doon, we can trust him. Like me, he want to be free from all of this sh*t." Napangiti ako sa naging tugon ni Nero, his dedicated to free his kingdom from all this hate and sadness.
"Thank you Nero, people like you deserve to be loved and treasure. Maswerte ang mapapa-ngasawa mo." Nakita kong biglang pumula ang mukha ni Nero at umiwas ito ng tingin sa akin.
What's wrong with him?
"Enough with this emo." Matigas na sambit nito. Bipolar na ang lalaking 'to?
Maingat akong sumunod kay Nero palabas ng dungeon. Gaya ng inaasahan ko maraming bantay na nakapaligid at lahat sila ay yumuyuko sa kanya. So he wasn't joking when he said he was the son of Byro, the man who I hate and despise so much.
Napatigil sa paglalakad si Nero ng may makasalubong namin si Olivia. Kahit na nakasuot ito ng maskara ay nararamdaman ko ang mataray na mukha nito ngayon na nakatingin sa akin.
"Lord Nero." Tugon ni Olivia sabay yuko. "Your Father, King Byro has called you for a important discussion."
"I understand, you may go." May awtoridad nitong sambit kay Olivia.
Pero hindi natinag si Olivia, mukhang nararamdaman niyang narito ako dahil sa tinging ipinupukol niya sa akin. May namumuong mga pawis sa aking palad pati na din sa aking mukha.
"You must go now Lord Nero, King Byro has been finding you and hour ago. Where were you? At sino naman 'yang kasama mo?" Mataray na tanong nito upang mas lalo akong yumuko.
"It's none of your business."
"Sino po ang kasama nito Lord Nero? I've her seen her."
"I said it's not of your business."
"Bu-."
"Do you want to be burned to crisp?"
"N-no, Lord Nero."
"Then why are you still standing in front of me you b*tch!" Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Olivia sa naging tugon ni Nero.
Kumaripas ito ng takbo papalayo sa amin. Hindi ko mapigilang tumawa kahit na alam kung bawal. Hindi ko mapigilang tumawa, it's the first time I saw her running for her life.
"What's so funny? Hindi ba sinabi ko sa 'yo na na hindi ka pwedeng gumawa ng kahit anong ingay?" Nagtitimping tanong nito sa akin.
"Sorry, I just c-can't help i-it." Natatawang sagot ko sa kanya, tanging bugnot na tingin lang ang iginanti niya sa akin. "You should try and laugh for once, magmumukha kang matanda."
"What?! Paano mo nasabing mukha akong matanda?" Angal pa nito.
"I just think so."
Nagpatuloy kaming maglakad hanggang marating namin ang isang barkonahi. Tumigil kami sa tapat nito at tiningnan kung may tao ba.
"Looks like you can go now."
"Okay, aalis na ako."
"Mag-ingat ka."
"Ikaw din, maraming salamat."
"No worries, basta tandaan mo ang sinabi ko sa 'yo. The cabin!"
"Ompo!"
Agad akong gumawa ng psychic barrier sa buo kong katawan at ipinalutang ito. I waved goodbye at him and he waved back bago unti-unti akong lumulutang pababa ng matayog na kastilyo.
Naging maingat ako sa lahat ng aking ginawa habang tinitingnan ang paligid na kung may nakaka-pansin ba sa akin. Matagumpay akong lumapag sa lupa na walang nakakapansin.
Umakto akong normal na mamayan ng Fraot habang naglalakad patungo sa sinasabing cabin ni Nero. Alam kung hindi ako mahihirapan sa paghahanap nito dahil patag ang lugar at walang masyadong mga puno sa paligid.
Patuloy akong naglakad hanggang sa may nakita akong maliit na bayan. Napangiti nf may maalalang bagay, parang nasa dati kong tahanan lang ako. Magkadikit-dikit ang mga bahay dito parang sa squatters area doon sa Jurmon City.
Mahinahon akong naglalakad patungo sa kanilang kalsada. Nakita kong biglang napatigil sa masyang paglalaro ang mga bata sa paligid at pumasok sa kanilang mga tahanan habang ang mga matatanda ay agad na isinarado ang kani-kanilang bahay.
