Chapter 67: Captured.
"Kalurkey! Ayokong mamatay na dahil sa dagat! Mga kapwa kong sirena tulongan niyo kami!" Sigaw ni KC at halatang natataranta.
Mabilis kasing bumalik ang tubig at hanggang bewang na namin ito. Kita kong nahihirapan si Trevor na pigilan ang patuloy na pag-agos ng tubig.
"So pathetic." Tugon ng lalaking berde ang maskara upang taasan ko siya ng kilay.
Kami? Pathetic? Pathetic niya ang mukha niya. Maghintay lang siya at kami naman ang tatawa sa kanila.
"Hold tight everyone, this is going to be rough." Bago pa man kami makatugon sa sinabi ni Frost ay kusang tumaas ang lupa upang mapasigaw kami ng malakas.
"Haggardous na me!"
"Mabuti nalang at nakakapit ako sa 'yo Frost kun'di nahulog ako at walang sasalo sa akin." Malanding sambit ni Ara sabay tili kita ko naman ang pagkainis sa mukha ni KC dahil sa mahigpit na kapit nito sa braso ni Frost.
"You think you can escape? Did you forget that this place is filled with water? This is my domain!" Biglang sambit ni Nero sa aming unahan na nakatapak sa tubig kasama ang mga meyembro ng LunaLight.
"God of Wisdom, Caesar, may your powers help me exterminate this creatures to dust. ElectrifyingWaters." Kasabay ng pagsambit nito ay ang pag-ilaw ng kulay dilaw at asul sa dyamante.
Biglang nagkaroon ng malalaking alon sa lahat ng aming dereksyon habang binabalot sila ng malalakas na kuryente. Gosh, mukhang wala kaming laban kay Nero, ang lakas ng dyamanteng hawak niya.
"Frost, do something! I don't want to be electrified!" Bulalas ni KC at kumapit sa isang balikat ni Frost habang ang isang balikat nito ay kumakapit si Ara.
"Paano ko naman magagawa 'yon kung nakakapit kayo sa akin?!" Galit na tanong nitosa dalawa upang agad silang mapabitiw.
Marahil ay nagulat sila sa naging reaksyon ni Frost. Kahit mismo ako ay nagulat, ngayon ko lang makitang magalit si Frost. Baka siguro ayaw niyang mapahamak kaming lahat dahil siya ang nagsisilbing lider namin.
"God of Earth, Aigaion, let me be as hard as a rock to defeat my foes! EarthWall." Umilaw ng kayumangging kulay ang dyamante upang may lumitaw na mataas na pader sa aming harapan.
Naramdaman naming lahat ang impact ng atakeng iginawad ni Nero sa amin. Agad akong gumawa ng aksyon dahil sa tingin ko hindi sapat ang EarthWall na ginawa ni Frost upang protektahan kami.
"Let me help you. Phychic Magic: PhyGuard." Tugon ko kasabay ang paglitaw ng rosas na ilaw sa paligid at binalot kami nito.
All of the waters that broke the defense of Frost hit my Phychic Barrier. Mabuti nalang at sapat ang lakas ng nagawa kong barrier upang hindi ito masira sa napakaraming tubig sa itaas namin.
Bigla kaming natumba at napa-upo sa lupa ng biglang may humampas sa pundasyon ng lupang aming inaapakan mula sa ibaba. Unti-unting bumagsak sa tubigan kaming lahat, tanging sigawan naming lahat pati na din sa mga lalaki ang aming narinig.
"Ayoko pang mamatay!" Sigaw ni Hannah sa takot, mabuti nalang talaga at nasa loob kami ng barrier ko upang hindi kami malunod.
Tuloyan nang nasira at lumubog ang ginawang lupa ni Frost. Hindi ko alam na ganito pala kalakas ang ika-walong dyamante, papaano namin matatalo si Nero?
"We need escape!" Sigaw pa ni Ara.
"Frost, paano nalang kaya kung itakas natin silang lahat at tayo nalang ang kakalaban kay Neron upang hindi tayo mahirapan." Suhesyon ko pa.
"Sige, game ako diyan! Gurabels minna-san!"
"Hindi namin kayo pwedeng iwan dito Trixia! Hindi natin alam ang maaring mangyari sa 'yo!" Tugon ni Trevor upang mapangiti ako.
"Alam kong nag-aalala kayo Trevor, pero mas kailangan niyong makatakas dahil hindi namin kayo laging ma-protektahan. Don't worry, we'll come back alive." Nakangiting tugon ko upang mapangiti na din siya.
"I'm so proud of you Trixia, you've become so strong."
"Thank you."
"Sana maintindihan niyong lahat na gagawin namin 'to para sa inyo. We will escape if we have a chance, tiwala lang tayo sa trust." Sabi ni Frost upang magsitangoan sila.
"Pero papaano naman kami makakatakas?" Tanong ni Hannah.
"May ideya ako." Seryosong sabi ko sabay inilabas ang dyamanteng aking hawak. "Goddess of Animals, Wyrmaen, lend me your mighty powers to help my friends escape. I summon thee, Griffin."
Nakita ko ang pagkamangha sa mukha nilang lahat, sino namang hindi? Matikas ang tindig ng dalawang Griffin sa aming harapan. Lumapit ako sa kanila at kinakabahang hinaplos ito, mabuti nalang at hindi ito nagwala. Mukhang mababait naman ito dahil sa biglang paglapit ng dalawa sa akin.
"Hop in."
"O'min'G! Hindi ko inaasahan sa tanang buhay ko na mangyayari ito! I'm going to ride a mythical creature, a griffin!" Halos mahimatay na sabi ni KC.
"Your gems power is unique Trixia, parang ako." Sambit ni Blake upang inis ako mapangiti sa kanya.
