Chapter 68: Deal.

Nagising ako sa isang boses na tumatawag sa akin. Sa pagmulat ng aking mata ay nasilaw ako sa liwanag na nagmula sa isang bintana 'di kalayoan.

"Salamat at gising ka na din Trixia." Tugon ng isang pamilyar na boses.

"Trixia sure is a sleepyhead, papaano siyang nakatulog ng gano'on katagal?" Dagdag pa ng pamilyar na boses.

Nang tuloyan ng masanay ang aking mata sa sinag ng araw ay malaya na akong tumingin sa paligid. Napasigaw ako sa tuwa ng makakita ko si Maica na nakagapos sa isang kadena malapit sa pader, mukha pa itong matamlay at walang gana.

"Maica!" Gusto ko siyang lapitan pero hindi ako makalapit ng walang dahilan.

"Don't force yourself Trixia, we can't escape nor break this chains." Malungkot sambit ni Maica upang mapatingin ako sa aking kamay.

Nakagapos din ang kamay ko sa kadena gaya niya. Kaya naman pala pati siya mayroon nito, napatingin ako sa paligid at nakakita ko si Frost na gano'on din ang kalagayan. Nakakainis nga't ang layo namin sa isa't-isa.

Sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko pero ayaw gumana. Paulit-ulit ko itong ginawa pero ayaw talaga eh.

"It's useless."

"Ano 'to? Bakit ayaw gumana ng kapangyarihan ko?" Nagtatakang tanong ko.

"Those are ErazingChains Trixia, it's similar to the magic of Wyrun Wolves's leader." Sagot ni Frost upang mawala ang ngiti ko sa labi.

Natagpuan na nga namin si Maica ngunit hindi naman kami makalapit sa isa't-isa habang nandito kami sa isang kulongan. Wala naman kaming magagawa dahil kahit subukan namin itong sirain tanging malakas na mahika lang ang makakasira nito.

Sandali, papaano ako napunta dito?

"Nasaan pa ba tayo?"

"We're in the Froat's Castle dungeon." Matamlay na sagot sa akin ni Maica.

Napansin ko na parang walang ganang magsalita si Maica pati na din si Frost na nakakapagtaka. What's wrong with the both of them, parang may pinagdadaanan silang malaki.

"What's with those faces? Bakit kayo ganyan at nasaan si Rim, Maica? Akala ko magkasama kayo." Tanong ko kay Maica pero ibinaling niya ang atensyon sa ibang dereksyon.

"Tell her the truth Maica."

"Anong truth na pinagsasabi mo Frost? Anong meron?" Takang tanong ko sa kanila upang mabahala ako.

Mas lalo akong nabahala ng humagugol si Maica sa iyak. Bakita siya ganyan? May masama kayang nangyari sa kay Rim? Namamaga na pati ang kanyang mata at napakalaki ng mga eyebugs.

"What's wrong? Sabihin niyo sa akin, please."

"Si R-rim..."

"Anong nangyari sa kanya?"

"H-he, he betrayed us."

"ANO? Hindi magagawa ang kanyang bagay ni Rim." Bulalas ko pa sa kanila. Hindi isang manlolokong tao si Rim na nakilala ko.

"Ganyan din ang akala ko." Malungkot na dagdag ni Frost upang mas lalong magtaka.

"Papano?"

"Noong magkasama kami sa Fairytopia bigla akong nawalan ng lakas at nawalan ng malay. Paggising ko ay nandito ako na mag-isa, sinubukan kong tumakas pero hindi ko magawa. Halos umiyak ako sa tuwa ng makita ko siyang pumasok siya dito mag-isa." Napatigil siya bigla, alam kong pinipigilan niya ang sariling umiyak.

"Akala ko nandito siya para tulongan akong makatakas pero hindi pala. Siya ang dahilan kung bakit ako narito, parang mababaliw ako kakaisip kung papaano niya ito nagawa sa akin. He's not the same Rim that I once loved." Mangiyak-ngiyak na paliwanag ni Maica. Tanging hikbi niya lang ang aking naririnig sa mga oras na 'to.

"Akala ko nagbibiro lang si Rim pero noong pumunta siya dito at nagkausap kami doon lang ako nasampal ng katotohanan. Nag-iba na ang ugali at pakikitungo niya sa amin." Ramdam ko ang pagkadismaya sa boses ni Frost.

Napakuyom ang aking kamao matapos marinig ang kanilang mga paliwanag. Hindi ko alam kung papaano nasisikmura ni Rim ang pagtaksilan ang mga kaibigan niya lalo na si Maica. Akala ko pa naman napakabait niyang tao, 'yon lang pala ang akala ko. I despise traitors like him.

"Let's not think and problem about the decision Rim made. Kailangan nating maka-isip agad ng paraan na maka-alis dito. Sooner or later, pupunta sila dito upang kunin sa atin ang dyamante." Sambit ko at umaasang sanay mawala muna si Rim sa kanilang isipan.