Bakit gano'on ang kanilang naging reaksyon? Takot ba sila sa akin? I forgot, suot ko pala ang damit ng isang kawal ng kaharian ng Froat.
Nakaramdam ako ng awa sa kanila, ngayon alam ko na ang ibig sabihin ng sinabi ni Nero. The life here is very sad, takot lang ang kanilang nararamdaman sa mga namumuno sa kanila. Imbes na sila'y tulongan ay lalo pa silang ginigipit nito.
Patuloy akong naglakad sa hanggang nakita ko na ang sinasabing cabin ni Nero. Kumatok ako ng ilang beses doon bago may bumukas na batang babae sa pintuan. Takot itong tumingin sa akin kaya't ngumiti ako sa kanya upang iparating na hindi ako kalaban.
"Ako si Trixia, kaibigan ako ni Lord Nero." Sabi ko upang umalis ang batang babae at isinara ulit ang pinto.
May ginawa ba akong mali?
Kakatok na sana ulit ako at biglang bumukas ang pinto kaya't natamaan ko ang mukha ng isang lalaki.
"Hala, sorry!"
"Nauunawaan ko, ikaw ba ang ipinadala ni Lord Nero?" Tanong nito sa akin upang ako'y napatango. "Pasok po kayo."
Sa aking pagpasok ay tanging madilim na paligid ang bumungad sa akin, mumunting kandila lamang ang nagbibigay ilaw dito sa kanilang tahanan. Humakbang ako papalapit sa kanila, malapit na siguro ang gabi.
"Pagpasensiyahan muna ang mumunting lugar namin." Tugon ng lalaki sa akin habang ang maliit na batang babae ay nakatago sa likod ng lalaki.
"Okay, sanay naman ako sa ganito. Wala ba kayong ilaw dito?" Tanong ko sa kanya.
"Wala, hindi kami tinutulongan ng kaharian na magtayo ng mga kagamitan dito na pwedeng makatulong sa aming pag-unlad." Malungkot na tugon nito upang mas lalo akong maawa sa kanila.
"I'm sorry."
"Okay lang."
"Anong pangalan mo?"
"Ako si Margarito at ito ang aking nakababatang kapatid nasi Erika." Nakangiting tugon nito sa akin upang ako'y mapangiti din.
"Ako naman si Trixia, ikinagagalak akong makilala kayo." Tugon ko at lumapit sa paslit na si Erika. "Lalo ikaw, ang cute mo!"
Mas lalo itong nagtago sa likod ng kanyang Kuya. Kaya naman pala magkamukha silang dalawa. Sa tansya ko ay anim na taong gulang palang si Erika at 17 pa lamang si Margarito.
"Paumanhin Binibining Trixia, hindi pa marunong magsalita si Erika kahit na siya'y anim na gulang na."
"Bakit?"
"Dahil siguro sa pagkamatay ng aming magulang sa harapan niya." Emosyonal na tugon nito na halatang nagpipigil sa pag-iyak.
Nakakalungkot naman ang buhay nila, sa murang edad pa lamang ay nawalan na sila ng mga magulang. Papaano sila nakakain ng tatlong beses sa isang araw at kanilang mga pangangailangan.
"Nakikiramay ako. Kawawa naman pala itong si Erika." Malungkot kong sabi sa kanila habang nakatingin kay Erika. "Sino ngayon ang nag-aalaga sa inyo?"
"Tinutulongan po kami ng aming mga kapitbahay lalo na po ni Lord Nero." Nakangiting sabi nito sa akin upang mas lalo akong mamangha kay Nero.
Grabe, hindi ko inaakalang ganito pala kabait si Nero. Kung ang lahat ng tao ay gaya ni Nero na kahit medyo cold at supado ay may puso, paniguradong mas magiging maganda ang mundo.
"Dito na po kayo magpalipas ng gabi at bukas na kayo pumunta sa Legion upang humingi ng tulong. May nakahanda na pong pagkain dito sa lamesa."
"Maraming salamat."
Nakangiti kong itinungo ang kanilang hapagkainan. Ang tatag nila, they see the beauty even in the darkness.
I miss my old life. Kahit na medyo marami akong pagsubok na pinagdadaanan.