Napatigil kaming lahat dahil bigla gumalaw ang barrier na ginawa ko. Hawak na pala ito ng malalaking kamay na gawa sa tubig, sinusubukan nitong sirain ito.
"Dalian niyo na, I can't hold this barrier much longer!" Bulalas ko at sinusukang tatagan ang sarili. Malapit nang masira ang barrier at maya-maya ay tuloyan na itong mawawasak.
"Kami na bahala sa kanila, tumakas na kayo dito." Utos ni Frost sa kanila upang agad silang sumakay sa griffin.
"Mag-ingat kayo." Tugon ni Trevor at kasabay nito ang pagkasira ng barrier at pag-alis nila.
"Kaya mo 'yan Trix!" Nakangiting sabi ni Hannah sa akin bago tuloyang umalis.
"Kayo din."
Gumawa ako ng isang malapad na espasyo na pwede naming apakan ni Frost at lumutang sa ere. Agad kaming lumayo sa malalaking tubig na kamay upang hindi ma-disgrasya.
"Do you think that I'll let you escape that easily? Water Spikes!" Nakaraming matutulis na tubig ang bumulusok mula sa karagatan ang patungo sa dereksyon nila Hannah.
Ginamit ko ang kapangyarihan ko upang pigilan ang karamihan ng WaterSpikes na tamaan sila. May ibang WaterSpikes na nakakalusot, mabuti nalang at magaling umiilag ang mga griffins sa mga atake ni Nero.
"Earthic Armor." Frost said as rocks and other forms of earth surrounded his body.
Gumawa siya ng batong tuloy patungo kay Nero at sinugod niya ito. Nakakapagtaka ngang napakabilis kumilos ni Frost kahit na mabibigat na na bato ang nakapalibot sa kanyang buong katawan.
"It's futile, you two are amateurs. You don't know how to control and use your powers fluently." Asar na tugon ni Nero kasabay ng paglitaw ng nakaparaming seaweed.
It eventually stopped Frost from moving, hindi lang kasi sila marami, ang lalaki pa nila. Kahit anong ginawang pagpupumiglas ni Frost ay 'di siya makagalaw.
Agad kong ginamit ang aking kapangyarihan upang pakawalan si Frost. Kasabay ng pagkawala ni Frost ay ang pagbulosok ng mga bato sa katawan niya patungo kay Nero. Hindi man lang kumilos si Nero at kusang tumaas ang tubig sa kanyang harapan upang siya'y maprotektahan mula sa atake.
"Thank god, nakatakas na din sila." I murmured.
Halos hindi ko na matanaw kung nasaan sila, agad kong ginamit ang aking kapangyarihan upang buhatin si Frost at dalahin sa aking tabi.
"Looks like they escaped safely."
"Yeah, tayo naman ang tatakas." Sagot ko habang nakatingin ng matalim sa amin si Nero.
"Mukhang mahihirapan tayong gawin 'yon, it's 2 vs 6." Alangang sagot ni Frost.
"We won't know until we try, kaya natin 'to!" Sabi ko at ipinalabas ang dyamante sa aking palad. "Goddess of Animals, Wyrmaen, give us the strength to defeat and overcome LunaLight. Sirens!"
Kasabay nito ang paglitaw ng dalawang magagandang sirena sa aming harapan. They look beautiful and charming but they're pretty vicious.
"What can you we for you Master?" Tanong ng isa sa kanila.
"Will you distract them for me?"
"Sure."
Agad na lumangoy ang dalawa patungo sa LunaLight. Walang ginawa ang ibang meyembro nila kun'di tumanga habang si Nero ang abala sa pakikipaglaban sa amin. Masyado ba silang kampante na matatalo kami ng lider nila? They should think twice!
"Hi boys!" One of the sirens said in a seducing tone.
Nakita kong biglaang may kakaiba sa galaw ng mga lalaking meyembro ng LunaLight ngunit tanging si Nero ay nanatiling walang kibo. Looks like we can't manipulate those who has attain the gem.
"Get ready Frost, once they attack. Tatakas agad tayo." Mahinang bulong ko na sapat lang upang marinig niya.
Tanging tango ang naging sagot ni Frost kaya't ibinaling ko nalang ang aking atensyon sa kay Nero.
Napatakip ako sa talinga dahil sa biglaang pagsigaw ng isa sa kanila, kahit ang ibang meyembro ng LunaLight ay gano'on din. Ngunit parang wala itong epekto kay Nero na nanatiling nakatingin sa akin. Ginamit ng isa sa kanila ang kanyang kakayahang kontrolin ang tubig upang atakehin si Nero.
"God of Wisdom, Caeser, let this imbeciles know your power and strength." Gagamitin ko na sana ang aking kapangyarihan upang makatakas kami ni Frost pero biglang ang dalawa. "Go back to where you belong."
Naka-iling ako ng biglang maglaho ang dalawa sa akinf paningin. Ganyan ba kalakas ang kapangyarihan ng ika-walong dyamante.
"You think I didn't know what your planning? You can't trick me with your child's play." Tugon nito na may tuwa sa kanyang mga mata upang mabahala ako.
Napaluhod ako bigla sa sakit na aking naramdaman at tuloyang napahiga sa aking psychic floor. Parang na kukuryente ako, hindi ko na din makagalaw ang aking katawan. Nakita kong gano'on din ang sitwasyon ni Frost dahil magkarahap kaming dalawa na napahiga sa aking phychic floor.
"Too easy. Get them, we'll just extract the Gem in Fraot. I'm tired." Rinig kong sambit ng isang boses bago tuloyang mawalan ako ng malay.
How did he do that? Ni hindi ko man lang naramdaman ang kanyang ginawang pag-atake sa amin.