Alam kong masakit para sa kanila ang desisyong ginawa ni Rim, gano'on din ang naramdaman ko pero hindi dapat kami magpa-apekto sa mga tulad niya at mas lalong magpursiging lumaban.

"Your right." Sang-ayon ni Frost.

"I'll try to, living to me doesn't matter now. I want to die and forget this pain." Umiiyak na sambit ni Maica habang ang kanyang mukha ay namumula at ang kanyang luha'y umaagos sa kanyang dalawang pisngi.

Gusto ko siyang yakapin upang pagaanin ang nararamdaman niyang bigat sa puso pero hindi pwede. Tanging mga salita lang ang magagamit ko upang pagaanin ang kanyang mga hinanakit.

"He said that he loved me and I gave him the word he wanted to hear because I also loved him pero kahapon sinabi niya sa akin ang totoo na kaya nagawa niya 'yon dahil inutusan lang siya. Sinabing ayaw niya sa talonang tulad ako at walang silbing nerd, sino daw na nilalang ang magakakagusto sa akin. Ang sakit ng mga salitang binitawan niya."

"Don't end your life Maica just because someone you love left you. Kailangan mong maging malakas at ipamukha sa kanya na mali ang ginawa. You deserve better, you deserve to be cherished."

"Thanks Trixia, napagaan mo ang loob ko ng kaunti." Nakangiting sabi nito sa akin upang mapangiti din ako.

"Pero sa tingin ko hindi kayang gawin ni Rim ang gano'ong bagay. Baka may kung anong ginawang ang LunaLight sa kanya para gawin sa atin 'to." Suhesyon ni Frost upang mapangiti ako ng mapait.

"Your maybe right Frost, but that's not enough reason for him to betray us." I said in a pissed tone.

"Let's not judge him too much Trixia, we don't know the whole story." Kampi pa ni Maica sa kay Rim kahit alam niyang mali ito.

One word to describe her right now. Marupok. Pero may punto ang sinabi niya, hindi ko naman alam ang buong pangyayari at kung anong pinagdadaanan ni Rim.

"What's with all this drama?" Napalingon kaming lahat sa labas ng silda at bumangad sa amin si Nero.

Kusang kumulo ng dugo ko nang nakita ko siya. Bakita may mga taong sakim na gaya niya? Kahit na alam kong ilang beses niya na kaming iniligtas sa 'di malamang dahilan ay hindi mawawala ang pagkamuhi ko sa mga tulad niya. Dahil sa mga tulad niya, naging ganito ang mundo at nawala sa piling ko ang aking Ama.

"Aren't you happy that you still alive right this moment?" Tanong nito upang tumaas ang dalawa kong kilay.

"If I would be living in a life like this, full of suffering, it would be better for me to kill myself." I replied sarcastically upang mapatawa siya.

"It's my first time seeing your bitch side, you look cute." Aliw na sambit nito sa akin upang mas lalo akong mainis.

"I don't need a compliment from a criminal like you, it gives me the creeps." I blanky replied.

"Okay, so you hate me? How about we make a deal?" He said in a playful tone.

"Don't Trixia." Bulong sa akin ni Frost.

"I know." I replied and then looked at Nero with a fierce look. "Not interested."

I won't fall for this trap, hindi ako tanga. Ayokong maging isang laroan na pwedeng niyang paglaroan, I don't want to fill his hunger for amusement.

"Then it's useless to be here." Sambit ni at aalis na sana pero pinigilan siya ni Maica.

"Wait!" Sigaw ni Maica upang mapatigil ito.

"Your interested huh?" Tanong niya at tumingin kay Maica.

"Anong deal ang ibig mong sabihin?" Kahit hindi ko makita ang mukha niya sa mga oras na 'to dahil sa maskarang kanyang suot pero alam kong nakangisi siya sa mga oras na 'to.

"I'll set one of you free along with the Gem and get some help." He said like it was nothing.

Mahina akong napatawa, his offer is to good to be true. Malamang isa itong patibong upang matupad niya ang kanyang mga plinaplano.

"In exchange of what?" Frost asked in curiosity.

"For your, s-safety." He said and looked at me. Bakit parang nararamdaman kong ako ang tinutukoy niya?

Baka mali ang pagkakakilala ko sa mga taong tulad niya, maybe his different. I've always have this feeling that he's nice and a good person but why is he doing this? Nakakalito naman 'tong lalaking 'to!

"Huwag mo nga kaming lokohin! Hindi kami tanga para maniwala sa 'yo at mas lalong hindi kami marupok, sino ka? Si crush?" I asked in a irritated tone.

"Nasa inyo lang 'yan kung hindi kayo maniniwala. It's better to risk than do nothing." He said in a daring tone.

Ano ang gagawin namin? Gusto kong maniwala at subukan ang kanyang gusto pero baka mapahamak lang ako.